Mga Mensaheng ibinigay ni San Ignacio ng Loyola kay Clemente Dominguez y Gomez, ngayon Papa San Gregoryo XVII, ang Napakadakila
San Ignacio ng Loyola
“Pinakamamahal kong mga anak ng Carmelita ng Banal na Mukha, gayundin mga tagapagpatuloy ko, dahil gawain ninyo ang pakikipaglaban kontra sa mga erehe sa kasalukuyang panahon. Natanggap na rin ninyo ang sagradong deposito ng mga Heswita; dahil ang karamihan doon sa mga patuloy na tinatawag ang sarili nilang mga Heswita o Mga Kasama ni Hesus ay nag-apostata; sinisira nila ang aking Gawain. Sa inyo, kung ganoon, inilalagay ko ang aking pagtitiwala, para sa kalituhan ng mga mapagmataas. Para sa kalituhan ng matatalino at maalam, ang Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha ay mga Kasama din ni Hesus. Dahil ang tunay na mga kasama ni Hesus ay iyong gumagawa ng reparasyon sa Kanyang Banal na Mukha. Hindi lamang pagkakataon na parehong Anghel ang pumatnubay sa akin ngayon ay pumapatnubay sa inyong Pundador at Padre Heneral.
Huwag ninyong kalimutan na kayo ay nasa lugar ng aking kombersyon. Dapat ninyong pagnilayan nang taimtim ito. Ang kombersyon dapat ay ang krus na papatnubay sainyo sa inyong mga buhay. Ang tunay na kombersyon ay kinakailangan, pag-ayaw sa mundo. Iwanan ang lahat para sa pagmamahal kay Kristo. Sa dakilang gawaing ito ay maaasahan ninyo ang aking tulong, manawagan kayo sa akin nang madalas bilang isa sa inyong mga Patron.
Obserbahan ninyo ang Mga Kasama ni Hesus noong mga taong lumipas. Sila lagi ang pinakahanda, ang pinakamagaling na patnubay sa espiritwal. Lagi silang mabuti ang pag-uugali, at laging inuusig ng sosyedad, kinikilala ang mga freemason bilang kasama sa mabagsik nilang mga kaaway. Sa mga panahong ito, sa kabaliktaran, ang Mga Kasama ni Hesus ay may mga kaibigan sa lahat ng dako; dahil napasok na sila ng mga freemason, mula sa traydor na iyon, ang kasalukuyang Prepositor Padre Heneral, Padre Arrupe, na pinupuksa ang Orden; na may napakagandang mga relasyon sa mga bansang may kurtinang bakal.
Sa inyong mga pagbabasa, dapat ay manguna ang mga gawa ng Mga Kasama ni Hesus, dahil kayo ang mga tagapagpatuloy nila.
Sa hudyat ng Kanyang Banal na Kamahalan, ang Ating Panginoong Hesukristo, sa Orden ng Banal na Mukha, dapat ay may patakaran na obligadong magbasa ng bahagi ng mga Mensahe ng El Palmar na ibinigay sa inyong Pundador at Padre Heneral, araw-araw. Nakahihiyang kayo ay nagsasayang na magbasa ng ibang mga Aparisyon, na kung minsan ay nakapag-aalinlangan, at hindi ninyo alam ang mga mistikal na kadakilaan ng inyong Pundador, na, kahit na marami siyang mga depekto at mga kasiraan, ay nabubuhay sa napakataas na mistikal na eroplano. Siya ay mabibilang sa mga bilang ng mga mistikong nakatanggap ng pinakamaraming mga grasya. Nakahihiyang kayo ay nabubuhay nang malapit sa kanya nguni’t hindi kayo natututo. Sa bawat Orden ng mga Relihiyoso lagi nilang pinagninilayan ang buhay ng kanilang Pundador. Mag-isip Kayo! Magnilay kayo! Anong Aparisyon ang mas makahihigit pa tulad nitong sa El Palmar de Troya? Wala na kayong matatagpuan kahit saan. Tanging ang Buhay ni Kristo, sa Banal na Lupa, ang nakahihigit dito sa Gawain ng El Palmar.
Ipinapangako ko sainyo ang aking patuloy na pamamagitan sa harap ng Trono ng Pinakabanal na Birheng Maria para sa kapakanan at tagumpay ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha; na tinatawag ding Mga Tagapasan ng Krus, at gayundin Kasama ni Hesus. Manawagan kayo sa akin at mararanasan ninyo ang aking tulong bilang Patron. Binabasbasan ko kayo.”.
Talambuhay ni San Ignacio ng Loyola
Ika-31 ng Hulyo
Presbiter. Relihiyoso. Pundador. Patriarka. Doktor. Dakilang Mistiko. Protektor ng Carmelitas ng Banal na Mukha.
