Recent Popes – Iglesia Catolica Palmariana

San Pio XII ang Dakila, Pastor Angélicus, Papa (2-3-1939 hanggang 9-10-1958)

Doktor, Dakilang Mistiko, Stigmatiko, Espiritwal na Martir, Apostol ng Kapayapaan.

Ipinanganak sa Roma, Italya. Pagiging Papa: mula ika-2 ng Marso 1939 hanggang ika-9 ng Oktobre 1958.

Ang maluwalhating Papang ito, sa mundo si Eugenio Pacelli, ay ipinanganak sa kilalang pamilya noong ika-2 ng Marso 1876. Siya ay inordinan bilang Pari noong 1899. Isang taong maraming mga katangian at taimtim ang pagkarelihiyoso, siya ay nag-aral ng Pilosopiya, Teolohiya, Batas Sibil at Batas Kanoniko na may maningning na mga resulta. Siya ay naging propesor sa Unibersidad ng Gregorian, at patuloy nang humawak ng puwesto sa Secretariat ng Estado. Noong 1917 siya ay nanombrahang Arsobispo; at ng taon ding iyon siya ay ipinadala bilang Apostolikong Sugo ng Papa sa Munich, at sa bandang huli ay sa Berlin. Noong 1929 si San Pio XI ay pinangalanan siyang Kardinal. Nang sumunod na taon ay umupo siya bilang Kalihim ng Estado. Si Papa San Pio XII ay nakakamit ng dakilang katanyagan, pati na sa labas ng Simbahan, dahil sa kanyang kahanga-hangang likas na talino, pagkamaalam, kapasidad sa gawain, kahinahunan sa buhay at makapangyarihang personalidad. Siya ay namumukod-tangi sa larangan ng dokrina. Siya ay nagsikap na magkaroon ng pinakamaraming bilang ng mga kinatawan buhat sa mga bansa sa limang mga kontinente sa Kalipunan ng mga Kardinal. Siya ay namatay sa Castelgandolfo, mga dalawampu’t limang kilometro mula sa Roma, at ang kanyang mga labi ay solemneng ilinipat sa lungsod.

Read More

San Juan XXIII, Pastor et Nauta, Pope (28-10-1958 hanggang 3-6-1963)

Dakilang Mistiko, Stigmatiko, Espiritwal na Martir, Apostol ng debosyon kay Maria.

Ipinanganak sa Sotto il Monte, Bergamo, Italya. Pagiging Papa: simula ika-28 ng Oktobre 1958 hanggang ika-3 ng Hunyo 1963.

Ang maluwalhating Papang ito, sa mundo ay Angelo Jose Roncalli, ay ipinanganak noong ika-25 ng Nobyembre 1881, sa isang kaigihang pamilya ng magsasaka. Siya ay nag-aral sa seminaryo ng Bergamo. Noong ika-10 ng Agosto 1904 siya ay inordinang Pari. Simula 1905 hanggang 1914, siya ay kalihim ng Obispo ng Bergamo at isang propesor sa seminaryo. Noong Unang Digmaang Pandaigdig siya ay isang kapelyan sa militar, at bilang ganoon ay nagpakita ng pruweba ng kanyang espiritu ng pagkait sa sarili at sakripisyo. Noong 1921, ay inukopa niya ang mataas na posisyon bilang direktor ng Kongregasyon para sa Pagpapalaganap ng Pananampalataya. Sa taong 1925 siya ay kinonsagrang Obispo sa Roma. Noong 1953 ay natanggap niya ang sombrero ng Kardinal at pinangalanang Patriarka ng Venicia. Namuhay siya ng buhay ng patuloy na pananalangin at penitensya. Ang maluwalhating Papang ito, dahil sa kanyang kabaitan at simple, ay ginamit ng mga kaaway ng Simbahan. Ang Pinagpalang Bikaryo ni Kristo, sa kanyang paglipad patungo sa Langit, ay dumaan nang isang sandali sa Purgatoryo, na buong pagmamahal na nilinis ng Panginoon.

