Maikling ulat ni Manuel Alonso Corral, ngayon ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro II, tungkol sa Banal na Rosaryo Penitensyal
The Recital of the Holy Penitential Rosary of the Our Fathers ay hiningi sa El Palmar de Troya sa pamamagitan ng mga seers o mga pinagpapakitaan ng mga galing sa langit, at kung ganoon ay hindi imbento ng tao, suballi’t isang petisyon galing sa Langit sa Sagradong Lugar ng El Palmar.Dahil sa penitensyal, pangreparasyon at tumutubos na karakter ng Rosaryong ito, si Satanas ay sinubukan ang lahat ng pakana na kaya niya upang alisin ito, subali’t sa kabutihang palad, Salamat sa Diyos, ang kanyang mga nais ay nanatiling walang bunga, sapagka’t itong Banal na Rosaryo ng mga Ama Namin ay dinadasal araw-araw sa El Palmar de Troya ng nakararaming bahagi ng mga debotong dumulog sa Sagradong Lugar na ito. Gayundin, sa pamamagitan ng El Palmar, ito ay lumaganap sa kabuohan ng Espanya, at maraming bahagi ng Europa at Amerika, kung saan maraming mga mananampalataya araw-araw ay dumadaan sa mga butil ng Rosaryong ito, na tinatawag ding Rosaryo ni Padre Pio. Tingnan natin ang pinanggalingan ng Banal na Rosaryong ito, at gayundin ang mga patunay na kung saan ang aking mga argumento para idepensa ito ay bumase:
Noong Oktobre 1968, ang Pinakabanal na Birheng Maria ay nagsabi sa isa sa mga seeress o babaeng pinagpapakitaan ng mga buhat sa Langit ng El Palmar: “Magdasal ng maraming mga Ama Namin, dahil kailangan ko ang mga iyon.” Datapwa’t, noong ika-1 ng Marso 1969, nang tumanggap ang seeress ng unang mga instruksyon tungkol sa Rosaryo ng mga Ama Namin. Ang seeress ay kasama ang grupo ng mga tao na karamihan ay galing sa Sevilla, Utrera at El Palmar na nagdarasal sa labas lamang ng propreyedad ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya. Ang Pinakabanal na Birheng Maria ay nagpakita sa kanya at hiningi sa pamamagitan ng seeress: “Magdasal kayo ng maraming mga Rosaryo ng mga Ama Namin, para iyong mga hindi naniniwala sa Akin at sa Aking mga Aparisyon, ay maniwala…” Pagkatapos ng bisyon, iyong mga presente ay nag-umpisang mag-usap kung paano dadasalin ang Rosaryong hinihingi ng Pinakabanal na Birhen. Pagkaraan si Padre Pio ng Pietrelcina ay nagpakita sa mga seeress gamit ang kanyang Rosaryo at nanguna sa pagdasal. Sumagot ang seeress, at ang mga mananampalataya ay sumabay sa kanya. Sa bawa’t butil ay dinasal niya ang ‘Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati… Aba Mariang Pinakadalisay…’
Subalit, ang seer na si Clemente Dominguez y Gomez ay ang Dakilang Apostol ng Banal na Rosaryo Penitensyal o iyong Rosaryo ng mga Ama Namin: Maraming mga Mensahe ang natanggap ng seer na ito tungkol sa Banal na Rosaryo ng mga Ama Namin. Babanggitin lang namin ang ilan para hindi na masyadong humaba ang ulat na ito. Nang si Clemente ay dumating sa El Palmar de Troya, ang Rosaryong ito ng mga Ama Namin ay dati nang hiningi ng Langit, tulad ng aming nabanggit; ngunit hindi ito dinarasal sa El Palmar, maliban sa napakakaunting pagkakataon.
Noong ika-10 ng Disyembre 1969, si Santo Domingo ng Guzman ay nagpakita kay Clemente at nagsabi sa kanya: “Dapat mong dasalin ang Banal na Rosaryo tulad ng idinikta mismo ng Birhen sa Sagradong Lugar na ito. At alam kong ang katapat nito ay maraming mga sakripisyo para saiyo, subali’t sa paraang ito ay makakalma ang Banal na Galit ng Kataas-taasan. Dasalin mo ito tuwing pupunta ka.” Makaraan ang dalawang araw noong ika-12 ng Disyembre, si Santo Domingo ng Guzman ay nagpakita kay Clemente Dominguez, at ibinigay sa kanya ang sumusunod na Mensahe: “Hayaang ang pagdasal ng Banal na Rosaryo ng mga Ama Namin ay ipakalat at ipaalam tulad ng idinikta ng Birhen sa Sagradong Lugar na ito.” (Ito ang Banal na Rosaryo Penitensyal, na napapalooban ng limang mga misteryo; sa bawa’t Misteryo sampung kumpletong mga Ama Namin ang dinadasal, na napapalooban din ng isang Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati at Aba Mariang Pinakadalisay, sa bawa’t butil.) At noong ika-14 ng parehong buwan, si Santo Domingo ay muling nanawagan sa napakaimportanteng pangangailangan upang dasalin ang Banal na Rosaryo ng mga Ama Namin.
