Ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III
Ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III, De Glória Ecclésiæ (Simula 22-4-2016 hanggang sa kasalukuyan)
Sa mundo, Markus Josef Odermatt, pagkaraan naging Obispo Padre Eliseo Maria. Siya ay ipinanganak sa Stans, Nidwalden, Switzerland. Siya ay galing sa angkan ni San Nicolas ng Flue, isang ermitanyo noong ikalabing limang siglo, pinagpipitagan sa Switzerland bilang Ama ng kanyang Bayan, na ang tanging pagkain sa loob ng dalawampung taon ay Banal na Komunyon, at siya ay nagtagumpay na palayain ang kanyang bansa sa mapanganib na digmaang sibil, at himalang tinulungan ang Switzerland na hindi madamay sa Una at Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Bandila ng Nidwalden Canton ay nakalarawan ang selyo ng papa na Susi sa Kaharian ng Langit para sa pagpupugay sa kanilang patron na si San Pedro Apostol. Si Obispo Padre Eilseo Maria ay lumahok sa Order of Carmeites of the Hoy Face noong 1985, at naging misyonero sa Timog Amerika sa loob ng labingwalong taon. Siya ay Kalihim ng Estado sa halos 5 taon, simula 2011 hanggang 2016. Si Papa Pedro III ay pinanatili ang bagong kalendaryo sa Banal na Araw ng Palmarian, na nagsisimula sa ika—20 ng Marso at natatapos sa paggunita ng Linggo ng Muling Pagkabuhay, sa ika-27 ng Marso; at ang ika-25 ng Marso, ang araw na kung saan ang Ating Panginoong Hesukristo ay namatay, ay laging sa Paggunita ng Biyernes Santo, kahit na ano pang araw ng linggo ito ay pumatak. Sa mundo ng pangkalahatang pag-aapostata, ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III, bilang Mabuting Pastol ng mga kaluluwa, sa paraan ng kanyang mga Apostolikong Sulat, ay matapang na ipinaglalaban at inihahayag ang Sakrosanto o Pinakabanal na Doktrina at Morals, sa paraang ito ay nilalabanan ang mali at iba pang pagkabulok ng moralidad.
Apostolikong mga Paglalakbay ng Kanyang Kabanalan Papa Pedro III
Ang Pagbisita ng Kanyang Kabanalan Papa Pedro III noong Mayo 2018
sa Estados Unidos
Ang pagbisitang ito ng Kanyang Kabanalan Papa Pedro III ay para makibahagi sa Eyokaristiko, Mariano at Josepinong Kongreso na sa kanyang sarili ay malaking tagumpay, isinagawa nang may malaking debosyon at kabanalan ng mga Palmaryanong mananampalataya na nandoon. Sa Kongresong ito ang Kanyang Kabanalan ay nagsalita sa mga mananampalataya, maliban sa ibang mga bagay, tungkol sa kahalagahan ng pagbabasa ng mga pang-ispiritwal na mga babasahin, na kailangang-kailangan upang marating ang kabanalan. Nagsalita din siya tungkol sa pangangailangan ng pangrelihiyosong mga bokasyon.
Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Katolikong Simbahan ay nagkaroon ng altar na inihanda sa pagbibigay-pugay sa mga kaluluwa sa Limbo.
Sa panahon ng sagradong mga prusisyon kasama ang mga imahen ng Pinakabanal na Birheng Maria at Pinakabanal na Jose, ang Santo Papa, Pedro III, ay tumigil sa tapat ng altar na ito at ang lahat ng naroon ay nagdasal para sa benepisyo ng mga kaluluwang ito. Gayundin, may altar ding inihanda higit sa lahat para sa pagbibigay pugay sa Banal na mga Kaluluwa sa Purgatoryo at ang nauukol na mga panalangin ay dinasal upang mapaginhawa ang hirap na dinaranas ng nagdurusang mga kaluluwa.
Mga larawan sa Eyokaristiko, Mariano at Josepinong Kongreso sa Estados Unidos
Pagbisita ng Kanyang Kabanalan Papa Pedro III noong Agosto 2018 sa Timog ng Alemanya
Maikling buod ng sermon na ibinigay ng Kanyang Kabanalan Papa Pedro III sa Alemanya noong Agosto 2018
Sa sermong ito, ang Santo Papa ay tinalakay ang tungkol sa kanyang kalungkutan dahil sa, higit sa lahat, mga kabataan at ang mga panganib ng kanilang pag-aapostata. Ang pag-aapostata ay hindi isang bagay na nangyayari agad-agad, subali’t isang bagay na maaaring mangyari sa loob ng mga linggo o mga buwan.
Read More
Upang magkaroon ng pag-aapostata ang demonyo ay ginagamit ang tatlong mga kalaban ng kaluluwa: ang mundo, ang demonyo, at ang laman. Habang lumalaki ang bata, ay laging may panganib dahil ang kaluluwa ay nagigising sa tatlong mga kaaway na ito, subalit mas madalas na hindi nila nakikita ang mga iyon bilang mga kaaway ngunit bilang mga bagay na bago at maganda na, hanggang sa mga sandaling iyon, ay hindi pa nila nalalaman o nararanasan. Ang mga kabataaan ay hindi dapat mawala ang kanilang kainosentehan at dapat lumaban upang mapanatiling malinis ang kanilang mga isip. Ang mga bata ay dapat magkaroon ng tiwala sa kanilang mga magulang at sabihin sa kanila ang kanilang mga pinagdaraanan sapagkat makatutulong sila dahil sa kanilang karanasan. Ang mga magulang ay dapat magpakita ng mabuting halimbawa at magtaguyod ng relihiyosong pamumuhay sa tahanan. Dapat magkaroon sila ng oras para sa kanilang mga anak at pangalagaan sila sa masasamang mga kaibigan. Ang mga magulang ay may malaking responsibilidad sa harap ng Diyos, subalit ang iba sa kanila ay hindi naglalaan ng sapat na oras sa kanilang mga anak. Nagpapakita sila ng masamang halimbawa at sa bandang huli ay nalulungkot kapag ang kanilang mga anak ay nag-apostata. Ang mabuting ama ay pinoprotektahan ang kanyang mga anak at tinuturuan sila ng Kristiyanong pananampalataya. Kung hindi ito ginagawa ng isang ama, sa kanyang partikular na paghuhukom siya ay magbabayad sa harap ng Diyos sa mga kamalian ng kanyang mga anak. Ang mananampalataya ay dapat ding magtiwala sa misyonero. Naandiyan siya para tulungan sila. Dapat ay inihahayag ng mananampalataya ang kanilang kaluluwa sa kanya. Ang pinakaimportanteng bagay ay mabuhay ng relihiyosong pamumuhay, tumanggap ng mga Sakramento nang may kagalakan, gumawa ng mga sakripisyo nang may pagmamahal, magsuot ng mga damit Palmaryano nang may kasiyahan at ipakita sa mundo ang tunay na pananampalataya. Napakaimportanteng basahin ang mga lathalaing ibinigay ng Simbahan, hindi dapat ito kalimutan ng mga tao. Ang mga mananampalataya ay hindi lamang dapat basahin ang mga lathalaing ito, subalit dapat pag-usapan din ang mga ito, lalo na sa kanilang mga anak.