Read More

San Pablo VI, Flos Florum, Pope (19-6-1963 hanggang 6-8-1978)

Dakilang Mistiko, Stigmatiko, Dakilang Martir ng Batikano, Dakilang Protektor ng Banal na Palmaryanong Pamunuan.

Ipinanganak sa Concesio, Brescia, Italya. Pagiging Papa: mula ika-19 ng Hunyo 1963 hanggang ika-6 ng Agosto 1978.

Ang Maluwalhating Papang ito, sa mundo Juan Bautista Montini, ay ipinanganak noong ika-26 ng Septyembre 1897. Siya ay inordinahan bilang Pari noong 1920. Noong 1924 siya ay itinalaga sa Secretariate ng Batikano; at sa taong 1937 ay nagpatuloy na naging Kahalili ng Kalihim ng Estado na hinawakan ni Eugenio Pacelli. Pagkatapos hawakan ang iba’t-ibang tungkulin sa loob ng tatlumpung taon sa Batikano, siya ay kinonsagrang Obispo noong 1954, at itinalaga sa diyosesis ng Milano. Noong 1958 siya ay pinangalanang Kardinal. Ang buhay ni Papa San Pablo VI ay kapuri-puri at banal. Siya ay namuhay sa buhay ng pagdarasal at penitensiya at, siyempre patuloy na pagsasakripisyo, ang kanyang pagiging papa ay isang napakamapighating pag-akyat sa Kalbaryo. Dahil sa malaking bahagi ng kanyang pagiging papa, ang Maluwalhating Papang ito ay ipinasailalim sa druga ng mga tampalasang kasapi ng bumubuo ng pamamahala sa Katolikong Simbahan sa Roma na may layuning pahinain ang kanyang isip at mapasailalim sa kanilang mga kagustuhan.

Read More

San Gregoryo XVII ang Napakadakila, De Glória Olívæ, Papa. (6-8-1978 hanggang 21-3-2005)

Doktor. Pinakamahusay na Repormador ng Buhay ng Pari at mga Relihiyoso. Pinakamasigasig at Tanyag na Nagpapanumbalik sa Banal na Sakripisyo ng Misa at Repormador ng Sagradong mga Ritwal at ng Banal na mga Moral. Pinakamabisang Protektor ng Isa, Banal Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan. Direktang Pinili ni Kristo. Dakilang Mistiko. Espiritwal na Martir. Siniraan ng Napakasama at Pinagtaksilan. Totalmenteng bulag sa buong turno ng pagiging Papa. Dakilang Pundador at Repormador. Patriarka ng El Palmar de Troya. Pinakamasigasig na Patnubay at Bantay ng mga kawan. Labis na Mabisang Protektor ng Banal na Palmaryanong Pamunuan. Apokaliptikong Mensahero. Pinakailustradong Kasaganaan sa Doktrina at Disiplina. Marubdob na Luminaryong Araw na Pinanggagalingan ng Liwanag ng Simbahan.

Read More

San Pedro II ang Dakila, De Cruce Apocalýptica, Papa. (21-3-2005 hanggang 15-7-2011)

Dakilang Doktor, siniraan ng napakasama at ipinagkanulo, Co-Founder ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, Patriarka ng El Palmar de Troya, Ikalawang prinsipal na haligi ng Simbahan ni Kristo sa espiritwal na disyerto ng El Palmar de Troya, Protektor at Tagapagtanggol ng Banal na Palmaryano Kristiyanong Simbahan, Dakilang Katulong sa Palmaryanong Doktrina at Disiplina, Nag-aalab na may kasigasigan ni Elias, Nakatataas na Luminaryo ng Araw ng Simbahan.

Tinawag na Manuel Alonso Corral sa mundo, siya ay ipinanganak sa Cabeza del Buey`, Badajoz, Espanya, alas sais ng umaga, Huwebes, ika-22 ng Nobyembre 1934, kapistahan ni Santa Cecilia, birhen at martir; kung kaya siya ay binigyan ng pangalawang pangalan na Cecil. Ilang araw ang nakaraan siya ay bininyagan sa Parokya ng Simbahan.

Read More