Si Clemente Dominguez ay nagsimula sa mahirap na gawaing ipatupad sa El Palmar ang Mensahe ng Pinakabanal na Birhen tungkol sa Rosaryo ng mga Ama Namin. Si Satanas ay nagsagawa ng pakikipagdigma nang walang awa laban sa seer, buong lupit, ginamit ang lahat ng paraan at lahat ng taong malapit sa kanya, pati na ang iba pang mga seer. Mga sandali ng labis na pagdadalamhati, pagdurusa at hindi pagkaunawa ay umatake kay Clemente at sa maliit na grupo ng mga taong tumutulong sa kanya. Ginamit ni Satanas ang mga paninira o kasinungalingan, inggit, pagkukulang. Si Clemente praktikalmente ay nag-iisa sa mahirap na gawaing ito, hindi makaasa sa tulong ng ibang mga seer, na mismo ring nakatanggap ng mga Mensaheng ito tungkol sa Rosaryo ng mga Ama Namin, subali’t siyang naging pakay ng kalituhang gawa ng mga taong mga nakapaligid sa kanila at nagkulang ng sigasig sa pagpapatupad at pagdepensa sa Katotohanan. Mga sandali ng malalim na kapaitan para sa kabataang seer. Subali’t ang epekto nitong Rosaryo Penitensyal ay dahan-dahang nakita. Ang grupo ng mga mananampalatayang nagdarasal nito ay lumalaki, at sa harap ng malalakas na hangin at malalaking unos ang Banal na Rosaryo ng mga Ama Namin ay sa wakas dinarasal na araw-araw sa Sagradong Lugar ng El Palmar de Troya.
Noong ika-3 ng Pebrero 1970, ang Ating Panginoong Hesukristo ay nagbigay kay Clemente ng sumusunod na Mensahe, kung saan ay sumipi tayo ng ilang bahagi: “Aking mga anak: Bakit napakaraming kaaway sa pagdasal ng Rosaryo ng mga Ama Namin samantalang ito ay Aking Kalooban na ito ay dasalin! Marami ang nagtatalo na ang isa ay tradisyonal. Dapat nilang isaisip na ang Tradisyonal na Rosaryo ay perpekto para sa nakaraang mga panahon; subali’t ngayon, sa mahirap na mga panahong ito, puno ng kalabuan at kadiliman at kaguluhan kasama ng napakasamang gawa ng tao ngayon, at pagkonsidera na ang Ama sa Langit ay labis nang nagagalit sa sangkatauhan, kailangang gawin ang pagbabayad-puri sa Kanya: ano pa ang mas mahusay na paraan kaysa sa limampung ulit sa bawa’t araw ay humingi ng kapatawaran sa Kanya sa paggamit ng dasal na binigkas ko para sainyo!…”
Noong ika-11 ng Pebrero 1970, ang Pinakabanal na Birheng Maria ay sinabihan si Clemente: “Aking anak: Ako ay labis na natutuwa sa inyo lahat, at lalo na sa mga sandaling ito na kayo ay nagdarasal ng Banal na Rosaryo ng mga Ama Namin, na siyang nakakapagpaligaya sa Akin nang lubos at napupunan Ako ng kagalakan at nakaliligtas ng maraming mga kaluluwa.”
Noong ika-16 ng Marso 1970, si Clemente ay nagkaroon ng sumusunod na bisyon: Ang Eternal na Ama ay nagpakita sa Langit at nagsimulang bumaba sa mundo. Nagsalita ang seer sa Kanya: “Ama, Bakit ka bumaba dito?” Ang Eternal na Ama ay sumagot: “Dahil tinatawag ninyo Ako”. At tunay nga nagdarasal kami ng Rosaryo ng mga Ama Namin.
Sa kabila ng patuloy na galit na galit na mga atake ni Satanas laban sa Rosaryo Penitensyal, ang Rosaryong ito ay nagsimulang ipatupad nito mismo araw-araw, at ang grupong nagdarasal nito sa Lentisko ay patuloy na dumarami, nang may malaking kataimtiman, kahit na ito ay mahaba at matagal bago matapos. Kahit na sa anong paraan ay hindi pinayagan ni Clemente ang ano mang pagtatangka para hadlangan sa pagdarasal ng Rosaryo ng mga Ama Namin sa Lentisko, kahit na ang kanyang mga kaaway ay madalas na sinubukan ito, pati na ang mga seer na nakatanggap din ng kompirmasyon ng Rosaryong ito, subalit, sa udyok ng iba, ay nakagawa tuloy ng kalituhan at mga pangamba. At ang Rosaryo Penitensyal ay nagsimulang kumalat sa El Palmar at sa palibot ng Espanya, dahil ang mga perigrinong mga bumibisita sa Sagradong Lugar ay dinarasal ito sa kanilang mga tahanan at sa Grupo ng mga Nananalangin.