Isa sa pinadakilang haligi ng Katolikong Sumalungat sa Pagbabago sa panahon ng malaking mga erehya at korupsyon sa moralidad, siya ay ipinanganak sa Loyola, Guipύzcoa, Espanya, noong ika-25 ng Septyembre sa taong 1491 sa loob ng isang marangal na pamilya. Siya ang bunso sa labintatlong mga anak nina Beltran Ibáñez de Oñaz y Loyola at Marina Sánchez de Licona. Siya ay may malalim na Katolikong pagpapalaki. Ang kanyang makapukaw-damdaming kabataan, kasama ng mga pananabik sa katanyagan, ay naging daan para siya ay mabunsod sa makamundong pamumuhay. Siya ay may matibay at matapang na karakter, laging handa sa paggawa ng malalaking mga bagay at matalino at maingat.
Noong 1517 siya ay kumuha ng karera sa militar at pumasok sa serbisyo ng viceroy o representante ng Navarre, Duke ng Nájera, at nakilala siya dahil sa kanyang katapangan at husay sa militar. Noong taong 1521 ay lumaban siya kontra sa mga Pranses nang pinasok nila ang Navarre upang agawin ito sa korona ng Espanya, at sa pagtatanggol sa Pamplona ay nasugatan sa binti ng mga tropa ng kalaban na lubos na natalo ng mga puwersa ng Espanya. Bilang resulta ng sugat, kailangan niyang dumaan sa napakasakit na gamutan, dahil nawala sa lugar ang mga buto at kailangang ibalik sa dating kalagayan, nang hindi man lamang siya naringgan ng anumang salita o nakitaan ng anumang tanda ng sakit maliban sa pagkuyom ng kanyang mga palad. Para maging magkapantay ang mga binti, kailangang paikliin ang buto. Para gawin ito ay kailangan siyang itali, subali’t tumanggi siya. Kung kaya kailangang unatin ang kanyang binti sa isang suportang kahoy para maibalik ito sa dating kalagayan.
Ang mga konsekwensya ng sugat na ito ay naging transendente para sa kanya. Sa kanyang pagpapagaling, ang pagbasa ng asetikong mga aklat at mga talambuhay ng mga santo, at ang kanyang sagot sa mga grasya ng Diyos, ang nagbunsod sa kanya para magbago ng kanyang mga panuntunan sa buhay, at isinuko ang kanyang sarili sa pagsilbi kay Kristo at sa Simbahan. Ang sabi niya: “Si San Francisco ay ginawa ito, kaya kailangan ko itong gawin. Si Santo Domingo ay ginawa ito, kaya kailangan ko rin itong gawin.”
Isang taong may bakal na karakter at matigas na determinasyon, noong 1522, hindi pa ganap na magaling siya ay pumunta sa isang perigrinasyon sa santwaryo ng Montserrat sa Barcelona, na kung saan ay pinalitan niya ang kanyang magarang kasuotan para sa isang maluwag at magaspang na kasuotan, at nangakong ikokonsagra niya ang kanyang buhay para sa pagpaparangal ng Katolisismo. Pagkaraan ay tumira siya sa isang kuweba malapit sa bayan ng Manresa, isinuko ang kanyang sarili sa mahabang mga oras ng pagdarasal at mahigpit na penitensiya. At, makaraan ang sandaling paninirahan sa Roma, Italya, siya ay tumungo sa Banal na Lupa, dumating sa Herusalem noong Septyembre ng kaparehong taon 1522. Doon ay ipinaabot niya sa mga Franciscans ang kanyang nais na magpundar ng isang asosasyon na, nakakalat sa buong mundo, na lalaban sa kawalang-galang sa Diyos at erehya. Hindi siya pinansin ng mga Franciscan, at pinagbawalan pa siyang tumigil sa Heruslem. Sa kanyang pagbalik sa Espanya noong 1524, siya ay nagsimula ng ‘ecclesiastical studies’, para maordinahan bilang Pari. Pagkaraan ng dalawang taon ng pag-aaral ng Latin sa Barcelona, noong 1526 siya ay tumungo sa Unibersidad ng Alcalá de Henares, Madrid, kung saan ay nagsimula siya ng pag-aaral sa pilosopiya. Habang siya ay nag-aaral sa Alcalá de Henares, siya ay napagsuspetsahang kasapi ng panatikong iluminati, na, lumamon sa sinasabing banal na mga pagpapahayag, ay nagpunla ng nakatatawang mga kamalian.
Isinuplong sa Banal na Pagsisiyasat, siya ay linitis at nakulong sa loob ng halos dalawang buwan. Ang kanyang pagiging inosente ay kinilala, si San Ignacio ay nakapasa mula sa Alcalá tungo sa Unibersidad ng Salamanca para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, na kung saan ay muli siyang inakusahan, linitis at nakulong nang dagdag na dalawampu’t dalawang araw. Naabsuwelto ng mga awtoridad ng Simbahan, ay iniwan niya ang Unibersidad na iyon at pumunta doon sa Sorbonne sa Paris, Pransya, na kung saan siya ay inakusahan din bilang isang sekretong erehe, linitis at naabsuwelto. Sa Kolehiyo ng Santa Barbara sa Unibesidad ng Paris ay natapos niya ang kanyang pag-aaral sa pilosopiya at Teolohiya, at nagtapos noong 1534. Sa kolehiyong ito ay nakasama niya sa silid ang dalawang mga kasamang estudyante: sina San Francisco Xavier at San Pedro Faber.
