Ang mga bansang bumisita ng aming web page ay mas marami pa rin sa USA, Espanya at Brazil. Ang Espanya ay ibinigay ang unang puwesto sa Estados Unidos.
Salamat sa Diyos at sa Kanyang Pinakabanal na Birheng Ina, sa ngayon ay mahigit isandaang mga bansa na ang bumisita ng aming web page, gayunman, sa pagsasabi nito ay hindi nangangahulugang nagkaroon kami ng maraming mga bisita mula sa bawa’t mga bansang ito, sa kabaliktaran, ang iba sa kanila ay bumisita lamang sa website ng kaunting beses.
Ang mga bansang may pinakakaunting bumisita sa amin ay kinabibilangan ng Indonesia, Israel, Romania at China kasama ng iba, subali’t kahit na kaunti lamang ang mga bumisitang ito, kami ay nagagalak, dahil ito ay simula pa lamang.
Ang mga Aleman ay lalong nagiging interesado sa pagkuha ng impormasyon tungkol sa Tunay na Simbahan.
Magandang makita na ang Italya ay dagling naging interesado sa aming web page. Kahi’t ang Italya ay nananatiling nasa ikasiyam na lugar, ito ay nabawasan ng malaki ang puwang ng diperensya kung ihahambing sa Pransya na patuloy na nasa pangwalong lugar.
Mga bansa | Mga lungsod |
---|---|
1. U.S.A. | 1. Seville |
2. Spain | 2. Natal |
3. Brazil | 3. Madrid |
4. Ireland | 4. Ashburn |
5. Germany | 5. Dublin |
6. United Kingdom | 6. Sao Pablo |
7. Canada | 7. Chicago |
8. France | 8. Utrera |
9. Italy | 9. London |
10. Austria | 10. New York |
Naobserbahan namin ang malaking pagtaas sa bilang ng mga bisita mula sa Mexico na nagsisimulang magpakita ng interes sa mga limbag ng Palmaryano Katolikong Simbahan. Alam naming ang Mexico ay nagkaroon ng maraming mga Martir sa nakaraan sa magiting na pagtatanggol sa layunin ng Katolisismo at ngayon, sa muli, ang Tunay na Simbahan ni Kristo, ay inaanyayahan sila para maging bahagi ng Palmaryanong Simbahan bilang Marianong mga Apostoles, matapang na tagapagtanggol ng mga karapatan ng Diyos at ng Kanyang Banal na Simbahan.
Nais ng Diyos at ng Ating Banal na Birheng Maria na ipalaganap sa iba’t-ibang panig ng mundo ang pagkakaroon ng Tunay na Simbahan ni Kristo: Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryano. Ang Ating Panginoong Hesukristo ay iniwanan sa inyong mga kamay ang kayamanan ng katotohanang ipinahayag Niya. Dahil sa matayog na responsibilidad na ito, ay kinakailangang magkaroon kayo ng tapang sa harap ng Diyos at ng Ating Banal na Birheng Maria na palaganapin ang pagkakaroon ng web page na ito para sa lahat ng taong may mabuting kalooban, upang makipagtulungan ang bawa’t isa ayon sa kanilang kakayahan, sa pagpapalaganap ng Tunay na Katolikong Pananampalataya. Ang Diyos ay bibigyan kayo lahat ng gantimpala.