Noong Ika- 19 ng Abril 1970, ay natanggap ni Clemente Dominguez ang sumusunod na mensahe mula sa Pinakabanal na Birheng Maria: “Aking anak: Dumating ako bilang Ina ni Hesus at Ina ninyo. Pakinggan mo ang mga pangako ng mga grasyang ibibigay ko doon sa lahat, na may tunay na debosyon, ay magdasal ng Banal na Rosaryo Penitensyal ng limampung mga Ama Namin, limampung Aba Ginoong Maria, limampung luwalhati at limampung Aba Mariang Pinakadalisay.” Makaraaan nito, ang Pinakabanal na Birhen ay inilista ang mga pangako, labing-anim sa kabuohan, na alam ng lahat, dahil sa malawak na publisidad. Ang Rosaryo Penitensyal na ito ng mga Ama Namin ay tinatawag ding Rosaryo ni Padre Pio dahil dinarasal niya ito nang siya ay nabubuhay pa at itinuro ito upang dasalin nang ganoon sa El Palmar.
Noong ika-5 ng Hulyo 1970, sa harap ng puntod ni Padrer Pio sa San Giovanni Rotondo, si Clemente ay nakatanggap ng sumusunod na Mensahe na ibinigay ni Padre Pio mismo: “Aking anak: ang Rosaryo ng mga Ama Namin ay hindi ko kapritso. Ito ay pangangailangan, para mabago ang kasamaan ng sangkatauhan. Binabasbasaan ko kayo.”
Noong ika-10 ng Mayo 1971, ang Pinakabanal na Birheng Maria ay nagsabi kay Clemente: “Ang Rosaryong nakapagpapasaya sa Akin nang ganap ay ang Penitensyal, dahil nananawagan ka sa Ama, na Siyang pinakagalit; dahil linuluwalhati mo ang Pinakabanal na Trinidad, at dahil limampung mga bati para sa iyong Ina ang sumusunod; at higit pa: limampung ulit mong niluluwalhati ang Aking Pinakamalinis na Paglihi.” At Siya ay nagdagdag: “Sa loob ng Rosaryo Penitensyal ay ang Rosaryo na tinatawag ninyong Rosaryo ng Birhen. Ito ay parehong Rosaryo, na dinagdagan ng mga Ama Namin, ng mga Luwalhati at ang pagbati sa inyong Ina.”
Malinaw, ang Rosaryo Penitensyal, tulad ng pinahihiwatig sa pangalan nito, ay malaking penitensya. nguni’t hindi natin dapat kalimutan na ang prinsipal at malawak na Mensahe sa lahat ng mga Aparisyon sa mga panahong ito ay panawagan para sa dasal at penitensya; at sa mga panahong ito dapat ay mas marami ang penitensya, dahil napakabulag ninyo at napakawalang- bahala ninyo kapag hindi ninyo nalalaman iyon. Dahil diyan, sa El Palmar de Troya, ay napakaraming panalangin at penitensya ang ginagawa araw-araw.
Ang mga perigrinong madalas bumisita sa El Palmar de Troya, at gayundin ang maraming mga debotong nakakalat sa Europa at Amerika, at iyong mga narating ng espiritung penitensyal ng El Palmar sa pamamagitan ng mga Mensahe, ay bumuo ng mga Grupo ng Nananalangin. Ang Panginoon at ang Pinakabanal na Birhen ay tinukoy ang mga Grupong ito ng Nananalangin, na tinatawag ding Senakulo, ay nagbigay ng mga instruksyon. Ilan sa maraming mga Mensaheng ibinigay sa mga Senakulo, na natatandaan natin ay iyong ibinigay kay Clemente Dominguez ng Pinakabanal na Birheng Maria noong ika-19 ng Oktobre 1973: “Muli hinihingi Ko sainyo na magdasal ng Rosaryo Penitensyal ng mga Ama Namin sa mga Senakulo.” Upang hindi na ulitin pa muli ang mga Mensahe, at hindi na humaba pa ng sobra ang ulat na ito, hinihingi kong balikan ninyo muli ang mga Mensahe ng El Palmar sa bagay na ito. Si Satanas ay gumawa rin ng mahirap na pakikipaglaban para mapigilan ang Rosaryo Penitensyal upang dasalin sa mga Grupo ng mga Nananalangin. Gaano kalaking pagmamahal sa sarili sa ibang mga tao, at paanong dahil sa respeto sa tao ay napupuno sila ng kalituhan! Gaano ang magiging halaga sa ibang tao para ipasailalim nila ang kanilang mga nais sa nais ng Diyos makaraang makatanggap sila ng napakaraming mga pruweba sa kalooban ng Diyos, kalakip ang maraming mga grasya at mga biyaya! Subali’t ang tatak ng Gawain ng Diyos ay nasa mga balakid at mga kahirapan; at kung si Satanas ay pilit na nagsisigasig upang sikaping mahadlangan o sirain ang isang Gawain, iyon ay dahil ang Gawaing iyon ay nasasaktan ang demonyo, ay nagagalit siya. Ang Rosaryo ng mga Ama Namin ay isang pinakamalakas na armas laban kay Satanas, kung kaya ito ay inaatake niya. Dasalin ninyo ang Rosaryo ng mga Ama Namin at mararanasan ninyo ang kagalingan nito. At para tapusin ang ulat na ito na inaalay kay Clemente Dominguez, dapat kong gawing mas malinaw na ang Banal na Rosaryo ng mga Ama Namin, Salamat sa Diyos, ay nakakalat hindi lamang sa kalawakan ng Espanya, subali’t sa kalawakan ng Limang Kontinente, kung saan ang hindi mabilang na mga mananampalataya ay humahawak ng mga butil ng Rosaryong ito araw-araw, na tinatawag ding Rosaryo ni Padre Pio. At ito ay nagbibigay sa atin ng konsuwelo, dahil ito ay ang matibay na palatandaan na ito ay gawa ng Langit, dahil sa likod ng mga atakeng infernal, ang Rosaryong ito, tulad ng pinakamatalim na espada, ay patuloy pa rin sa pagsulong sa gitna ng mga unos at mga hadlang, at patuloy na kumakalat doon sa mga kaluluwang tunay na nagnanais na gumawa ng panalangin at penitensya.
