San Alfredo Ottaviani
Obispo. Doktor. Dinukot ng Vatican judeo-masonic grand lodge. Maalab na Haligi ng Katolikong Pagkilala Ayon sa Kaugalian at Protektor ng Banal na Palmaryanong Pamunuan.
Ipinanganak sa Roma, Italya, noong ika-29 ng Oktobre 1890.
Si Kardinal San Alfredo Ottaviani ay laging nasa tabi ni Papa San Pablo VI, ang Martir ng Batikano. Siya ay dakilang tagapagtanggol ng Katolikong Pagkilala Ayon sa Kaugalian at Banal na Tradisyon, buong lakas na linalabanan ang ereheng mga plano ng ‘judeo-masonic Vatican lodge’, na kung saan ang mga kardinal, mga obispo, mga pari at iba pang mga kasamahan, na mga pumatay kay Papa San Pablo VI. Ilan sa mga freemason na iyon nangunguna sina cardinal Juan Villot, Juan Benelli, Sebastian Baggi, Poletti at Casaroli. Ang masasamang mga taong ito ay nagpalsipika ng lagda ng Pinakadakilang Papa at nagpalabas ng palsipikadong mga dokumento. Ang mga freemason at iba pang mga erehe na nakapasok sa romanong pamunuan ay buong tapang na nakarating sa puntong sinira ang tunay na Misa, binago ito at pinalitan ito ng ereheng “novus ordo” mass, na inimbento ng dakilang freemason, ang traydor na arsobispo Bugnini. Si San Alfredo Ottaviani ay kumontra sa ereheng misa, at patuloy na nagdaos ng Banal na Tradisyonal na Misa.
Read More
Ang kabataang Clemente Domínguez y Gómez, ngayon Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, ay nagkaroon ng mga panayam sa nakatataas na mga pinuno ng Romanong Simbahan, na sa karamihan sa kanila noon ay naminsala na, sa Espanya at maraming ibang Europeo at Amerikanong mga bansa. Sa harap ng maraming mga preladong iyon, sa harap ng kanilang sutil na mga reaksyon, ay pinanindigan niya ang mga karapatan ng Diyos at ng Simbahan ayon sa sugo sa kanya ng Panginoon at ng Birheng Maria. Sa maraming mga pagkakataon ay dinalaw niya si Kardinal San Alfredo Ottaviani sa kanyang residensiya sa Roma, para maipaabot niya ang mga Mensaheng may kinalaman sa Simbahan at sa kanyang turno bilang Papa kay Papa San Pablo VI. Sa ilan sa mga Mensahe ay ang mga pangalan at mga indikasyon ng kardinal at obispong mga traydor ay nakasaad. Si San Alfredo Ottaviani ay laging tinatanggap ang seer na si Clemente Domínguez ng El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya, nang may dakilang katapatan at interes sa mga Mensaheng galing sa Langit na kanyang natanggap. Ang banal na Kardinal Ottaviani ay nagsilbi bilang tagapamagitan para makarating sa Bikaryo ni Kristo. Sa mukha ni San Alfredo Ottaviani ay nababanaag ang kahigpitan at hindi maglalagay sa kompromiso ng isang hindi maaaring bumigay o sumuko at ang tamis ng isang nagmamahal at nagdurusa sa katahimikan. Ang banal na Kardinal kailanman ay hindi sumuko sa harap ng progresibismo, at hindi niya rin tinanggap ang mga antipapang Juan Pablo I at Juan Pablo II kahit kailan. Si San Alfredo Ottaviani ay namatay noong ika-3 ng Agosto 1979. Kinanonisa at idineklarang Doktor ng Simbahan ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-3 ng Abril 2003.
San Cediel Maria ng Banal na Mukha at ng Ating Ina ng El Palmar Koronada
Marianong Apostol. Obispo. Relihiyoso ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha Kasama ni Hesus at ni Maria. Doktor. Biktimang Kaluluwa. Apostol ng Banal na Sakripisyo ng Misa.
Tinawag na Federico Fernando Narro Siller sa mundo, siya ay ipinanganak sa Saltillo, Coahuila, Mexico, noong ika-30 ng Mayo 1912. Nang limang taong gulang, siya ay pumasok sa boarding school ng Congregation of the Christian School Brothers (La Salle) bilang isang mag-aaral at, habang bata pa, ay pumasok bilang isang Relihiyoso sa Kongregasyong iyon, kung saan siya ay nanatili sa loob ng halos limampung taon.
Read More
Nang malaman niya na ang tunay na Simbahan at ang tunay na Papa ay nasa El Palmar de Troya, ay iniwanan niya ang kanyang Kongregasyon, na noon ay maluwag at apostata, at dumating sa Sevilla. Noong ika-20 ng Agosto 1980, siya ay pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, na ipinundar ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila. Noong ika-8 ng Pebrero 1982, ay ginawa niya ang kanyang perpetwal na mga pangako, at inordinan bilang Pari at pagkatapos ay kinonsagrang Obispo ng Palmaryanong Kataas-taasang Papa. Ilang buwan bago siya mamatay ay inihayag ni San Cediel Maria ang kanyang nag-aalab na hangad na maiparating sa lahat ng mga kasapi ng kanyang dating Kongregasyon ng La Salle na ang tunay na Simbahan ay ang Katoliko, Apostoliko at Palmaryano, na pinamumunuan ng tunay na Papa, Gregoryo XVII, at, dagdag pa, nais niyang maisakatuparan ang importanteng misyon na ito sa lalong madaling panahon, dahil nararamdaman niya sa kanyang kalooban na malapit na ang kamatayan. Para magawa ito, ay naghanda siya ng isang dokumento, isinalin sa maraming mga lengwahe, na kanyang ipinadala sa mga superyor ng maraming La Salle houses, gayundin sa ibang dating mga brother ng Orden na iyon at sa mga kaibigan. Ang kanyang hangad ay para sila lahat ay sumapi sa tunay na Simbahan at tunay na Papa. Hindi nagtagal makaraang maipadala ang mga Palmaryanong propagandang ito, si San Cediel Maria ay namatay sa Sevilla, sa Mother House ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, noong ika-5 ng Nobyembre 1983, sa edad na pitumpu’t isang taon habang nagdaraos ng Banal na Misa, matapos mag-iwan ng saganang pruweba ng kanyang dakilang mga katangian. Malaking bilang ng kopya ng mga sulat-kamay niyang mga sulat buhat sa pagpasok niya sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha ay naipreserba; ang mga iyon ay tunay na yaman ng espiritwalidad at apostolado. Narito ang isang bahagi ng isa sa mga iyon, nakaadress sa isang brother visitor sa bahay ng kanyang dating Kongregasyong La Salle sa Mexico City, isang sulat na naghahayag ng kanyang hindi mapapasubaliang determinasyon na maging isang Relihiyoso ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha sa El Palmar: Brother Visitor, Ako sa bandang huli ay ginagawa ang pagsasakatuparan ng aking bokasyon sa La Salle. Si Papa Gregoryo XVII, na may Pamunuan sa El Palmar de Troya, ilinipat dito ayon sa mabilisang utos ng Panginoon, ay nais na ako ay pumasok sa Carmelitas ng Banal na Mukha. Dahil siya ang pinakamataas na awtoridad sa institusyong ito, kung kanino ay dapat kaming sumunod, ay hindi ako nagdalawang isip kahit isang sandali. Kilala mo ako, kung kaya hindi na kita kailangang bigyan ng malaking sorpresa. Hindi ito pagkawala ng bokasyon, subali’t ang tunay na pagsasakatuparan nito sa Grasya ng Diyos. Tungkol sa mga bagay na naiwan ko, sa kasanayan ay iniwan ko ang iyon lahat… Pagbati sa lahat ng mga brothers at pakiusap ipagdasal mo ako sa Diyos, sa huling yugto na ito ng aking buhay. Salamat. Brother Federico Narro”. Ang sulat na ito ay sinulat ni San Cediel Maria noong ika-21 ng Agosto 1980, ang araw makaraang pumasok ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, sa Sevilla. Ang iba sa kanyang mga kaisipan, mula sa kanyang spiritual notebook: “Sa pagmamahal na ito kay Hesus kay Maria, dapat kong mahalin ang aking bokasyon, magkaroon ng patas at lubos na pagpapahalaga sa aking bokasyon. Ang aking bokasyon ay hindi isang bagay na para sa akin, nguni’t para sa Kanya, at para sa Kanya sa pagbibigay ko nang lubos ng aking sarili kay Maria. Hesus, Maria at Ako: tayo ang bubuo ng aking bokasyon. Sa sandaling ang aking bokasyon ay maitakda, mananangan ako sa mga iyon sa buong buhay ko. Kung ang aking bokasyon ay para samahan si Hesus at si Maria, ang pakikipag-usap sa kanila ay napakaimportante. Dito ay nananahan ang katapatan sa aking bokasyon, katapatan sa lahat ng saglit, sa lahat ng detalye, para magsigasig hanggang sa huli. Dapat kong mahalin ang aking bokasyon kay Hesus at kay Maria, dahil tinawag Nila ako. Ang aking bokasyon ay dapat umabot sa pamumunga, dahil nais kong sundan si Kristo. Sa pagsunod kay Kristo, dapat kong tanggapin Siya nang eksakto kung ano Siya. Sa Kanya, kasama Niya, sa pamamagitan Niya at para sa Kanya, dapat akong manalo. Laging handang lumaban sa kaaway ng aking bokasyon, na hindi nagpapahinga. Ang bokasyon ay nagpapahiwatig ng kumbersyon. Ang aking bokasyon sa Carmelitas ng Banal na Mukha ay nangangailangan ng pagsuko ng aking sarili nang lubos kay Maria, para, kasama Niya at sa Kanya, para gumawa ng reparasyon para sa mga kalapastanganan ng mundo sa Banal na Mukha ng Ating Panginoong Hesukristo… Si Kristo ay nais na patuloy na magligtas ng mga kaluluwa sa pamamagitan ni Maria, kung kaya tinawag Niya ako.” Sa araw makaraang siya ay mamatay, siya ay inilibing sa sementeryo ng San Fernando, Sevilla, Espanya. Ilinipat sa kripta ng Katedral-Basilika ng Ating Ina ng El Palmar Koronada noong ika-2 ng Mayo 1989. Kinanonisa ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-10 ng Nobyembre 1983. Idineklarang Doktor ng Simbahan ng parehong Papa noong ika-9 ng Marso 1999. Si Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, bago ipagpatuloy ang pagkanonisa kay San Cediel Maria, mula sa Mayor na Altar ng Katedral-Basilika ng Ating Ina ng El Palmar Koronada, ay nagbigay ng ilang malalim at nakapagbibigay ng magandang halimbawang mga pananalita tungkol sa dakilang mga katangian ng bagong Santo, kung saan ay sumipi tayo ng sumusunod na talata: “Tulad ng alam na ninyo, ang Benerable Padre Cediel Maria ay namatay. Alam ninyong ang kanyang kamatayan ay naganap noong nakaraang Sabado, na, noong ika-5 ng buwang ito, at siya ay namatay sa akto ng pagsilbi sa Diyos at sa Simbahan. Siya ay namatay habang nagdaraos ng Banal na Sakripisyo ng Misa. Saan ang mas magandang mamatay ang isang ministro ng Panginoon kaysa habang nagdaraos ng Banal na Sakripisyo ng Misa! Noong Sabado ng umaga, habang nasa kanyang ikatlong Misa, makaraang tumanggap ng Komunyon ng Pinakabanal na Katawan ni Kristo sa ilalim ng uri ng tinapay, at bago inumin ang Pinakamahal na Dugo ng Panginoon, siya ay namatay habang lumuluhod sa paghahanda para inumin ang Pinakamahal na Dugo ni Kristo. Subali’t siya ay nakatapos nang magdaos ng magkasunod na dalawang Misa, maliban dito sa pangatlo, hindi kumpleto, na kinumpleto ng isa pang Padre. Ang bawa’t kamatayan ng ating mga Relihiyoso at mga Relihiyosa ay maganda, kahanga-hanga, at puno ng katahimikan. Subali’t, ninais ng Panginoon na bigyan ng labis-labis na pabor sa ekstraordinaryo at napakataas na paraan sa paghanda ng isang kamatayan para kay Benerable Padre Cediel Maria sa aktong nagsisilbi sa Altar. Napakadakilang kamatayan, anong gandang kamatayan, gaano kagandang ginabayan ng Panginoon! Diyan, sa Altar, nagdaraos ng Banal na Sakripisyo ng Misa, diyan, gumagawa ng reparasyon sa Eternal na Ama at nagliligtas ng tao, ang ministrong ito ng Panginoon namatay. Anong palatandaan, anong gandang palatandaan ng lubos na pakikiisa kay Kristo, ang mamatay na nagsasakripisyo at namatay nang isinasakripisyo ang sarili, ipinakita ang kanyang sarili bilang nagsasakripisyo at biktima sa parehong pagkakataon! O Panginoon! Napakaraming mga kababalaghan! Kami ay gulat na gulat, kami ay lugod na lugod, Panginoon, sa kadakilaan ng Iyong pagmamahal sa Carmelitas ng Banal na Mukha, subali’t mas gulat na gulat sa kamatayan ng Benerable Padre Cediel Maria, dahil ibinigay Mo sa kanya ang pinakamagaling, ibinigay Mo sa kanya ang Grasya ng mga Grasya: ang mamatay na nagsasakripisyo sa Altar, isinasakripisyo Ka, isinasakripisyo si Maria, isinasakripisyo ang kanyang sarili, isinasakripisyo ang Simbahan; at, para magbigay pa ng mas lakas sa katotohanang ito, nakikitang isinasakripisyo ang kanyang sarili, dahil namatay siya sa ganoong napakabanal na akto ng pagsilbi sa Diyos at sa Simbahan. Pinagpalang kamatayan, ang kay Benerable Padre Cediel Maria! Magandang kamatayan! Ito ay isang malaking katibayan ng buhay ng lalaking ito, isang dakilang katibayan ng kanyang kabanalan, isang nadaramang katibayan ng pagmamahal ng Panginoon para sa kanya, isang nadaramang katibayan ng kanyang tugon sa Panginoon, kahi’t kayo, minamahal kong mga Relihiyoso, ay maaaring ang bawa’t isa ay minsan may namamalas na kakaiba sa kanya, natural mayroon, maraming ibang mga Santo ay may mga hindi pangkaraniwan. Kung titingnan natin ang mga buhay ng mga Santo sa loob ng dalawampung siglo, ay makatatagpo tayo ng napakaraming mga kakaiba sa dakilang mga Santo na kung saan tayo lahat ay hindi makapaniwala. Kung ano ang dapat ninyong tingnan ay ang katapatan, kung ano ang dapat ninyong tingnan ay kung paano ang Paring ito ng Panginoon ay hindi ipinagpaliban ang pagdaos ng Banal na Sakripisyo ng Misa. Tunay niyang minamahal ang Altar at tayo ay may tiyak na pruweba dito: Si Benerable Padre Cediel Maria ay nahahaling sa Altar, talagang tunay na nahihibang sa Altar! Binigyan Natin siya ng pahintulot nang mga nakaraan, nang siya ay hindi pa gaanong magaling dahil sa kanyang mga karamdaman at mga iniinda, binigyan Natin siya ng pahintulot na magdaos ng ilang Misa sa kanyang selda. At nanabik siya, nanabik siya, nanabik siyang magdaos at bawa’t pagkakataon ay humihingi siya ng pribelihiyong makapagdaos ng isa pang Misa, isa pang Misa. Alam niya, nararamdaman niya, inaasahan na niya bago pa man, naramdaman niyang siya ay mamamatay sa Altar. Sinabi niya pa sa ibang mga Padre sa komunidad na mamamatay siya sa Altar. Naramdaman niya ito; ang Panginoon ay ipinaalam ito sa kanya, dahil ang kanyang pagmamahal para sa Altar ay napakadakila, ang kanyang pagmamahal para sa Sakripisyo ng Misa, na siya ay makatanggap ng Grasya na mamatay sa Altar: ang pinakamagandang kamatayan para sa isang ministro ng Panginoon, para sa isang nagsasakripisyo, para sa isang buhay na Kristo, bilang isang Pari ng Panginoon, isang buhay na Kristo, Kristong kumikilos sa Altar, Kristong kumikilos sa pamamagitan ng Kanyang ministro ang Pari; si Kristo ay nakikitang isinasakripisyo doon, dahil ang Kanyang ministro ay namatay sa aktong iyon ng pagsasakripisyo. At, gaano kaganda! Ang kamatayan ni Benerable Padre Cediel Maria, nang, sa pagluhod na iyon, ay natagpuan niya ang kanyang sariling kaharap mismo ng Pinakabanal na Trinidad; nakita niya ang Birheng Maria… Nakita niya ang Pinakabanal na Jose at, natural, si Santa Teresa, ang ating Ina at Repormadora; at napakabilis, walang anumang abala, si San Pio ng Pietrelcina ay pumunta para salubungin siya, inakay siya sa kanyang kamay at dinala sa isang magandang lugar, para makita ang lahat ng kagandahan sa Langit, magpahanggan pa man, sa harap ng isang hindi napapalitang Altar, sa harap ng isang hindi natitinag na Altar: ang Altar sa Langit. Ngayon, pinakamamahal kong mga anak, mga Pari ng Panginoon, mga Obispo, ikonsidera ninyo, may roon na naman tayong tagapamagitan sa Langit, Benerable Padre Cediel Maria, at papamagitan niya higit sa lahat na bigyan kayo ng lakas kapag kayo ay nagdaraos ng Banal na Sakripisyo ng Misa, kung makikiusap kayo sa kanya. Manawagan kayo kay Benerable Padre Cediel Maria kung, nasa Altar, nakararamdam ng pagod, matamlay, desmayado, parang nag-iisa. Manawagan sa kanya at pagnilayan ang kanyang ehemplo: siya ay namatay na nagdaraos ng Misa. Wala kayong magagawang mas magaling kaysa mamatay na nagdaraos ng Misa, kung iyon ang kalooban ng Panginoon; at gaano kadakila iyon! Kapag nakahanda ang kaluluwa, kapag ang kaluluwa ay dalisay, kapag ang kaluluwa ay malinis, kapag ang kaluluwa ay tunay na kaisa ng Panginoon at Diyos, at sa kanyang Ina ang Pinakabnal na Birhen, kapag ang kaluluwa ay puno ng Pinakabanal na Trinidad at ang Paring nagdaraos ay dumating sa paghusga doon sa Altar, O Panginoon! Ang koro ng mga anghel, ang kanilang mga trumpeta ay ibinabalita ang Paghukom; O Panginoon! Isang ministro ng Panginoon namatay sa Altar, na namatay nang nakaluhod at natagpuan ang kanyang sarili sa harap ng hukuman ng Diyos, hukumang walang apela o suhol. Tingnan ninyo, kung gaano kadakila ang isang Grasya para kay Benerable Padre Cediel Maria! Siya ay nagmula sa Order of the Brothers of Christian Doctrine, iyong sa La Salle, kung saan ay walang mga Pari, tanging mga brothers; at siya ay may naramdamang malaking pananabik mula sa kalooban sa maraming mga taon — iyon ang ipinagtapat niya sa Atin sa pribado — isang panloob na pananabik na maging isang Pari isang araw. Nguni’t hindi niya nakita kung paano, kung sa paanong paraan iyon mangyayari, dahil para maging isang Pari sa Orden na iyon ay mangangahulugang sa labas niyon, iiwanan iyon. Minahal niya ang Orden na kinasapian niya, nang ang Orden ay mabuti pa sa nagdaang mga taon; nguni’t umasa siyang, sa ibang paraan, hindi niya alam kung paano, siya ay magiging isang Pari isang araw. Nang ang Gawain ng El Palmar ay nakarating sa mga kamay niya, doon nakita niya ang posibilidad at, kahi’t matanda na noon, alam na hindi na siya gaanong makapagtatrabaho ng marami noon, nais niya pa rin kahi’t papaano ang Grasya na mamatay bilang isang Pari. At hindi lamang isang Pari, hindi lamang isang Presbiteryo, nguni’t siya ay namatay na isang Obispo, isang Prinsipe ng Simbahan; at, dagdag pa, nagdaraos ng Misa, na kanyang pinanabikan nang ganoon na lamang buhat pa sa kanyang kabataan; dahil madalas siyang nakikipag-usap sa Atin sa pasilyo ng ating monasteryo. Nang Tayo ay naglalakad habang nagdarasal ng Ating Rosaryo, dahil madalas, ay nasasalubog siya, siya ay magalang na lumalapit, sa pangkalahatan ay sa espiritwal na mga bagay; at ginagawa niyang sandali lamang para hindi makabagot sa Atin; subali’t lagi niyang binabanggit sa Atin ang ibang napakaimportanteng mga bagay na hindi Natin sinasabi, nguni’t sinasarili na lamang, at nahahayag na, at marahil ay marami pang mga bagay na alam Natin ay lumabas at malaman. Ang Benerable Padre bang ito, si Padre Cediel Maria, ay may mga kakaiba? Oo, natural mayroon; mga panlabas, oo, siyempre, subali’t ang masisiguro Namin sainyo ay na ang kanyang kaluluwa ay nagiging mas at mas at mas nagiging perpekto araw-araw, na hindi napapansin ng iba. Subali’t ang Ama ninyo lahat, ang Bikaryo ni Kristo, ay inoobserbahan siya tulad ng pag-obserba niya sa bawa’t isa sainyo. Sa pamamagitan ng walang hanggang awa ng Panginoon ay, marami Kaming alam na mga bagay tungkol sa bawa’t isa sainyo. Nararamdaman din Namin ang dakilang kabanalan ng marami sainyo, na inyong maaabot kapag kayo ay nagsigasig hanggang sa huli; iyon ay magaganap, kapag kayo ay nagsigasig, isang kadena ng mga Santo, pareho sa mga Relihiyoso at sa mga Relihiyosa, gayundin sa mga mananampalataya, sa mga lego, kung tayong lahat ay magsigasig. At ngayon, pagkatapos awitin ang mga kahusayan ni Benerable Padre Cediel Maria, matapos na mailarawan sa abot ng Ating makakaya, sa pamamagitan ng Ating asiwang panulat, sa pamamagitan ng Ating asiwang pinsel, matapos ilarawan ang mga katangiang ito, matapos ilarawan ang napakagandang kamatayan ni Benerable Padre Cediel Maria, ngayon ay kinakailangan na lamang, na walang anupamang kuskus-balungos, isinasama Natin siya sa listahan ng mga Santo ng Banal na Simbahan ng Diyos.” (Kaagad siya ay kinanonisa.)
San Daniel Maria ng Banal na Mukha at ng Batang Hesus
Marianong Apostol. Obispo. Relihiyoso ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha Kasama ni Hesus at ni Maria. Doktor. Biktimang Kaluluwa. Apostol ng Eternal na Ama.
Sa mundo Jose Maria Isidoro Pasquier, siya ay ipinanganak sa Le Pâquier, Fribourg Switzerland, noong ika-9 ng Hunyo 1903, at bininyagan nang araw ding iyon. Ang kanyang mga magulang, napakabanal na mga tao, lalo na ang kanyang ina ay sina Augusto Pasquier at Maria née Bussard, na sa kanilang kasal ay labindalawang mga anak ang isinilang. Si San Daniel Maria ay nag-aral ng primarya sa kanyang tinubuang bayan, at ng kanyang segundaryang pag-aaral sa Bulle. Sa edad na disisyete ay pumasok siya sa kolehiyo ng San Miguel sa Fribourg, at sa dalawampu’t apat ay pumasok sa kumbento ng San Mauricio sa Valais, Switzerland, at doon ay ipinagpatuloy ang kanyang Teolohiya hanggang sa kanyang Ordinasyon bilang Pari noong ika-14 ng Abril 1929.
Read More
Sa panahon ng kanyang pananatili sa kumbento, siya ay gumawa ng maraming mga eksperimento kung saan ay nakakuha siya ng patente para sa elise ng eroplano na inimbento niya para mabawasan ng malaki ang ingay at yanig, at magamit ang enerhiyang natipid para manatiling nasa himpapawid ang makina. Sa loob ng mga taong 1930 hanggang 1935, makaraang mag-aral ng English sa England, ay naging misyonero siya sa British India, kung saan ay nagturo siya sa Kolehiyo ni San Jose sa Bangalore. Sa pagbabalik niya sa Switzerland siya ay pagod na pagod na halos hindi siya makapagtrabaho, at ang kanyang mga superyor ay ipinadala siya bilang Koadyutor sa parokya ng Vollges sa Bagnes Valley, kung saan ay hindi siya natagalang masakop ang mga puso ng mga tagaparokya; dahil si San Daniel Maria ay may sekreto sa pag-abot sa mga puso at napupukaw kahit ang pinakamahina na may kagustuhang magtrabaho sa pagsilbi sa Panginoon. Hindi nagtagal siya ay naging guro sa segundaryang paaralan at kapelyan sa maraming mga pagamutan ng tuberkulosis. At, dahil sa ilang mga pagbabago sa mga patakaran sa buhay ng isang regular na kanon ni San Agustin sa kumbento ni San Mauricio, na humantong sa muling pagkasira ng moralidad, ay hiningi ni San Daniel sa kanyang mga superyor na siya ay palayain sa kanyang mga obligasyon na ukol sa kumbento; at, para hindi maalis ang kanyang pagiging regular na kanon ni San Agustin, siya ay nanungkulan sa parokya ng Lessoc, isang maliit na bayan sa Gruyère, Canton, Fribourg. Pagkatapos ng conciliabulum Vatican II, nang magsimula ang bagong mga uri ng liturhiya, si San Daniel Maria ay agad na ginawa ang mga ito, naniniwala sa awtoridad noong mga gumawa nito. Subali’t hindi siya natagalang maisip ang layunin sa likod ng mga ito, dahil ang mga uri ng pagbabago ay ibinigay umano sa banal na mga layunin nguni’t may nakatagong masamang mga plano. May mga ebidensiya siya na maraming bilang ng mga kaaway ng Simbhan ay nakapasok na sa relihiyosong mga Orden, at kahit na sa pinakamataas na mga ranggo ng herarkiya ng Simbahan. Si San Daniel, noon ay Kanonigo Padre Pasquier, ay humingi ng kapatawaran sa Panginoon sa pagsunod sa satanikong novus ordo ng Misa nang napakadali, at nangakong laging igagalang ang tradisyon, at kung kinakailangan ay mamatay para dito. Kaya, sa bawa’t pagpunta niya sa perigrinasyon sa La Salette, o sa Lourdes, Pransya, ay ayaw niyang makibahagi sa mga konselebrasyon at umaalis para magdaos mag-isa ng tradisyonal na Misa. Dahil sa kanyang matatag na reaksiyon laban sa progresibismong herarkiya ng Simbahan, siya ay tuluyang inalis sa parokya ng Lessoc. Siya ay nakagawa ng kahanga-hangang espiritwal na gawain doon, gayundin ng malawak na mga gawaing panlipunan, ginagamit kahit ang kanyang maliit na kita para sa pagpapasaayos para sa simbahan, mga gusali ng parokya at para sa mga kawanggawa, dahil wala siyang ninais para sa kanyang sarili, sa dahilang minahal niya nang labis ang katangian ng kahirapan, sa pamamagitan ng mga iyon ay nakuha niya ang tiwala ng kanyang mga tagaparokya. Makaraang si San Daniel Maria ay napilitang iwanan ang parokya ng Lessoc, ay nakipag-ugnayan siya sa grupo ng mga tradisyonalistang Lefebre, at naging pinuno ng maraming bilang sa kanila. Si San Daniel Maria ay nalaman ang El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya, noong taong 1970. Ang noon ay presidente ng White Army ay hinimok siyang pumunta sa Sevilla para matuklasan kung ano ang nagaganap sa El Palmar de Troya sa loob ng nakaraang dalawang mga taon. Si San Daniel ay dating kapitan ng apostolikong kilusang White Army sa Switzerland, kung saan ay nagbibigay siya ng maraming bilang ng mga pagsasalita. Sa taong 1971, si San Daniel Maria ay pumunta sa El Palmar de Troya sa unang pagkakataon, at tulad ng kanyang naipaliwanag, ay nakita ang supernatural na espiritu ng banal na lugar. Ng parehong taong iyon siya ay bumalik sa pangalawang pagkakataon kasama ang grupo ng White Army at ang presidente nito. Noong 1976 ay nakatatlong punta siya sa El Palmar. Nang nasa El Palmar siya noong ika-7 ng Oktobre ng taong iyon, habang si Obispo Padre Clemente Domínguez y Gómez, ngayon Papa San Gregoryo XVII, ay dala ang monstrens sa prusisyon ng Banal na Sakramento, ang Panginoon ay nagsalita sa Obispo mula sa Sagradong Ostiya, hiningi sa kanya na konsagrahin bilang obispo ang noon ay regular na kanonigo Padre Jose Maria Isidoro Pasquier, na tinanggap naman nang malamang ang pakiusap ay galing mismo sa Panginoon. Kaya nang sumunod na araw, ika-8 ng Oktobre, siya ay kinonsagrang Obispo sa Sevilla. Dahil hindi pa siya noon inanyayahang pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Noong buwan ng Disyembre 1976, ay nalaman ni Lefebre ang pagkukonsagrang ito sa El Palmar, at inihayag ang alarma sa mga grupo ng lefebrist na pinangungunahan ni San Daniel, at maliban dito ay kinondena nang wala sa lugar kung ano ang naganap sa El Palmar de Troya, na nagdulot ng pagkabahala sa mga grupong iyon na noon ay humiwalay kay San Daniel Maria, na nagdulot ng kalungkutan sa kanyag puso. Nguni’t madali siyang nakabawi ng kanyang espiritu, at sa kanyang huling pagbisita sa El Palmar ay inanyayahan siyang dumalo sa Kanonikal na Koronasyon ng Ating Ina ng El Palmar Koronada, siya ay pumunta sa Sevilla kalagitnaan ng Disyembre 1976 sa layuning iyon, tumuloy sa lungsod. Noong ika-21 ng Disyembre ng taon ding iyon, ay bumisita siya sa Mother House ng Carmelitas ng Banal na Mukha, at sa kanyang pagdating ay nadatnan niya ang lahat ng mga Relihiyosong nagtitipon, at ang isa sa kanila ay nagsabi: “Si Padre Heneral ay tumatanggap ng Mensahe mula sa Panginoon sa mga oras na ito.” Hindi nagtagal, ang isa ay nagdugtong: “Tungkol sa iyo.” Si San Daniel Maria, nang malamang hinihingi ng Panginoon na siya ay pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, ay dagling sumunod, at pumasok nang araw din mismong iyon ika-21 ng Disyembre 1976. Ang buhay ni San Daniel Maria sa loob ng mahigit kumulang na sampung taon na inukol niya sa Komunidad ng Carmelitas ng Banal na Mukha ay labis na nagpakita ng magandang halimbawa sa lahat. Siya ay mapagmasid na Relihiyoso na laging nagpapakita ng espiritwal na kapinuhan ng kaluluwa na nakaukol nang buo sa Orden, bilang konfesor at espiritwal na direrktor, lagi siyang nakararanas ng espesyal na kapangyarihang espiritwal, kung kaya napakadalas marami ang pumupunta sa kanya para makakuha ng lakas sa Sakramento ng Kumpisal at makatanggap ng kanyang matalino at maliwanag na mga payo. Bilang apostol, buhat sa kanyang selda ay nagsasagawa ng kahanga-hangang pagpapalaganap ng El Palmar sa pamamagitan ng patuloy na pagsusulat, dahil alam niya ang napakaraming pangangailangan para sa ganitong pagpapalaganap, at sa dahilang ito ay madalas pinagkakaitan ang kanyang sarili ng kahit na tulog para ipagpatuloy ang kanyang gawain, na laging walang kapaguran. Buhat dalawa at kalahating mga taon bago ang kanyang kamatayan, siya ay napilitang manatili sa kanyang kama, subali’t hindi iyon dahilan para tigilan niya ang kanyang apostolikong gawain sa pamamagitan ng kanyang mga pagsusulat. Subali’t sa sugo ng Santo Papa, ay agad niyang hininto ang gawaing iyon, dahil ang kanyang paningin, nasira na ng sobrang trabaho, ay halos hindi na siya makabasa. Ang pagbabawal na ito ay nagbigay sa kanya na magkaroon ng mas maraming oras sa Altar, at siya ay nagdaos ng maraming bilang ng mga Misa araw-araw. Si San Daniel Maria ay maalab na nagmamahal sa Pinakabanal na Birheng Maria, taimtim na deboto ni San Jose at dakilang tagahanga ni Santa Teresa ng Ávila. Siya ay dumanas ng malaking mga pagdurusa sa loob ng ilang buwan bago siya mamatay, dahil ang kanyang katawan ay nagkaroon ng gangrene, mga sugat at iba pang mga karamdamang dinaranas ng may katandaan. Dinala niya ang lahat ng ito nang may pagtitiyaga at kagalakan, patuloy na gumagawa ng akto ng pagmamahal para sa Diyos, at laging ipinaaalam ang kanyang maalab na kagustuhang magdaos ng maraming Banal na mga Misa, nguni’t sa bandang huli ay hindi na niya kaya, na nagdulot sa kanya ng mas malaking pagdurusa at nagsilbi pang panglinis sa kanyang natural na mga depekto at para ilayo siya sa kahit na iyong pinakamamahal niya: ang magdaos ng Banal na Misa. Si San Daniel Maria ay isinuko ang kanyang kaluluwa sa Diyos sa Mother House ng mga Prayle sa Sevilla noong Huewebes ika-12 ng Marso 1987. Siya ay inilibing kinabukasan sa sementryo ng San Fernando sa Sevilla, Espanya at inilipat sa kripta ng Katedral-Basilika ng Atng Ina ng El Plmar Koronada noong ika-16 ng Nobyembre 1989. Kinanonisa ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-20 ng Abril 1987. Idineklarang Doktor ng Simbahan ng parehong Papa noong ika-24 ng Enero 1997.
