Frequent Questions – Iglesia Catolica Palmariana

Mga Tanong na madalas itanong

Sino ang nagtatag ng Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan?

Si Hesukristo. Ang Palmaryanong Simbahan ay pagpapatuloy o karugtong ng Simbahang itinatag ni Kristo sa Kalbaryo. Tingnan ang Mga Palatandaan ng Tunay na Simbahan.

Paano ang relasyon ng inyong Simbahan sa Katolisismo?

Ang Simbahang Palmaryano ay ang Simbahang Katoliko sa lahat ng panahon.

Ano ang kinalaman ninyo sa Vatican at sa romanong simbahan?

Walang wala. Ang romanong simbahan ay nag-apostata buhat sa Katolisismo, kinaladkad nito ang malawak na karamihan ng mga Katoliko sa buong mundo.  Sa ibang kaso ang mga pag-aapostatang ito ay dahil sa hindi pagkakaalam subalit para sa karamihan ay dahil sa pagwawalang-bahala at sa maraming kaso ay dahil sa kombenyensya, isang porma ng kawalang sigla ng pakikipagsabwatan.

Posible nga ba na ang romanong simbahan ay nag-apostata?  Paano naman ang pangako ni Kristo na “Ang lagusan ng Impiyerno ay hindi magtatagumpay laban sa kanya”?

Una sa lahat, matagal nang propesiya na ang Simbahan ay magdurusa ng pangkalahatang pag-aapostata (na nangyari noong 1978) na walang ni isa mang teologo ang komontra sa propesiyang iyon.  Pangalawa, ang pangako ni Kristo na mananatili sa Kanyang Simbahan hanggang sa huling panahon ay hindi nakatali sa anumang partikular na pamunuan.  Sa katotohanan, ang Simbahan ay nagkaroon ng iba’t-ibang pamunuan sa kanyang kasaysayan, una sa Herusalem, pagkatapos sandali sa Antioch, pagkatapos niyon ay sa Roma, at ngayon, pagkatapos ng pag-aapostata ng herarkiya ng romano ang pamunuan nito ay nasa El Palmar de Troya, Seville, Spain na kung saan ay nilalabanan nito ang pinakanagngangalit na mga mabangis na pag-atake ng Impiyerno nang hindi sumusuko, salamat sa tulong ni Kristo at ni Maria.

Paano naging posible para sa Tunay na Katolikong Simbahan na hindi malaman ng malawak na mayorya ng populasyon ng mundo?

Hindi ito ang unang pangyayari; noong mga unang panahon ito ay napagkamalan pa bilang isang sekta ng mga Hudyo. Gayundin ito ay nagdanas ng madugong persekusyon na kung saan ay napilitan ito sa mapanganib na kalagayan na tulad ng sa mga katakumba.  Makalipas ang mga siglo, sa  panahon ng Pagkakahiwa-hiwalay sa Kanluran (Western Schism), nagkaroon ng mga pag-aalinlangan kahit sa mga Santo mismo sa kung sino ang Tunay na Papa.

Kung ganoon paano makikilala ang kaibahan ng Tunay na Katolikong Simbahan?

Si Kristo ay nag-iwan sa atin ng mahalagang payo:  “Sa pamamagitan ng bunga nila ay makikilala ninyo sila”.  Ikonsidera ninyo kung gaanong  kalituhan sa doktrina at moral na pagkaduwag  mayroon ang romanong herarkiya.  Kahit nasa kanila nang mga kamay ang pinakaepektibong paraan upang ang kanilang mga boses ay makarating sa dulo ng mundo, ang korupsyon ay nanatiling nananaig sa lahat ng lebel.  Ikonsidera kung ganoon kung sila ay nararapat bang maging tunay na mga pastol ng mga tao ng Diyos.  Sa kabilang banda, magbasa at makinig sa malakas, maliwanag na tinig ng Kanyang Kabanalan Papa Pedro III sa Palmar de Troya, ang kanyang kasigasigan para sa doktrina at mga moral, ang kanyang debosyon sa kanyang matatapat na mga anak at kayo ang gumawa ng sarili ninyong mga konklusyon.

Anong kaugnayan mayroon kayo sa tinatawag na mga “tradisyonalista”?

Wala kahit ano pa man.  Bagaman kami ay sang-ayon, ipinaglalaban at isinasagawa namin ang Tradisyonal na Doktrina at ang mga Dogma na itinakda ng mga Papa sa pagdaan ng kasaysayan, hindi namin sinasang-ayunan ang madaling posisyon na “walang ginagawa” para sa Simbahan sa partikular na momento ng kasaysayan.  Bukod pa, ang mga  Palmaryanong Papa ay pinagyaman ang Imbakan ng Banal na Rebelasyon ng napakaraming mga dogma, dalubhasang mga paliwanag at mga paglago sa doktrina.

Ilang mga Papa na nagkaroon ang El Palmar de Troya?

Apat sa kalahatan, kasama na ang Papang sa kasalukuyan ay masayang naghahari, si Pedro III.

Anong mga uri ng pagsamba mayroon kayo?