Mga Aparisyon at mga Mensahe kay Clemente Dominguez
Ika-4 ng Marso 1970
May ibang mga taong kontra sa Rosaryo Penitensyal na ayaw dasalin ito.
Ang Eternal na Ama
“Bakit ninyo ipinagkakait sa Akin ang dasal na itinuro sainyo ng Aking Banal na Anak na patungkol sa Akin, at habang mas madalas ninyo itong dinarasal ay lalo Akong bukas-palad sainyo? Aking mga anak: Sa pamamagitan ng Rosaryong ito (ng mga Ama Namin) ang pamamagitan ng Aking Anak na si Maria ay hindi naaalis, kundi ang mundo ay naging mas malala, at kinakailangang manawagan kayo nang mas madalas sa Akin, dahil galit na galit Ako sainyo. O walang utang na loob na mga anak, nagkakait ng panalangin sa inyong Ama na Ako ang lumikha sainyo at utang ninyo ang lahat sa Akin! Gaano ang magiging kaibahan ng mundo kung kayo ay nagdarasal ng Rosaryo ng mga Ama namin! Ang mundo ay magbabalik-loob, dahil Ako, na inyong Ama, ay hindi maaaring takpan ang Aking mga tainga sa inyong mga kahilingan. Sa mga panahong ito na Ako ay handa nang ipadala ang Aking Banal na Anak upang linisin ang mundo, ay kinakailangang lagi kayong manawagan sa Akin. Binabasbasan Ko kayo.”
Ang Pinakabanal na Birheng Maria
“Ganyan ang gusto Ko, mga anak, na kayo ay magdasal ng Rosaryo ng mga Ama Namin, na siyang higit na nakapagpapalugod sa Aking Imakuladang Puso.”
Ika-18 ng Marso 1970
Sagradong Lugar ng Lentisko sa El Palmar de Troya. Ang Eternal na Ama ay nagpakita kay Clemente Dominguez at ibinigay sa kanya ang sumusunod na Mensahe:
Ang Eternal na Ama
“Aking anak: Ang Aking Anak na si Maria, ang Imakuladang Birhen, ay ipaaalam saiyo ang mga pangako na ibibigay Niya doon sa mga nagdarasal ng Rosaryo ni Padre Pio, kung kaya ay ipaalam mo ang mga iyon sa lahat, Binabasbasan Ko kayo lahat.”
(Ang Rosaryo ni Padre Pio ay ang Rosaryo Penitensyal o iyong ng mga Ama Namin.)
Ika-19 ng Abril 1970
Sagradong Lugar ng Lentisko sa El Palmar de Troya. Aparisyon at mga Mensahe kay Clemente Dominguez:
Ang Ating Panginoong Hesukristo
“Aking anak: Ang Aking Pinakabanal na Ina sa ilang sandali ay ipahahayag sa inyo ang mga pangakong ibibigay Niya doon sa mga nagdarasal ng Rosaryo ni Padre Pio.” (Siya ay nagbasbas.)
Ang Pinakabanal na Birheng Maria sa titulo ng Carmel
(Mga pangako doon sa nagdarasal ng Banal na Rosaryo Penitensyal)
“Aking anak: Ako ay dumating bilang Ina ni Hesus at Ina ninyo.
Pakinggan ninyo ang mga pangako ng mga grasyang ibibigay Ko doon sa lahat na, may tunay na debosyon, ay nagdarasal ng Banal na Rosaryo ng limampung mga Ama Namin, limampung Aba Ginoong Maria, limampung Luwalhati at limampung Aba Mariang Pinakadalisay.
1) Bibigyan Ko sila ng perpektong pagkaalam ng Aking dakilang pagmamahal at tulong para sa Aking mga anak.
2) Dadalhin Ko sila sa Eyokaristiya, kung saan ang Aking Banal na Anak ay matatagpuan.
3) Bibigyan Ko sila ng malalim na pagsisisi para sa kanilang mga kasalanan.
4)Bibigyan Ko sila ng grasya na ang mga kasalanan sa kanilang nakaraang buhay ay mabura.
5) Makakamtan nila ang kombersyon ng kanilang mga kamag-anak sa madaling paraaan.
6) Bibigyan Ko sila ng pagkaunawa upang maging mapagmahal sa lahat ng kanilang mga kapanalig.
7) Iyong mga nagdarasal ng Rosaryong ito araw-araw ay magkakaroon, higit pa, ng magandang kamatayan; sila ay maliligtas sa kapahamakan, at sa paglisan nila sa mundong ito, sila ay tutungo sa Buhay ng Langit.