Banal na Mukha, ay bumalik siya sa Switzerland, na hindi sinabi kaninuman na siya ay kinonsagrang isang Obispo, dahil pansamantala ay kinonsidera niya ito bilang isang personal na grasya, at siya ay patuloy na nagsagawa ng kanyang dating apostolikong gawain.
San David Maria ng Banal na Mukha at ng Pasyon
Marianong Apostol. Obispo. Relihiyoso ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha Kasama ni Hesus at ni Maria.
Sa mundo Angel Maria Villamayor Cabañas, siya ay ipinanganak noong ika-2 ng Agusto 1919, sa Ybytymi, Paraguay. Ang kanyang mga magulang ay sina Epifanio Villamayor Delgado at Maria Eleuteria Cabañas Fariña. Sa apat na mga anak, siya ay pangatlong isinilang. Ang kanyang mga magulang ay mahirap na mga magsasaka, at noong 1930 ay lumipat sa Argentina kasama ang kanilang apat na mga anak sa paghanap ng mas magandang kinabukasan. Pinag-aral nila ang batang Angel Maria sa isang primaryang paaralan kung saan ay natagpuan niya ang unang mga problema sa kapaligirang walang kinikilalang relihiyon. Nang nasa edad na labing-apat, sa pagkamatay ng kanyang ama sa Posadas, Argentina, ay kinailangan niyang iwanan ang pag-aaral at magtrabaho bilang isang katulong sa tindahan. Ang kanyang mga magulang, napakarelihiyoso, ay ikinintal sa kanilang mga anak ang debosyon sa Pinakabanal na Birheng Maria, at si San David Maria, sa edad na dalawampu’t dalawa, ay pumasok sa Marianong Kongregasyon para sa mga kabataan sa kanyang parokya, at sa ilang panahon ay naging pangulo nito.
Read More
Sa mga bakasyon sa kanyang komersiyal na gawain, si San David Maria ay naglakbay sa iba’t-ibang bahagi ng Argentina mula hilaga hanggang timog at mula silangan hanggang kanluran. Ang kanyang ina ay nagkasakit nang malubha noong 1946, at bumalik siya sa Paraguay kasama siya. Noong ika-30 ng Nobyembre ng parehong taong iyon, ay namatay ang kanyang ina. Napagtanto niya noon na panahon na para pumili siya ng kanyang magiging estado sa buhay para makaiwas sa pag-iisa, dahil ang kanyang mga kapatid ay lahat may asawa na at nakatira sa Argentina. Subali’t sa katalagahan ng Diyos ay nakakilala siya ng isang matalinong Pari, na sinabi sa kanya na bigyan niya ng kaunting panahon ang kanyang sarili para magabayan siya sa kanyang bokasyon. Sa bandang huli ay nakumbinsi siya ng Pari sa posibleng bokasyon ng pagiging pari, na nagawa niyang pag-aralan ang kanyang apostolikong gawain sa Marianong Kongregasyon. Alinsunod sa kaisipang ito, si San David Maria ay umalis patungo sa Argentina kung saan, noong Marso 1948, siya ay pumasok sa isang Seminaryo ng diyosesis. Noong Marso 1950 ay bumalik siya sa Paraguay, kung saan ay nagpatuloy siya sa pag-aaral tungkol sa Simbahan sa Asunción Council Seminary. Ang Seminaryong ito ay napakanakalulungkot na ang kalagayan sa kagandahang-asal, at ang Katalagahan ng Diyos ay ginamit ang mga seminarian para maremedyuhan ang sitwasyon. Noong 1954 ang Papa San Pio XII ang Dakila ay nagpadala ng inspektor, na nagpatalsik sa mga superyor, maliban sa ibang natira, dahil si Satanas ayaw na matalo sa digmaan nang lubusan, ay nagawang makaiwas sa tagumpay ng mga seminaryan. Kaya ang Papa San Pio XII ang Dakila ay bumaling sa Obispo sa Espanya para punan ang mga bakante sa Seminaryo ng Asunción, nguni’t ang mga tauhang ipinadala ng Obispo, lahat mga doktor, ay napamugaran na rin ng progresibismo, kung kaya sa bandang huli ang remedyo ay mas malala pa kaysa sa sakit. Noong ika-13 ng Enero 1957, si San David Maria ay inordinahang Pari sa lungsod ng Asunción ng Arsobispo. Idinaos niya ang kanyang unang Misa sa bayan niyang tinubuan ang Ybytymi. Ang taon makaraan ng kanyang ordinasyon, ay inatasan siya ng prelado na bumuo ng isang bagong parokya sa kabisera mismo, isang napakahirap na gawain, dahil ang teritoryo ay bubuohin sa pamamagitan ng pagkuha ng ilang bahagi ng tatlong dati nang mga parokya. Pagkatapos na maorganisa ang bagong parokya, ay nagkaroon ng bakante sa isang napakahirap na rural na parokya na may napakasamang pangalan, kung kaya walang pari ang gustong mamahala nito. Dahil ang kanyang parokya sa Asunción, na nasa kabisera, ay pinag-aagawan, ay nag-alok siya na pumunta sa rural na parokya, kaya siya ay ipinadala roon. Muli ang Katalagahan ng Diyos ay dumating para tulungan siya, dahil para makapanatili sa Asunción ay nangangahulugang pagkahulog sa progresibismo, samantalang doon sa malayong lugar ay mapananatili niya ang tradisyon. Samantala ang mga pagkakasalungat ukol sa mga usaping pansimbahan sa pagitan ng progresibistang mga tendensiya ng Arsobispo at ng tradisyonalismo ni San David Maria ay lalong mas nakikita. Kaya, mula taong 1964, siya ay hindi na dumadalo sa mga pagtitipon bawa’t buwan ng mga klerigo, na ginagawang mga dahilan ang kanyang kalusugan; at noong 1967 ay iniwanan niya nang tuluyan ang parokya at pumunta para magsilbing isang kapelyan sa isang ospital sa Asunción. Nang taon ding iyon ang Pari sa Parokya sa bayan ng Capiatá, na ang hurisdiksiyon ay nasasakupan ang kapilya ni San Miguel Arkanghel ng Posta Leiva, isang nayon 26 kilometros mula sa Asunción, ay inilagay si San David Maria sa kapilyang iyon. Ang Pinakabanal na Birheng Maria ay ginamit ang ‘Difusora Mariana’ ng Buenos Aires para matulungan si San David Maria sa mahirap na oras ng eklipse sa Simbahan, para hindi siya maiwanan sa karimlan; at sa pamamagitan ng lupong iyon ay nalaman niya ang mga Aparisyon ng Pinakabanal na Birheng Maria sa El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya at ang mga gabay na iniaalok ng mga mensahe. Lubos siyang nakumbinsi ng mga babala buhat sa langit, nagsimula siyang mangaral tungkol sa mga Aparisyon sa kapilya ni San Miguel Arkanghel sa Posta Leiva, na pag-aari ng romanong simbahan, na masusing sinusunod ang mga indikasyong ibinigay sa mga Mensahe ng Palmar. Nang taong 1980, siya ay nakipag-ugnayan sa Palmaryanong Obispo, ngayon San Enoc Maria, na misyonero sa Santa Maria de los Buenos Aires, kabisera ng Argentina. Si San David Maria ay inanyayahan si San Enoc Maria sa Paraguay, na pumunta para bisitahin siya. Ang arsobispo ng Asunción, nalaman ang pagkikita, ay pinuwersa si San David Maria na lisanin ang kapilya na kanyang inuukupa. Simula noon, si San David Maria ay nagpatuloy ng kanyang ministro ng pagkapari sa isang pribadong bahay ni San Eusebio Rolón, isang tagasunod ng Gawain ng El Palmar. Si San David Maria ay lubhang inusig ng apostatang romanong herarkiya at ng mga pulis mismo. Noong taong 1981, sa okasyon ng pagbisita ni Papa San Gregoryo XVII sa Paraguay, si San David Maria ay pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha noong ika-15 ng Agusto sa taong 1981. Noong ika-23 ng Agusto ng kaparehong taon na iyon ay ginawa niya ang kanyang perpetwal na mga pangako. Kaagad, si Obispo Padre Isidoro Maria, ngayon Papa San Pedro II ang Dakila ay iginawad sa kanya ang pagiging Obispo sa isang probisyonal na kapilya na nakatirik sa isang lote na pag-aari ni San Eusebio Rolón, katabi ng kanyang bahay, na dinaluhan ng mga mananampalataya at ng napakaraming iba pa. Sa parehong lugar na ito sa Posta Leiva, ang Kapilya ng Palmaryanong Simbahan ay nakatayo ngayon. Si Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila ay ipinundar ang Kapilya sa Posta Leiva, nagsagawa ng pinakamalaking apostolikong gawain sa napakaraming mga mananampalataya. Ang bagong Obispo, San David Maria, ay nanatili sa Posta Leiva kasama ang dalawang iba pang Palmaryanong mga Obispo para pangalagaan ang maraming mga tagaparokya ng Paraguay. Noong ika-29 ng Oktobre 1984, si San David Maria ay tumungo sa Sevilla para manirahan sa isa sa mga monasteryo ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha. Ang kanyang buhay sa kumbento ay laging kapuri-puri. Siya ay natatangi sa kanyang espiritu ng pagmumuni-muni, pagdarasal at pagsasakatuparan ng Banal na mga Patakaran. Siya ay laging marami ang naghahanap bilang Konfesor ng mga Prayle, mga Madre at mga mananampalataya. Siya ay matiyagang naghihirap sa iba’t-ibang mga karamdaman na humantong sa kanyang kamatayan. Si San David Maria ay namatay sa banal na kamatayan sa residensiya ng Papa, noong ika-2 ng Enero sa taong 2002. Bago ang kanyang kamatayan ay binisita siya sa kanyang selda ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila na binigyan siya ng Apostolikong Basbas. Kinabukasan ay inilibing siya sa kripta ng Katedral-Basilika ng Ating Ina ng El Palmar Koronada. Kinanonisa ni Papa San Gregoryo XVII ang Naapakadakila noong ika-31 ng Marso 2002.
San Enoc Maria ng Banal na Mukha at ng Banal na Lambong
Marianong Apostol. Obispo. Relihiyoso ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha Kasama ni Hesus at ni Maria. Doktor. Biktimang Kaluluwa. Protektor ng Banal na Palmaryanong Pamunuan.
Sa mundo, Luis Celso Caucig, siya ay anak ni Jose Causig at Ana née Scubin. Siya ay ipinanganak sa Prepotto, Udine, Italya, noong ika-27 ng Marso 1907, at bininyagan ng araw ding iyon. Ang kanyang mga magulang ay mga magsasaka, mahirap ang kalagayan sa sosyedad. Siya ay pang-anim sa sampung magkakapatid, at pinakamatanda sa ikalawang kasal ng kanyang ina. Nagsimula siyang mag-aral ng primarya sa kanyang tinubuang bayan.
Read More
Noong Oktobre 1917, nang Digmaang Pandaigdig I, ang kanyang ama, na isang sundalo, para makaiwas sa paglusob ng Austro-Hungarian Army ay nagtagumpay na alisin ang kanyang buong pamilya sa rehiyon ng Friuli kung saan sila nakatira at dinala sila sa Bologna. Buhat doon ay pumunta sila sa lungsod ng Siena bilang mga takas sa digmaan, at nanatili doon hanggang sa matapos ang digmaan; maliban sa kanyang ama na kailangang bumalik sa hukbo. Ang pagtakas mula sa kanilang lupa, gaano man kasakit at kahirap iyon ay para sa kanila lahat, dahil si San Enoc Maria ay espesyal na mapalad. Dahil, makaraan ang ilang araw makaraang dumating sila sa lungsod ng Siena, ang kanyang pamilya ay tumanggap ng pagdalaw ng isang mabait na Pari na, sa pagtingin kay Luis Celso, ay tinawag siya sa pamamagitan ng kanyang daliri at tinanong siya kung gusto niyang mag-aral. Dahil sumagot siya ng oo, ang Pari, sa pahintulot ng kanyang ina, ay dinala siya sa isang boarding school para sa primaryang pag-aaral na pag-aari ng Institution of the Sacred Heart, kung saan ang Pari ay direktor, na may kinalaman sa Congregation of the Sons of Holy Mary Immaculate. Doon ay nakatanggap siya ng matibay na edukasyong pangrelihiyon, ginawa ang kanyang Unang Komunyon noong ika-19 ng Marso 1918. Matapos ang digmaan, kinailangan niyang bumalik sa kanyang mga magulang sa kanyang tinubuang bayan sa rehiyon ng Friuli, noong Pebrero 1919. Ganoon na lamang ang pangungulilang kanyang naramdaman para sa Relihiyosong Insitusyon sa Siena kaya, sa pamamagitan ng Pari sa Parokya sa bayan, ay nagtagumpay siyang muling dalhin ng kanyang mga magulang doon. Doon ay tinapos niya ang kanyang primaryang pag-aaral; at tatlong taong pag-aaral sa segundarya. Sa panahong ito, sa pagbabasa ng mga libritong limbag ng Institute of Foreign Missions sa Milano, ay naging interesado siya sa mga istorya ng mga buhay ng mga misyonero sa China at India, na naramdaman niya ang kanyang bokasyon bilang misyonero para doon sa mga pagano na dumarami at lalong lumalakas. Noong Septyembre 1923, ay pumasok siya sa Apostolic School of Saint Joseph, sa Genoa, na isang seminaryo minor para sa mga nais maging misyonero, na pag-aari ng Estere Missionary Institute, na kung saan noong 1924 ay ginawa niya ang kanyang pang-apat at pinal na taon ng segundaryang pag-aaral. Sa mga taong 1925 hanggang 1927, ay ginawa niya ang kanyang pag-aaral sa pilosopiya sa Monza, malapit sa Milano, sa isang paaralang nabangit sa itaas na institusyon. Sa mga taong 1928 hanggang 1930, ay ginawa niya ang kanyang unang mga taon ng Teolohiya sa Milano. Noong ika-20 ng Septyembre 1930, siya ay inordinang Pari sa Milano Katedral. Noong ika-29 ng Hunyo 1931, siya ay itinalaga, kasama ang tatlong mga kasamahan, bilang Apostolic Missionary, sa Vicariate sa Timog ng Shenchi, sa hilagang-kanluran ng China. Makaraang matanggap ang Krusipiho ng Misyonero noong ika-15 ng Agosto ng kaparehong taon, ay umalis siya patungo sa Venice kasama ang iba pa, at doon ay sumakay patungo sa China, dumating sa puwerto ng Shanghai sa China makaraan ang malayong biyahe na apatnapung araw. Mula roon ay nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay sa isang bangka sa ilog ng Yan-tse-Kiang (Blue River) patungo sa lungsod ng Nanjing, na kung saan ay pumunta siya sa pamamagitan ng riles sa Kaifeng, kabisera ng probinsiya ng Henan, pamunuan ng Apostolic Vicariate sa pangalang iyon, tumira sa lungsod hanggang sa katapusan ng taong 1932, para ihanda pa ang kanyang sarili sa kanyang misyon at pag-aralan ang mahirap na lengwahe ng Chinese. Noong Nobyembre 1932, siya at ang isang kasamahan, kasama ang bagong Titular Apostolic Vicar ng Han-Chung (Timog Shenchi), ay naglakbay patungo sa misyon. Sa gitna ng mapanganib at nakapapagod na mga pangyayari, sa peligrong maaaring sila ay mapatay, at pagkatapos makatawid sa pamamagitan ng upuang sedan at paa sa Tsing-ling mountain range o magkakatabing mga bundok (na umaabot pababa mula sa Tibet) sa napakatinding lamig, dahil noon ay nangangalahati ang taglamig, nakarating sila sa kanilang destinasyon noong ika-6 ng Enero 1933, kapistahan ng pagpapakilala ng Panginoon sa mundo. Sa bandang katapusan ng taong 1935, ay hinawakan niya ang posisyon ng koadyutor, tinulungan ang matatanda nang mga misyonero o mga Pari sa Parokya sa iba’t-ibang lugar. Napakalaki ang mga kahirapan sa apostolado dahil sa mabagsik na pagtingin sa Kristiyanidad ng malaking bilang ng mga paganong buddhist at ang kanilang aroganteng kalamangan. Ganoon ang apostoladong gawain ni San Enoc Maria at ng ibang mga misyonero ay nakamit ng pangangalagang pastoral sa labindalawang libong Katolikong mananampalataya na naninirahan kahalo ng dalawang milyong mga pagano. Sa taglamig ng 1935, ang teritoryo ng misyon ay pinasok ng komunistang mga tropa ni Mao-Tse-Tung sa kanilang “mahabang martsa” patungong hilaga, kung saan sila sa huli ay bumuo ng isang komunistang republika hiwalay sa nasyonalista ni Chiang Kai-shek. Para mapangalagaan ang kanilang mga sarili sa pulahang hukbo, si San Enoc Maria at ang ibang mga misyonero ay nagkubli sa loob ng pader ng lungsod ng Han-Chung, ipinagtanggol ng hukbo ng nasyonalista, kung saan ang mga komunista ay hindi nagtagumpay na pasukin. Subali’t nang sila ay bumalik sa lugar ng kanilang misyon, ang lahat ay hinalughug na ng mga pulahan. Sa taong 1936, si San Enoc Maria ay pinangalanang Direktor ng Distrito ng Ku-lu-pa, na may maraming mga kapilya at mga komunidad ng Kristiyano. Doon, sa loob ng anim na taon, siya ay masigasig na nagtrabaho. Gayunpaman, siya ay biktima ng matinding persekusyon ng mga estudyante ng isang Unibersidad, na ipinuwesto ang kanilang mga sarili sa looban ng katabing dating pamunuan ng Apostolic Vicariate ng Han-Chung. Ang persekusyong ito ay dahil sa kanyang pagsalungat sa mga estudyanteng sumalakay sa kanyang mga kapilya, at paglalagay ng mga seryosong hadlang sa pagsamba at katekismo, maliban pa sa ibang mga katampalasan. Si San Enoc Maria ay kinailangang magtago malayo sa lungsod sa gitna ng malaking mga pagpapakahirap at mga problema para mailigtas ang kanyang sarili mula sa mga tampalasang mga estudyante ng unibersidad. Noong gabi bago magpasko ng 1941, sila ay pumunta sa kanyang bahay para patayin siya, at pinaligiran at sinalakay ang edipisyo nang naghihiyawan at kaguluhang parang impiyerno, sa laking takot ng mga katekistang mga Relihiyosa roon. Hindi nila siya napatay dahil siya, ay binalaan ng ilang mananampalataya tungkol sa masamang intensyon ng mga estudyante, ay nakaalis sa tamang oras sa Ku-lu-pa at ipinagdiwang ang Paskong pagsamba sa lungsod ng Kao-pa, dalawampung kilometro ang layo. Sa taong 1942, hindi na nakabalik sa Distrito ng Ku-lu-pa, dahil sa panganib sa mga estudyante, ang Obispo ay ipinagkatiwala kay San Enoc ang bayan ng Sin-tzi, malapit sa Han-Chung. Sa taong 1944, ang masamang gobernador ng Han-Chung, masyadong galit sa Simbahan, ay hindi makatarungang inakusahan ang obispo, si San Enoc at ang iba pang mga Pari na sinuspetsahang mga espiyang naglilingkod sa Hapon, isang bansang kinokonsiderang kaaway ng Chinese. Sa rasong ito lahat sila ay dinala sa isang concentration camp sa isang maliit na bayan ng Luoa-Yang, mga pitumpung kilometro mula sa Han-Chung. Makaraan ang ilang araw lamang ng mahirap na buhay ng pagkakatapon, ay nalaman nila ang isang teribleng pagpapakita ng Hustisya ng Diyos sa tampalasang gobernador; dahil sa pagsiyasat na ginawa sa lugar kung saan sila ay nakakulong, ay inatake siya ng matinding pamamaga dahil sa sakit sa babae at kinailangang dalhin agad sa Han-Chung, subali’t namatay sa daan. Si San Enoc at ang ibang mga misyonero ay napagsabihang ang gobernador, sa nag-aapoy na pagkahaling, ay narinig na nagsabi: “Napakaterible talaga ang Diyos ng mga Kristiyano!” Ang pruwebang ito ay napakalaking benepisyo para sa mga mananampalataya, na dinagdagan ang kanilang mga panalangin hiningi ang pagpapalaya sa nakakulong na mga Pari. Nang mga panahong iyon ay may digmaan sa pagitan ng Hapon at ng mga Amerikano, at ang isang grupo ng mga sundalong panghimpapawid na mula sa puwersa ng mga Amerikano ay tumuloy sa residensya ng Obispo ng Han-Chung. Dahil may mga Katolikong Opisyal sa mga Amerikanong sundalong panghimpapawid, sila ay nagulat sa kawalan ng Obispo at ng mga Pari, kung kaya, humingi ng mga impormasyon, nalaman nilang ang mga ito ay nasa concentration camp. Ang mga sundalong panghimpapawid, nagalit at nais ng espiritwal na tulong, ay hiningi sa asawa ni Generalissimo Chiang-Kai-shek para sila ay palayain, at ang order ay ibinigay ng Nasyonalistang Gobyerno para dito na gawin agad, at ang Obispo at ang mga Pari ay bumalik sa kanilang mga misyon. Buhat sa taong 1947 si San Enoc Maria ay namuno sa Missionary District ng Sin-ka-tze, sa hilagang kanluran ng Han-Chung, kung saan siglong taong mga mabuting Kristiyanong komunidad ay matatagpuan. Noong ika-7 ng Disyembre 1949, ang hukbo ni Mao-Tse-Tung ay nakarating sa lugar na ito. Sa kanilang pagdating, panibago at nakagigimbal na mga paghihirap ay nagsimula kay San Enoc na tumagal na mahigit sa dalawang taon, ang panahong dumating sa kanya na mamuhay sa ilalim ng komunistang kapangyarihan. Siya ay isinailalim sa mga pagkontrol, mga inspeksyon, mga interogasyon at pangkalahatang pagmamalabis. Sa lahat ng mga pagsubok na ito, siya ay laging gumaganti nang may dakilang talino at kahinahunan, walang pasubali o kalabuan; dahil ang Banal na Espiritu ay walang duda, inilalagay sa kanyang mga labi ang mga salitang dapat niyang sabihin at ginigiyahan ang kanyang mga hakbang, para siya ay laging manatili sa katotohanan. Salamat sa kanyang may inspirasyong gawi, kahi’t maraming mga kahirapan, ay nagawa niyang magpatuloy sa pamumuno ng kanyang banal na mga tagaparokya; na hindi lamang sa kaunting mga pagkakataon ay iniipit din ng mga tusong kaaway ng Simbahan na may layuning gumawa ng seryosong mga kahirapan para sa Misyonero at naghahanap ng ilang dahilan para siya ay tapusin. Ang patuloy na pagmamalabis mula sa mga sugo ng gobyerno ni Mao-Tse-Tung laban kay San Enoc Maria ay natapos sa isang popular na paglilitis na naganap noong ika-14 ng Abril 1952, dinaluhan ng mga sampung libong mga tao, na kung saan si San Enoc Maria ay kinailangang dumalo. Nang dinala sa lugar ng paglilitis, siya ay dinala kasama ang dalawang iba pa na nasentensiyahang barilin. Habang nasa paglilitis, na umabot ng tatlong teribleng mga oras, nakatayo sa lahat ng panahon, siya ay kinailangang makinig sa pitong nagsalita na inakusahan siya bilang isang imperyalista, gumagamit ng mga tao, mayabang, parasitiko at marami pang ibang mga bagay. Ang sigaw ng nagagalit na mga nagsasalita kung minsan ay inuulit pa ng katauhan. Sa huling sentensya, si San Enoc Maria ay kinonsiderang isang kriminal na dapat parusahan sa pamamagitan ng pagbaril; nguni’t ang tribuna ay nakakita ng mas nakahihiyang parusa: “ang habang buhay na pagpapalayas sa Popular na Republika ng China”. Ang lahat ay nakaulat sa radyo ng mga tao. Bago ang pagpapaalis sa bansa, siya ay ikinulong sa loob ng tatlong gabi at dalawang araw, sa ilalim ng pinakamahigpit na pagbabantay. Kasunod ng mahirap na paglalakbay kasama ang mga pagsuri at mga pag-inspeksyon, siya ay nakatawid sa hangganan ng komunistang China at nakarating sa Hongkong, sa ilalim ng pamamahala ng Britanya, kung saan ay tumigil siya sa loob ng tatlong buwan sa residensya ng obispo para maibalik ang kanyang kalusugan. Nang Agosto ng 1952 siya ay naglayag patungong Italya, at ginawa ang kanyang ministro sa Minor Seminary ng Treviso, Venice. Sa kalagitnaan ng taong 1954, ay hiningi niya sa Superyor Heneral na ipadala siya sa Brazil, at naglayag sa buwan ng Agosto para sa puwerto ng Santos sa Brazil. Makalipas ang halos isang taon bilang isang koadyutor sa isang parokya ng San Amaro, São Paulo, siya ay itinalaga bilang isang Pari sa Parokya sa Florestópolis, Paraná, Brazil. Pagkatapos siya ay nagsagawa ng kanyang ministro bilang pari sa iba pang mga lugar, nagi ring bikaryo ng Echaporã, São Paulo, Brazil. Noong Mayo 1973, dahil sa kanyang lumalalang pagkabingi, siya ay nagbitiw sa kanyang puwesto; at sa Septyembre ay umalis para sa isang bakasyon sa Italya. Sa Septyembre 1974 siya ay bumalik sa Brazil, kung saan ay ginawa niya ang kanyang ministro bilang isang kapelyan itinalaga sa mga parokya ng kanyang Religious Institute of Foreign Missions. Dahil ang progresibismo ay noon sumasalanta nang mas malala sa Simbahan, si San Enoc Maria ay inalis bilang isang kapelyan dahil sa pagtangging magbigay ng Komunyon sa kamay, at pinagalitan dahil sa kanyang pangangaral at paghadlang sa pagpapalaganap ng isang artikulo ng kardinal arsobispo na ganap na pagtanggi sa Pagkabirhen ng Ina ng Diyos. Sa mga panahong iyon, sa taong 1975, nang malaman niya ang mga Mensahe ng El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya, na ginawa niya sa kanyang sariling Relihiyosong Institusyon, nang may malaking mga kahirapan; kung kaya ay nagpasiya siyang iwanan ang komunidad at namuhay sa labas sa kanyang sarili. Ang matapang na desisyong ito ay naging madali para sa kanya para gawin ang isang oportunidad na inalok sa kanya na manirahan sa isang lugar ng mga aparisyon sa Brazil na, nang mga panahong iyon, sa tingin niya ay totoo. Noong ika-17 ng Agosto 1978, ang balita sa pagkakaluklok sa Trono ng Papa kay Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila ay nakarating sa kanya, isang kaganapang nangyari noong ika-6 ng parehong buwan. Sa Pebrero 1979, ang Pinakadakilang Palmaryanong Papa ay gumawa ng apostolikong pagbisita sa Santa Maria de los Buenos Aires, Argentina. Sa dahilang ito, si Papa San Gregoryo XVII, sa pamamagitan ng Palmaryanong Misyonero sa Brazil, ay ipinatawag si San Enoc Maria na pumunta sa Argentina, kung saan ay dumating siya noong ika-2 ng Marso, makaraan malampasan ang seryosong mga paghihirap sa pagbago ng kanyang pasaporte. Lumagi siya roon bilang isang Misyonero, para tulungan ang mga mananampalataya sa espiritwal. Si San Enoc Maria ay bumisita sa El Palmar de Troya sa unang pagkakataon sa okasyon ng pagbubukas ng Holy, Great, Dogmatic, First Palmarian Council at Semana Santa 1980. Noong ika-25 ng Marso ng taong iyon, siya ay gumawa ng kanyang mga pangako at kinonsagrang Obispo ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila. Ilang araw pagkatapos ng Semana Santa, si San Enoc Maria ay bumalik sa Argentina upang pamunuan ang diyosesis bilang Misyonerong Obispo, kung saan ay minahal siya nang husto ng lahat ng mga mananampalataya dahil sa kanyang dakilang espiritu ng tungkulin, sa kanyang kabanalan at pinakamahusay na kaloob bilang isang konfesor. Noong ika-23 ng Septyembre 1983, si San Enoc Maria ay pumunta sa El Palmar de Troya para sa tradisyonal na perigrinasyon ng ika-12 ng Oktobre, at nanatili roon bilang isang tagasalin sa Italyano ng mga limbag ng Banal na Pamunuan. Noong ika-5 ng Oktobre 1984, siya ay binigyan ng relihiyosong pangalang Padre Enoc Maria kapalit ng dati niyang pangalan sa binyag na Padre Celso, na itinatawag sa kanya hangang sa sandaling iyon. Ang buhay kumbento ni San Enoc Maria sa Mother House ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha ay nagpaparangal sa kanyang dati nang natatanging buhay ng kabanalan. Sa kanyang payak, madaling kausapin, kabaitan, at kung minsan malakas na karakter, ay agad niyang nakuha ang simpatiya ng lahat ng mga Relihiyoso. Siya ay nakaagapay nang perpekto sa buhay komunidad sa Orden, isinasakatuparan ang mga patakaran nang agad na pagsunod at huwarang disiplina. Siya ay malalim ang kabanalan. Minahal at iginalang si Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila nang may dakilang alab. Tiniis niya ang kanyang huli at mahirap na karamdaman nang may pagtitiis at tamis, laging nagpapaubaya sa mga Relihiyosong nag-aalaga sa kanya. Nang hindi na kaya ng kanyang pisikal na katawan ang magdaos ng Banal na Misa, siya ay nakikinig ng Misa mula sa kanyang kama nang may kahanga-hangang paggunita at alab ng isang anghel. Halos ay lagi niyang hawak ang banal na rosaryo sa kanyang mga kamay, dahil siya ay may propesong isang napakaespesyal na pagmamahal para sa Pinakabanal na Birheng Maria. Si San Enoc Maria ay namatay sa Sevilla, sa Mother House ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, noong ika-10 ng Oktobre 1991. Bago siya mamatay, ay tumangap siya ng Banal na mga Sakramento, gayundin ng Basbas ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, na binisita siya sa kanyang kamang kinamatayan. Siya ay inilibing kinabukasan sa Kripta ng Katedral-Basilika ng Ating Ina ng El Palmar Koronada, na dinaluhan ng maraming mga perigrinong dumating para sa perigrinasyon ng ika-12 ng Oktobre. Kinanonisa ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-12 ng Oktobre 1991. Idineklarang Doktor ng Simbahan ng parehong Papa noong ika-9 ng Pebrero 2001.
