Ulat tungkol sa website ng Banal na Palmaryanong Simbahan
Mga tao buhat sa 44 na mga bansa bumisita sa aming website.
Ang bansang may pinakamaraming bumisita ay galing sa Espanya sinundan ng Estados Unidos, tapos Brazil ang pangatlong puwesto at ang pang-apat na puwesto ay Ireland.
Kami ay nakatanggap ng mga email mula sa iba’t-ibang mga bansa na nagpapakita ng masidhing interes sa Banal na Palmaryanong Simbahan. Sa karamihang mga kaso ang mga tao ay hindi alam ang tungkol sa simbahan magpahanggang ngayon.
Kami, ang Palmaryanong Simbahan, ay nagagalak sa interes mula sa mga bansang hindi pa kami nagkakaroon ng kontak tulad ng Rusya, Ukraine, Kuwait at marami pang iba.
Kami ay labis na nasisiyahan na makita kung paano ang Diyos, Isa at May Tatlong Pagkakaisa, ay ginagamit ang media na ito para maiparating sa mundo ang mga Mensahe buhat sa Langit sa El Palmar de Troya. Alam naming hindi madaling tanggapin ang katotohanan ng Banal Palmaryano Katolikong Simbahan, dahil sa obligasyong kinakailangan nito para sa pakikiisa ng sarili sa nagsasakripisyong Simbahan kaysa magsunod sa madali at komportableng mga simbahan at mga relihiyon.
Ang layunin ng website na ito ay para ipakita sa mundo na ang Tunay na Papa, ayon sa banal dikreto, ay matatagpuan sa Sagradong Lugar ng El Palmar de Troya at dagdag pa na ang kasalukuyang Bikaryo ni Kristo ay ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III.
Inilalagay namin ang gawaing ito sa ilalim ng Kapa ng Pinakabanal na Birheng Maria at sa ilalim ng makapangyarihang proteksyon ng Pinakabanal na Jose.
Nais naming madagdagan pa ng marami ang bilang ng mga wika na pumapasok sa website. Sa lalong madaling panahon ay ilalathala namin ang mga mensahe ng El Palmar de Troya sa wikang Polish.
Nais kaming magpasalamat sa lahat ng Palmaryanong mga mananampalatayang tumulong sa paghanda ng website na ito. Malinaw ang Espiritu Santo, ang tumatanglaw sa pamamagitan ng kanyang Liwanag kung saan ang kadiliman ay naghahari.