8) Bibigyan Ko sila ng labis-labis na mga grasya at sa lahat ng kanilang mga kamag-anak.
9) Iyong mga namatay at napunta sa Purgatoryo, ipinapangako Kong sila ay makalalaya sa susunod na araw.
10) Doon sa lahat ng nagdarasal ng Rosaryong ito, ipinapangako kong mapabilis ang pag-alis ng kanilang mga malapit na kamag-anak sa Purgatoryo.
11) Makatatanggap sila ng kaalaman sa tamang oras bago mamatay upang sila ay makatamo ng kaginhawahan mula sa mga Banal na Sakramento.
12) Ilang sandali bago sila mamatay ay magkakaroon sila ng bisyon ng Aking Banal na Anak at bisyon Ko, na iyong Ina.
13) Bibigyan Ko ng katahimikan sa mga tahanan, sa mga bansa kung saan ay dinadasal ang Rosaryong ito araw-araw, patungkol sa Kapita-pitagang Trinidad at sa Akin, na inyong mahal na Ina.
14) Doon sa lahat ng nagdarasal ng Rosaryong ito, susukluban Ko ang buong buhay nila ng Aking Kapa, kung saan sila ay magiging matiwasay.
15) Doon sa lahat nang nagdarasal at nagmumuni-muni nito na ang kanilang mga puso ay ipinagkatiwala sa ilalim ng Aking pangangalaga, ay ibibigay Ko ang grasya na mapangalagaan sa kaparusahan.
16) Ang sinumang nagdarasal ng Rosaryong ito na makatatanggap ng grasyang mamatay sa araw ng Sabado, ang kaligtasan ng isa sa kanyang mga kamag-anak ay nasisiguro.
Binabasbasan Ko kayo lahat.”
Ika-1 ng Abril 1971
(Sagradong Lugar ng Lentisko sa El Palmar de Troya. Unang Huwebes ng buwan. Ang Eternal na Ama ay nagpakita kay Clemente Dominguez at nagsimulang bumaba patungo sa amin. Nagtanong ang seer: “Bakit ka bumaba, kung kami ay hindi karapat-dapat? Ibaling mo ang iyong paningin malayo sa amin!” Ang Eternal na Ama ay nagsabi:)
Ang Eternal na Ama
“Hindi ba Ako ang inyong Ama? Bumaba Ako para makita ang Aking mga anak. Gumawa Ako ng kasunduan sa mga Propeta ng Lumang Tipan: kay Noe, Abraham, Isaac, Moises…, at tumapos sa pagbibigay Ko ng Aking Anak ng Kamatayan sa Krus. Mayroon pa bang mas dakilang pagmamahal? O Aking mga anak! Kung ibinigay Ko ang Aking Anak sa inyo, hindi ba iyon ay palatandaang mahal na mahal Ko kayo, na hindi Ko ninais na ang kahit isa man ay makondena? O Aking mga anak! Kung kinakailangan, Ako Mismo ay bababa upang iligtas kayo; subalit ang Dugo ni Kristo ay sapat na, ang dapat na lamang ninyong gawin ay pakinabangan ninyo ang Kanyang Pagtubos.
O Aking mahal na mga anak! Ako ang inyong Diyos, ang inyong Ama, at ganoon ang nais Kong itawag ninyo sa Akin: Ama!, tulad ng itinuro sainyo ng Aking Banal na Anak. Nasa Aking mga kamay ang Katarungan; subali’t naisipan Ko rin ang Awa, kaya ipinadala Ko ang Aking Banal na Anak sainyo at inihanda Ko rin ang pinakamaganda, marilag na Babae, matayog sa Kanyang kababaang-loob, na si Maria. Ang Dalawang iyon ay iginagapos ang Aking mga kamay at Ako ay hindi makapagpatupad ng Katarungan, dahil lagi Silang nagmamakaawa ng pagpipigil para sa inyo. Maliliit Kong mga Anak, huwag kayong magkasala; maawa kayo kay Hesus at kay Maria na Manunubos at ang Katuwang na Manunubos. Kung ganoon, marahil ay masama Ako? Ang Diyos na ang pagsisikap ay ang mailigtas ang Kanyang mga anak. Ako na may kagalakan, ay nais na maibahagi ang Aking kagalakan sa inyo lahat. Gaano Ako nasasaktan na ang mga kaluluwa ay nakokondena ang kanilang mga sarili nang walang hanggan! At isipin na lamang na madalas Kong iabot ang Aking mga kamay para iligtas sila…! Nguni’t ayaw nila Akong pakinggan.
Ang araw ay darating sa madaling panahon kung saan ay sasabihin Ko sa Aking Anak na gamitin ang katarungan sa mundo, at ilalagay Ko ang Kanyang mga kaaway bilang kanyang tuntungan, at Siya ay ipoproklamang Hari. Nais Kong kayo ang magkorona sa Kanya; hindi ng tinik, datapwa’t, ng kaluwalhatian. Kaya, ito na ang oras ng Rosaryo Penitensyal, para panawagan ang Aking awa, ang Aking pagpapala; at sinuman ang manawagan sa Akin nang limampung ulit sa isang araw ay hindi mapababayaan. Limampung ulit na panawagan sa kanilang Ama! Kung nalalaman lamang ninyo ang Aking kasiyahan kapag sinasabi ninyo sa Akin: Ama Namin, sumasalangit Ka, sambahin ang Ngalan Mo… Isipin kung ano ang masasabi nang limampung ulit, subali’t kalakip ang puso. O Aking mga anak! At kung iaalay ninyo iyong mga Daan ng Krus (Viacrucis), pinadaloy Ko ang Dugo ng Aking Banal na Anak para sainyo para malinis kayo, para pagdating ng araw ay magdiwang kayo sa Aking harapan.