San Fulgencio Maria ng Banal na Mukha at ng mga Pighati ng Pinakabanal na Birhen
Marianong Apostol. Obispo. Relihiyoso ng Carmelitas ng Banal na Mukha kasama ni Hesus at ni Maria. Doktor. Protektor ng nagsisising mga nag-apostata.
Sa mundo, Francisco Bernardo Sandler, siya ay ipinanganak noong ika-23 ng Oktobre 1917, sa Fall River, Massachusetts, Estados Unidos. Siya ay anak ni Jose Sandler at ni Alicia née Salvin. Siya ay pangatlo sa apat na mga anak na isinilang sa kasal. Dahil ang kanyang mga magulang ay nagpopropeso ng hudyong relihiyon, kaya natural lumaki siya bilang isang hudyo. Siya ay nag-aral ng primarya at segundarya sa isang paaralan sa kanyang tinubuang bayan hanggang 1935. Simula taong 1937 hanggang sa taong 1942, siya ay nag-aral ng musika sa Boston Conservatory at naging guro sa piano at musika sa mga paaralan ng estado sa Fall River. Read More
Santa Jacinta ng Banal na Mukha at ni Santa Teresa ni Hesus
Marianong Apostol. Relihiyosa ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha kasama ni Hesus at ni Maria. Biktimang Kaluluwa.
Tinawag na Maria Teresa Báscones Urigüen sa mundo, siya ay ipinanganak sa Aguilar de Campóo, Palencia, Espanya, noong ika-2 ng Septyembre 1960. Siya ay anak ni Juan Francisco Báscones Robles at ni Maria Rosario Urigüen Fernandez. Hindi nagtagal pagkapanganak, ay natuklasang siya ay may seryosong sakit sa puso, at siya ay nagkaroon ng operasyon sa edad na sampu.
Read More
Si Santa Jacinta ay pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha noong ika-13 ng Mayo 1978, sa edad na labimpito. Siya ay may dakilang debosyon kay Santa Teresa ng Ávila at kay Santa Maria Teresa González Cadarso ng Madrid. Nagkaroon siya ng unang mga pangako noong ika-23 ng Nobyembre ng parehong taon, pagkaraan ng napakataimtim na paghahanda. Siya ay palaging humihingi ng espiritwal na payo at masigasig na sinusunod ang payong ibinibigay sa kanya. Hanggang Marso 1979, siya ay namuhay nang lubos na normal na pamumuhay sa komunidad, isinasakatuparan ang lahat ng kanyang mga obligasyon nang may dakilang alab. Simula Marso hanggang Septyembre, siya ay nagkaroon ng napakasamang kalusugan, halos hindi makahinga, at masyadong nahihirapang maglakad. Noong ika-11 ng Oktobre 1979, siya ay sumailalim sa masusing pagsusuri sa puso at sa baga. Ilang oras ang lumipas siya ay nawalan ng malay-tao, at tumanggap ng Huling mga Sakramento. Ayon sa dyagnosis, ang kalagayan ng kanyang puso ay wala nang lunas, at wala nang medikal na paggamot ang makatutulong sa kanya. Hindi masabi ng mga doktor kung gaano pa katagal siya mabubuhay. Ipinaalam ng Madre Heneral ang opinyon ng mga doktor kay Santa Jacinta at ibinigay sa kanya ang ulat medikal para basahin. Ang Santa ay tinanggap ang opinyon ng mga doktor nang may dakilang kapayapaan, at kinausap ang Madre Heneral kung paano siya makapaghahandang mabuti para makarating sa Langit, dahil pareho silang matatag na kumbinsidong hindi na nga magtatagal ang kanyang buhay. Napakasaya niyang kinausap ang kanyang ina sa telepono, sinabihan siya na siya ay napakalapit nang pumunta sa Langit. Dahil naging malungkot ang kanyang ina, ang Santa ay sumigaw sa boses na puno ng kaligayahan “Pero Mama, bakit ka nalulungkot? Sa madaling panahon ay magkakaroon ka ng anak sa Langit. Doon ay mas matutulungan ko kayo.” Ang buhay relihiyosa ni Santa Jacinta ay nakakubli. Siya ay nagtatrabaho nang napakasaya at sa katahimikan para maperpekto ang kanyang sarili. Siya ay may kahanga-hangang espiritu ng pagkamasunurin at dakilang respeto para sa kanyang mga superyora. Nagsikap siyang mabuhay sa bawa’t sandali ng kanyang buhay nang may malaking perpeksiyon. Sa simula ng kanyang karamdaman sa kumbento, ay may maalab siyang hangad na makuha ang Langit at makasama ang kanyang Banal na Esposo. Ang katangi-tanging ganda ng kanyang buhay relihiyosa ay napapaloob sa pamumuhay sa mga patakaran sa komunidad nang may dakilang perpeksiyon. Siya ay dumanas ng teribleng mga tukso laban sa kabinian, subali’t nilabanan niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagluhod sa harap ng Pinakabanal na Sakramento kung saan ay lalong nadaragdagan ang kanyang maalab na pagmamahal sa Sakramental na Hesus. Sa huling buwan ng kanyang buhay ay nagdusa siya nang labis na pagkagutom, dahil ang natutunaw lamang na pagkain niya ay ang pagkain ng sanggol. Hindi siya makalakad, o makatulog, o makahiga, nguni’t lagi siyang nakangiti at matiyagang nakikinig sa lahat ng mga Relihiyosang dumadalaw sa kanya. Ang pinakamalaki niyang kaligayahan ay ang magkaroon ng silid sa tabi ng Kapilya, para malapit sa Banal na Sakramento at para makapakinig ng Banal na Misa. Ang kondisyon ni Santa Jacinta ay lumala noong Nobyembre ng taong 1979, subali’t nais niyang maging presente sa mga pagpangako ng bagong propesong mga relihiyosa, na naganap noong ika-23 ng parehong buwan. Siya ay nasa wheel-chair habang nasa seremonya, ang kanyang mukha ay masisilayan ang pambihirang kaligayahan at halina. Nang makabalik sa Sevilla siya ay nawalang ulirat, at habang isinasagawa sa kanya ang Pag-Ulyo, siya ay namatay sa oras na 3:25 ng Sabado ng umaga ika-24 ng Nobyembre 1979, kapistahan ni San Juan ng Krus, sa edad na labinsiyam, sa Mother House ng mga Relihiyosa sa sevilla, Espanya. Siya ay inilibing sa sementeryo ng San Fernando sa Sevilla noong ika-24 ng Nobyembre 1979 at inilipat sa kripta ng Katedral-Basilika ng Ating Ina ng El Palmar Koronada noong ika-2 ng Mayo 1989. Heto ang isang maikling parapo mula sa isa sa magandang mga sulat ng Santa na napangalagaan: “Nararamdaman din ng aking kaluluwa ang sakit at hinahangad na ang lahat ng mga kaluluwa ay mapalapit at mahalin si Hesus at si Maria, at maranasan ang Kanilang mga kagalakan na malayong mas nakahihigit sa lahat ng kasiyahan sa mundo. Maliban pa, kapag tayo ay nakarating sa Langit, doon ang maliliit na mga kasiyahang ito ay magiging maalab at walang hanggang masidhing kagalakan. At tanging, sinasabi ko tanging, ang malaking kasiyahan sa pagkakita sa Diyos, ang lahat ay natupad na. Isipin mo, kahit sa isang sandali, ang tungkol sa walang hanggan at nakasisiyang pakikiniig na magkakaroon tayo sa lahat ng mga Banal at mga Santo na nasa Langit, at tungkol sa mga oyayi at mga halik ng Ating Ina, ang Pinakabanal na Birheng Maria, na minamahal tayo nang higit pa sa ating ina dito sa lupa, masyadong napakahigit…” (Sulat sa isang may sakit na relihiyosa, na may petsang ika-12 ng Nobyembre 1979). Sa isa pa sa kanyang mga sulat, ay binuksan niya ang kanyang puso sa naturang Relihiyosa sa pamamagitan ng magandang mga salitang ito: “Nahiga ako nang sandali para magpahinga at naisip: na ako ay napakaliit, at bukod diyan, na ang Panginoon ay pinaglakbay ako sa daang napakabilis at halos hindi ko namamalayan, sa maikling salita, na natagpuan ko ang aking sarili sa tarangkahan ng Langit (El Palmar), at ang tanging bagay na dapat kong gawin ay buksan ang tarangkahan; nguni’t, dahil ako ay napakaliit, kinailangan ko lamang iyon buksan ng kaunti at madaling lumusot papasok, hanggang makarating ako sa mga bisig ni Hesus at inilagay ko ang aking sarili sa Kanyang Puso, upang mamaluktot sa mismong lugar kung saan ang pintig ng puso ay napakalakas, para maramdaman ang kanyang pagmamahal nang mas malalim at para pumintig sa Kanya nang sabay . Ang ideyang ito ay nakapupuno pa rin sa akin ng kaligayahan, at inaasahan ko na, sa tulong ng Pinakabanal na Birheng Maria, ni San Jose at ni Santa Teresa, ay makamit ko ito….” (Sulat noong ika-13 ng Nobyembre 1979.) Kinanonisa ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-12 ng Septyembre 1983. Nang araw ding iyon, pagkatapos ng kanonisasyon, si Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila ay nagpatuloy ng Banal na Misa, at makaraang inumin ang Pinakamahal na Dugo ni Kristo ay nagkaroon siya ng sumusunod na bisyon: Nakita niyang nagbukas ang Langit at nakita ang maluwalhating pagpasok ng Carmelitang Santang ito ng Banal na Mukha, na tinanggap ni San Pio ng Pietrelcina, na inalalayan siya sa kanyang nakalaang trono, na napakataas. Nakita niya rin ang hindi maipaliwanag na kasiyahan ng lahat ng mga Anghel at mga Santo, na umaawit ng mga papuri sa Diyos sa presensya sa Langit ng bagong Santang ito.. Sa pamamagitan ng bisyong ito, dagdag pa, ang Pinakadakilang Papa ay alam na siya ay pumunta deretso mula sa lupa tungo sa Langit na hindi na dumaaan sa Purgatoryo, sinigurong siya ay nagtamasa ng napakaprebilihiyosong lugar sa Eternal na Kaluwalhatian.
San Jeremias Maria ng Banal na Mukha at ng Imakuladang Paglihi
Marianong Apostol. Obispo. Relihiyoso ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha Kasama ni Hesus at ni Maria. Doktor. Biktimang Kaluluwa. Protektor ng Banal na Palmaryanong Pamunuan.
Tinawag na Jose Henry Villareal sa mundo, siya ay ipinanganak sa Daungan ng Espanya, Trinidad at Tobago, noong ika-22 ng Agusto 1919. Ang kanyang mga magulang ay tinatawag na George Villareal at ang kanyang asawa ay Celsa Teresa, at siya ay may apat na kapatid na mga lalake. Si San Jeremias Maria ay itim ang kulay. Naalaala niya na sa edad na limang taon ay nag-aral na siya, at pag-abot sa anim siya ay lumipat kasama ang kanyang ina at lola sa Isla ng Curaςao, Dutch West Indies, kung saan ay natuto siya ng Dutch, English at Espanyol na mga wika, gayundin ang wika doon sa Isla, na tinatawag na Papiamento.
Read More
Nang pitong taong gulang ay tumanggap siya ng Banal na Komunyon at Kumpil. Natapos niya ang walong taon sa pag-aral sa primarya sa edad na katorse at nagpatuloy sa isang teknikal na paaralan para matuto ng teknolohiya ukol sa metal at makina, at walang kakayahan para maging isang guro. Pagkaraan ay nagtrabaho siya sa loob ng isang taon sa isang refinery ng langis, at nagpatuloy sa serbisyo ng telekomunikasyon, kung saan ay nagtrabaho siya ng isang taon sa seksyon ng telepono, halos labinlimang taon sa departamento ng transmitter at labing-isang taon sa awditibo, bilang tekniko at opereytor. Simula sa taong 1937 hanggang 1965, dagdag sa kanyang pagpapakadalubhasa sa sangay ng kanyang propesyon, siya ay nagsagawa ng malaking apostolado bilang kasapi ng banal na pang-internasyonal na samahang tinatawag na Lehiyon ni Maria. Sa Taong 1965, siya ay pumasok sa Colombian National Seminary of Christ the Priest, na nasa La Ceja, isang bayang mga apatnapung kilometro ang layo mula sa lungsod ng Medellin, Colombia, kung saan ay nag-aral siya ng dalawang taon ng Pilosopiya at apat ng Teolohiya. Noong ika-8 ng Disyembre 1970, Kapistahan ng Imakuladang Paglihi kay Maria, siya ay inordinahan bilang Pari sa edad na limampu’t isang taon, sa Willemstad, Curaςao, Dutch West Indies. Sa kanyang ministro bilang pari sa Amerika, siya ay tatlong taon bilang kapelyan at tatlo bilang isang Pari sa Parokya, na nahahati sa pagitan ng tatlong prinsipal na mga isla ng Curaςao, Aruba at Bonaire, pagkaraan ay binisita ang Venezuela, Holland at Espanya. Ang seminaryo kung saan siya ay nag-aral ng kanyang pagiging pari noong mga panahong iyon ay pinakamagaling sa Colombia, nguni’t progrisibista rin, dahil ang Komunyon ay ibinibigay habang nakatayo, at ereheng modernong misa ay idinadaos, nang nakaharap sa tao. Ang lahat ng mga ito ay nakaimpluwensiya sa kanya, tulad ng tinuran niya, dahil hanggang sa pagsimula ng 1976, ay ginagawa niya ang kanyang ministro bilang pari sa pamamagitan ng progresibistang mga pamamaraan, subali’t hindi siya lubos na masisisi. Dumating nga sa kanya ang pagkakataong magdaos ng Banal na Misa sa limang magkakaibang mga lengwahe. Si San Jeremias ay may magandang kapalaran na makabasa ng maraming mga Mensahe mula sa Langit buhat sa iba’t-ibang panig ng mundo, at gayundin ng ibang mga aklat na nagpapaliwanag sa pagbaba at pagkawasak ng Simbahan sa pamamagitan ng pagpasok ng mga kaaway, na kung saan si Papa San Pablo VI ay ipinahihiwatig din. Sa pamamagitan ng mga babalang ito, simula sa ika-1 ng Enero 1976, ay nagdesisyon siyang magpasimula ng mga pagbabago sa kanyang huling parokya, ang pagbabalik sa Tradisyon. Ang malaking nakatulong sa importanteng desisyon na ito ay ang pagbisitang ginawa ni San Jeremias Maria sa Sagradong Lugar ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya, noong taong 1973, kung saan ay natuto siyang magdaos ng Tradisyonal na Misa. Noong ika-1 ng Mayo 1977, si San Jeremias ay nagtungo sa Sevilla nang permanente para pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, natanggap niya doon ang pangalan sa relihiyon na Padre Jeremias Maria. Noong ika-7 ng Mayo ng taon ding iyon, sa Kapilya ng Mother House ng Orden sa Sevilla, ay tinanggap niya ang Konsagrasyon bilang Obispo mula sa mga kamay ng noon ay Obispo Padre Isidoro Maria, ngayon Papa San Pedro II ang Dakila. Isinagawa niya ang kanyang perpetwal na mga pangako noong ika-24 ng Oktobre 1979. Sa loob ng doseng taon at mahigit ng kaunti dalawang buwan kung saan, hanggang sa kanyang kamatayan, siya ay nabuhay bilang isang relihiyoso sa komunidad ng Sevilla. Si San Jeremias Maria ay nakilala para sa kanyang sigasig sa pagiging obispo, sa kanyang katapatan sa ministro bilang pari, at sa kanyang walang kondisyong pangako sa pagtupad sa relihiyosong buhay. Siya ay sinigurong sundin ang lahat ng kanyang mga obligasyon sa posibleng pinakaperpektong paraan, bilang isang taong mapagkakatiwalaaan ng kahit na anong gawain o misyon, dahil ginagawa niya ang pinakamataas na responsibilidad at sipag. Sa lahat ng kanyang mga kilos ang kawalang-malay at kalinisan ng kanyang kaluluwa ay nakikita, halos tulad sa isang anghel. Sa kanyang pagkatao ay kahanga-hangang magkahalo ang pinakasolidong katangian ng isang tao at ng pinakamagaling na supernatural na mga katangian. Ang kanyang katapatan sa Banal na Inang Simbahan at sa Bikaryo ni Kristo, noon ay si Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, ay malinaw na nakikita sa lahat ng kanyang mga kilos. Si San Jeremias Maria, kahit na walang kapaguran sa trabaho, ay lalo na sa kanyang buhay ng pananalangin. Dagdag pa, mayroon siyang malaking pambihirang talino sa kumpisyonal at sa direksiyong espiritwal. Ang huling mga buwan ng kanyang buhay ay lumipas sa gitna ng malaking mga paghihirap dahil sa kanyang masakit na karamdaman. Siya ay dumaan sa dalawang seryosong mga operasyon, na sa bawa’t sandali ay huwaran ng pagpapaubaya at pasensya, malaking nakapagbibigay ng magandang halimbawa sa lahat ng tumutulong sa kanya, pati na ang mga doktor at mga nars mismo sa panahon ng pagtigil niya sa ospital. Noong Huwebes, ika-6 ng Hulyo 1989, siya ay pumasok sa paghihingalo, na tumagal ng mahigit ng kaunti sa tatlong araw, dahil noong Linggo, ika-9 ng Hulyo 1989, ay isinuko niya ang kanyang kaluluwa sa Ating Panginoon sa gitna ng nakaiinggit na katahimikan. Sa loob ng kanyang mahabang kalagayan ng paghihingalo, ay kahanga-hangang pagmasdan ang tamis sa kanyang mukha, ang kapayapaan ng kanyang mga kilos, laging nasa kanyang mga kamay ang krusipiho at rosaryo: na lahat ay nagpapatunay sa kadakilaan ng kanyang kaluluwa. Nang hindi na siya nakapagsasalita, ay labis na kaligayahan niya ang marinig ang banal na mga aspirasyon na halos tuloy-tuloy na pagdarasal ng mga relihiyoso sa paligid ng kanyang higaan. Si Papa Gregoryo XVII ang Napakadakila ay bumisita sa kanya at binasbasan siya sa maraming mga pagkakataon bago siya mamatay. Siya ay inilibing makalipas ang dalawang araw sa kripta ng Katedral-Basilika ng Ating Ina ng El Palmar Koronada. Kaagad, aming kinopya ang huling testamentong sinulat ni San Jeremias Maria sa kanyang sariling sulat-kamay noong ika-5 ng Hunyo 1989, mahigit isang buwan bago siya mamatay: “Ako, si Padre Jeremias Maria ng Banal na Mukha, sa mundo Jose Henry Villareal, dahil sa malapit na o matagal pa akong mamamatay, ay ibinibigay ko ang aking huling testamento ng aking Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Pananampalataya. May dakilang kasiyahan, ay iniwanan ko ang aking parokya sa Rincon sa Bonaire noong Abril ng 1977 para pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha noong ika-1 ng Mayo 1977. Kalakip ng lahat ng aking kalakasan ay pinagtitibay ko ang aking pananampalataya sa Simbahan sa lahat ng panahon, ang Katoliko at Apostoliko, tulad ng itinuturo at isinasagawa sa Simbahan ng El Palmar de Troya, Espanya, na kung saan ay aking iwinawaksi ang lahat ng salungat na mga turo at mga organisasyon, tulad ng freemasonry, anak ng internasyonal na sionism, gayundin ang bungang mga sekta ng Marxism, komunismo at lahat ng hindi Katolikong mga sekta at mga relihiyon, na lahat ay nagkaisa sa magkakaibang antas para sa nagngangalit na pakikipaglaban kontra sa Katolikong Simbahan. Tanging ang Palmaryanong Simbahan, na may kasalukuyang Bikaryo ni Kristo Papa Gregoryo XVII, na kung saan ako ay umanib nang lahat ng aking lakas. Sa ganito ko ibinibigay ang aking huling testamento sa paraan ng ’articulo mortis’. Humihingi ako ng kapatawaran sa Diyos at sa Pinakabanal na Birhen, at sa pangkalahatan sa lahat ng aking napagkasalanan, o naitulak para magkasala o naging dahilan para mahulog sa kasalanan. Nawa ang Diyos ay maawa sa pobreng taong ito. + C.P. Jeremias Maria ng Banal na Mukha at ng Imakuladang Paglihi (sa mundo J.H.V.)” Kinanonisa ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-16 ng Hulyo 1989. Idineklarang Doktor ng Simbahan ng parehong Papa noong ika-8 ng Pebrero 2000.
San Josafat Maria ng Banal na Mukha at ng Imakuladang Paglihi kay Maria
Marianong Apostol. Obispo. Relihiyoso ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha Kasama ni Hesus at ni Maria.
Sa mundo, Patricio Jose Fearon, siya ay ipinanganak noong ika-24 ng Hulyo 1918 sa Levallyclanone, Rostrevor, Newry, Down, Ireland. Siya ay bininyagan kinabukasan. Anak ni Patricio Jose Fearon at ng kanyang asawang si Elizabeth, siya ang pinakamatanda sa apat na mga anak. Ang kanyang mga magulang ay umampon ng dalawang lalake at isang babae. Siya ay pumasok sa primaryang paaralan sa bayan ng Rostrevor. Nagtrabaho siya bilang manggagawa sa Ireland at sa England, Great Britain. Sa London noong 1943, ay may nakilala siyang isang matandang Pari na pinayuhan siyang maging isang Pari. Si San Josafat Maria ay nag-akalang makakaya niya ang kinakailangang mga pag-aaral, at noong ika-11 ng Pebrero 1946 ay pumasok sa ‘Capuchin noviciate’ sa Pantasaph, North Wales. Hindi nagtagal ay napag-isipan niyang ang mga pag-aaral ay napakahirap para sa kanya. Ang kanyang superior ay sinabihan siyang manatili bilang isang lego sa Orden, na kung saan sa bandang huli ay ginawa niya ang relihiyosong pangako.