Una sa lahat ay ang Banal na Sakripisyo ng Misa na may tatlong esensyal na mga parte:  Opertoryo, Konsagrasyon at Sakripisyal na Komunyon.  Ang mananampalataya  na dumalo sa misa na nasa estado ng grasya ay maaaring tumanggap ng komunyon, nakaluhod at sa dila.

Ang pitong mga Sakramento ay isinasagawa:  Pagbinyag, Pagkompil, Pagkumpisal, Pagkomunyon, Pag-olyo, Pagpari at Pagkasal.

Maraming iba’t-ibang mga panalangin subalit ang pangunahin ay ang Rosaryo Penitensyal ng 50 kumpletong Ama Namin o Our Father (ang bawat isa ay binubuo ng Our Father, Hail Mary, Glory Be at Hail Mary Most Pure).

Dagdag pa, maningning at solemneng mga prusisyon ay isinasagawa sa Banal na Pamunuan sa panahon ng peregrinasyon sa bawa’t taon.  Ang Prusisyon Eyokaristiko ay ginagawa araw-araw.

Posible ba sa mga hindi Palmaryano ang dumalo sa pagsamba?

Oo, hangga’t ipinapakita ang respeto at ang hinihinging pamantayan sa pananamit ay maisakatuparan. Tingnan ang Pamantayan sa Pagiging Desenteng Kristiyano.

Paano ninyo sinusuportahan ang inyong mga sarili sa ekonomikong pangangailangan?

Sa pamamagitan ng mga limos at mga donasyon buhat sa mga mananampalataya. Ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan ay hindi nakatatanggap ng pera buhat sa Estado at hindi rin ito nagbebenta ng kanyang mga limbag. Ang lahat ng mga Sakramento at gayundin ang mga bibliya, mga dasalan, mga eskapularyo at iba pa ay ipinamamahagi nang walang bayad.

Ano ang magiging unang hakbang para maging kasapi ng Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan?

Magpadala ng email sa Banal na Pamunuan ng Palmar, ocsficp@gmail.com. Mas mabuti rin kung basahin ang mga Pamantayan ng Palmaryano sa Pagiging Desenteng Kristiyano upang makapasok sa paligid ng Simbahan sa Palmar de Troya.

Gusto ko ang lahat pero ano ang kasiguruhan ko na ang Palmaryanong Simbahan ay ang Tunay na Simbahan?

Ang kasiguruhang ito ay matatanggap direkta mula sa Langit, nguni’t upang matanggap ito ay nararapat na gawin mo ang iyong parte. Sa umpisa kailangan mong magdasal ng Banal na Rosaryo Penitesyal araw-araw. Tingnan Rosaryo Penitensyal.

Ano-ano ang pinakamahirap na pamantayan na dapat sundin?

Sa tulong ng Diyos at ng Kanyang Pinakabanal na Ina ay walang napakahirap. Subali’t binigyan tayo ni Kristo ng mga pagsubok nang maraming ulit upang makita kung gaano tayo kahanda para magpakasakit sa buhay na ito dahil sa pagmamahal sa Kanya. “Ang sinumang mayroon ng Aking mga kautusan at sinusunod ang mga ito, ay nagmamahal sa Akin. Ang sinumang nagmamahal sa Akin ay mamahalin ng Aking Ama. Mamahalin Ko siya at ipakikilala Ko ang Aking sarili sa kanya, maninirahan sa kanyang kaluluwa.”

Paano kung ang aking pamilya ay kontra dito?

Ang Diyos una sa lahat. Dapat nating mahalin ang Diyos higit sa lahat ng bagay. Ganyan kung paano tayo tinuruan ni Hesus sa Ebanghelyo: “Ang sino mang nagmamahal sa ama o sa ina nang higit sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin; Ang sino mang nagmamahal sa anak nang higit sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin. Ang sino mang hindi magpasan ng krus at sumunod sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin. Ang sino man maging ang katumbas ay mawala ang kanyang kaluluwa at panatilihin ang kanyang buhay, ay mawawalan ng eternal na buhay; at ang sino mang mawalan ng kanyang buhay dahil sa pagmamahal sa Akin, ay makikita niya iyon muli sa Langit.”

Paano naman ang mga paghihirap na dala ng hindi pagkaunawa ng iba? 

Dapat nating tanggapin iyon nang may buong hinahon bilang kristiyano. Dapat nating alalahanin ang mga salita ni Kristo: “Lumapit kayo sa Akin lahat kayong napapagod at nabibigatan, at pagiginhawahin Ko kayo. Tanggapin ninyo ang Aking kapangyarihan at matuto kayo sa Akin, na maamo at mapagpakumbaba ang puso, at kayo ay makatatagpo ng katiwasayan para sa inyong kaluluwa. Dahil ang Aking kapangyarihan ay matamis at ang Aking pasan ay magaan.”

May mga importante o kilalang tao ba na naging kasapi ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha?

Tingnan ang “Importanteng mga Tao sa Kasaysayan ng Palmaryanong Simbahan”. Sa pahinang ito ay mababasa ninyo ang tungkol sa maraming mga pari at mga madre na iniwan ang koraptong romanong simbahan upang tumungo sa El Palmar.