O Aking mga anak, hindi pa kayo nahuhuli! Sa pamamagitan ng inyong pagpapakasakit, inyong mga dalangin, ang Aking kamay ay mapipigilan. Nguni’t hinihingi Ko sainyo na huwag nang ipako pang muli ang Aking Anak; huwag na ninyong paduguin pa ang Puso ng Aking mahal na Anak na si Maria, Siya na pinakamaganda sa lahat ng mga nilalang, ang isang puno ng grasya, ang Imakulada, Ang Perpetwal na Birhen, dahil Siya ay nananatiling laging Birhen, bago Manganak, habang Nanganganak at pagkatapos Manganak. Aking mga anak: Ialay ninyo sa Akin ang Sakripisyo ng Banal na Misa at makilahok kayo sa Banal na Sakripisyong iyon sa pamamagitan ng pagtanggap sa Aking Banal na Anak sa Eyokaristiya. Binabasbasaan Ko kayo.”
Ika-10 ng Mayo 1971
Sagradong Lugar ng Lentisko sa El Palmar de Troya. Mga Aparisyon at mga Mensahe kay Clemente Dominguez:
Ang Pinakabanal na Birheng Maria sa ilalim ng titulong Banal na Pastora
“Aking mga anak: Ngayon ay kinakailangan Ko kayo nang lubos. Sa mahirap na mga pagsubok, sa malalaking mga pakikibaka, ay kung kailan Ko kayo kailangan para magkaisa. Huwag ninyong hayaan ang inyong mga sarili na magkawatak-watak. Tingnan ninyo, ang kaaway ay nilalabanan kayo para manghina kayo, para ang inyong mga kalooban ay manghina, para kayo ay mabahala: sa isang salita, para iwanan ninyo ang Sagradong Lugar na ito. Si Satanas ay nagngangalit, na nakikita ang Aking mga anak na nakapaligid sa Akin. Gumagawa si Satanas ng mga hindi hinihinalaang mga pakikipagdigma; pinapasok ng masama niyang espiritu ang mga kaluluwa na hindi pa nagawa sa nakaraan; dahil malaking kapangyarihan ang ibinigay sa kanya nitong mga Huling Panahon upang kayo ay linisin. Si Satanas ay lumiligid sainyo, pinaghihiwalay kayo, nilalabanan kayo, naglalagay ng mga pagduda tungkol sa mga seers. Kung minsan siya ay dumarating sa ilalim ng maskara ng kababaang-loob, kung minsan siya ay nabubuko at ang kanyang kapalaluan ay nakakawala; nguni’t dapat kayong magkaisa, magdasal nang palagian, at matatalo ninyo si Satanas.
Aking mga anak, kaunting panahon na lamang ang natitira para sa Akin para makasama ninyo! Saan kayo pupunta kung maiwan kayong wala ang inyong Pastora! Ako ang inyong Banal na Pastora; Pinapastulan Ko kayo. Kung Ako ay aalis at iwanan kayo sa inyong mga sarili, aatakihin kayo ng mga lobo. O aking mga anak! Magmanman kayo, isipin ninyo na kayo ang pinakaunang aatakihin dahil kayo ay nagdarasal, dahil kayo ay gumagawa ng penitensya.
Aking mga anak: kayo ay nasa mahirap na mga panahon. Tanging ang dasal at penitensya ang makapagpapalaya sainyo buhat sa mga kaaway. Muli sa Sagradong Lugar na ito sinasabi Ko sainyo: na ang Rosaryong nakapagpapagalak sa Akin nang lubos ay ang Penitensyal, dahil nananawagan kayo sa Ama, na siyang pinakanagagalit; dahil linuluwalhati ninyo ang Pinakabanal na Trinidad, at dahil limampung mga pagbati sa inyong Ina ay sumusunod; at saka limampung ulit ninyong niluluwalhati ang Aking Pinakamalinis na Paglihi.
Aking mga anak: Nais Kong ikonsidera ninyo sa inyong mga puso, sa harap ng Tabernakulo, na sa loob ng Rosaryo Penitensyal ay ang Rosaryong tinatawag ninyong sa Birhen. Ito ay ang parehong Rosaryo, dinagdagan ng mga Ama Namin, mga Luwalhati at ang pagbati sa inyong Ina.