Read More
Si San Josafat Maria ay nagkaroon ng maraming masasayang mga taon sa Orden ng Kaputsina, at pansamantala ay natanggap ang mga pagbabago sa Simbahan bilang resulta ng Vatican II conciliabulum. Subali’t nang ang Tradisyonal na Misa ay inalis sa pamamagitan ng pagpasok ng ereheng “novus ordo missæ” ay dumaan siya ng teribleng tinatawag na ‘dark night’ o paghihirap ng kaluluwa. Prangka siyang nakipag-usap sa kanyang pangunahing superior gayundin sa kanyang obispong nakakasakop sa kumbento sa pagdalaw nito doon. Ang dalawa ay matamang nakinig at parehong may konsiderasyon, nguni’t pinayuhan siyang magpasailalim at sumunod, isang solusyong imposible para sa kanyang tanggapin. Ang kanyang pangunahing superior ay sinabihan si San Josafat Maria na nakikita niya siya na patungo sa pag-iwan sa Orden at sa Simbahan. Sa pamamagitan ng kanyang kaibigan, nakatanggap siya ng mga Mensahe ng El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya, na nakatulong sa kanyang makita ang kanyang direksiyon at nakalma ang kanyang konsensiya, dahil sa pamamagitan ng mga iyon ay nagkaroon siya ng liwanag para makita na ang kanyang asal sa progresibismo ay tama. Si San Josafat Maria ay laging inihahayag ang kanyang dakilang pagmamahal para sa Pinakabanal na Birheng Maria, at madalas na bumisita sa isang Marianong santuwaryo. Sa isa sa mga pagbisitang ito, ay nakatanggap siya ng espesyal na kalakasan sa kanyang Pananampalataya. Noong 1973 ay ginugol niya ang isang buwan sa ospital dahil sa atake sa puso sa kumbento ng “Greyfriars” sa Iffley Road, malapit sa Oxford, England. Sa dahilang ito ay binigyan siya nila ng mahabang bakasyon, at nagbiyahe siyang pabalik sa kanyang tahanan sa Ireland noong Hulyo ng taong iyon, at hindi nagtagal ay tinanggap bilang isang may sakit na perigrino para pumunta sa isang Marianong santuwaryo sa Banneux, Belgium. Noong Enero 1975, isang Pari ang nagkumbida sa kanya na pumasok sa kilusang lefebre. Sa isang banda, si San Josafat ay hindi na nais na bumalik pa sa mga Kaputsina, dahil nararamdaman niya na kung gagawin niya ito ay labag sa kanyang konsensiya, at sa kabila ay wala rin siyang nakikita sa mga tagasunod ni Lefebre ng malinaw na paninindigan tungkol sa Papa San Pablo VI, at hindi nagtagal ay naberipika niyang sila ay hayagang kontra sa Soberanyang Papa. Dahil nakita niyang ang mga Mensahe ng El Palmar de Troya ay nagtuturo ng katotohanan tungkol sa Papa at sa Banal na Tradisyon ay naglakbay siya patungo sa El Palmar na kung saan ay dumating siya noong ika-13 ng Hulyo 1975. Doon ang Pinakabanal na Birheng Maria ay ipinaalam sa kanya sa pamamagitan ng seer na Siya ay labis na nasisiyahan sa kanyang presensya sa Sagradong Lugar. At sa parehong panahong iyon ay dumating sa kanya ang isang sulat mula sa kanyang mga superior sa Kaputsina sa England, binabalaan siya ng parusa kapag hindi siya bumalik sa loob ng pitong araw; subali’t hindi siya bumalik, at sinunod ang sugong natanggap buhat sa Langit sa El Palmar de Troya. Tulad ng inihayag niya mismo, hindi siya nakatagpo ng katahimikan ng espiritu sa Orden ng Franciscano buhat nang mapagtanto niya na hindi dapat siya manatili roon dahil sa progresibismo; ang maisip na posibleng mamatay siya sa sitwasyong iyon ay bumalisa sa kanya araw at gabi, at napuno siya ng dalamhati; kung kaya naramdaman niyang dapat na siyang umaksiyon sa lalong madaling panahon, ang pagpunta sa Sagradong Lugar ng El Palmar de Troya, isang desisyon na hindi niya kailanman pinagsisihan. Sa huli ay idinugtong pa niya: “Nawa ay kasihan ako ng Diyos ng Grasya ng sigasig hanggang sa huli.” Noong ika-23 ng Disyembre 1975, si San Josafat Maria ay naging isang Relihiyoso sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha sa Sevilla. Noong ika-28 ng Enero 1976, sa Sagradong Lugar ng El Palmar de Troya, siya ay inordinahan bilang isang Pari, at noong ika-1 ng Pebrero ng taon ding iyon siya ay kinonsagra bilang Obispo, ang ‘Holy Orders” ay ipinagkaloob sa kanya ni Obispo Padre Clemente Dominguez y Gómez, ngayon Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila. Noong ika-6 ng Abril 1976, si San Josafat Maria ay pumunta rin sa pamamagitan ng pagpapatapon sa Pransya kasama ang Obispo Primado Padre Clemente Dominguez at iba pang mga Obispo, mga Pari at mga lego, sa order ng naglilitis na Mahistrado ng Utrera, na sinulsulan ng apostatang arsobispo ng Sevilla, José María Bueno Monreal. Noong ika-24 ng Agosto 1978, ang Palmaryanong Soberanyang Papa ay ipinadala si San Josafat Maria bilang misyonero sa Ireland kasama ni Obispo San Escolastico Maria, isa ring Reliyoso ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha. Sa simula ng Enero 1982, si San Josafat Maria ay ipinadala bilang misyonero sa New Zealand, pinangalagaan ang Palmaryanong Mananampalataya sa Australia sa Sydney, Canberra, Numurkah, Melbourne, Tasmania, Perth at Brisbane. Hindi nagtagal ay pinangalagaan niya rin ang mananampalataya sa Pilipinas at Bangladesh, at pagkatapos ay pinaglingkuran niya rin ang mananampalataya sa Western Samoa. Kaya, siya ang Palmaryanong Obispo ng Asya at Oceania hanggang Abril 1993, nang si Papa Gregoryo XVII ay nagdesisyong siya ay pagpahingahin na sa mga misyon dahill sa kanyang edad at mahinang kalusugan. Si San Josafat Maria ay isang modelong relihiyoso. Tinupad niya ang Banal na mga Patakaran ng Orden nang buong katapatan. Bilang isang Misyonerong Obispo ay nagtrabaho siya para mapanatiling masigasig ang mga mananampalatayang ipinagkatiwala sa kanya sa Palmaryano Katolikong Pananampalataya. Ang patuloy niyang paglalakbay sa ibayo ng Asya at Oceania ay puno ng mga sakripisyo, subali’t hindi man lamang siya nagsambit ng anumang reklamo sa malaking mga kahirapan na nakapaloob sa kanyang apostolado; mas kabaliktaran, siya ay laging masaya at masunurin sa pagsagawa ng kanyang mga tungkulin. Ang mananampalataya ng kanyang diyosesis ay malalim na pinapahalagahan ang mga sakripisyong ginawa niya para sa kanila at labis nila siyang minamahal. Nang siya ay tumigil na sa pagiging misyonero, marami sa kanila ay nalungkot at hinahanap siya. Sa buhay sa loob ng monasteryo, hindi man lamang siya nagbigay ng kahit maliit na problema. Siya ay malalim ang pagkabanal, masunurin sa mga superior, tahimik, tapat sa kanyang mga tungkulin at palakaibigan sa kanyang mga kapanalig. Lagi siyang nakikitaan ng dakilang pasensya sa mga karamdaman, kung saan ay madalas siyang obligadong laging nasa kama. Kung magaling na, siya ay nagdadaos ng Banal na mga Misa na may malaking debosyon at dumadalo sa pagsamba sa Palmaryanong Katedral-Basilika. Tinatangggap niya ang lahat ng utos nang may ngiti at kababaang-loob. Sa pagsimula ng gabi, ika-3 ng Disyembre 2007, noon ay namumuhay na ng normal, siya ay nagdarasal ng mga panalangin ng komunidad kasama ang ibang mga Relihiyoso sa Kapilya, at nagkaroon ng stroke nang siya ay papasok na sa kanyang selda. Binigyan siya ng Banal na Ulyo, at hindi nagtagal ay pumasok siya sa coma. Si Papa San Pedro II ang Dakila ay binisita siya ng maraming pagkakataon at binigyan siya ng Apostolikong Basbas. Si San Josafat Maria ng Banal na Mukha ay namatay sa monasteryo ng Carmelitas ng Banal na Mukha sa Sagradong Lugar ng El Palmar de Troya, noong Martes ika-4 ng Disyembre 2007. Nang sumunod na araw, ika-5 ng Disyembre, siya ay inilibing sa Kripta ng Katedral-Basilika ng Ating Ina ng El Palmar Koronada. Kinanonisa ni Papa San Pedro II ang Dakila noong ika-1 ng Enero 2008.
San Justo Maria ng Banal na Mukha at ng Imakuladang Puso ni Maria
Marianong Apostol. Obispo. Relihiyoso ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha Kasama ni Hesus at ni Maria. Apostol ng Banal na Sakripisyo ng Misa.
Sa mundo Jaime Jose Williams, siya ay ipinanganak sa Forrestalstown, Clonroche, Wexford Ireland, noong ika-12 ng Mayo 1917, anak ni Jose Williams at ng kanyang asawang si Catherine née OˈNeil, na sa kanilang kasal ay limang mga anak ang isinilang. Si San Justo Maria ay nag-aral ng primarya sa Ireland at ilang bahagi ng kanyang segundarya rin, at natapos noong taong 1936 sa isang kolehiyo ng White Fathers sa England. Sumunod ay pumunta siya sa Belgium kung saan ay kumuha siya ng dalawang taon sa pilosopiya sa seminaryo ng White Fathers. Hindi nagtagal siya ay ipinadala nila sa Algeria sa kontinente ng Africa.
Read More
Sa Maison-Carée, sa lungsod ng Algiers, ay ginawa niya ang taon ng kanyang nobisyado mula sa taong 1938 hanggang 1939. Pagkatapos ng nobisyado, siya ay ipinadala sa lungsod ng Carthage, sa Tunisia, kung saan ay nag-aral siya ng teolohiya sa seminaryo ng White Fathers. Siya ay inordinahang Pari noong ika-11 ng Abril sa taong 1943 ng Obispo ng Carthage, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nang ang norte ng Africa ay nauukupahan ng mga Aleman. Hindi nagtagal ng taon ding iyon, sa pagdating ng mga Kakampi, at sa tulong ng Kapelyan ng militar ng White Fathers, ang mga taga Ireland ay nakaalis sa norte ng Africa at tumuloy sila sa England at Ireland. Subali’t si San Justo Maria ay umalis patungo sa Nigeria, dumating doon noong ika-7 ng Disyembre 1943. Siya ay itinalaga sa apostolikong prefektyur ng Dyo, na naging parokya, kung saan ay nagsagawa siya ng malaking misyon bilang Pari ng Parokya sa isa sa mga parokya sa bayan ng Ilesha, dalawandaang kilometro mula sa Lagos. Sa taong 1951, si San Justo Maria ay nakabakasyon sa England dahil sa karamdaman, at sa buwan ng Hunyo ng taong iyon, hindi siya pinayagan ng doktor na umalis, kinailangan niyang manatili ng maraming buwan na mas mahaba sa normal na bakasyon. Sa London siya ay ipinadala para tumulong sa parokya ng Heston, kung saan sa unang pagkakataon ay nakilala niya ang isang Pari na magiging isang Relihiyoso ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, si Obispo San Escolastico Maria, na isa ring koadyutor sa parehong parokya. Si San Justo Maria ay naging isang koadyutor sa Heston sa loob ng tatlong buwan. Sumunod ay nagkaroon siya ng puwesto bilang ingat-yaman sa seminaryo ng pilosopiya ng White Fathers sa London ng ilang buwan, at siya ay pumunta sa Ireland para pasimulan ang pagpapatayo ng unang bahay ng relihiyosong Orden doon. Nang mga katapusan ng 1952, si San Justo Maria ay muling ipinadala sa Nigeria bilang isang misyonero, pinamahalaan ang parehong parokya ng Ilesha tulad ng dati. Noong ika-28 ng Hulyo 1972, siya ay nagkaroon ng nakapanlulumong aksidente sa sasakyan. Sa katapusan na ng taong 1975, isang legong kabataan na dating tumatanggap ng mga mensahe ng El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya ay pumunta para dumalo sa Misa sa parokya ng Ilesha na pinamumunuan ni San Justo Maria, na nang mga sandaling iyon ay nagbibigay ng sermon laban sa nakasisirang progresibismo ng romanong simbahan, na sinabi pang ang tanging paraan para malabanan ang kasamaan ay sa pamamagitan ng dalangin at penitensiya. Nang matapos ang sermon, ang kabataan ay nakipag-usap kay San Justo Maria at tinanong siya kung nakabasa na siya ng mga mensahe ng El Palmar de Troya at sumagot siyang wala siyang nalalaman tungkol sa lugar na iyon at nagsermon siya sa pagtalima sa banal na inspirasyon. Ang kabataan ay binigyan siya ng mga mensahe ng mga Aparisyon ng Pinakabanal na Birheng Maria sa El Palmar de Troya na natanggap ng seer na si Clemente Domínguez y Gómez, ngayon Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila. Sa buwan ng Hunyo 1976, si San Justo Maria ay ipinadala sa Ireland para magbakasyon. Dahil may malaki siyang hangaring makabisita sa Sagradong Lugar ng El Palmar de Troya, ay ginawa niya ito noong ika-16 ng Hulyo ng kaparehong taon. Noong ika-27 ng Hulyo, habang siya ay nasa El Palmar pa, ang Ating Panginoong Hesukristo, sa pamamagtian ng dating Padre Clemente, ngayon Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, ay nagsalita patungkol kay San Justo, na ang pangalan sa mundo ay Jaime: “Sa mga sandaling ito si Padre Jaime ay tinatanggap sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha. Ang Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha: ang pinakadakila na maiisip ng sinuman, at darami nang tulad sa mga baybay sa disyerto. Kinakailangan ngayong gabi, pagkatapos ng hapunan, ay makonsagra na siyang Obispo.” Nang gabi ring iyon, noong ika-28 ng Hulyo ng taong 1976, ang Obispo Primado, Padre Clemente, ngayon Papa San Gregoryo XVII, ay iginawad ang pagiging Obispo sa bagong Relihiyoso, makaraang ang huli ay magawa ang kanyang perpetwal na mga pangako, sa Kapilya ng Mother House ng Orden sa Sevilla. Sa loob ng halos dalawampu’t tatlong natitirang mga taon ng kanyang buhay, si San Justo Maria maliban sa pagiging huwarang Relihiyoso, ay isang masigasig na Obispo para sa kanyang kawan sa iba’t-ibang Palmaryanong mga diyosesis, kung saan siya ay nakatalaga; sa Espanya: Valladolid, Vascongadas, Granada, Valencia at Barcelona; sa labas ng Espanya: England, Scotland at Wales. Buhat sa taong 1991, ay nanatili na siya sa Sevilla. Siya ay Superyor doon sa isa sa mga monasteryo ng mga Prayle simula noong ika-9 ng Septyembre 1992 hanggang ika-1 ng Agusto 1994. Hanggang sa kanyang kamatayan, ang buhay ni San Justo Maria ay isang huwaran sa pagkamasunurin, pagpapaubaya at pagsasailalim sa kalooban ng Diyos. Sa kabila ng kanyang malakas na karakter, na parang medyo brusko, siya ay dakila, payak at kasundo ng lahat. Siya ay laging mahigpit sa kanyang sarili at may dakilang espiritu ng pagdarasal at pagpapakasakit. Hanggang kaya ng kanyang kalusugan, ay namuhay siya sa buhay ng relihiyoso sa buong higpit ng mga patakaran, pumupunta araw-araw sa Katedral-Basilika ng El Palmar, at nagdaraos ng pinapayagang maraming bilang ng mga Misa pareho doon at sa monasteryo sa Sevilla. Nang lumala ang kanyang karamdaman, isang Kapelyan ang nagdaraos ng Banal na mga Misa araw-araw sa kanyang selda at binibigyan siya ng Banal na Komunyon. Tumanggap din siya ng Sakramento ng Banal na Ulyo ng may kadalasan. Si San Justo Maria, sa edad na walumpu’t-isang taon, ay namatay sa Sevilla, sa residensiya ng Papa noong ika-2 ng Marso 1999. Siya ay inilibing dalawang araw ang nakaraan sa kripta ng Katedral-Basilika ng Ating Ina ng El Palmar Koronada. Kinanonisa ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-4 ng Abril 1999.
San Leandro Maria ng Banal na Mukha at ng Batang Hesus
Marianong Apostol. Obispo. Relihiyoso ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha Kasama ni Hesus at ni Maria. Doktor. Protektor ng Palmaryanong Banal na Pamunuan.
Sa mundo Camilo Estévez Puga, siya ay ipinanganak noong ika-15 ng Hunyo 1924, sa Maside, Carballino, Orense, Espanya. Siya ay anak ni Francisco Estévez at ng kanyang asawang si Protasia Puga Gutiérrez, parehong taimtim na mga relihiyoso at mariwasa. Ang Panginoon ay pinagkalooban ang kanyang ama ng dalawang pagpapakasal, dahil sa kanyang unang asawa ay may dalawa siyang mga anak; at nang mabalo, ay pinakasalan ang kapatid ng kanyang unang asawa, na nagkaroon siya ng walong mga anak, ang pang-anim sa kanila ay si San Leandro.
Read More
Si San Leandro Maria ay nag-aral para maging isang Pari sa seminaryo ng diyosesis sa Orense. Siya ay inordinahang Pari sa seminaryo noong ika-17 ng Hunyo 1951 ni Obispo Don Francisco Blanco Nájera, at nagdaos ng kanyang unang Misa nang may dakilang debosyon noong ika-8 ng Hulyo 1951 sa parokyang simbahan ni San Miguel ng Armeses, na punong-puno ng mga mananampalataya. Namahala siya ng maraming mga parokya, kasama ang San Juan sa Rairiz de Veiga bilang ‘Archpriest’ ng Parokya. Sa pamamagitan ng kanyang apostolikong gawain ang lahat ng kanyang mga parokya ay nagkaroon ng napakalaking espiritwal na pagbabago; dagdag pa, nagtagumpay siyang maipasara ang sayawang mga bulwagan sa mga bayang iyon, at nahadlangang magbukas ang iba, sa kabila ng mga pagkontra ng ibang mga indibidwal. Gumawa siya ng ibayong mga pagsisikap para masigurong ang kanyang mga tagaparokya ay makatanggap ng Unang Biyernes at Unang Sabadong mga Komunyon reparatori bawa’t buwan. Para maisakatuparan ito, siya ay nagbigay ng malaking halaga ng donasyon mula sa kanyang sariling bulsa, nakuha niya ang tulong ng isang relihiyosong Pari sa mga araw na iyon, kung kaya maraming mga nasa tamang edad na at mga mag-aaral ay nagsasagawa ng espesyal na mga debosyon na iyon sa Sagradong mga Puso ni Hesus at ni Maria. Buong sigasig din niyang siniguro na ang buwan ng Mayo ay ialay nang espesyal sa pagsasagawa ng ‘Bulaklak kay Maria’, at ang buwan ng Oktobre sa pagsasagawa ng ‘Buwan ng Rosaryo’, sa paggawa nito siya ay may espesyal na Eyokaristiko at Marianong mga debosyon sa kanyang mga parokya. Ang mga tagaparokya ay dumadalo sa Banal na Misa tuwing Linggo sa maraming bilang. Siya ay laging nagdaraos ng Banal na Misa nang napakaaga sa layuning posibleng mapadali ang pagdalo ng mga mananampalataya. Tuwing Linggo at ibang mga araw ng Pangilin siya ay nagdaraos ng apat na mga Misa: dalawa sa parokyang simbahan sa Rairiz, isa sa ermitang dalawang kilometro ang layo at ang pang-apat sa isa pang parokya. Si San Leandro Maria ay napakasigasig na sinisigurong ang kanyang mga tagaparokya ay may pinakamagaling na posibleng tulong sa kumpesyunaryo. Mahal na mahal niya ang pagsasagawa ng Sakramento ng Kumpisal, kung saan ay ginugugol niya ang mahabang mga oras. Napakaingat ang ginagawa niyang pagturo sa katekismo; sa paggawa nito matiyaga niyang binabantayan ang pagdalo at ginagamit ang iba’t-ibang kadalubhasaan sa pagtuturo. Higit sa lahat ay sinisiguro niyang mapangalagaan ang paghahanda sa mga bata para sa kanilang Unang Komunyon, gayundin iyong mga ikakasal. Napakaraming bilang ng mga relihiyosong bokasyon sa pagpari at relihiyosong mga bokasyon sa parehong kasarian ay nagkaroon sa kanyang mga parokya, lalo na sa huli, kung saan ay tumigil siya nang pinakamatagal. Sa kanyang mga parokya ay laging may mga kaluluwang matayog ang espiritwalidad. Ang Obispo mismo ng diyosesis kung minsan ay isinasalarawan si San Leandro Maria bilang isang modelong Pari sa Parokya sa kanyang pastoral na pagdalaw sa ibang mga parokya. Si San Leandro Maria, sa kanyang gawain bilang Pari sa Parokya, ay nagpatuloy sa napakataas na lebel ng espiritwal na buhay. Maliban sa Banal na Misa, araw-araw na Banal na Rosaryo at ang kanyang pagbisita araw-araw sa Banal na Sakramento, siya ay umuubos ng dalawa o tatlong oras bawa’t gabi nagdarasal sa harap ng Tabernakulo, na nagdala ng rayuma. Nangungumpisal siya isang beses sa isang linggo. Sa dalawang okasyon, ay gumugol siya ng isang buwan para sa pagsasanay ng San Ignacio; at bawa’t taon, sa Orense, ay kumuha ng isang kurso para sa espiritwal na pagsasanay sa loob ng dalawang linggo. Habang kaya ng kanyang kalusugan, siya ay natutulog sa malapad na tabla, may mga pagkakataong gumagawa ng disiplina at nagsusuot ng kamisetang may buhok. Siya ay may malaking interes sa pag-alam sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang pormasyon sa pagkapari. Ang palatuntunan ng kanyang buhay ay tunay na kasalatan. Ang kanyang mga araw ay iniuukol sa pagdarasal, apostolikong gawain, mga akto ng pagsamba at mga aklat. Ginagamit niya ang kanyang sariling mga ari-arian para lamang sa apostolado at mga gawaing kawanggawa. Ang kanyang ordinaryong konfesor at espiritwal na direktor, isang Relihiyoso na isang dakilang mistiko, ay nagdirekta ng maraming mga kaluluwa ng parehong mga kasarian, higit sa lahat mga relihiyoso. Si San Leandro Maria ay nagbisita sa Sagradong Lugar ng mga Aparisyon ng El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya, sa unang pagkakataon noong ika-15 ng Agusto 1971. Bilang taong may simpleng puso laging hangad ang pagpugay sa Diyos at sa Kanyang Pinakabanal na Ina ang Birheng Maria, mula sa sandaling siya ay tumapak sa El Palmar ay ipinaubaya niya ang kanyang sarili sa pamamahala ng Banal na Gawaing ito, tinanggap ang mga Mensahe mula sa Langit, lalo na iyong natanggap ng seer na si Clemente Domínguez y Gómez, ngayon Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila. Kahit si San Leandro ay nagpatuloy pansamantala bilang Pari sa Parokya ng Rairiz de Veiga sa Orense, siya ay pumupunta sa importanteng mga araw sa Sagradong Lugar ng El Palmar de Troya para magdaos ng Banal na Misa at tulungan sa espiritwal ang maraming mga tagasunod ng mga aparisyon. Dahil siya ay matapang at taong may desisyon, lagi niyang hinahanap ang kaluwalhatian ng Diyos, at kapag ginagawa niya ang kanyang gawain bilang pari sa El Palmar, ginagawa niya ito nang hindi iniisip kung ano ang iisipin o sasabihin ng Herarkiya ng Simbahan sa Sevilla nang panahong iyon, o kaya ng Orense, o iba pang mga relihiyoso o legong tao. Dapat isaisip na ang mga Aparisyon sa El Palmar na nang mga panahong iyon ay maraming mga kaaway, na higit pa ay kinailangang harapin araw-araw ang pagtanggol sa layunin ng Sagradong Lugar. Si San Leandro ay laging may tapang na gawin ang lahat ng ipinag- uutos ng Panginoon at ng Birhen sa Kanilang mga mensahe, hanggang sa pinakamaliit ng mga detalye. Si San Leandro Maria, makaraan ang masakit na pag-aaral at dakilang desisyon, hindi pinakinggan ang maling payo ng Obispo ng Orense at ng ibang nakatataas, gayundin ng mga kamag-anak at mga kaibigan, at hinarap ang lahat ng hindi makatarungang banta ng makanonikong mga parusa, ay iniwanan ang kanyang parokya ng Rairiz de la Veiga para pumunta nang permanente sa El Palmar, dumating sa Sevilla noong ika-9 ng Oktobre 1975. Sa kanyang pinal na pag-alis sa kanyang parokya papunta sa El Palmar, ay nagkaroon siya ng malaking tulong ng noon ay si Camelo Pacheco Sánchez, ngayon San Elias Maria ng Banal na Mukha, na naglakbay papunta sa Rairiz de Veiga para bigyan siya ng pinal na pagtulak at tulong sa kanyang paghanda para lumipat sa Sevilla. Bago siya umalis sa kanyang parokya, ang mga taga parokya ay binigyan siya ng pagpugay na maramdaming pamamaalam, sinabi sa kanya kung gaano ang utang na loob nila sa kanya, na mahal nila siya at hangad nila na sana ay hindi siya umalis. Si San Leandro Maria ay naging isang Relihiyoso ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha noong ika-23 ng Disyembre 1975, ang araw ng pundasyon nito ng noon ay si Clemente Domínguez y Gómez, ngayon Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila. Noong ika-11 ng Enero 1976, siya ay kinonsagrang Obispo sa Sagradong Lugar ng El Palmar ni Arsobispo San Pedro Martin Ngô-dinh Thuc, kasabay ang noon ay Padre Clemente Domínguez y Gómez, ang noon ay Padre Manuel Alonso Corral, ngayon Papa San Pedro II ang Dakila, at dalawang iba pang mga Pari. Si San Leandro ay nagbigay ng maraming mga pruweba ng kanyang pagpapasailalim sa kalooban ng Diyos, matibay na tiniis ang mga persekusyon laban sa mga kasapi ng lumalagong Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, na sinimulang guluhin ng ilang mataas ang katungkulan sa romanong simbahan , partikular na si Monsenyor Luis Dadaglio, apostolikong nuncio ni Papa San Pablo VI, ni kardinal arsobispo ng Sevilla, Bueno Monreal, pangunahing manunulsol ng mga persekusyon, ng kanyang katulong na mga obispo at maraming mga pari. Si San Leandro Maria ay lubos na kumbinsido na ang ordinasyon ng mga pari at konsagrasyon ng mga obispo sa El Pallmar ay utos ng Diyos, at ang mga iyon ay may pag-apruba ng noon ay Bikaryo ni Kristo, Papa San Pablo VI. Ang buhay ni San Lendro Maria sa Komunidad ng Carmelitas ng Banal na Mukha ay kasama ang mga gawaing pagturo sa mga Relihiyoso, bilang nangungunang Padre ng Konseho sa ‘Holy Palmarian Council’ at sa ‘Holy Palmarian Synod’, at sa mga puwestong may responsibilidad sa mga iba’t-ibang mga tungkuling ipinagagawa sa kanya. Siya ay natatangi sa kanyang ministro bilang konfesor at espiritwal na direktor ng ibang mga Relihiyoso at mga mananampalataya. Sa lahat ng kanyang mga gawain ay laging inilalagay niya ang kanyang buong puso at maingat na pangangalaga, minsan may mas malaking tagumpay, at minsan may kaunti. Ang pinakatatanging ugali ni San Leandro Maria sa kanyang relihiyosong buhay ay ang kanyang hindi natitinag na katapatan at malalim na pagmamahal kay Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, ang kanyang katapatan sa pagsasagawa ng Banal na mga Patakaran at respeto sa ibang mga Superyor. Siya ang taong laging nagdarasal. Subali’t hindi maiiwasang mayroon din siyang mga pagkaorihinal o pagkakaiba na nakatatawag pansin sa ibang mga Relihiyoso, ang kanyang mga kahinaan bilang tao ay hindi kailan man natakpan ang kanyang malalaki at dakilang mga katangian. Ang kanyang maalab na pagmamahal sa Diyos at sa Pinakabanal na Birheng Maria, sa Banal na Inang Simbahan at para sa Papa ay mga katangiang laging lumilitaw sa kanyang buhay. Ang huling mga taon ng buhay ni San Leandro Maria ay puno ng pagdurusa dahil sa kanyang advanced diabetes at depormado, namamagang puso, na ang anumang pisikal na aktibidad ay napakahirap niyang gawin. Subalit sa gitna ng lahat ng ito, ay nagsikap siyang magawa ang normal na pamumuhay sa komunidad hanggang ang mga ito ay naging imposible na para sa kanya. Ang huling mga buwan ng kanyang buhay ay hindi masabing paghihirap para sa kanya, na inialay niya sa Diyos na may dakilang pagbibigay, datapwa’t sa parehong pagkakataon ay naiinip na siyang makapiling Siya sa lalong madaling panahon, at sa ganoon ay nagdarasal siya nang may kababaang-loob at pagpapasailalim sa kalooban ng Diyos. Nang hindi na siya maaaring magdaos ng Banal na mga Misa, ang iba’t-ibang mga kapelyan ay nagdaos sa kanyang selda at binigyan siya ng Banal na Komunyon. Nakatanggap din siya ng Banal na Sakramento ng Ulyo nang may kadalasan. Si San Leandro Maria, makaraan ang maikling pagbuti sa kanyang kondisyon, ay dumating sa ganap na paglala sa umaga ng kanyang kamatayan. Ang isang Kapelyan ay nagdaos ng Banal na mga Misa sa kanyang selda at binigyan siya ng Banal na Komunyon, na tinanggap ng imbalido nang may malaking kahirapan. Ganoon din ang Ulyo ay iginawad sa kanya. Sa panahon ng kanyang paghihingalo ay nakitaan siya sa lahat ng panahon ng malaking kapayapaan, at ang kanyang buhay ay dahan-dahang nawawala hanggang ang kamatayan ay dumating sa hapon ng ika-2 ng Marso 1997. Siya ay inilibing kinabukasan sa kripta ng Katedral-Basilika ng Ating Ina ng El Palmar Koronada. Kinanonisa at idineklarang Doktor ng Simbahan ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-4 ng Marso 1997.
San Malaquias Maria ng Banal na Mukha at ni Maria
Marianong Apostol. Obispo. Relihiyoso ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha Kasama ni Hesus at ni Maria. Biktimang Kaluluwa.
Sa mundo, Tomas San Olan Healy, siya ay ipinanganak noong ika-5 ng Septyembre 1915 sa Clonmoyle, Cork, Ireland. Ang kanyang ama ay tinawag na Tomas Juan Healy, at ang kanyang ina Abigail née McCarthy, at anim na mga anak ang isinilang sa kanilang kasal. Nagkuwento si San Malaquias na ang kanyang pamilya ay napakakatoliko at sila ay nagdarasal ng Banal na Rosaryo nang sabay-sabay araw-araw, na pagkatapos ang kanyang ama ay nagdaragdag pa ng ibang mga dasal na halos ay isa na ring Rosaryo; lalo na kapag Banal na Kuwaresma, kung saan ang mga pinapasunod ng simbahan ay ginagawa nang may buong kahigpitan, at ginagawa ang mga espesyal na mga penitensiya.
