inaprubahan ng Padre Heneral ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, Ang Kanyang Kabanalan, Papa Pedro III. Sa anumang higit pang pag-imbestiga o pag-aaral tungkol sa Palmaryano Katolikong Simbahan kinakailangan lamang na pumunta sa social media accounts na awtorisado ng Palmaryano Katolikong Simbahan, na ang iba ay nakalink sa ilalim ng pahinang ito. Ang karamihan sa ibang mga publikasyon sa internet ay nagkukulang sa anumang katotohanan at magiging nakalilito at hindi tiyake. Magbasa pa
Nais naming tanggapin nang may kagalakan ang lahat na nagnanais na malaman ang tungkol sa mga Aparisyon ng Pinakabanal na Birheng Maria at ang mga kaganapang buhat sa langit sa Sagradong Lugar ng Lentisco sa El Palmar de Troya, na nagsimula sa taong 1968.
Gayundin, nais naming linawin na ang tunay na Simbahan ni Kristo ay nawala na sa Roma noong ika-6 ng Agusto, 1978, at buhat doon ay inilipat sa El Palmar de Troya, sa pagkakapili kay Papa San Gregoryo XVII bilang Bikaryo ni Kristo, direktang pinili ng Ating Panginoong Hesukristo.
Si Clemente Dominguez y Gomez, na sa bandang huli ay Papa Gregoryo XVII, ay ang prinsipal na tagapagtanggap ng mga mensahe buhat sa langit na ibinigay sa Sagradong Lugar na ito, subalit maliban sa kanya, ang Langit ay nagsagawa ng maraming mga himala at mga kaganapan buhat sa langit sa pamamagitan ng maraming iba pang mga tao bilang paghahanda at patunay sa katotohanan ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troyaa. Sa iba pang kaalaman
1. Ang Simbahan ni Kristo ay Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryano: Siya ay Isa sa Pananampalataya, sapagkat ang katotohanan na inihayag ng Diyos ay magkatulad para sa lahat; Isa sa pamamahala, sapagkat may isa lamang na nakikitang Namumuno, ang Papa; at Isa sa mga Sakramento, sapagkat sila ay pareho para sa lahat ng mananampalataya ng Simbahan…. Magbasa pa
2023-06-21
Kami ay naghahanap ng mas maraming mananampalataya para sa Tunay na Simbahan ni Kristo. Ang huwarang tao ay isa na hindi gusto ang mga bagay ng mga pagano. Ang pagano ay isang taong may gusto sa kabaligtaran ng gusto ng mga Palmaryano. Ang mga Palmaryano, ibig … Magbasa pa
De Gloria Ecclésiae (Simula 22-4-2016 hanggang sa kasalukuyan). Sa mundo, Markus Josef Odermatt, pagkaraan naging Obispo Padre Eliseo Maria. Tingnan pa
Ang Palmaryanong Semana Santa ay nagsisimula sa ika-20 ng Marso at nagtatapos sa ika-27 ng parehong buwan, bawa’t taon. Ang mga prusisyon ay nagsisimula sa 21:00 oras na kung saan ang mga pintuan ng Katedral ay binubuksan at ang musika ng banda ay nagpupugay sa Sagradong mga Estatwa. Habang ang mga Karosa ay lumalabas ang mga anghel ay umaawit sa harap ng kahanga-hangang pagrerepresenta sa mga nasa langit. Tingnan pa
Sa pagpasok sa Sagradong Lugar na ito, ay kinakailangang manamit ayon sa Pamantayan ng Palmaryano sa Pagiging Desenteng Kristiyano.