Obserbahan ninyo, Aking mga anak: Iyong mga nagdarasal sa inyo ng Rosaryo Penitensyal ay nagkakaisa, nagdarasal kayo sa harap ng Banal na Mukha ng Aking Anak, at nakasuot ng Banal na Eskapularyo, ang Banal na Sagisag ng Sagradong Lugar ng El Palmar de Troya. Sa pamamagitan ng Eskapularyong iyon ay malalaman nila na kayo ay mga naniniwala sa mga pinagpalang mga Aparisyon. Darating ang mga araw na kung sa pamamagitan ng Banal na Eskapularyong ito ay magbubuwis kayo ng inyong mga buhay bilang mga martir at luluwalhatiin na may palma ng pagiging martir sa pagtatanggol sa Katotohanan. Tinatanong Ko kayo: Kung kayo ay nahihiyang gamitin ang Banal na Eskapularyong ito sa panahon ng katahimikan, ano ang mararamdaman ninyo sa mga panahon ng labanan, sa mga panahon ng Antikristo, na ang kanilang sagisag ay ang martilyo at karit?”
Ika-2 ng Enero 1972
Sagradong Lugar ng Lentisko sa El Palmar de Troya. Mga alas 9:15 ng gabi, ang Pinakabanal na Birheng Maria ay nagpakita kay Clemente Dominguez sa ilalim ng titulong Bundok ng Carmel, na ang Batang Hesus ay nasa kandungan Niya, na Kanyang ibinigay sa seer. Lahat kami ay humalik sa Banal na Bata. Pagkatapos ang Pinakabanal na Birhen ay inilagay ang Kanyang Banal na Eskapularyo sa lahat, at sa pamamagitan ng seer ay namigay ng mga bulaklak ng carnation sa lahat ng dumalo, na ibinigay sa Kanya para basbasan at halikan. Ang Pinakabanal na Birhen ay nawala at ang Ating Panginoong Hesukristo ay nagpakita, na nagbigay sa seer ng sumusunod na Mensahe:
Ang Ating Panginoong Hesukristo
“Pinatutungkulan Ko ang lahat ng Grupo ng mga Nananalangin ng Espanya, Pransya, at iba pang mga bansa: Napakaimportante na sa taong ito 1972 ay dasalin ninyo ang Rosaryo Penitensyal ng 50 Mga Ama Namin, 50 Aba Ginoong Maria, 50 Luwalhati at 50 Aba Mariang Pinakadalisay; dahil ganoon, sa paraang ito ay makakalma ang Banal na Galit ng Diyos at magkakaroon ng malalaking mga bunga sa Simbahan. Kailangan ninyong magnilay sa Rosaryo Penitensyal na ito, na nananawagan ng limampung ulit sa Ama, at kumakalma ang Kanyang Galit. Ang maraming mga grupong nakakalat sa Espanya na nagdarasal ng Rosaryo Penitensyal na ito, ay makakukuha ng napakaraming awa buhat sa Ama ng Awa, na nakamamangha. Makikita ninyo ang mga bunga. Nais Kong ang Mensaheng ito, buo, ay maisalin sa lahat ng posibleng mga wika, at ipadala sa lahat ng mga bansa.”
Ika-31 ng Hulyo 1973
Valencia, Santwaryo ng Ating Ina ng mga Tinalikdan (Los Desamparados). Oras: 8:45 ng gabi. Ang Birheng Maria ay nagpakita kay Clemente Dominguez sa ilalim ng titulong iyon at ibinigay sa kanya ang sumusunod na Mensahe:
Ang Pinakabanal na Birheng Maria sa ilalim ng titulong Los Desamparados
“Mahal Kong maliliit na mga anak: Salamat sa inyong pagbisita sa Bahay (Santwaryo) na ito kung saan Ako ay nakatira sa ilalim ng matamis na titulong Ina ng mga Tinalikdan. Salamat, maraming salamat, dahil ang pagdalaw na ito ay galing sa puso; subali’t sa parehong pagkakaton ito ay panawagan na ginawa Ko sa puso ng isang nandito. Tanggapin ninyo ang Aking yakap bilang Ina, ikaw at iyong mga kasama mo sa apostoladong ito.
Mahal Kong mga kawan ng Valencia: magpakatatag kayo at maging matibay. Damihan ang mga Grupo ng mga Nananalangin at maging mapagmatyag sa mga pagbabagong pasisimulan nila sa mga Senakulo. Patuloy kayong matatag sa penitensyal na pagdarasal. Huwag tigilan ang pagdarasal ng Banal na Rosaryo Penitensyal ng mga Ama Namin, na sa muli ay mabigat na tututulan, para alisin ito sa mga Grupo ng Nananalangin…”
3. Mysteries of the Holy Rosary
Composed by Pope Saint Gregory XVII the Very Great
Signing and blessing oneself
By the sign of the Holy Cross, from our enemies deliver us, O Lord our God.
In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Ghost. Amen.
Act of Contrition
My Lord Jesus Christ, true God and true Man, my Creator, Father and Redeemer, because Thou art infinitely Good and because I love Thee above all things, (strike breast twice) I am sorry, O Lord, I am heartily sorry for having offended Thee. I firmly propose to amend my life, to sin no more and to avoid the occasions of sin; to confess my sins and to perform the penance imposed upon me. I offer Thee, O Lord, my life, my deeds and my works, in satisfaction for all my sins; and I beg pardon of Thee, trusting that Thou, in Thy infinite Goodness and Mercy, wilt forgive my sins through the merits of Thy Most Precious Blood, Thy Passion and Death; and also that Thou wilt grant me the grace of amendment and of perseverance in Thy holy service until the end of my life. Amen.