Sa Paris sa bandang huli ay nakatipon siya ng mga anim na mga kasama na bumuo ng simula ng asosasyon na kanyang pinapangarap nang may katagalan na. Sila ay: ang Espanyol na si San Francisco Xavier, ang Savoyan na si San Pedro Faber, ang mga Espanyol na sina San Diego Laínez, Alphonse Salmerón at Nicolas Bobadilla, at ang Portugues na si Simon Rodríguez. Noong ika-15 ng Agosto 1534, sa isang kapilya sa Montmartre, sila ay nangako para sa karukhaan at kabinian, na dinagdagan nila ng pagpunta sa Herusalem para gugulin ang kanilang oras sa pagkombert ng mga pagano. Para magawa ito kailangan nilang maghintay ng isang taon sa Venicia para sa pagsimula, at kung sakaling hindi mangyari ang okasyon, ay ipapasailalim nila ang kanilang mga sarili sa utos ng Papa, dahil ang pinakapaboritong katangian ni San Ignacio ay ang pagiging masunurin.
Nang Enero 1537 ay natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa Venecia, subali’t dahil sa digmaan sa pagitan ng republikang ito at ng mga Turko, ay hindi sila makasakay ng barko, kung kaya sila ay pumunta sa Roma para ipasailalim ang kanilang mga sarili sa disposisyon ng Romanong Papa, sa panahon ni San Pablo III ang Dakila. Sa pagtigil nila sa Italya, ay dumami ang bilang ng mga kasama. Binigyang inspirasyon ni Kristo si San Ignacio ng ideya na ang asosasyon ay gawing isang relihiyosong institusyon, at nagpasiya siyang magtrabaho para ito ay maaprubahan. Siya ay naordinahan bilang isang Pari noong 1537. Nang sa kalahatian ng 1538, ang asosasyon ay nakuha ang pangalang ‘Company of Jesus’ o mga Kasama ni Hesus. Si Papa San Pablo III ay nagbigay ng kanyang aprobasyon sa bagong Relihiyosong Orden noong ika-27 ng Saptyembre 1540, ang opisyal na petsa ng pagkakatatag ng Company of Jesus, at si San Ignacio ang ipinroklamang Heneral ng bagong Orden noong 1541. Maliban sa pangatlong pangako ng pagiging masunurin, na hindi maaaring maalis sa relihiyosong buhay, si San Ignacio ay nagdagdag ng pang-apat na pangako; iyong lubos na pagtalima sa anumang ipag-uutos sa kanila ng Soberanyang Papa, kung kaya ang mga Heswita ay naging mga sundalo sa pagsilbi sa Papa. Ang kanilang pamumuhay ay katulad ng mga regular na klerigo, nguni’t may ibang pagpapahalaga sa paraan ng paggawa ng apostolikong gawain. Hindi nagtagal ang banal na Pundador ay ipinadala ang kanyang mga anak na magtrabaho sa labas kasama ang mga mananampalataya, at gayundin sa kombersiyon ng mga pagano, pati na sa ilalim ng huling pangalang ito, hindi lamang ang mga taong sumasamba sa mga diyus-diyusan at mga muslim, subali’t ang lahat ng mga humihiwalay sa Katolisismo.
Si San Ignacio ay hindi isinama ang mga may katungkulan sa Simbahan sa kanyang mga anak, pinapahintulutan niya lamang ang mga ito kung sinasabihan ng Papa. Ang gawain ng mga Kasama ni Hesus ay ekstraordinaryo, hindi lamang sa Europa, kundi pati sa China, Japan, India, ang mga kolonya ng Espanya sa Amerika, at iba pa. Ang kanyang apostoliko at pang-edukasyong gawain ay may malaking epekto, at isang mabisang instrumento sa mga kamay ng Simbahan para sa pagsasagawa ng tunay na reporma, ang pagpigil sa protestantismo at ang muling paglupig sa ibang mga teritoryong sinalakay ng mga erehya. Sa pagkakapundar ng Company of Jesus, si San Ignacio ay nag-ambag sa Katolikong Reporma ng dalawang napakahalagang mga elemento: isang matibay na espiritwalidad at isang Kristiyanong edukasyon. Ang prinsipal na layunin ng ‘Company’ ay ang lalo pang kaluwalhatian ng Diyos, na kung saan sila ay naghahangad sa paraaan ng personal na kabanalan at ng kanilang kapwa.
Si San Ignacio ng Loyola ay namatay sa Roma noong ika-31 ng Hulyo 1556. Siya ay idineklarang banal ni Papa San Pablo V ang Dakila noong ika-7 ng Hulyo 1609.
Kinanonisa ni Papa San Gregoryo XV ang Dakila noong ika-12 ng Marso 1622. Idineklarang Doktor ng Simbahan ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ka-3 ng Oktobre 1978.