Read More
Ang ama ni San Malaquias Maria ay may-ari ng isang propreyedad sa probinsiya at isang gilingan ng arina. Nabanggit ang detalyeng ito ni San Malaquias Maria sa kanyang talambuhay dahil, nang siya ay apat na taong gulang pa lamang, siya ay nahulog mula sa gilingan, bumagsak ang kanyang ulo nang napakalakas sa lupa at siya ay walang malay sa loob ng tatlong araw, nasa bingit ng buhay at kamatayan; siya ay naghirap nang labis pagkatapos nito bilang resulta ang grabeng sakit ng ulo na mayroon siya. Sinabi niya rin na ang kanyang tiyahin, na isang guro sa London, ay umuwi, pumunta sa kanilang bahay at idinampi ang isang relikya ng Banal na Krus ng Herusalem, na mayroon siya, sa ulong may pinsala ni San Malaquias, at ang sakit ay agad nawala. Dahil ang kanyang ama ay isa ring organista sa simbahan, ay napukaw niya kay San Malaquias Maria ang malalim na inklinasyon sa musika, kung kaya ay ipinadala niya ito sa isang paaralan sa Cork para mag-aral ng sining na ito. Sa edad na labing-apat, si San Malaquias ay nagdesisyong maging isang Pari, subali’t dahil siya ay may hilig sa buhay ng misyonero, siya ay pumasok sa minor seminary ng Saint Finbarr, at saka nagpatuloy sa major seminary at inordinang Pari ng Arsobispo sa Galway, Ireland noong ika-21 ng Disyembre 1938. Hindi nagtagal matapos siyang maordinan, siya ay umalis patungo sa Estados Unidos sa Hilagang Amerika, sa taong 1939, para manirahan sa kolehiyo ni San Columban sa Omaha, Nebraska, na ipinundar ng tiyuhin niya, Padre E. J. McCarthy. Mula roon siya ay ipinadala sa China, sa gayon ay nagsimula ang kanyang buhay misyonero, subali’t tumigil lamang siya roon ng ilang buwan; dahil ng taon ding iyon 1939 siya ay pumunta sa Pilipinas, ginawa ang kanyang misyonerong trabaho sa iba’t-ibang panig ng mga isla: Luzon, Manila, at iba pa. Sa rehiyon ng Mindanao, ay nahirapan siya masyado sa init, dahil ang rehiyong iyon ay isa sa pinakamainit na lugar sa Pilipinas. Siya ay tumira rin sa diyosesis ng Tango, kung saan ay may apatnapung libong mga Katoliko, na noong mga nagdaang panahon ay nasa ilalim ng mga misyonerong Espanyol, at sa kanyang pagdating ay pinamumunuan ng mga Heswita, kung saan ay nakipagtulungan siya ng malaking bagay. Sa diyosesis na ito, ay maraming mga pangyayari ang naganap na nagpakita ng abilidad at sigasig bilang misyonero ni San Malaquias Maria para sa mga kaluluwa. Ikinuwento niya ang isang pangyayari: isang araw ay ibinalita sa kanya na may dalawang protestanteng bagong dating sa kanilang diyosesis para magpundar ng akademya, na nagkukulang sa sona. At siya, walang pera at walang lugar, ay pumunta sa lokal na meyor, inesplika ang problema, at ang konseho mismo ng munisipyo ang nag-alok na magpundar ng isang Katolikong akademya. Ang mga protestante, samantala, ay nagtagumpay sa pagpundar ng isa pang paaralan, subali’t hindi nagtagumpay, dahil sa makalipas ang maikling panahon ang akademya ni San Malaquias ay nagkaroon ng isangdaan at dalawampu’t limang mga mag-aaral, inaprubahan ng gobyerno at pinalamutian ng isang magandang silid-aklatan; sa kabilang dako, ang protestanteng akademya ay nagkaroon lamang ng walong mga mag-aaral, na walang pag-abruba ng gobyerno. Si San Malaquias Maria ay nagsagawa ng dakilang mga gawain para sa kabutihan ng Katolosismo sa Pilipinas, na may dakilang tapang tiniis ang malalaking mga sakripisyo na nangangahulugan ng paglalakbay para sa kanya; sa karamihang okasyon ay kailangan niyang sumakay sa bangka o kaya sa kabayo. Sa panahon ng pagtigil niya sa Pilipinas, ay inabutan siya ng Digmaang Pandaigdig II, na nagi ring tamang pagkakataon para sa kanya para ipakita ang kanyang dakilang abilidad at espiritu ng sakripisyo. Hindi lamang isang beses na nasorpresa siya ng pag-atake ng bomba habang nagdaraos ng Banal na Misa. Sa loob ng dalawang taon ay may isang litro lamang siya ng alak para sa pagdaos ng Banal na Sakripisyo, at gumagamit lamang ng isang kutsara para sa bawa’t isang Misa. Sa pamosong aklat ng Amerikang “Mister Roberts” na tumatalakay sa Digmaang Pandaigdig II, ay may mga detalye roon tungkol sa kabayanihan ni San Malaquias sa panahon ng giyera, isa sa mga iyon, na siya ay naging bihag ng mga Hapon, pero pinalaya rin siya nang ipakita ang kanyang Irish passport. Sa kulungan siya ay barbarong pinahirapan, na nagresulta ng seryosong mga konsekwensiya sa kanyang kalusugan sa buong buhay niya. Sa taong 1947, pagkatapos ng pitong taon sa Pilipinas, si San Malaquias ay bumalik sa Estados Unidos, at nagsagawa ng mga misyonerong gawain sa maraming mga parokya. Sa taong 1951, siya ay ninombrahang direktor ng mga bokasyon, ang puwestong kanyang unang ginampanan sa Kolehiyo ng San Columban, sa Omaha, Nebraska, at makaraan ang tatlong taon, sa Nueva York, kung saan siya ay nanirahan. Sa mga taong paghawak niya sa puwestong direktor ng mga bokasyon, ay ipinaubaya niya ang kanyang maalab na sigasig para sa kabanalan ng mga kaluluwa, maliban sa pinagkaabalahan niya nang may kasigasigan ang paglalakbay, pagbibigay ng mga pananalita, at iba pa. Ang misyong ito ay napakakinakailangan kaya, sa taong 1959, siya ay humingi na palitan ang kanyang tungkulin, at naitalaga sa puwesto ng isang kapelyan sa Mother House of the Mothers of Saint John the Baptist; at pagkaraan ng sampung taon, siya ay nalipat sa Santuwaryo ni Mother Saint Elizabeth Anne Seton née Bayley, sa Manhattan, Nueva York. Naglakbay rin siya ng maraming ulit sa Roma para sa mga kurso ng kanyang pag-aaral. Sa taong 1972, nang ang progresibismo ay namiminsala na sa Romanong Simbahan, ay humiwalay siya sa awtoridad ng kanyang Obispo, dahil ang prelado ay sumusunod sa ‘novus ordo’ ng Misa at lahat ay pabor sa progresibismo. Si San Malaquias na puno ng tapang ay gumawa ng paninindigan laban sa kanya at sumama sa isang Obispong may tradisyonal na pananaw. Salamat sa malaking pagpapakalat ng mga mensahe ng El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya sa ibayong Estados Unidos, hindi lamang sa pamamagitan ng koreo, subali’t sa pamamagitan ng mga pagsasalitang ibinigay sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ng noon ay si Clemente Domínguez y Gómez, ngayon Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, si San Malaquias Maria ay nagkaroon ng oportunidad na malaman ang tungkol sa El Palmar, nakatanggap ng sapat na liwanag para makita na ang katotohanan ay nasa Sagradong Lugar na ito, at tanging sa El Palmar lamang posible ang pananatili ng tradisyonal na doktrina ng Simbahan. Sa taong 1976, si San Malaquias ay pumunta sa Sevilla, Espanya, bilang tugon sa panawagan ng Ating Panginoong Hesukristo sa lahat ng mga Pari para ipaglaban ang Tradisyon para maglobo ang mga ranggo ng bagong Komunidad ng Carmelitas ng Banal na Mukha. Noong ika-8 ng Oktobre ng parehong taong iyon siya ay kinonsagrang Obispo ng noon Padre Clemente, ngayon Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila. Sa okasyong ito, ang Padre Heneral ng Orden ay nakatanggap ng isang mensahe na kung saan ang Pinakabanal na Birheng Maria ay ipinakita ang kanyang buhay na hangarin na si San Malaquias Maria ay pumasok sa Orden bilang isang Relihiyoso, at sa ganoon ay maaliw ang Kanyang Imakuladang Puso. Si San Malaquias, kahit hindi niya nakalimutan ang halaga ng mga salitang iyon ng kanyang mahal na Ina sa Langit, gayunman ay hindi gustong pumasok noon bilang isang Relihiyoso, subali’t manatili lamang pansamantala bilang isang sekular na Pari, para hindi makabigat sa Komunidad dahil sa kanyang maraming mga karamdaman. Kung kaya, hindi nagtagal pagkatapos niyang makonsagra, siya ay umalis patungong Miami, Florida, Estados Unidos. Noong ika-5 ng Septyembre 1979, kanyang ika-animnapu’t-apat na kaarawan, si San Malaquias ay pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha bilang isang Relihiyoso, at nanatili sa Sevilla hanggang sa kanyang kamatayan. Nang siya ay pumasok at natanggap ang pangalang Malaquias, nais niyang idagdag ang Maria, para tawaging Malaquias Maria, isang hangaring naganap makaraan ang anim na buwan nang ang lahat ng mga kasapi ng Orden ay tumanggap ng pangalawang pangalang ito. Noong ika-24 ng Oktobre 1979 ay ginawa niya ang kanyang perpetwal na mga pangako. Tungkol sa kanyang pagpasok bilang isang Relihiyoso sa Orden, ay ipinagtapat niya: “Nang ako ay pumunta sa El Palmar, gumawa ako ng pangako sa Diyos na aalisin ko ang aking sarili sa aking mga kamag-anak at mga kaibigan, gayundin ang tuluyang kalimutan ang lahat ng aking dating nagawa para sa ikabubuti ng Simbahan, para ibigay ko ang aking sarili sa Diyos sa katawan at kaluluwa sa Orden na ito.” Isang pruweba sa nakamamanghang desisyong ito ay ang sulat na sinulat niya para sa kanyang kapatid na si Miguel, isang romanong pari, noong ika-11 ng Hulyo 1986: “Mahal kong Miguel: Gaaano kadalas sa aking mga sinulat, sa aking mga sulat, na hiningi ko saiyong huwag pumunta sa Sevilla para dalawin ako. Ang pumunta para magbisita para lamang mag-usap sa mga bagay-bagay tungkol sa tao ay wala nang halaga sa akin. Naniniwala akong naisulat ko na ang aking mga ideya nang maliwanag. Hindi ito nangangahulugang nabawasan ang pagmamahal ko saiyo. Ang mga bagay tungkol sa tao ay mga bagay na lumilipas. Ang Aking salita, ang wika ng Panginoon ay hinding-hindi lilipas. Kalakip ng lahat ng basbas. Olan.” Ang sulat na ito ay ibinigay ng isang kasapi ng Orden sa kapatid ni San Malaquias nang sinubukan niyang bisitahin siya sa monasteryo sa Sevilla, dahil si San Malaquias ay walang ekspresyong tumangging tanggapin at kausapin ang nabanggit sa itaas na kapatid na si Miguel; na, para matupad ang kanyang layunin, ay humingi ng tulong sa mga pulis at sa hukuman, na nagresulta ng pagdurusa para sa Orden. Sa paraang ito, si San Malaquias Maria ay napilitang tanggapin ang kanyang kapatid, na lubusang nadurog at napahiya ni San Malaquias, dahil may buong tapang ay sinabihan niya siya sa harap ng mga pulis na hindi niya nais na makita siya at hindi na niya dapat pang istorbohin siya. Si San Malaquias Maria ay maraming alam sa medisina at iba pang mga agham, tulad ng grapolohiya, tumutugtog din siya ng piyano, ng organo at ng biyolin. Bilang isang Relihiyoso ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, siya ay natatangi sa kanyang napakahusay na buhay espiritwal, ang kanyang dakilang pagkaistrikto at pakiramdam sa pagsasakatuparan ng banal na mga patakaran, at ang kanyang ekstraordinaryong benerasyon para kay Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila. Siya ay malalim ang debosyon sa Banal na Mukha, na sinabi niya, nang may sobrang talino, dapat nating gayahin, at ang bawa’t isa ay isara ang mata at ang bibig, para hindi natin makita ang mga mali ng ating kapwa at huwag magpuna at maghusga ng masama sa kahit sino. Mga isang taon at kalahati bago siya mamatay, sa prusisyon Eukaristiko sa El Palmar, ay may narinig siyang tinig na tinatanong siya: “Nais mong magdusa para sa Akin?” Sumagot siya sa Panginoon ng oo, nang walang kondisyon. Hindi nagtagal pagkaraan ay nagkaroon siya ng mga sintoma ng nakatatakot na Paget’s disease sa buto, na araw-araw ay lumalala, kung kaya siya ay napilitang manatili sa kama hanggang sa kanyang kamatayan. Habang nasa kama siya ng karamdaman, ay tiniis niya ang mga inkombenyensya ng kanyang sakit nang may buong hinahon at tamis. Kahit kailan ay hindi siya naringgan ng pagreklamo, at kapag dinadalaw ng ibang mga Relihiyoso sa monasteryo, ay tinatanggap niya sila nang may ngiti, na parang wala man lamang anumang nangyayari. Sa isang pagkakataon ay sinabihan niya ang doktor na kung magrereseta siya ng mga gamot dapat ay iyong makagagaling sa kanya at hindi para maalis ang sakit. Ginamit ni San Malaquias Maria ang kanyang karamdaman para makiisa nang mas malapit sa Diyos, sa laki ng paghanga ng lahat. Sa kabila ng kanyang mga paghihirap, mula sa kanyang kama ay masusi niyang sinusubaybayan ang mga diskusyon sa Holy, Great, Dogmatic First Palmarian Council, na kanyang iginalang ng may pananampalataya. Nagkaroon din siya ng interes sa mga problema ng Komunidad. Sa mga huling araw patungo sa kanyang kamatayan, ay tinanong niya ang mga Dogmang denipina ni Papa Gregoryo XVII kailan lamang; at nang kanya itong binasa ay sumagot: “Ang mga salitang ito ay galing sa ibang mundo” (ibig sabihin na ang doktrina ay galing sa Langit); siya ay ipinakita ang kanyang partikular na paghanga nang basahin sa kanya ang mga dogma tungkol sa omnipresence o pagkapasalahat ng dako at omniscience o karunungan sa lahat ng bagay na makukuha ng mga banal. Kahit lagi siyang nasa kama at may matinding sakit, ay madalas siyang umuupo para magdaos ng Banal na Misa, at halos laging nakikitang may rosaryo sa kanyang mga kamay, nagdarasal nang may dakilang debosyon. Iyong mga tumulong sa kanya sa sandali ng kanyang kamatayan, ay nakadama ng paghanga sa tamis ng kanyang mukha sa pagkamatay, at sa kapayapaang nakita sa panahong siya ay lumisan sa mundong ito tungo sa Kaluwalhatian sa Langit. Si San Malaquias Maria ay namatay noong Linggo ika-19 ng Oktobre 1986, Kapistahan ng Eternal na Ama, sa edad na pitumpu’t isang taong gulang, sa Mother House ng mga Relihiyoso sa Sevilla, Espanya. Siya ay inilibing sa sementeryo ng San Fernando sa Sevilla, Espanya, noong ika-20 ng Oktobre 1986, at ilinipat sa Kripta ng Katedral-Basilika ng Ating Ina ng El Palmar Koronada noong ika-26 ng Oktobre 1989. Kinanonisa ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-2 ng Marso 1987.
Santa Maria Gregoria ng Banal na Mukha at ni Maria Auxiliadora
Marianong Apostol. Relihiyosa ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha Kasama ni Hesus at ni Maria. Biktimang Kaluluwa. Sumasamba kay Kristo sa Tabernakulo.
Sa mundo, Maria Othilia Wilhelmina Schmidt, siya ay ipinanganak noong ika-6 ng Enero 1893, sa Klein, Hoschütz, Silesia, Poland, isang nayon na tuluyang naglaho noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kanyang mga magulang ay sina Franz at Ana Schmidt.
Siya ay nag-aral para maging isang guro sa lengguwahe, at pagkatapos ng kanyang pag-aaral ay pumasok sa Order of Sister Teachers noong 1917. Ginawa niya ang kanyang mga pangakong temporal ng taong 1918 at ang perpetwal na mga pangako sa taong 1925. Ginugol niya ang mga taon ng Unang Digmaang Pandaigdig sa Breslau, kung saan ay may malaking pagkukulang ng mga pagkain. Ang kanyang tanging kapatid na babae ay namatay dahil sa gutom. Si Santa Maria Gregoria ay gumugol ng animnapu’t-dalawang taon sa kanyang Orden, at nang matanggap ang mga mensahe at mga dokumento ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, ay naging perpektong nalaman na siya ang tunay na Papa, kung kaya siya ay nagdesisyong iwanan ang kanyang kumbento at pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha. Maliban pa, hindi niya matanggap ang masonikong “novus ordo” ng Misa.
Read More
Habang siya ay nasa paliparan habang naghihintay ng eroplanong papunta sa Sevilla, Espanya, ay dumating ang kanyang Mother Provincial para alukin siyang bumalik sa kanyang kumbento. Nguni’t siya ay sumagot: “Mas gugustuhin ko pang mamatay!” Si Santa Maria Gregoria ay pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha noong ika-26 ng Agusto 1979. Ginawa niya ang kanyang temporal na mga pangako noong ika-23 ng Nobyembre 1979 at ang kanyang perpetwal ng mga pangako noong ika-2 ng Marso 1982. Siya ay may napakahinang kalusugan, subali’t gumagawa ng kahanga-hangang mga pagsisikap para mabuhay sa buhay-Kumbento, ang pagpunta sa El Palmar mula sa Sevilla nang madalas hangga’t kaya niya. Siya ay laging may maalab na hangaring matuto ng Espanyol na lengguwahe, at napakadaling natutong dasalin ang lahat ng Palmaryanong mga dalangin at isalin ang mga dokumento ng Santo Papa. Siya ay regular na dumadalo sa pag-aral ng Espanyol, at hanggang sa huling linggo ng kanyang buhay ay ginawa ang lahat ng posible para matutuhan ang lengguwahe. Si Santa Maria Gregoria ay napakabuting Relihiyosa, na may kahanga-hangang espiritu ng pagkamasunurin. Kapag may kailangan siya, habang kaya niya, ay hinihingi niya ito nang nakaluhod. Mahal na mahal niya ang buhay ng komunidad at sinisikap na maisakatuparan ang Banal na mga Patakaran sa pinakadakilang perpeksiyon. Siya ay patuloy na naghihirap sa masamang karamdaman. Simula ng taong 1982, ay hindi na niya kayang alagaan ang kanyang sarili, at ang espesyal na misyong laging kasama ni Hesus sa Pinakabanal na Sakramento ay ipinagkatiwala sa kanya. Tuwing umaga ay binubuhat siya at inilalagay sa wheelchair para sa Banal na Misa. Pagkatapos ng agahan ay dinadala uli siya sa Kapilya kung saan siya ay namamalagi sa pagsamba sa Pinakabanal na Sakramento hanggang ilang sandali bago magtanghalian. Siya ay patuloy na nagdarasal at inaawit ang lahat ng mga himno ng El Palmar. Siya ay madalas na kinakausap ang Panginoon nang malakas kapag nag-iisa: “Hesus, masayang-masaya ako na kasama Ka! Ngayon ay hindi Ka na nag-iisa.” Sa gabi, kapag hindi puwedeng magbiyahe mula sa Sevilla patungo sa Basilika ng El Palmar, siya ay muling dinadala sa Kapilya at nananatili roon sa harap ng Tabernakulo hanggang hatinggabi, kapag ang Komunidad ay dumating na buhat sa El Palmar. Praktikalmente ay ginugugol niya ang buong araw sa harap ng Pinakabanal na Sakramento, ipinagdarasal ng espesyal ang Simbahan, ang Santo Papa at ang Orden. Ganoon ang kanyang kaligayahan sa laging pagsama sa Sakramental na Hesus, at ang responsibilidad na nararamdaman niya sa pagsasagawa ng tungkuling ito, na kung hindi posibleng dalhin agad siya sa ibaba sa Kapilya, ay pinapaalalahanan niya ang ibang mga Relihiyosa sa kanyang obligasyon sa Pinakabanal na Sakramento. Siya ay nagkaroon ng napakainit na buhay interior, nakararamdam ng malaking kasiyahan sa pagdarasal ng Viacrusis, at tumutupad ng halos patuloy na katahimikan. Dahil gustong-gusto niyang pumunta sa Basilika ng El Palmar araw-araw, na hindi laging posible, siya ay madalas na magsabi: “Hindi na ako maaaring magbiyahe papunta sa El Palmar. Pero pag ako ay nasa Langit na, ay pupunta ako araw-araw. Oh! Anong ganda ng El Palmar!” Ginawa niya ang isa sa kanyang huling mga pagbisita sa Sagradong Lugar noong Septyembre sa taong 1985. Iyon ang araw na si Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila ay nangaral. Siya, puno ng kaligayahan at medyo tuwid pa sa kanyang wheelchair, ay nakinig sa mga salita ng Papa nang may sobra-sobrang kaligayahan, buong pusong sinisikap na maunawaan ang mga iyon. Habang nalalapit ang araw ng kanyang kamatayan, ay lalong sumisidhi ang kanyang hangaring makarating sa Langit. Simula noong ika-3 ng Disyembre 1985, ay hindi na siya muling nakaalis sa kanyang higaan. Noong ika-15 ng Disyembre 1985, ay isinuko niya ang kanyang kaluluwa sa Diyos habang ang mga Relihiyosa ay nagdarasal sa tabi ng kanyang kama, sa Mother House ng mga Madre sa Sevilla. Bago ang kanyang kamatayan, si Santa Maria Gregoria ay nagpahayag na ang Pinakabanal na Birheng Maria ay dinalaw siya. Siya ay inilibing noong ika-16 ng Disyembre 1985 sa sementeryo ng San Fernando sa Sevilla, Espanya, at ilinipat sa Kripta ng Katedral-Basilika ng Ating Ina ng El Palmar Koronada noong ika-11 ng Oktobre 1989. Kinanonisa ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-20 ng Pebrero 1986.
Santa Maria Martina ng Banal na Mukha at ng Sagradong Puso ni Hesus
Marianong Apostol. Relihiyosa ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha Kasama ni Hesus at ni Maria. Biktimang Kaluluwa.
Kilala sa mundo bilang Elizabeth Fisbeck, siya ay ipinanganak noong ika-19 ng Oktobre 1898, sa Oberhausen, Rhineland, Germany. Ang kanyang mga magulang ay sina Herman Fisbeck at ang kanyang asawang si Elizabeth née Rath. Siya ay panganay sa walong mga anak. Ang kanyang mga magulang ay taimtim ang pagkarelihiyoso at ikinintal sa kanilang mga anak ang dakilang pagmamahal sa Banal na Inang Simbahan at para sa Papa. Buhat sa pagkabata, si Santa Maria Martina ay naramdaman na ang panawagan para sa relihiyosong buhay, nguni’t sa panahong iyon ay kinailangang kalimutan ang hangarin dahil sa kanyang masamang kalusugan, dahil siya ay may malubhang hika.
Read More
Siya ay nagtrabaho sa negosyo ng kanyang ama; at bilang nakatatandang anak na babae ay may responsibilidad sa lahat ng mga gawain sa opisina ng kompanya, na napakalaki. Sa taong 1929, sa edad na tatlumpu’t isang taon, siya ay tinanggap sa isang institusyon ng misyonero na bago pa lamang ipundar: Our Lady of the Missions. Siya ay gumugol ng limang buwan bilang isang ‘postulant’ sa Fribourg, Switzerland. Pagkaraan ay pumunta siya sa Mother House sa Hastings, England, kung saan siya ay nagnobisyado, ginawa ang kanyang mga pangako at tumira ng mahigit dalawampung taon, umukupa ng maraming importanteng mga puwesto sa Institusyon. Sa taong 1949 ay bumalik siya sa Switzerland at tumira sa Fribourg, namahala sa mga estudyante sa Unibersidad sa lungsod na ito. Noong 1954 siya ay lumipat sa Lyon sa Pransya, kung saan siya ay namahala sa isang bahay para sa bulag na mga babae, nagsagawa ng isang kahanga-hangang apostolado. Sa loob ng kanyang dalawampu’t limang taon sa Lyon, ay nakita niya ang simula ng nakasisirang modernismo sa Simbahan. Ang magandang lumang kapilya ng kanyang kumbento ay lubusang ginawang moderno, ang mga estatwa ay inalis o sinira. Si Santa Maria Martina ay nagdusa ng nakatatakot na pagiging martir sa pagkakita sa sariling pagkasira ng Banal na Inang Simbahan na minahal niya nang mahal na mahal at pinagsilbihan nang may katapatan. Gayunman, inilagay niya ang lahat ng kanyang tiwala sa Pinakabanal na Birheng Maria. Noong ika-16 ng Hulyo, kapistahan ng Birhen ng Carmel, sa buson ng kanyang kumbento ay may nakuha siyang isang malaking envelope na ipinadala sa kanya mula sa Amerika, ang nagpadala ay hindi niya kilala. Naglalaman ito ng mga mensahe ng El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya, na ibinigay sa noon ay si Clemente Domínguez, ngayon Papa San Gregoryo XVII. Ang pagbabasa ng mga mensahe ay malaking kasiyahan para sa kanya, at napaiyak siya sa kaligayahan, at nagsabing: “Gaano kabuti ang Ina ng Diyos.” Sumulat siya sa kanyang pamilya na asikasuhin na ang mensahe ng El Palmar ay ipadala sa kanya mula sa Germany, at naniniwala sa lahat ng kanyang nabasa. Isang araw ay natanggap niya ang dekrito ni Papa San Gregoryo XVII na nag-uutos sa lahat ng mga Relihiyoso at mga Relihiyosa na iwanan ang kanilang mga kumbento at pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha. Sekreto, siya ay gumawa agad ng mga paghahanda. Alas singko ng umaga, habang ang lahat ay tulog, siya ay tumawag ng isang taksi, at sumakay sa isang tren mula sa Pransya patungong Germany, kung saan ay tumira siya sa kanyang pamilya hanggang ang lahat ay naihanda na para sa kanyang pagpunta sa El Palmar. Noong ika-26 ng Marso 1979, si Santa Maria Martina ay pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha. Sa unang sandali ay ipinahayag niya sa lahat ng iba pang mga Relihiyosa ang kanyang dakilang pagmamahal at tiwala sa pagiging Papa ni San Gregoryo XVII, at ang misyon ng dakilang Orden ng Huling mga Panahon, na ngayon ay kanya nang kinaaaniban. Ang pagmamahal at alab na ito ay nadaragdagan sa bawa’t araw. Madalas niyang inuulit na kailangang magbasa ng mga Dokumento ng Santo Papa nang madalas sa Espanyol, dahil ang alab ng Dakilang Papa ay naihahatid sa lengguwaheng ito. Si Santa Maria Martina ay ginawa ang kanyang perpetwal na mga pangako noong ika-23 ng Nobyembre 1982. Siya ay isang napakabuting Relihiyosa, na may ekstraordinaryong pagmamahal at respeto para sa kanyang mga Superyora. Dahil sa kanyang napakadelikadong kalusugan, siya ay nakaranas ng malaking hirap sa paghinga na ginawa ang kanyang buhay na patuloy at tunay na martir. Sa kabila nito, ay nakilala siya sa pagiging perpekto sa katapatan sa pagsasagawa ng kanyang mga tungkulin sa araw-araw. Namuhay siya sa relihiyosong buhay nang napakadakila hanggang sa kanyang kamatayan, inialay ang kanyang sarili para sa tagumpay ng Banal na Inang Simbahan at para sa Papa. Si Santa Maria Martina, makaraang tumanggap ng Huling mga Sakramento at Basbas ng Papa, ay isinuko ang kanyang kaluluwa sa Diyos noong ika-2 ng Enero 1987. Kinanonisa ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-2 ng Marso 1987. Siya ay inilibing sa kripta ng Katedral-Basilika ng Ating Ina ng El Palmar Koronada.
Santa Maria Paula ng Banal na Mukha at ng Krus
Marianong Apostol. Relihiyosa ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha Kasama ni Hesus at ni Maria. Doktora. Mistiko. Estigmatik. Espiritwal na Martir. Protektora ng Palmaryanong Banal na Pamunuan.
Si Santa Maria Paula ng Banal na Mukha at ng Krus, sa mundo Maria Catalina Pathe, ay ipinanganak sa Nenagh, Tipperary, Ireland, noong ika-3 ng Agosto 1893. Ang kanyang mga magulang ay sina William Eugene Pathe at ang kanyang asawa si Anastasia née OˈSullivan, mayaman at taimtim na Katoliko. Labintatlong mga anak ang isinilang sa kasal na ito, siya ay pangatlo. Lahat sila ay nakatanggap ng Kristiyanong pagpapalaki; tatlo, dagdag pa, ay naging mga Pari.