Prayers of the Holy Rosary
On each bead of the Rosary is prayed one Our Father, one Hail Mary, one Glory be and one Hail Mary Most Pure — called ‘one complete Our Father’.
Our Father
L/. Our Father, Who art in Heaven, hallowed be Thy Name; Thy kingdom come; Thy will be done on earth as it is in Heaven.
A/. Give us this day our daily bread; and forgive us our trespasses, as we forgive those who trespass against us, and let us not fall in temptation, but deliver us from evil. Amen.
Hail Mary
L/. Hail Mary, full of grace, the Lord is with Thee; blessed art Thou amongst women, and blessed is the fruit of Thy womb, Jesus.
A/. Holy Mary, Mother of God and our Mother, pray for us sinners, now and at the hour of our death. Amen.
Glory be
L/. Glory be to the Father. Glory be to the Son. Glory be to the Holy Ghost.
A/. As it was in the beginning, is now and ever shall be, for ever and ever. Amen.
Ave María Purísima
L/. Hail Mary Most Pure,
A/. Conceived without sin.
At the end of the ten complete Our Fathers in each Mystery, is said:
L/. Lord, show us Thy Face
A/. And we shall be saved.
L/. Our Crowned Mother of Palmar,
A/. Be our salvation.
The Rosary concludes with the recital of one complete Our Father for the intentions of His Holiness Pope Peter III, to gain the indulgences granted to the Holy Penitential Rosary.
Sunday: First part of the Joyful Mysteries
First Mystery: The Creation of the Most Divine Soul of Christ before all things.
Second Mystery: The Creation of the Divine Soul of Mary.
Third Mystery: The Espousal of the Souls of Christ and Mary.
Fourth Mystery: The Immaculate Conception of the Divine Mary.
Fifth Mystery: The Birth of the Divine Mary.
Monday: Second part of the Joyful Mysteries
First Mystery: The Annunciation to the Most Holy Virgin Mary and the Incarnation of the Divine Word.
Second Mystery: The Visitation of Our Lady to Her cousin Saint Elizabeth.
Third Mystery: The Birth of the Son of God.
Fourth Mystery: The Purification of Our Lady and the Presentation of the Child Jesus in the Temple.
Fifth Mystery: The Child Jesus is found in the Temple.
Tuesday: First part of the Sorrowful Mysteries
First Mystery: The Most Precious Redeeming Blood of Jesus shed in the Circumcision.
Second Mystery: The Prayer and Agony of Our Lord Jesus Christ in the Garden of Olives.
Third Mystery: The Holy Face of Jesus vilely outraged by the traitorous kiss of Judas Iscariot.
Fourth Mystery: The bitter and sad desolation of Jesus when forsaken by His disciples.
Fifth Mystery: The Holy Face of Jesus is sacrilegiously defiled by the blow received before Annas.
Wednesday: Second part of the Sorrowful Mysteries
First Mystery: The Most Sacred Heart of Jesus is sublimely saddened by the three denials of Peter, Prince of the Apostles.
Second Mystery: The Holy Face of Jesus is sacrilegiously insulted when spat upon by the chief priests.
Third Mystery: Jesus, in the depths of His Most Divine Soul, bitterly feels the insults and mockery of Herod.
Fourth Mystery: The scourging which the Son of God received tied to the pillar.
Fifth Mystery: The Most Sacred Head of Jesus is crowned with thorns.
Thursday: The Eucharistic Mysteries
First Mystery: Jesus proves His love by instituting the Eucharist at the Last Supper.
Second Mystery: The real, true and physical presence of Jesus in the Eucharist, in Body, Blood, Soul and Divinity.
Third Mystery: The real and true spiritual presence of Mary in the Eucharist, in Body, Blood and Soul.
Fourth Mystery: The Eucharistic Hearts of Jesus and Mary making reparation to the Eternal Father and redeeming mankind.
Fifth Mystery: The perpetuation of the sublime Immolation of Jesus and Mary in the Holy Sacrifice of the Mass.
Friday: Third part of the Sorrowful Mysteries
First Mystery: : Jesus carries the Cross along the Way of Sorrows up to Calvary.
Second Mystery: The Crucifixion, the three hours of Agony and the majestic Death of Our Lord Jesus Christ.
Third Mystery: The right Side of Jesus is pierced by the lance of Longinus.
Fourth Mystery: The spiritual Death of Mary at the foot of the Cross on Calvary.
Fifth Mystery: The Church is born of the Most Sacred and pierced Hearts of Jesus and Mary.
Saturday: The Glorious Mysteries
First Mystery: The Triumphant Resurrection of the Son of God.
Second Mystery: The Admirable Ascension of the Son of God into Heaven.
Third Mystery: The descent of the Holy Ghost upon the Apostolic College, in the presence of the Most Holy Virgin Mary.
Fourth Mystery: The Immortality, Dormition and glorious Assumption of the Most Holy Virgin Mary into Heaven in Body and Soul.
Fifth Mystery: The Coronation of Our Most Holy Mother, the Virgin Mary, as Queen and Mistress of all Creation.