Read More
Si Santa Maria Paula ay nag-aral ng kanyang primarya sa paaralan ng kanyang tinubuang bayan, tapos siya ay pumunta sa maraming propesyonal na mga kolehiyo, na natapos sa Manchester, England, Great Britain. Hindi nagtagal ay pumunta siya sa Barcelona, Espanya, bilang yaya sa pamilya ng makwis, siya ay kinonsidera bilang isa sa mga miyembro ng aristokratikong pamilya, dahil sa laging ipinakikitang dakilang pagmamahal sa kanya ng makwis, na nagbunsod kay Santa Maria Paula sa malalim na pagmamahal para sa Espanya at sa Espanyol, na kanyang pinangalagaan hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Makaraan ang dalawang taon siya ay bumalik sa Ireland dahil sa malalang karamdaman ng kanyang ina. Sa panahong ito ng kanyang pagbabalik sa Ireland, ang Columban Fathers’ Order ay ipinundar, at si Santa Maria Paula ay namahala sa lahat ng pamamalakad sa organisasyon ng bahay, pati na ang mga seminarian. Ang gawaing ito ay tamang-tama para sa kanya, dahil sa kanyang malaking respeto at pagmamahal sa mga seminarian. Ang kanyang pagpupunyagi ay nagbunsod sa kanya para tulungan sila pati na sa espiritwal, na nakapupuno sa kanila ng kasiyahan at pananalig dahil sa kanyang banal na mga payo. Sa panahon ng kanyang pagtrabaho sa seminaryong ito, ang sangay para sa mga babae ay ipinundar, at ang Santa ay inialok ang kanyang sarili bilang isang kasapi; subali’t ang pundador, makaraang humanap ng liwanag sa panalangin, ay sinabihan siya na ang kanyang bokasyon ay hindi ang buhay relihiyoso, kundi sa pagpamilya. Sa taong 1919, si Santa Maria Paula ay nagpakasal kay William Vincent Higginbotham. Hindi nagtagal ay lumipat sila sa Dublin, kung saan ang kanyang asawa ay nakatira, at namalagi na sa lungsod na ito. Limang mga anak ang isinilang sa kanilang kasal, na napakasaya at taimtim ang pagkarelihiyoso. Si Santa Maria Paula ay ginugol ang dalawampu’t limang taon ng kanyang buhay sa apostolado ng Lehiyon ni Maria. Ang kanyang misyon ay iligtas ang mga prostityut at ibang mga babaeng nabubuhay sa kasalanan. Ang kanyang pagmamahal at pagkahabag sa walang-palad at makasalanang mga kaluluwang ito ay napakadakila at nagtagumpay siyang makumbert ang marami sa kanila; dahil siya mismo ay dinadala sila sa kumpisal, inaayos ang kanilang mga kasal at pinabibinyagan ang kanilang mga anak. Siya, dagdag pa, ay dinadalaw sila sa ospital at tinutulungan silang mamatay nang isang Kristiyanong kamatayan. Sa panahong ito ng mahirap at masakit na gawain, siya ay nagkaroon ng napakaraming mga atake mula sa demonyo; nguni’t lagi siyang nagsusumamo sa proteksyon ng Pinakabanal na Birheng Maria. Si Santa Maria Paula ay naging balo sa taong 1974. Sa kanyang maraming mga paglalakbay sa ibat-ibang dako ng Europa, at gayundin sa Amerika, ay bumisita siya sa maraming mga santuwaryo at mga lugar ng Marianong mga aparisyon. Isang araw sa Bilbao ay nakita niya ang isang kapitbahay niya sa Dublin, na sinabihan siyang dapat sa susunod ay puntahan niya ang El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya, dahil ang Sagradong Lugar na ito ay ang perlas ng lahat ng mga aparisyon. Bumisita siya sa El Palmar de Troya. Sa ikalawang pagkakataong pagpunta niya sa Sagradong Lugar na ito, ay naramdaman niyang ang Pinakabanal na Birheng Maria ay may napakadakilang bagay na ikinintal sa kanyang kalooban, kung kaya sa pangatlong pagkakataong pagpunta niya sa El Palmar de Troya, ay nagdesisyon siyang manatili at mamuhay doon, nakaramdam ng malaking kapayapaan sa kanyang kaluluwa. Si Santa Maria Paula ay pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha noong ika-22 ng Abril 1976, sa edad na walumpu’t dalawang taong gulang. Dahil sa kanyang dakilang espiritu ng kapayakan, ay napakadali siyang nakaagapay sa relihiyosong buhay, isinuko ang kanyang sarili sa Panginoon sa katawan at kaluluwa. Mula sa simula siya ay laging napakahandang gawin ang lahat na hinihingi ng banal na pagtalima, at bukod pa ay tinatanggap ang lahat nang napakanatural. Kahit sa unang mga araw sa kanyang relihiyosong buhay ay nakaramdam siya ng malalim na pangungulila para sa kanyang pamilya at bayan, ang kanyang dakilang pananampalataya sa El Palmar at ang kanyang malalim na pagmamahal para sa kanyang banal na bokasyon ay nakatulong sa kanya para magpatuloy. Si Santa Maria Paula ay ginawa ang kanyang perpetwal na mga pangako noong ika-23 ng Nobyembre 1979. Siya ay may dakilang espiritu ng pagdarasal at pagpapakasakit; at sa kabila ng kanyang katandaan, hanggang sa malapit na siyang mamatay siya ay laging nakaluhod sa mahabang mga oras ng pagsamba sa Palmaryanong Katedral-Basilika. Siya ay may espesyal na pagmamahal sa Nokturnal na Adorasyon, na ginagawa tuwing Sabado. Siya mismo, bago siya mamatay, ay nagsabi sa isa ring may edad nang Relihiyosa na kahit kailan sa kanyang buhay ay hindi niya tinanggihan ang Panginoon ng kahit na ano. Siya ay laging nagtatamasa ng magandang kalusugan sa kumbento, na nagagawa niyang mamuhay sa buhay ng komunidad nang lubos na normal. Ang pinakadakilang kaloob ni Santa Paula ay pagmamahal. Minahal niya ang lahat ng mga Relihiyoso at mga Relihiyosa sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha nang may dakilang alab at labis na ipinagdarasal ang sigasig para sa nakababatang mga kasapi. Ang kanyang pagmamahal at pamimitagan para kay Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila ay hindi maipaliwanag; kapag pinapangalanan o nababanggit siya, ay ginagawa niya ito nang may ganoong sigasig na ang kanyang kaluluwa ay umaapaw ng banal na pagkahaling. Ang pagmamahal sa Atng Panginoong Hesukristo at para sa Pinakabanal na Birheng Maria ay lubos na nakapupuno sa kanyang kaluluwa. Ang mga sulat na kanyang sinusulat sa kanyang pamilya at sa ibang mga tao, gayundin ang iba pa niyang mga sulat, ay puno ng mga ekspresyon nitong banal na pagmamahal. Nararamdaman niya ang tunay na pagkahibang ng pagmamahal para sa Pinakabanal na Sakramento at laging malapit sa Tabernakulo sa lahat ng oras na abot ng kanyang mga tungkulin. Ang kanyang buhay espiritwal ay isang nakatataas na mistisismo. Naalaala niya mismo sa kanyang mga gunita ang malungkot na paglagos na kanyang naramdaman habang nakikinig ng Banal na Misa, at kung paano siya nanatiling umaapaw sa banal na pagmamahal na nagtulak sa kanyang magsulat: “O! Ang Pagmamahal ay tumagos sa aking buong pagkatao. Ako ay nalasing sa tama ng malaking karanasang iyon at sumigaw: O Diyos! hindi nakapagtataka na ang mga santo ay namatay sa pagmamahal; ang kanilang pagdurusa ay pagdurusa sa pagmamahal. O Diyos!! Patawarin mo ang mga taong ginugol ko sa pagmamahal ng mga bagay sa mundo, na ngayon ay nakikita kong kapalaluan lamang! Iniaalay ko Saiyo ang aking buhay, at higit pa, mahal na Manunubos, hinahangad kong padaluyin ang bawa’t patak ng aking dugo. Ikokonsidera Mo ba akong karapat-dapat? Huli na nang mahalin kita! Kapag tinititigan ko ang Iyong Mukha at nakikita ang pagdurusa sa Iyong mga mata, ang pagdurusa na dulot ng aming mga kasalanan, hayaang ang aking puso at ang aking kaluluwa ay huwag tumigil sa pagsigaw: Mahal Kita, Mahal Kita, Mahal Kita! O Diyos ng Kabutihan at Awa, turuan mo kami nang mas madalas ng mga misteryo ng Iyong Krus…!” Kasiya-siya ang pagbasa sa kanyang mga sinulat sa nakaaaliw na pagbisitang ginawa sa kanya ni Kristo at ni Maria noong ika-29 ng Oktobre sa taong 1987, habang siya ay nasa kanyang selda. Narito ang kanyang madalas dasalin: “O Maria, bantayan Mo ang oras ng pag-alis ng aking kaluluwa, kapag nawala na sa akin ang lahat na pag-aari dito sa mundo at humarap sa aking Banal na Manunubos nang wala nang anupaman. O! Nawa aking Ina na ilagay ang walang hanggang mga merito ng Kanyang Banal na Anak sa timbangan ng hustisya na pabor sa aking kaluluwa. Amen.” Ang isa sa pinakadakilang natural na kakatubong kakayahan ni Santa Maria Paula, na lalo pang pinag-alab ng kanyang supernatural na buhay, ay ang mabuting kaligayahan; na dumadaloy mula sa kanyang kaluluwa na may ganoong lakas na hindi mapaglalabanang makita ito sa panlabas, at naibabahagi pa nga ang kanyang mabuting ispiritu sa karamihan. Sa simula ng taong 1991, ang kalusugan ni Santa Maria Paula ay nag-umpisang humina. Naramdaman niyang nanghihina siya araw-araw at madalas ay sinasabi ang kanyang nalalapit na permanenteng paglisan. Naramdaman niya ang isang malalim na hangaring makarating sa Langit. Noong ika-22 ng Enero ay nagkaroon siya ng isang bahagyang stroke, at kahit ang bahagyang paggaling ay sumunod, noong ika-31 ng buwan ding iyon ay muling naganap ang parehong pangyayari subali’t mas malala, na nag-iwan ng pagkaparalisa sa malaking bahagi. Kinabukasan, ang Huling mga Sakramento ay iginawad sa kanya. Napanatili niya ang kanyang liwanag ng isip nang perpekto hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Ilang araw bago siya mamatay ay sinabi niya sa isa sa mga Madre na kahit kailan ay hindi siya nakagawa ng isang mortal na kasalanan sa kanyang buhay. Makabagbag-puso para sa mga Relihiyosang gumabay sa kanya na marinig ang kanyang panawagan sa Pinakabanal na Birheng Maria, ipinaaalala sa Kanya ang Kanyang pangakong Siya ay darating para sa kanya, inuulit nang may luha: “O Maria, nangako Kang darating para sa akin, at hindi Ka pa rin dumarating!” At may Rosaryo sa kanyang mga kamay, animo’y isang may makapangyarihang sandata, may malaking katatagan, nagbabantay tulad sa isang sundalo, siya ay patuloy na nanalangin sa buong magdamag. Iyong mga nagkaroon ng kasiyahang dumalaw sa kanya sa gabi bago ang kanyang kamatayan, ay nakakita ng magandang halimbawa sa malaking pagkasabik at nag-uumapaw na kaligayahan sa kanyang pinakaaasam at pinakahihintay na kamatayan para makarating sa Langit. Noong Linggo ika-3 ng Pebrero 1991, Si Santa Maria Paula ay isinuko ang kanyang kaluluwa sa Diyos sa Mother House ng mga Madre sa Sevilla, Espanya. Siya ay inilibing kinabukasan sa kripta ng Katedral-Basilika ng Ating Ina ng El Palmar Koronada. Kinanonisa ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-5 ng Pebrero 1991. Idineklarang Doktora ng Simbahan ng parehong Papa noong ika-10 ng Enero 1998.
Santa Maria Petra ng Banal na Mukha at ng Mapighati at Imakuladang Puso ni Maria
Marianong Apostol. Relihiyosa ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha Kasama ni Hesus at ni Maria. Biktimang Kaluluwa.
Sa mundo Isabel Brigida Powers, siya ay ipinanganak noong ika-14 ng Agosto 1912 sa Lynn, Massachusetts, USA. Ang kanyang mga magulang, Jaime Powers at ang kanyang asawang si Brigida née Madden, mga Irish at debotong Katoliko. Siyam na mga anak ang isinilang sa kanilang kasal. Siya ay nag-aral ng primarya at segundarya sa Sisters of Our Lady of Namur sa Saint Mary’s School, sa Kanlurang Lynn.
Read More
Siya ay edad na pitong taon, nang nagsisimulang mag-aral sa mga Madre, nang sa unang pagkakataon ay naramdaman niya ang tawag sa relihiyosong bokasyon. Sa segundaryang paaralan, sa pamamagitan ng espesyal na probidensiya, ang mga mag-aaral ay gumawa ng isang malalim na pag-aaral sa mga propesiya ni San Malaquias tungkol sa mga Papa. Sa bandang huli ito ay malaking bagay sa kanya, dahil ito ay nakatulong sa kanya para malaman agad ang tunay na Papa: Ang Kanyang Kabanalan Gregoryo XVII. Ang ina ni Santa Maria Petra ay gumawa ng paraan para maikintal sa mga puso ng kanyang siyam na mga anak ang mga katangian ng pagiging mapagbigay, matuwid at matapang, kasama ang kababaang-loob at pagkamaamo. Dahil dito, si Santa Maria Petra ay nakinabang ng kahanga-hanga, dahil ginawa niya ang mga katangiang iyon nang tuloy-tuloy sa buong buhay niya. Siya ay dumadalo rin sa Banal na Misa araw-araw, kasama ng kanyang maraming mga debosyon. Siya ay nagkaroon ng kanyang Unang Komunyon sa kanyang pangalawang taon sa paaralan. Tulad ng sinabi niya, buhat sa araw na iyon, si Hesus sa Banal na Sakramento ay inari nang lubusan ang kanyang puso. Noong ika-7 ng Marso 1935, si Santa Maria Petra ay pumasok sa kongregasyon ng Missionary Sisters of the Society of Mary, sa Boston, Massachusetts, USA. Buhat doon siya ay ipinadala sa Bedford, mga dalawampung milya mula sa Boston. Sa taong 1940, siya ay ipinadala sa mga misyon sa Isla ng Samoa. Sa mga misyong iyon siya ay nagtrabaho sa loob ng apatnapu’t-apat na taon bilang guro sa mga paaralan ng kanyang kongregasyon. Ginawa niya ang lahat para ihandang mabuti ang mga bata sa pamamagitan ng katekesis at iba pang mga relihiyosong gawi, at siya ay dakilang apostol ng Banal na Rosaryo. Sa taong 1978, siya ay nakakuha ng isang aklat na limbag sa English tungkol sa mga Mensahe ng El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya. Nalaman niyang ang seer na si Clemente Domínguez ay inordinan bilang Pari at kinonsagrang Obispo, at nawalan ng paningin sa isang aksidente. Sa kabila ng kanyang madalas na paghingi ng pinakahuling mga impormasyon sa mga pangyayari sa El Palmar de Troya, ay wala siyang natanggap hanggang lumipas ang limang taon. Noong ika-11 ng Oktobre 1984, ay nalaman ni Santa Maria Petra sa pamamagitan ng ilang mga babaing kasapi ng grupong nananalangin na ang seer na si Clemente Domínguez ay naging Papa Gregoryo XVII, De Gloria Olivæ na. Agad, kasama ang grupo ng nananalangin, ay nais niyang maging Palmaryano; at kung posible ay magi ring isang Relihiyosa ng Carmelitas ng Banal na Mukha. Hindi nagtagal, isang mag-asawang Palmaryano buhat sa New Zealand ay nakarating sa grupong ito at ipinaalam sa kanila ang mga kaganapan sa El Palmar de Troya, at siniguro sa kanya na walang hadlang sa kanya sa pagiging isang Relihiyosa sa El Palmar. Ang buong grupo ng mga nananalangin ay nagpasalamat sa Diyos sa pagkakaligtas sa Simbahan sa ganoong mahimalang paraan, at sa pagkakapili sa Palmaryanong Papa. Si Santa Maria Petra ay inukol ang kanyang sarili nang lubos sa pagpapalaganap ng mga mensahe na ang Katolikong Simbahan ay nasa El Palmar. Namigay siya ng maraming mga babasahin, lalo na sa mga pari sa Isla ng Samoa. Sa paraang ito ay nagsimula ang persekusyon sa pamamagitan ng kardinal at ibang mga dignitaryo ng romanong simbahan sa isla. Marami sa mga naniwala sa El Palmar ay sumuko, nagkulang ng katatagan upang kayanin ang malaking oposisyon at persekusyon. Sa kabila ng lahat, samantala, si Santa Maria Petra ay nanatiling matatag sa Pananampalatayang Palmaryano, kung kaya ang kardinal ay nagbigay ng order para siya ay agad na malipat sa mga Isla ng Fiji. Tinanggap niya ang paglipat na ito nang may malaking kagalakan, inisip na ito ang magiging unang baitang ng kanyang mahabang paglalakbay patungo sa El Palmar de Troya para maging isang Carmelita ng Banal na Mukha. Makaraan ang Pasko ng taong 1984, siya ay ipinadala sa Boston, Massachusetts, USA, at sinabihan siya ng mother provincial na babayaran ng komunidad ang kanyang tiket papuntang Espanya. Pinaghintay nila siya ng mahabang panahon, inisip na magbabago ang kanyang isip, subali’t siya ay nanatiling matatag sa kanyang desisyon na maging isang Carmelita ng Banal na Mukha, kung kaya ang mother provincial ay binilhan siya ng tiket sa pagbiyahe patungo sa Espanya. Si Santa Maria Petra ay dumating sa Sevilla noong ika-5 ng Marso 1985, at pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha ng araw ding iyon bilang isang Relihiyosa. Ginawa niya ang kanyang perpetwal na mga pangako noong ika-23 ng Nobyembre 1989. Siya ay laging huwarang Relihiyosa, napakatapat sa pagsunod sa Banal na mga Patakaran. Siya ay may malakas na karakter, nguni’t patuloy na nilabanan para matalo ang kanyang sarili, at dumating na sa bandang huli siya ay napakamasunurin tulad ng isang maliit na bata sa mga iniuutos ng mga Superyora. Ang kanyang pagmamahal para sa El Palmar at para sa Bikaryo ni Kristo, Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, ay napakalaki. Lagi siyang nagpapasalamat sa Diyos at sa Pinakabanal na Birheng Maria sa pagdala sa kanya sa El Palmar. Sinasabi niyang ang El Palmar ay ang ante-sala ng Langit. Siya ay may dakilang karidad at pagmamahal para sa lahat ng kanyang mga kapatid na Relihiyosa, at kahit kailan ay hindi naringgan ng pagpuna kahi’t kanino. Hindi siya kailan man nanghusga sa iba kahi’t trinato siya nang walang pagpapahalaga, at siya ay napakapino sa kanyang mga kilos. Siya ay may kasiyahang mula sa langit na nasisinag mula sa kanyang buong pagkatao. Siya ay huwaran ng pagkamasunurin. Sa huling mga taon ng kanyang buhay, si Santa Maria Petra ay nagdanas ng walang hupang sakit sa buo niyang katawan dahil sa malalang pagkakurbada ng gulugod, nang hindi man lamang naringgan ng pagreklamo; maliban sa mahinang pagdaing paminsan-minsan. Sa kabila ng kanyang dinaranas na paghihirap, hindi siya kailan man naghangad na tumigil sa araw-araw ng pagbiyahe patungo sa El Palmar o Nokturnal na Adorasyon; maliban kung inuutusan siya ng Superyora na manatili sa kumbento. Mas madalas, sa huling mga buwan ng kanyang buhay, pagdating niya sa Basilika ng El Palmar, ay kinakailangan niyang manatiling nakaupo sa loob ng mahigit isang oras, na nadodoble pa ng sakit na dulot ng paglalakbay lulan ng minibus. Ayaw niya ng mga pantanggal ng sakit, dahil sabi niya ay kinakailangan ng Diyos ang ating mga paghihirap para sa kaligtasan ng mga kaluluwa. Ginugol niya ang kanyang huling linggo ng kanyang buhay sa mundo na may malaking pagdurusa, dahil hindi na niya kayang pangalagaan ang kanyang sarili, isang napakalaking kahihiyan para sa kanya. Noong Sabado ika-5 ng Pebrero 1994, sa umaga, si Santa Maria Petra ay nakaranas ng napakalaking panghihina. Humingi siya ng Huling mga Sakramento, na agad na ibinigay sa kanya. Sa gabi siya ay mas lumalala at ang mga Relihiyosa ay nagdasal kasama niya. Sa kabila ng kanyang malaking mga sakit at mga paghihirap, kahit sandali ay hindi siya tumigil sa kanyang mga panalangin. Siya ay namatay noong ika-6 ng Pebrero 1994 sa isang kumbento ng mga Madre ng Carmelitas ng Banal na Mukha sa Sevilla. Siya ay inilibing kinabukasan sa Kripta ng Katedral-Basilika ng Ating Ina ng El Palmar Koronada. Kinanonisa ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-2 ng Marso 1994.
Santa Maria Teresa ng Banal na Mukha at ng Medalya Milagrosa
Marianong Apostol. Relihiyosa ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha kasama ni Hesus at ni Maria. Katuwang na Pundadora. Matriarka. Doktora. Protektora ng Banal na Palmaryanong Pamunuan.
Sa mundo, Frances Bernarda O’Malley, siya ay ipinanganak sa Dublin, Ireland, noong ika-11 ng Pebrero 1938, at bininyagan ilang araw ang nakaraan. Ang kanyang ama ay si Cristobal Roberto O’Malley, at ang kanyang ina ay si Frances née Gill, siya ay kinanonisa ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila. Siya ay pangwalo sa siyam na magkakapatid na isinilang sa kasal. Ang kanyang ina ay malalim ang pagkarelihiyosa at ikinintal ang mga obligasyon ng Katolikong Pananampalataya sa lahat ng kanyang mga anak. Si Santa Maria Teresa ay ginamit nang mabuti ang mabuting mga turo ng kanyang ina, kung kaya siya ay banal mula sa pagkabata. Ang kanyang ama ay isang koronel sa ‘Irish army’ at namumuno sa kampo ng armada sa Gormanstown, Drogheda. Dahil nakaranas ng mga dagok sa buhay, siya ay namatay noong ika-17 ng Pebrero 1947, nang ang kanyang anak ay siyam na taong gulang. Ang pamilya ay naiwan sa katakut-takot na kahirapan. Ang banal na huwaran ng kanyang ina nang siya ay nag-iisa na at may napakakaunting kabuhayan para patuloy na mabuhay ang pamilya ay nakatulong nang malaki sa paghubog ng karakter ng kanyang anak.
Read More
Si Santa Maria Teresa ay nag-aral ng primarya at segundarya sa paaralan ng ‘Nuns’ of Loreto’ (Irish Mothers) sa bayan ng Bray, County Wicklow, kung saan siya ay lumipat kasama ang pamilya sa taong 1941. Doon ay nakatanggap siya ng solidong pormasyon sa relihiyon. Bilang isang kabataang babae, dahil sa kanyang napakabuting asal, ay kinonsidera ng mga guro na siya ay karapat-dapat na matanggap bilang isang Anak ni Maria, na naganap noong kapistahan ng Imakuladang Paglilihi, nang ikinonsagra niya ang kanyang sarili nang may dakilang kagalakan at nang buo niyang pagkatao sa Pinakabanal na Birheng Maria, Nang siya ay labinlimang taong gulang, siya ay naging kasapi ng Lehiyon ni Maria, at sumali na may malaking interes at sigasig sa lahat ng kanilang mga pagpupulong at aksiyon Katolikong mga aktibidad. Ang asosasyong ito at ng Mga Anak ni Maria ay tumatak sa kanyang kaluluwa ang malalim na debosyon kay Maria na inihahayag niya sa kanyang buong buhay. Sa edad na desiotso, nang matapos ang kanyang pag-aaral, si Santa Maria Teresa ay nakakuha ng trabaho sa isang bangko sa Dublin. Noong 1959 ay inialay niya ang kanyang sarili sa Lehiyon ni Maria, at siya ay ipinadala sa Alemanya kasama ang isa pang kabataang babae para magtrabaho sa isang pagawaan at labanan ang komunismo at ateismo sa mga trabahador at ipalaganap ang debosyon sa Pinakabanal na Birheng Maria. Makaraang tumigil siya doon nang matagal-tagal, siya ay nagkasakit ng tuberkulosis sa kidney at kinailangang manatili sa ospital ng mahigit sa isang taon. Nang gumaling siya ay muli niyang inialay ang kanyang sarili sa sentral na opisina ng Lehiyon ni Maria para sa apostolado sa ibang bansa. Sa panahong ito siya ay ipinadala nila sa Sweden, isang bansang kilala sa pagiging kurapto sa moralidad. Sa Stockholm, para magkaroon ng mas maraming kita, ay nagtrabaho siya sa Embahada ng Ireland. Hindi nagtagal ay iniwanan niya ang trabaho dahil nahantad ang kanyang kaluluwa sa ilang panganib. Si Santa Maria Teresa ay inialay nang lubos ang kanyang sarili sa apostolado, nabubuhay lamang sa kung ano ang bigay ng mga tao sa kanya at mas madalas ay wala. Siya ay nagpundar ng maraming mga center ng Lehiyon ni Maria sa buong Sweden. Doon ay may nakilala siyang isang Pari na hindi nagtagal ay naging isang Obispo ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, ngayon ay si San Fulgencio Maria ng Banal na Mukha, na nakatulong na mas mapadali ang gawain ni Santa Maria Teresa. Siya ay napakaepektibong instrumento sa pagligtas ng mga bokasyon ng maraming mga Pari na malalim na nanganganib sa nakatatakot na laganap na imoralidad. Noong ika-6 ng Abril 1967, nang ang Santa ay habang nasa Sweden, ang kanyang ina ay namatay. Sa taong 1972, ay kinailangan niyang iwanan ang kanyang apostolado sa Sweden dahil ang Obispo, noon ay progresibista, ay inatasan siyang alisin ang ‘Maria’ sa pangalan ng Lehiyon, na sa puntong, kapag hindi siya sumunod, ay isasara ang mga center na mayroon siya sa Sweden. Sinabi niya na kalian man ay hindi siya papayag na alisin ang pangalan ng Banal na Ina sa Langit sa asosasyon, kung kaya ay napilitan siyang umalis. Bumalik siya sa Ireland at ipinaalam ang pangyayari sa Pundador, na sinang-ayunan ang kanyang ginawa, at sinabing ang ganoong kalaspatanganan sa Ina ng Diyos ay hinding-hindi maaaring mapayagan. Hindi nagtagal ang nagdaan, si Santa Maria Teresa ay pumunta sa England, nag-aral ng araling panlipunan at nakakuha ng isang posisyon sa isang katolikong repormatoryo para sa mga delingkwente at masamang mga babae, kung saan siya ay nagtrabaho nang may maraming bunga, at nagtagumpay na tuluyang mareporma ang iba sa kanila. Noong taong 1975, nalaman niya ang mga Aparisyon sa El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya, sa pamamagitan ni San Fulgencio Maria, na noon ay nasa parokya ng London. Pumunta siya sa El Palmar de Troya para sa perigrinasyon sa Semana Santa ng taong iyon, at pagkatapos ay patuloy nang tumigil sa Sagradong Lugar. Si San Fulgencio Maria ay sumulat kay Santa Maria Teresa, sinabi niya sa kanya na ang Birheng Maria at ang banal na tradisyon ay nasa El Palmar, na kailangan na niyang iwanan ang lahat at tugunan ang panawagan ng Ina sa Langit. Makaraang matanggap ang sulat, ay iniwanan niya ang kanyang trabaho, ipinamigay ang lahat ng kanyang mga ari-arian at pumunta sa El Palmar. Siya ay isang napakaedukadang tao, lalo na sa relihiyosong mga bagay. At nakapagsasalita ng Espanyol, Aleman at Swedish, maliban sa English. Si Santa Maria Teresa ay dumating sa Sagradong Lugar ng El Palmar de Troya sa buwan ng Hulyo sa taong 1975 para doon na mamalagi. Siya ay tumira sa Bahay ng mga Perigrino bilang isang mananampalataya hanggang sa pundasyon ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, noong ika-23 ng Disyembre 1975, bilang unang nag-alay ng kanyang sarili para sa bagong Relihiyosong Orden sa Padre Pundador at Heneral, ngayon si Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, at pumasok bilang isang Relihiyosa sa araw ng pundasyon. Makaraan ang pagpapatalsik sa unang Madre Heneral ng Padre Pundador, ay itinalaga niya si Santa Maria Teresa bilang ang taong prinsipal na responsible para sa komunidad ng mga Madre. Noong ika-6 ng Abril sa taong 1976, ang Padre Pundador at Heneral ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, noon ay si Obispo Primado Padre Clemente Dominguez y Gómez, ngayon Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, ay naobligang lumisan sa Espanya para makaiwas sa pagkakakulong. Siya ay sinamahan ng labimpitong mga Obispo, walong mga Pari at dalawang mga lego. Ang lahat ay dahil sa panggigipit mula sa nag-iimbestigang mahistrado sa Utrera na sinulsulan ng apostatang kardinal sa Sevilla, si José María Bueno Monreal. Salamat sa matapang at matapat na asal ni Santa Maria Teresa, ang posibleng pagkakahati, sa sulsol ng isang Palmaryanong obispo na sa bandang huli ay nag-apostata, ay naiwasan sa Relihiyosang komunidad ng Carmelitas ng Banal na Mukha. Ang Padre Pundador Heneral, kasama ang kanyang mga Relihiyoso, ay bumalik sa Sevilla mula sa pagkakapatapon noong ika-28 ng Abril 1976. Noong ika-29 ng Septyembre 1976, ang Padre Pundador at Heneral ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, ay itinalaga si Santa Maria Teresa bilang Superyora ng mga Madre. Noong ika-17 ng Hulyo 1978, nang siya ay nasa Santa Fe de Bogota, kabisera ng Colombia, ay ipinatawag niya si Santa Maria Teresa na maglakbay agad patungo roon kasama ang isang Relihiyosa para magpundar ng kumbento ng mga Madre. Noong ika-2 ng Agosto ng taon ding iyon, ang noong Obispo Primado, ngayon ay si Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, ay nakulong sa loob ng dalawa at kalahating oras kasama ang lahat ng ibang mga Obispong sumama sa kanya sa Departamento ng Polisya. (D.A.S.) kulungan sa Santa Fe de Bogotá. Siya at ang isang Madreng kasama niya mula sa Espanya, ay kasama sa parehong kulungan, subali’t sa ibang selda hiwalay doon sa mga Obispo. Ang pagkakakulong ay resulta ng pagkondena laban sa kanila lahat na ginawa ng kardinal ng Bogotá na nailathala sa mga pahayagan. Noong ika-6 ng Agosto 1978, habang nasa Santa Fe de Bogotá pa, nang si Papa San Pablo VI ay namatay, nang araw ding iyon ang Ating Panginoong Hesukristo, kasama ng mga Apostoles na sina San Pedro at San Pablo, ay iginawad ang Sakramento ng pagiging Papa at kinoronahan ang noon ay Obispo Fernando, na noon ay naging Papa, kahalili ni San Pablo VI, na may pangalang Gregoryo XVII. Si Santa Maria Teresa ay presente sa pangyayaring iyon, napakadakila para sa Katolikong Simbahan. Nang araw ding iyon, sa isa sa mga mensaheng ibinigay sa Palmaryanong Pinakamataas na Papa, ang dakilang Repormadora ng Carmel, si Santa Teresa ni Hesus, ay pinangalanan siyang Katulong na Pundadora, kasama ng Pundador at Padre Heneral, sa sangay ng kababaihan ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha. Pagkaraan ng tatlong araw, noong ika-9 ng Agosto, si Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila at ang ibang mga relihiyoso ay dumating sa Sevilla mula sa Santa Fe de Bogotá. Noong ika-23 ng Nobyembre 1979, si Santa Maria Teresa ay nagpropeso ng kanyang perpetwal na mga pangako. Siya ay laging nabubuhay na isinusuko nang ganap ang sarili sa kalooban ng Diyos, at patuloy na pagdarasal para malaman ang kalooban ng Diyos para sa kanya, at nang malaman niya ay hindi na tumigil pa hangga’t hindi ito naisasakatuparan. Siya ay may ekstraordinaryong pagmamahal para sa ating Panginoong Diyos, para sa Pinakabanal na Birheng Maria, para sa Pinakabanal na Jose at para kay Santa Teresa ni Hesus. Ang lahat ng kanyang mga sulat ng espiritwal na direksiyon sa kanyang mga anak ay puno ng banal na pagmamahal na bumabalot sa kanya. Ang kanyang debosyon sa Batang Hesus ay napakalambing. Malaki ang kanyang ginawa para itaguyod ang debosyong ito sa kanyang anak na mga Relihiyosa. Nararamdaman niya ang dakilang pagmamahal at paggalang para sa Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila. Nauunawaan niya kung paano siya nagdurusa sa pagkakita sa malawak na karamihan ng sangkatauhan na nabubuhay nang nakatalikod sa Diyos. Siya ay nakahandang ibigay ang kanyang buhay para sa Santo Papa. Sa isa sa mga nakasulat sa kanyang talaarawan, ay hiningi niya sa Diyos ang pagiging martir. Ang kanyang kapasidad para sa pagpapatawad at paglimot sa mga pagkakasala ay napakadakila, pagkaraan ay tinatrato niya ang taong nagkasala sa kanya na parang walang nagawang kontra sa kanya. Napakawalang halaga sa kanya ang lahat ng bagay na materyal at kinukuha niya lamang para sa sarili ang pinakakinakailangan para sa kanyang personal na gamit. Ang lahat ng regalo na kanyang natatanggap ay agad na ipinamimigay. Si Santa Maria Teresa ay napakamapagmahal sa mga mahirap. Tinulungan niya ang maraming mga pamilya sa pamamagitan ng pagkain at hindi kailan man dumaraan sa isang pulubi sa lansangan na hindi niya binibigyan ng limos, at kung minsan kaunting pananalita ng pag-aliw o kaginhawahan, na laging may kasamang ngiti. Siya ay laging pinakamamahal sa loob at labas ng komunidad. Nang hindi na niya kayang pumunta sa bayan dahil sa lumalalang karamdaman na naging sanhi ng kanyang kamatayan, marami, lalo na ang mga mahirap, ay itinatanong siya. Siya ay may malaking pagmamahal at pasensiya para sa lahat ng kanyang mga anak sa relihiyon, lalo na doon sa mga mahirap pakitunguhan, pero siya ay nagbibigay rin ng parusa kung kinakailangan. Sa mga unang taon ng relihiyosong Orden, siya mismo ang namahala sa pagturo sa nakababatang mga Madre at hindi tumitigil hanggang sila ay mahusay na at nasa tamang daan. Siya ay napakamaalalahanin sa kanyang pakikitungo, at nakapupukaw ng respeto at tiwala sa parehong pagkakataon. Ang kanyang pag-alaga at konsiderasyon sa mga may sakit at malapit nang mamatay ay napakadakila na siya mismo ang nagbabantay sa tabi nila sa araw at sa gabi hanggang sa isuko nila ang kanilang mga kaluluwa sa Diyos. Si Santa Maria Teresa ay maraming mga kagalakan sa kanyang buhay, subali’t sa mas malaking bahagi ng kanyang buhay ay ang pagtahak sa daan ng mapait na pighati dahil sa maraming mga paghihirap at mga pagsubok na kinailangan niyang tiisin, lalo na sa huling bahagi ng kanyang buhay, dahil sa kanyang huling karamdaman, iyong Alzheimer’s, na ang mga palatandaan ay nagsimulang makita noong 1988, nguni’t hindi pa gaanong nakikita hanggang noong 1994. Makaraan ang dalawang taon ang karamdaman ay nakumpirma ng tatlong mga espesyalista, at si Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila ay naramdamang kinailangan nang palitan siya sa puwestong Mother General, hindi na siya kapableng patakbuhin ang komunidad ng mga Madre, subali’t nasa kanya pa rin ang titulong Katulong na Pundadora. Ang kanyang mental at pisikal na kakayahan ay lalong lumalala. Sa Semana Santa ng taong 1998, siya ay dumalo sa pagsamba sa Katedral-Basilika ng Ating Ina ng Palmar Koronada. Hindi nagtagal pagkatapos ay hindi na niya kinaya ang magbiyahe papunta sa El Palmar; at hindi na rin siya nakakikilala ng tao, maliban sa ilang sandali ng malinaw na kaisipan pamayá-mayá. Simula noong ika-23 ng Disyembre 1998, ay hindi na siya makabangon muli sa kanyang kama. Ang kanyang katawan ay lalong nagiging hutok at naninigas. Sa bandang huli ay hindi na siya nakatatanggap ng Banal na Komunyon, siya ay binigyan ng Sakramento ng Banal na Ulyo araw-araw. Si Santa Maria Teresa, sa edad na animnapu’t isa, ay namatay sa kabanalan sa Sevilla alas sais ng umaga noong ika-14 ng Hunyo 1999, sa Mother House ng mga Madre. Makaraan ang dalawang araw siya ay inilibing sa kripta ng Katedral-Basilika ng Ating Ina ng El Palmar Koronada. Kinanonisa ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-27 ng Hunyo 1999. Idineklarang Doktora ng Simbahan ng parehong Papa noong ika-30 ng Hunyo 1999.
San Mateo Maria ng Banal na Mukha at ng Imakuladang Birheng Maria
Marianong Apostol. Obispo. Relihiyoso ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha Kasama ni Hesus at ni Maria.
Sa mundo, Ralph Horace Capitanelli Colombo, siya ay ipinanganak sa lungsod ng Santa Fe, Argentina, noong ika-15 ng Oktobre 1926. Ang kanyang mga magulang ay sina Luis Capitanelli, Italyano, at Isidora Petrona Colombo, Argentinian. Tatlong mga anak ang isinilang sa kanilang kasal. Ang ama ay namatay nang si San Mateo ay limang taong gulang, at ang kanyang ina ay inalagaan ang dalawang nabubuhay na mga anak, siya ay isang guro sa domestic science.
Si San Mateo Maria ay natanggap ang kanyang primaryang edukasyon una sa pampublikong paaralan, at sa paaralan ng Calvario, at sa bandang huli ay sa La Salle. Siya ay pumasok sa seminaryo noong ika-12 ng Marso 1938, sa edad na labing isang taong gulang, kung saan ay kinompleto niya ang kanyang primaryang pag-aaral at ang kanyang segundaryang pag-aaral, gayundin ang pilosopiya at Teolohiya.
Read More
Siya ay inordinahang Pari noong ika-20 ng Nobyembre 1949, sa Guadalupe, Santa Fe. Siya ay agad na itinalaga bilang isang koadyutor sa parokya ng Our Lady of the Pillar, at makaraan ang anim na buwan ay pinangalanang Pro-Secretary at Vice Chancellor ng Ecclesiastical Curia ng Santa Fe; na ninombrahan ding adviser sa mga aspirante at mga propesor ng Aksiyon Katoliko sa seminaryo ng lungsod. Hindi nagtagal, siya ay umalis sa kanyang puwesto sa Curia para gugulin ng buo ang kanyang sarili sa kanyang trabaho bilang propesor sa seminaryo at spiritual counsellor sa minor seminary. Sa kanyang talambuhay, sinabi ni San Mateo na ang pagkakahiwa-hiwalay hindi nagtagal ay dumating sa mga clerigo dahil sa hindi pagkakaunawaan sa Curia at mga suliraning panloob sa seminaryo, kung kaya ang arsobispo ng diyosesis, kinonsiderang ang noon ay Padre Capitanelli, ngayon San Mateo Maria, ay isa sa prinsipal na kumukontra sa mga pagbabago, ay itinalaga siya bilang Pari sa Parokya ng Felicia, isang maliit na bayan sa loob, na may walong daan at setentang mga habitantes, na ang trenta porsiyento ay nabibilang sa iba’t-ibang protestanteng mga sekta, “para siya ay tumigil sa paggawa ng problema”, at “para siya ay magkaroon ng panibagong mga ideya”, ayon sa mga sinabi ng arsobispo. Iyon ay mahirap na bayan, na dating nasa mga kamay ng hindi masyadong kapuri-puring mga pari sa parokya. Dahil ang parokya ay walang sapat na kita para mamantine ang Pari, ang sitwasyon doon ay napakahirap para sa kanya. Siya ay nakapagpatuloy salamat sa tulong ng kanyang ina, na tumira kasama niya hanggang sa mamatay siya sa taong 1966. Sa kabila ng lahat, siya ay nagtrabaho nang may katatagan para magkaroon ng simbahan at paaralan. Si San Mateo Maria ay naghirap ng malaki sa panahon nang siya ay Pari sa Parokya ng Felicia, dahil sa malalaking mga paninira ang ginawa laban sa kanya, at siya ang puntirya ng hindi kapani-paniwalang mga persekusyon ng herarkiya ng romanong simbahan, dahil sa paninindigan ni San Mateo sa pagdepensa sa Banal na Tradisyon ng Simbahan at sa mga aparisyon ng Birhen, higit sa lahat iyong sa El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya, at sa pangangaral laban sa mga repormang ipinatutupad ng mapanirang Vatican II conciliabulum. Sa gitna ng mga serye ng mga salungatan, ay nakarating sa kanya ang balita na inilagay na sa Trono ng Papa si Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, at may dakilang tapang ay sinabi ni San Mateo Maria sa publiko sa lahat ng mga mananampalataya sa kanyang parokya na ang Pamunuan ng Simbahan ay inilipat na buhat sa Roma tungo sa El Palmar de Troya, dahil si Papa Gregoryo XVII ay ang tunay na Papa at Bikaryo ng Ating Panginoong Hesukristo. Nang malaman ito ng arsobispo ng diyosesis, galit sa ginawa ni San Mateo Maria, ay agad na nagpalabas ng dekrito para suspendihin at alisin sa kanyang mga punksiyon bilang Pari ng Parokya ng Felicia. Subali’t, dahil ayaw niyang iwanan ang parokya, ang arsobispo ay humingi ng tulong sa mga pulis, at sa tulong nila ay napuwersa siyang mapalabas. Gayunman, si San Mateo Maria ay patuloy na gumagawa ng pagsamba sa kanyang sariling propyedad; nguni’t ang arsobispo ay nagtagumpay na pagbawalan ito ng Ministro ng Pagsamba. Hindi rin natakot ang Santo sa pangyayaring ito, dahil sa paaralang kanya pa ring hinahawakan at pinatatakbo, ay patuloy siyang nangaral pabor kay Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, hanggang ang romanong arsobispo ay nagtagumpay na hilingin sa gobyerno na maglabas ng dekrito para mamagitan sa paaralan at ang pulis ay pinatalsik siya. Dahil sa nakaaalarmang mga banta na kanyang natanggap, si San Mateo ay nagkubli sa Brazil sa loob ng isa at kalahating taon, na may intensiyong, maliban, sa pagbiyahe tungo sa El Palmar de Troya, na hindi niya nagawa dahil siya ay tinanggihang bigyan ng kinakailangang mga rekisitos ng mga awtoridad ng Argentina. Noong ika-23 ng Septyembre 1978, si San Mateo Maria ay pumasok bilang isang Relihiyoso sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha; subali’t siya ay patuloy pang nanirahan sa Santa Maria de los Buenos Aires, Argentina, ginagawa ang kanyang ministro bilang Pari sa ilalim ng kapangyarihan ng Palmaryanong Misyonerong Obispo na si San Enoc Maria. Noong ika-17 ng Abril 1982, si San Mateo Maria ay ginawa ang kanyang relihiyosong mga pangako at kinonsagrang Obispo sa Kapilya ng Mother House sa Sevilla ni Obispo San Leandro Maria. Sa panahon ng paglipat ni Obispo San Enoc Maria, Misyonero ng Argentina, sa Apostolikong Pamunuan noong Septyembre 1983, si San Mateo Maria ay pumalit sa kanya sa puwesto, at simula noon at hanggang sa kanyang kamatayan, ay pinangasiwaan niya ang diyosesis ng Argentina, Uruguay at Chile. Si San Mateo Maria, sa kabila ng kanyang mahinang kalusugan, ay isinakatuparan niya ang kanyang misyon nang may mapagbigay na pagsasakripisyo sa sarili at dakilang espiritu. Siya ay desidido at walang pagod sa kanyang pastoral na gawain, niyayakap ang lahat at pinapangalagaang mabuti ang iba’t-ibang mga Kapilyang nakakalat sa kanyang malalayong teritoryo. Ang kanyang bukas at kalugod-lugod na karakter ay nakapagdala ng hindi lamang iilan sa kaalaman ng katotohanan. Ang kanyang sigasig para sa pagpapalaganap ng Palmaryanong Pananampalataya ay nagpakilala sa kanya bilang isang dakilang apostol. Siya ay mahal na mahal ng lahat ng mga mananampalataya ng kanyang iba’t-ibang mga diyosesis, na kanyang binibisita sa kanyang walang tigil na paglalakbay, na madalas ay may panganib sa kanyang buhay, dahil ang kanyang kalusugan ay lalong nanganganib dahil sa kanyang seryosog sakit sa puso. Sa isa sa kanyang hindi mabilang na mga paglalakbay, siya ay dagling namatay sa Felicia, Santa Fe, noong ika-28 ng Hulyo 1989. Siya ay inilibing sa Buenos Aires sa sementeryo ng ‘La Chacarita’ noong ika-31 ng Hulyo 1989, at inilipat sa Kripta ng Katedral-Basilika ng Ating Ina ng El Palmar Koronada noong ika-17 ng Septyembre 1990. Isang malaking kawalan ang naramdaman ng mga mananampalataya ng Argentina sa hindi inaasahang pagkamatay ng kanilang pinakamamahal na pastol, na ang walang kondisyong debosyon at dakilang sakripisyo ay hinding-hindi nila malilimutan. Kinanonisa ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-31 ng Agusto 1989.
San Matusalem Maria ng Banal na Mukha at ni San Jose
Marianong Apostol. Obispo. Relihiyoso ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha Kasama ni Hesus at ni Maria.
Sa mundo Ramón Puigcercós Tordelespart, siya ay ipinanganak noong ika-30 ng Mayo 1898, sa Borredá, Barcelona, Espanya. Ang kanyang mga magulang ay sina Jose at Rosalia. Ang kanyang ina ay may malaking kahirapan sa pagsilang sa kanyang mga anak, at ang doktor ay pinayuhan siyang hindi na dapat pang manganak, dahil ang kanyang buhay ay nanganganib. Bilang taimtim na mananampalatayang Katoliko ay hindi niya binigyang pansin ang masamang payo, at hindi nagtagal ay ipinagbuntis niya ang bata na magiging si San Matusalem Maria. Bago siya ipanganak, siya ay nagsumamo sa Diyos na, kapag ang bata ay lalake ay tatanggapin Niya siya sa buhay ng pagiging Pari. Nang si San Matusalem Maria ay isang bata pa ang kanyang ama ay namatay. Nakatanggap siya ng grasya ng bokasyon bilang isang Pari sa ilang mga ispiritwal na mga pagsasanay, nang mabasa niya ang mga propesiya ni San Vicente Ferrer na ibinigay sa kanya ng kanyang ina. Makaraan ang kanyang mga pag-aaral sa seminaryo, siya ay inordinahang Pari sa Vich, Barcelona, Espanya, noong ika-1 ng Hulyo 1923.
Read More
Sa panahon ng Maluwalhating Krusada ng Digmaang Sibil ng Espanya, siya ay labis na inusig ng maraming komite ukol sa maraming anarkiya. Subali’t sa espesyal na proteksyon ng Pinakabanal na Birheng Maria, siya ay nagtagumpay na tumawid sa hangganan at nagtago sa Pransya, kung saan ay umaktong Pari sa Parokya sa Salles-sous-Bois, sa diyosesis ng Valence, sa mahigit isang taon. Nang matapos ang digmaan, siya ay bumalik sa Espanya, at pinamahalaan ang parokya ng Saint Andrew de Mayans, Barcelona, sa loob ng siyam na taon. Maraming malalaking mga kahirapan ang dinaanan para mahikayat ang marami sa kanyang mga tagaparokya sa simbahan, dahil sa sama ng loob na pinagdaraanan nila bilang resulta ng digmaan. Nguni’t laging walang kapaguran, ay sinabihan niya sila: “Dahil hindi kayo pumupunta sa akin, ako ang dapat pumunta sainyo, dahil hindi ko maililigtas ang aking sarili nang nag-iisa. Ako ang inyong Pari sa Parokya.” Patuloy siyang nakikipag-usap sa kanila sa ganitong paraan at matiyagang hinihintay sila sa simbahan, inaanyayahan din silang makiisa sa renobasyon nito, dahil ang malaking bahagi nito ay nasira, dahil ginawang kuwartel noong digmaan. Paunti-unti dumarami ang nag-aatubiling mga tagaparokya ang sumagot sa panawagan ng kanilang pastol, at inihayag ang kanilang pagkakuntento. Si San Matusalem Maria, sa kanyang matatag ng karakter at masiglang pag-uugali, matalino, isang mananalumpati na may malaking natural na abilidad para makisama nang mahusay sa mga tao, higit sa lahat, isang Pari na may malaking pananampalataya sa Probidensiya ng Diyos. Minsan nang ang Obispo ay gumawa ng pastoral na pagbisita sa parokya, siya ay nabigla nang makita ang ginawang pagpapaayos ni San Matusalem Maria sa simbahan, binati niya siya para dito at inutusang kunan ng mga retrato at ipadala sa noon ay Caudillo ng Espanya, San Francisco Franco. Ang kasabihan ni San Matusalem Maria ay ang Bahay ng Diyos ay dapat ayusin bago ang bahay ng rector. Hindi nagtagal si San Matusalem Maria ay bumalik para pamahalaan ang parokya ng San Feliu de Saserra, Gerona kung saan sa nakaraang mga taon ay siya ang Pari ng Parokya. Ang kanyang pinakadakilang gawain ay tungkol sa mga kaluluwa: marami roon ang patuloy na naghahanap ng kanyang payo at mga pagpapalakas ng loob, at ang kanyang kumpesyunaryo ay laging puno ng mga penitente. Ang malaking bahagi ng bayan ay mahal na mahal si San Matusalem Maria kaya nang siya ay hindi na Pari ng Parokya sila lahat ay umiyak. Hindi nagtagal sa tingin ng Obispo ay nararapat na italaga si San Matusalem Maria sa monasteryo ng Santa Maria de Ripoll, Gerona, kung saan ay may komunidad ng mga Pari, para mapunan ang puwesto ng Rector, na ginawa niya sa loob ng halos sampung taon. Pagkaraan ng dakilang pagtatrabaho, siya ay nagretiro bago ang taong 1970, nang siya ay nagkaroon ng seryosong problema sa puso. Si San Matusalem Maria ay nalaman ang El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya, sa unang mga taon ng dekada setenta, at makaraang mabasa ang mga mensahe ay agad niyang tinanggap ang mga iyon, na sa dakong huli ay ipinangako niya ang kanyang sarili sa pagpapalaganap ng gawaing ito ng Diyos, nagbigay ng testimonya sa nabanggit na may tapang at katatagan. Isang makapagpapatunay na ebidensiya ay ang sumusunod na sulat na pinadala niya sa romanong obispo ng Vich, noong ika-11 ng Pebrero 1980: “Ang Inyong Kabunyian Sr. D Ramón Masnou Boixeda, Obispo ng Vich. Pinakamamahal sa Panginoon: Aking ipinaaalam sainyo ang desisyon na aking ginawa sa petsa sa itaas, na kung saan ay pumasok ako sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha ng El Palmar de Troya, Sevilla, dahil nauunawaan ko at matibay na naniniwala na ang tunay na Simbahan ay naroon. Patuloy ko kayong ipagdarasal tulad ng aking ginagawa hanggang ngayon. Lubos na sumasainyo, at may pinakamatayog na pagtatangi, Ramón Puigcercós Tordelespart.” Si Papa San Gregoryo XVII ay kinonsiderang mabuti na si San Matusalem Maria ay manirahan sa Barcelona ng ilang taon, dahil sa kanyang mahinang kalagayan sa kalusugan. Nang panahong iyon siya ay kapelyan ng isang grupo ng Palmaryanong mananampalataya sa lungsod, sa ilalim na awtoridad ng Misyonerong Palmaryanong Obispo. Sa katapusan ng taong 1984, ang Santo Papa ay inutusan siyang pumunta at manirahan ng buhay relihiyoso sa monasteryo sa Sevilla, at si San Matusalem Maria ay sumunod nang may dakilang pagtalima at sigasig, pumasok sa Komunidad ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha noong ika-27 ng Disyembre 1984, at ng araw ding iyon ay kinonsagrang Obispo makaraang gawin ang kanyang perpetwal na mga pangako. Sa kanyang maikling pagtira sa komunidad sa Sevilla siya ay seryosong may sakit, tinanggap ang kanyang mga pagdurusa nang may dakilang pagmamahal. Sa kanyang mahaba at masakit na paghihingalo, ang rosaryo ay laging nasa kanyang mga kamay, siya ay naririnig na nagdarasal nito nang tuloy-tuloy, at nagsusumamo sa Banal na Mukha, sa Ating Ina ng El Palmar Koronada, at kay San Joseng Pinakabanal, na may dakila siyang debosyon, at bumibigkas ng ibang bulalas na mga panalangin hanggang sa sandaling isinuko niya ang kanyang kaluluwa sa Diyos na may dakilang kapayapaan. Si San Matusalem Maria ay namatay sa kabanalan sa Mother House ng mga Relihiyoso sa Sevilla noong ika-28 ng Enero 1985. Kinabukasan, ika-29 ng Enero 1985, siya ay inilibing sa isang sementeryo sa Sevilla, Espanya, at noong ika-1 ng Hunyo 1989 ay inilipat sa Kripta ng Katedral-Basilika ng Ating Ina ng El Palmar Koronada. Kinanonisa ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-20 ng Pebrero 1986.
San Pedro Martin Ngô-dinh Thuc
Obispo. Doktor. Dinukot ng Vatican judeo-masonic grand lodge. Nag-orden at Nagkonsagrang Obispo kay Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila at Papa San Pedro II ang Dakila.
Ipinanganak sa Hue, Vietnam, noong ika-6 ng Oktobre 1897, sampung araw makaraang ipinanganak si Papa San Pablo VI.
Noong 1930, sa Vietnam, Ho Chi Minh ay ipinundar ang Indochinese communist party, ang basehan ng Vietminh revolutionary front, na ipinundar sa taong 1941. Makaraan ang okupasyon ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1941-1945), ang Ho Chi Minh ay ipinroklama ang Kalayaan ng kabiserang Hanoi noong ika-2 ng Septyembre 1945, subali’t hindi ito kinilala ng Pransya, at nagbunsod sa Digmaang Indochina. Ang Pransya ay tuluyang natalo sa Diem Bien Phu sa taong 1954, at iniwanan ang Vietnam. Dalawang independyenteng estado ng Vietnam ang pinorma: sa hilaga, ang demokratikong republika ng Vietnam sa ilalim ng rehimeng komunista, at sa timog, ang republika ng Vietnam na may malayang rehimen. Ang isang kapatid na lalake ni San Pedro Martin Ngô-dinh Thuc, na tinatawag na Ngô-dinh Diem, ay ang unang pinuno ng gobyerno, at makaraan ang isang taon ay umupo bilang presidente ng bansa, habang ang isa pang kapatid, si Ngô-dinh Nu, ay Pangunahing Ministro. Ang dalawang magkapatid na ito ay nagkaroon ng maalab na intensiyong gawin ang Vietnam na isang modelong Katolikong Estado.
Read More
Sa mga probinsiya, maliban sa panloob na mga away sa mga Buddhist sectarians, ay may patuloy na mga lupon ng komunistang tropa na ipinadala ng Vietcong, ang National Liberation Front ng Timog Vietnam. Sa hindi pagtalima sa mga kasunduan sa Geneva, na gumagarantiya ng pagkakaisa ng teritoryo sa pamamagitan ng halalan, sa timog ay sumiklab ang rebelyon na isinulong ng komunismo at sa tulong ng Estados Unidos. Si Presidente Ngô-din Diem at ang kanyang kapatid na Pangunahing Ministro si Ngô-dinh Nu ay pinatay ilang oras makaraang sila ay mangumpisal at magkomunyon sa isang Katolikong Simbahan sa Saigon. Si San Pedro Martin Ngô-dinh Thuc ay Arsobispo sa Hue, Primado ng Vietnam. Mga tatlumpung mga kamag-anak niya ay pinatay ng mga komunista. Ang Arsobispo ay nagtago sa Roma, Italya, subali’t sa Batikano ay nakatagpo lamang siya ng mga progresibista, mga freemason at mga komunista. Si San Francisco ng Paola ang nakakuha ng Grasya mula sa Pinakabanal na Birheng Maria na ang El Palmar de Troya ay magtamasa ng presensiya ng banal na Obispo Pedro Martin Ngô-dinh Thuc, na dinala ng isang Swissong Pari na kakilala niya. Si San Pedro Martin Ngô-dinh Thuc, tituladong Arsobispo ng Bulla, Reggia, na dating Hue, Vietnam, ay dumating sa El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya, noong ika-24 ng Disyembre sa taong 1975. Kinabukasan, ika-25 ng Disyembre, Pista ng Kapanganakan, siya ay nagdaos ng Misa sa “Lentisko”. Pagkatapos ng Misa ang Pinakabanal na Birheng Maria ay nagpakita sa seer na si Clemente Domínguez, ngayon Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, at binigyan siya ng mensahe para kay San Pedro Martin kung saan siya ay sinabihan Niya ng madaliang pangangailangan na ordinahan at konsagrahin ang ilang mga indibidwal. Si San Martin ay humingi ng patunay sa katotohanan ng mensahe. Ang seer ay inilagay ang Batang Hesus sa mga bisig ng Arsobispo, at naramdaman niya ang buong bigat ng Banal na Bata. Sa gabi ng bago magsimula ang Bagong Taon, sa pagsimula ng ika-1 ng Enero 1976, sa Lentisko ng El Palmar de Troya, si San Pedro Martin ay inordinahan ang sumusunod na mga Pari: Clemente Domínguez y Gómez, ngayon Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila; Manuel Alonso Corral, ngayon Papa San Pedro II ang Dakila; at tatlong iba pa. Kinailangan niyang harapin ang pagsalungat ng mga prelado ng Romanong Simbahan, at napakahusay na ipinagtanggol ang legalidad ng kanyang ginawa, dahil siya ay Doktor ng Batas Kanoniko. Sumunod siya ay umalis sa paglalakbay para kumuha ng “Liber Pontificalis” na may ritwal ng pagkonsagra sa obispo, at bumalik sa El Palmar de Troya noong ika-10 ng Enero. Kinagabihan, sa Lentisko ng El Palmar de Troya, sa pagsimula ng ika-11 ng Enero 1976, kapistahan ng Sagrada Pamilya, at sa panahon ng Nokturnal na Adorasyon, ang banal na Arsobispo ay kinonsagra ang sumusunod na mga Obispo: Padre Clemente Domínguez y Gómez, Padre Manuel Alonso Corral, Padre Camilo Estévez Puga, ngayon San Leandro Maria ng Banal na Mukha, Padre Francisco Sandler, ngayon San Fulgencio Maria ng Banal na Mukha, at isa pang Pari. Si San Pedro Martin Ngô-dinh Thuc ay gumawa ng isang opisyal na dokumento sa Latin na may petsang ika-12 ng Enero 1976, nilagdaan at sinelyuhan, para itala at bigyang epekto ang mga ordinasyon, gayundin ang mga Konsagrasyon ng Obispo. Siya ay nagdesisyong manatili sa Orden, nguni’t sa pagpunta niya sa Roma para ayusin ang kanyang mga kinakailangan at kunin ang kanyang mga gamit, ang mga kaaway ng Simbahan ay hinadlangan ang kanyang pagbabalik. Noong ika-17 ng Enero 1976, si Monsignor Ngô-dinh Thuc, mula sa Roma, Italya, ay nagpadala ng isang sulat sa El Palmar de Troya na nagsasaad ng sumusunod: “Ang aking ginawa ay base sa kasiguruhang ang konsagrasyong ito ay kalooban at inutos ng Ating Panginoong Hesukristo at ng Pinakabanal na Birheng Maria, at may pagsang-ayon ng Santo Papa, ang lahat ng ito ay ipinakita sa ekstasi kay Padre Clemente. Bumalik ako sa Roma noong ika-13 ng Enero 1976. Noong ika-15 ng Enero sa hapon ay may natanggaap akong panawagan mula sa Banal na Opisina para sa kinabukasan ng alas diyes ng umaga, ika-16 ng Enero. Kinabukasan ang mga pahayagan sa Roma ay inulat ang panayam sa media na ibinigay ni propesor Alessandri, na sinabi niyang ako ay nagkamit ng tadhanang mga parusa mula sa Banal na Pamunuan sa pag-ordina ng mga Obispo nang walang kasuguan mula sa Santo Papa. Ako ay mapayapa sa aking konsensiya, ginawa ko ang lahat sa pagkaunawang sinunod ko ang Ating Panginoon, ang Pinakabanal na Birheng Maria at ang Santo Papa. Ipinagkaloob sa Roma ngayong Sabado, ika-17 ng Enero 1976. Pahabol: Mas posibleng hindi nila ako payagang muling pumasok sa Espanya. Sa kasalukuyan ay pinagbabawalan akong umalis sa Roma. Sakaling hindi ako makabalik sa Espanya, susulat ako sainyo.” Siya ay taong madasalin at nagdaraos ng tradisyonal na Banal na Misa. Sa El Palmar de Troya ay dinala niya ang Pinakabanal na Sakramento sa Eukaristikong Prusisyon. Siya ay dakilang nagmamahal sa Banal na Tradisyon, na nagdusa nang labis sa pagkakita sa mga pamiminsala sa Doktrina sa Simbahan, Liturhiya at Kristiyanong Moralidad, at inamin niyang ang pagkasira ng Simbahan ay utos ng mga kaaway na nagbabalatkayo. Siya ay namatay noong ika-13 ng Disyembre 1984. Kinanonisa at idineklarang Doktor ng Simbahan ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-15 ng Marso 1998.
San Rafael Maria ng Banal na Mukha at ni Maria Auxiliadora
Marianong Apostol. Obispo. Relihiyoso ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha Kasama ni Hesus at ni Maria. Doktor. Apostol ng Banal na Sakripisyo ng Misa.
Tinawag na Andres Dombrovsky sa mundo, anak ni Jose Dombrovsky at ng kanyang asawang Matilda Roll, siya ay ipinanganak sa Mirasol, La Pampa, Argentina, noong ika-12 ng Abril 1915, tulad ng sinabi sa kanya ng kanyang mga magulang; subali’t ang opisyal na dokumentong tala ng kanyang petsa ng kapanganakan ay ika-8 ng Mayo 1915, dahil ang kanyang mga magulang ay nakatira sa kanayonan, napakalayo mula sa bayan, at hanggang sa huling petsang ito ay hindi nakapunta at ipatala siya sa rehistro. Ang kanyang mga magulang, matatag na mga mananampalataya at debotong mga Katoliko, ay laging umaasa na ang Diyos ay pagkakalooban ng bokasyon ng pagiging pari ang iba sa kanilang mga anak na lalake; kung kaya, ang kanyang ina, sa umpisa ng pasukan sa paaralan ng taong 1928, ay dinala siya sa Salesian School of Mary Immaculate, na nasa bayan ng General Acha. Siya ay nasa paaralang ito sa mga taong 1928, 1929 at 1930. Noong ika-31 ng Disyembre sa huling taong ito, ang Padre Superyor ng paaralang ito, ay dinala siya, kasama ang ibang dalawa pang mga aspirante, sa isang lugar na tinatawag na Bernal. Simula 1931 hanggang 1934 siya ay tumira sa Bernal paaralan para sa relihiyoso at pormasyon para sa pagpari, pag-aral ng Latin at ang kanyang unang taon ng pagsasanay sa pagturo. Sa taong 1935, ay ginawa niya ang kanyang nobisyado sa isang separadong bahagi ng parehong paaralan, at sa taong 1938 ay nakapasa bilang isang guro sa paaralan sa primarya, at tinapos rin ang kanyang mga pag-aaral ng pilosopiya. Ang sumunod na tatlong taon, ngayon ay isa nang klerigo, ay nagturo siya bilang isang guro sa paaralan ng Pio IX sa Santa Maria de los Buenos Aires.
Read More
Sa bandang huli ay ilinipat siya sa lungsod ng Cόrdoba, kung saan ay pinalipas niya ang mga taong 1942 hanggang 1945 sa pormasyon bilang pari at sa pag-aral ng Teolohiya. Sa huling taong ito, noong ika-25 ng Nobyembre, sa nobisyadong simbahan sa bayan ng Bernal, siya ay inordinan bilang Pari kasabay ang ibang mga kasamahan, ng Obispong Salesian Monsignor Nicolas Esandi. Simula sa taong 1946 hanggang sa taong 1956, si San Rafael Maria (noon ay Padre Andres Dombrovsky) ay bumalik sa paaralan ng Pio IX, namahala sa pangkalahatang disiplina sa seksyon ng sining ng pagyari sa kamay, para sa mga nangangasera, kung saan ang mga klase sa pangkalahatang edukasyon at kasanayang pagsasanay ay ibinibigay sa mga pagawaan. Simula sa taong 1957 hanggang 1975 siya ay nasa paaralan ng Leo XIII, gayundin sa Santa Maria de los Buenos Aires, na may parehong okupasyon tulad ng sa nakaraang paaralan. Sa taong 1970, sa panahon ng kanyang pananatili sa huling paaralang ito, si San Rafael Maria ay ipinadala ng kanyang mga Superyor sa Japan, sa layuning makakuha ng espesyal na makina para sa panglitograpo para sa Leo XIII Salesian School. Siya ay dumating sa Tokyo noong ika-19 ng Nobyembre ng taong iyon. Ang lahat ng gastos, sa paglalakbay at sa pagtigil sa Tokyo, ay binayaran ng kanyang personal na kaibigan, kasama ang mga pagbisita sa mga pinakaimportanteng mga lungsod sa Japan. Binisita niya ang mga pagawaan kung saan ang makina ay ginagawa. Tumira siya sa isang paaralan ng Salesian, kung saan ay ginawa niya ang kanyang mga banal na gawain ng Banal na Misa, Rosaryo, meditasyon at iba pa. Sa paglalakbay na ito, si San Rafael Maria ay pumunta sa Rusya mula sa Japan, kung saan ay dumaan siya sa Siberia sa pamamagitan ng himpapawid, at noong ika-11 ng Disyembre ng taong iyon 1970, ay dumating sa Moscow, tumigil hanggang ika-14 ng parehong buwan. Sa kabiserang ito ay binisita niya ang pinakaimportanteng mga lugar at nagdaos ng Banal na Misa sa hotel araw-araw. Siya ay naglakbay din sa Banal na Lupa, binisita ang mga lugar na may kaugnayan sa Buhay, Pasyon, Kamatayan at Muling Pagkabuhay ng Ating Panginoong Hesukristo. Ang buong paglalakbay sa Japan, Moscow at ang Banal na Lupa ay tumagal ng isang buwan. Sa taong 1975 si San Rafael Maria ay itinalaga sa paaralan ng San Francisco de Sales sa Santa Maria de los Buenos Aires, namahala sa pagsamba sa simbahan. Habang naroon, nalaman niya ang mga Aparisyon ng Pinakabanal na Birheng Maria sa El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya, sa pamamagitan ng isang magasin na pana-panahon ay na-edit ng isang Marianong Apostoladong grupo, isang dakilang nagpapalaganap ng iba’t-ibang mga aparisyon. Nang mga panahong iyon sa Santa Maria de los Buenos Aires ay maraming bilang na ng mga tagasunod ng El Palmar. Ang mga kasapi ng Marianong Apostoladong grupo ay madalas na nagtitipon para magdasal ng Banal na Rosaryo sa publiko sa lungsod. Si San Rafael, noon, ay nalaman ang mga bisyon at mga mensahe ng noon ay Clemente Domínguez y Gόmez, ngayon Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila. Ibinalita na sa mga mensaheng iyon ang pagpili sa hinaharap sa seer na si Clemente bilang Bikaryo ni Kristo, kahalili ni San Pablo VI. Nang mga panahong iyon, ang progresibismo at korupsyon sa moralidad ay malupit nang humahagupit sa kanilang hindi mapapalitang layuning sirain ang Banal na Inang Simbahan. Ang kaluwagan sa disiplina sa simbahan ay tumapos na sa mabuting espiritu sa mga parokya, at sa pagsasagawa sa alituntunin sa mga bahay relihiyoso. Ang mga Erehya ay pinalalaganap na mula sa mga pulpito. Ang mga pari at mga relihiyosong nais na manatiling matatag sa tunay na pananampalataya at disiplina ay inuusig, binabalewala at inaalis sa kanilang mga posisyon. Ang mga Paring matapat sa Banal na Tradisyon ay natatagpuan ang kanilang mga sariling nagdaraos ng Banal na Sakripisyo ng Misa nang pribado, dahil hindi nila tinatanggap ang “novus ordo missӕ” o hapunang Lutheran, na makaharing ipinatutupad ng mga romanong herarkiya. Ito, rin, ay ang kaso ni San Rafael Maria, na isa sa kakaunting mga Pari na nananatilng tapat sa Banal na Tradisyon. Natagpuan niya ang kanyang sariling labanan ang progresibismo sa kanyang sariling Salesian Order, na kung saan ay namuhay na siya simula pa sa kanyang kabataan, na kung saan siya ay nabuo at minahal niya nang labis. Alam niya ang mga propesiya ni San Juan Bosco, pundador ng Orden, tungkol sa mga kaganapan sa Huling mga Panahon: ang pangkalahatang pag-apostata ng romanong simbahan, ang pagpapatuloy ng tunay na simbahan ni Kristo sa El Palmar; ang mahirap na misyon ng Bikaryo ni Kristo, na nakita niyang ginigiyahan ang Barko ni Pedro sa gitna ng isang malaking bagyo at sa pagitan ng dalawang mga haligi: ang Banal na Eukaristiya at ang Pinakabanal na Birhen. Si San Rafael Maria ay nagpasiyang pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha noong Enero ng taong 1976. Sa paglipas ng taon ay nakipag-ugnayan siya sa Orden na ito, ibinigay ang kanyang personal na mga detalye, at nagtanong tungkol sa posibilidad ng kanyang pagpasok. Sa kanyang maikling talambuhay ay tekstuwal niyang sinabi na “Sa pamamagitan ng dalisay na kabutihan ng Diyos, ni Maria Auxiliadora at ni Don Bosco, ako ay nakatanggap ng sagot na pagsang-ayon.” Ang kanyang pakikipag-ugnayan ay kay noon ay Obispo Padre Isidoro Maria, ngayon Papa San Pedro II ang Dakila, na sumagot sa kanyang mga sulat sa pamamagitan ng utos ng Pundador ng Orden, ngayon Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila. Si San Rafael Maria, tulad ng makikita sa kanyang personal na mga tala, nang matanggap niya ang kasagutan sa pamamagitan ng koreo mula sa Sevilla, ay binasa ang sulat sa harap ng Pinakabanal na Sakramento at sa Estatwa ng Pinakabanal na Birheng Maria sa kapilya ng kanyang paaralan ng Salesian sa Santa Maria de los Buenos Aires. Sa kanyang talambuhay, ay ikinuwento ni San Rafael Maria nang may ilang detalye tungkol sa kanyang matibay na desisyong pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha. Bago niya ito ginawa, una ay ninais niyang maging napakalinaw sa kanyang mga superyor sa Kongregasyon ng Salesian, at ibinigay ang kanyang matapang na testimonya pabor sa El Palmar. Ganito niya ito inilarawan: “Noong Enero ng 1976, ay ginawa ko ang pinakaimportante at transendenteng desisyong iwanan ang bantog na Kongregasyon ng Salesian na ipinundar ni San Juan Bosco, at pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha. Sa layuning ito, makaraang makapag-isip at magdasal, at makaraang makipag-usap sa Director of the House, ay humarap ako sa Most Rev. Father Inspector; sinabi ko sa kanya ang aking nais kaya tinipon niya ang Chapter of the House para iparating ang aking desisyon doon, at ginawa niya. Hiningi ko rin sa kanyang tipunin ang kanyang Inspectoral Council, na naganap sa paaralan mismo at sa parehong bulwagan. Ang ibig sabihin, hindi ako basta na lamang naglaho, nang walang paalam, nang hindi nakikipag-usap, nang hindi nalalaman ng mga nakasasakop sa aking pagkatao ang aking kapasiyahan bago pa man, na ang sumusunod: ang Father Director of the House, ang Most Rev. Father Inspector, ang Chapter of the House, ang Inspectoral Council; hiningi sa kanila at sa parehong pagkakataon, nang may lahat ng pagpipilit, na tanging sila at wala ng iba ang nakaaalam hanggang sa ako ay umalis. Sinasabi ko ito upang ang ibang hindi nakakaalam ng aking desisyon, ay hindi magbigay ng ibang istorya; hindi ito nangyari sa isa o ibang kaso, doon sa mga nagsabing umalis ako nang hindi nagsabi kahit kanino, tulad ng nabanggit sa mga sulat na aking natanggap. Samakatuwid sa dokumentong ito ay iniiwan ko ang eksakto at malinaw na ebidensiya ng mga pangalan ng mga taong personal kong pinagsabihan sa sapat na panahon ng aking matatag na kapasiyahan.” Si San Rafael Maria ay pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha noong ika-29 ng Nobyembre 1976. Inilarawan niya ito sa sumusunod: Noong ika-28 ng Nobyembre 1976, ay umalis ako sa pamamagitan ng himpapawid na ang destinasyon ay Sevilla mula sa Ezeiza (Santa Maria de los Buenos Aires’ International Airport). Dumating ako sa Redes 11 habang ang komunidad ay kumakain ng tanghalian, at binigyan ng isang lugar sa lamesa. Nang matapos ang pagkain, ang lahat ng mga superyor ay lumapit sa aking lugar. Naaalala ko pa iyong mga katabi ko sa lamesa. Noong ika-30 ng Nobyembre 1976, araw ng aking Santo (Andres), ako ay kinonsagrang Obispo nang may dakilang emosyon ni Most Exc. Monsignor isidoro Maria, sa kapilya (ganoon isinalaysay sa kanyang talaarawan). Simula 1976 at patuloy, kung anuman ang desisyon ng Diyos, ng Birhen at ng aking legal na mga superyor para sa akin.” Ilang araw makaraang pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, si San Rafael Maria (dating Padre Andres Dombrovsky), ay tumanggap ng sumusunod na mga resolusyon na ginawa ng Kongregasyon ng Salesian ng Santa Maria de los Buenos Aires: “Ang Paring George Casanova, Provincial Superior General ng Salesian Inspectorate ng Saint Francis de Sales, ng Santa Maria de los Buenos Aires, may petsang ika-29 ng Nobyembre 1976, ay tinipon ang Inspectoral Council sa Himpilan ng Inspektor, at sa harap ng kanyang anim na mga Counsellors, ay nagpahayag ng sumusunod: “Na ang Salesianong Pari na si Andres Dombrovsky ay nagpatala sa sismatikong samahan ng El Palmar de Troya (Espanya), at umalis para sa lugar na iyon nang walang permiso at laban sa kanyang maliwanag na sugo, kahapon ika-28 ng Nobyembre 1976. Sa konsikuwensya kami, mga kasapi ng Inspectoral Council, ay naghahayag na ang Salesianong Pari na may perpetwal na propesyon, Don Andres Dombrovsky, ay nagtamo ng pagkakasala na makikita sa canon 646, paragraph 1 N◦1, at sa kasunduan sa canon na ito siya ay despatsado ipso facto mula sa Kongregasyon ng Salesian. Buenos Aires, noong ika-29 ng buwan ng Nobyembre 1976.” Ang dokumento ay may lagda ni George Casanova, ang mga counsellors na sina Lezcano, Grehan, Maldonado, Gutiérrez, Astorga, Estupiñán, at inspectoral secretary Meroni. Makaraan ang kanyang pagpasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, si San Rafael Maria ay madaling nakaagapay sa buhay sa Orden, hanggang sa naging lubos na nakilala sa ispiritu nito. Ito ay mas madali para sa kanya dahil sa kanyang mapagbigay na ispiritu ng laging pagsilbi sa Panginoon at sa Kanyang Pinakabanal na Ina kung saan nila naisin. Kung kaya, kahi’t sa maraming mga taon na kanyang itinigil sa kanyang dating relihiyosong kongregasyon, may dakilang desisyon ay iniwanan niya para pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, kung saan ay nakasisiguro siya na maipagpapatuloy ang tunay na relihiyosong buhay kung saan siya ay tinawag sa kanyang kabataan, at higit sa lahat para ipagpatuloy sa loob ng Tunay na Simbahan, na ipinundar ng Ating Panginoong Hesukristo, ngayon ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryano. Si San Rafael Maria ay nakaramdam ng dakilang pagmamahal para sa Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, na kanyang irenespeto at sinunod nang may buong katapatan. Ginawa niya ang kanyang perpetwal na mga pangako sa Orden noong ika-24 ng Oktobre 1979. Sa loob ng maraming taon, habang kaya ng kanyang kalusugan, si San Rafael Maria ay humawak ng mataas na mga puwesto sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, na labis na napamahal sa kanya, nabuhay nang tapat sa kanya nang walang anumang pasubali, at napakasaya sa Orden. Dagdag pa, nakuha niya agad ang pagmamahal ng ibang mga relihiyoso. Siya ay mabait at may malakas na karakter. Kahi’t na may ilang mga depekto, na hindi maiiwasan sa mundong ito, siya ay nagpakita ng pagiging dakilang huwaran ng kabanalan at sa pagsakatuparan ng Banal na mga Patakaran. Siya ay namuhay ng lubos na pagpapaubaya sa pagsilbi sa Simbahan at sa Orden. Siya ay ang taong palaging nagdarasal. Dahil siya ay may prebihiliyong magdaos ng maraming mga Misa, siya ay madalas na makikita sa altar, kung minsan sa loob ng maraming oras sa ilang pagkakataon, nagdadaos ng Banal na Sakripisyo ng Misa. Sa panahon ng muling pagsasama-sama sa Banal na Palmaryanong Konseho, ay ibinibigay niya ang pinakamataas na interes sa matagumpay na pagsulong ng doktrina. Si San Rafael Maria ay nagpatuloy ng walang kapagurang mga gawain habang kaya ng kanyang kalusugan. Sa buong taon bago ang kanyang kamatayan, ay kinailangan niyang manatili sa kanyang selda, dahil ang kanyang mahina nang pisikal na lakas ay wala nang kakayahan. Siya ay inalagaan nang may pinakadakilang pagmamahal ng mga Relihiyoso, at hindi siya nagkulang kailan man ng Banal na mga Misa, na araw-araw ay idinaraos ng ibang Obispo, at Banal na Komunyon. Sa umpisa ng Hulyo 1994, ang kanyang kalusugan ay humina nang husto na halos nakikita ng lahat ang nalalapit na kanyang kamatayan. Tumanggap siya ng Banal na Ulyo ng maraming ulit. Sa buong araw ng ika-12 ng Hulyo, siya ay nasa pinto ng kamatayan. Sa loob ng tatlong oras bago ang kanyang kamatayan, si Padre Isidoro Maria, ngayon Papa San Pedro II ang Dakila, at ibang mga Relihiyoso ay nasa tabi ng kanyang kama, patuloy na umuusal ng maikling mga panalangin at iba pang mga dasal. Siya ay nagkaroon ng tatlong oras ng malaking pagdurusa, dahil sa mataas na lagnat at hirap sa paghinga. Ilang sandali bago siya mamatay, si Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila ay pumunta sa kanyang selda para ibigay sa kanya ang Apostolikong Basbas. Si San Rafael Maria ay namatay sa isang banal na kamatayan noong ika-13 ng Hulyo 1994, sa monasteryo ng Papal House sa Sevilla. Agad pagkaraang mamatay, si Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila ay muling pumunta sa kanyang selda para siya basbasan. Ang bangkay ay inilagay sa Kapilya, kung saan ang mga turno ng Banal na mga Misa ay idinaos na may mga Rosaryo Penitensyal hanggang sa paglibing sa kanya. Noong ika-14 ng Hulyo siya ay inilibing sa Kripta ng Katedral-Basilika ng Ating Ina ng El Palmar Koronada. Ang libing ay dinaluhan ng maraming mga mananampalataya mula sa iba’t-ibang panig ng mundo, na nasa Palmar na para sa Perigrinasyon ng ika-16 ng Hulyo, Kapistahan ng Carmel. Kinanonisa ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-12 ng Oktobre 1994, Idineklarang Doktor ng Simbahan ng parehong Papa noong ika-6 ng Marso 1999.
San Sebastian Maria ng Banal na Mukha at ng Imakuladang Puso ni Maria
Marianong Apostol. Obispo. Relihiyoso ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha Kasama ni Hesus at ni Maria. Doktor. Protektor ng Banal na Palmaryanong Pamunuan.
Sa mundo, Emil George Wessolly, siya ay ipinanganak sa Gleiwitz, Silesia, Poland, noong ika-22 ng Disyembre 1907. Ang kanyang mga magulang ay sina Valentine Wesolly at Ana née Ogrodnik, at siya ay pang-anim sa sampung mga anak sa kasal. Dahil sa kakulangan sa pamumuhay sa pamilya, ay wala sa mga anak ang nakapag-aral nang mataas maliban kay San Sebastian, na sa espesyal na kalooban ng Diyos ay napiling yakapin ang Pagpari. Nag-aral siya ng kanyang primarya sa rural na paaralan ng Zerniki, malapit sa kanyang tinubuang bayan, hindi nagtagal ay nagpatuloy sa paaralan ng Hindenburg sa taong 1921, kung saan ay nanatili siya sa loob ng dalawang taon, at hindi nagtagal ay nagpatuloy ng kanyang pag-aaral sa loob ng isang taon sa paaralan ng mga Franciscan sa Neisse.
Read More
Hindi nakasisigurong matatanggap siya sa susunod na taon, siya ay nagdesisyong magpatala bilang isang aspirante para sa mga misyon sa Brazil, kinuha niya ang oportunidad sa pagbubukas sa Belgium ng isang paaralan ng mga Paring Franciscan mula sa isang probinsiya na naghahanap ng mga bokasyon. Siya ay dumaan sa malaking mga paghihirap at pagsubok sa lahat ng uri bago siya tuluyang natanggap sa bagong missionary center. Sa loob ng isa at kalahating taon siya ay nagsagawa ng mga paghahanda para sa kanyang magiging misyon sa Brazil, at tulad ng kanyang sinabi sa kanyang talaarawan, sa nalalapit na paglalakbay sa bagong kontinente at sa takot sa bagong gawaing itong pumukaw sa kanya, tinanong ang kanyang sarili: “Magagawa mo ba ang paglalakbay na ito? Alam mo ba kung ano ang mamuhay sa isang lubos na hindi mo alam na lugar?” At nagpatuloy siya sa pagkuwento: “Ang mga ito at iba pang mga isipin ay pumasok sa aking isipan; subali’t isang tinig na buhat sa akin ang sumagot: ‘Hindi ka mag-iisa. Ang ibang mga Misyonero rin ay nagawa ang iyong hinahangad. Ang krus na kasama natin ay ang ating tagumpay’…” Sa taong 1927 si San Sebastian ay umalis patungo sa Brazil, dumaan sa puwerto ng Alemanya sa Hamburg. Nang nasa Brazil na, siya ay tumigil ng dalawang araw sa Rio de Janeiro, at saka nagpatuloy ng kanyang paglalakbay papuntang timog at bumaba sa San Francisco, kung saan ay nagpatuloy siya sa pamamagitan ng tren papunta sa Rio Negro, sa Estado ng Paraná, Brazil, kung saan ang paaralan ng misyon ni San Luis ay matatagpuan. Gayunman, tingnan natin kung ano ang kanyang sinabi sa kanyang talaarawan: “Tayo na nakatapak pa lamang sa malawak na lupang ito, na kasing lawak ng buong Europa, kung ang mga naninirahan ay dumating ay magtanong sa atin ‘Bakit ka pumunta dito sa Brazil?’ Prangka akong sasagot: ‘Mga kaibigan, hindi ako pumunta para galugarin ang bayan, subali’t para tumulong, para mahalin ang Diyos, para makilala kayo, para mahalin si Kristo, para sundin ang Banal na Inang Simbahan at ang Papa, at para iligtas ang mga kaluluwa sa lupang ito at ang aking sariling kaluluwa.” Si San Sebastian Maria ay ginawa ang kanyang Franciscan noviciate sa Rodeio, Santa Catarina; siya ay nag-aral ng pilosopiya sa Curitiba, Estado ng Paraná; at ginawa ang kanyang kurso sa Teolohiya sa Petrópolis, Rio de Janeiro, kung saan siya ay inordinang Pari noong ika-21 ng Disyembre 1933. Simula ng siya ay maordinan, ay nagsagawa siya ng malawak na misyonerong gawain sa iba’t-ibang mga lokalidad sa Brazil sa mahigit na apatnapung taon, hanggang sa iniwanan niya ang Orden ng Franciscan dahil sa nakasisirang progresibismo na nagtaboy sa romanong simbahan sa pag-apostata. Dahil siya ay may kontak sa mga tagasunod ng El Palmar, ginabayan ng mga mensahe ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya, siya ay may sapat na liwanag para makita ang katotohanan at ang transendenteng mga misteryong nakapaloob sa Sagradong Lugar na ito. Sa isa sa kanyang mga paglalakbay sa Alemanya at sa Switzerland para dalawin ang kanyang pamilya, ay kinontak niya ang ilang Palmaryanong mga deboto na tumulong sa kanya para gawin ang tiyak na hakbang, ang pagpasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, na ginawa niya sa kanyang pagdating sa Mother House ng Orden sa Sevilla, Espanya, noong ika-9 ng Septyembre 1977. Noong ika-24 ng parehong buwan at taon, siya ay kinonsagrang Obispo ng noon ay Padre Fernando, ngayon Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, na hindi nagtagal ay ipinadala siya bilang misyonero sa hilaga ng Espanya, kung saan siya ay nagtrabaho ng ilang buwan, at hindi nagtagal ay pumunta sa Sevilla upang doon na permanenteng manirahan. Si San Sebastian Maria ay ginawa ang kanyang perpetwal na mga pangako noong ika-24 ng Oktobre 1979. Mula sa monasteryo siya ay patuloy sa mahirap na gawaing pagpapalaganap ng El Palmar sa pamamagitan ng patuloy na pagliham sa iba’t-ibang mga bansa, lalo na sa mga taong ang lengguwahe ay Aleman at Purtuguese. Ang lahat ng kanyang mga sulat ay puno ng matayog na espiritwalidad, ay buhay na mga testimonya sa pagtanggol sa tunay na Simbahan, ang Palmaryano, gayundin sa noong Bikaryo ni Kristo, Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, at, dagdag pa, ay isang patuloy na panawagan sa Palmaryanong mananampalataya na maging masigasig na matatag sa Pananampalataya, at sa hindi mananampalataya na pagnilayan at yakapin ang El Palmar, ang tanging daan sa kaligtasan. Siya ay nagsagawa ng napakaimportanteng gawain sa pagpapalaganap ng Palmaryanong mga lathalain, gumawa ng solidong kontribusyon sa pagsalin sa Aleman at Portuguese na mga lengguwahe. Si San Sebastian Maria ay laging nagpapakita ng tanda ng pagpapahalaga para sa grasya ng relihiyosog bokasyon, perlas na hindi mataya ang halaga. Siya ay nagsikap na maisakatuparan ang Banal na mga Patakaran nang may pinakasukdulang perpeksiyon, at, maliban pa, may maingat na sigasig at tatag, nagsikap na ilayo ang kanyang sarili sa anumang maaaring makapagpahina ng alab ng kanyang espiritu. Dahil siya ay may natatanging mga katangian bilang isang konfesor at direktor espiritwal, siya ay laging hinahanap sa Sakramento ng Kumpisal, kung saan ay nagagawa niyang pagsamahin ang kabaitan at pagkamaunawain na may banal na pagkaistrikto. Ang lahat ng ito ay bunga ng kanyang patuloy na matalik na pakikipag-ugnayan sa Diyos, hindi lamang sa pamamagitan ng araw-araw na pagdaos ng maraming mga Misa, kundi sa pamamagitan din ng ibang mga panalangin tulad ng Banal na Rosaryo Penitensiyal, Banal na Viacrucis, gayundin ang kanyang madalas na mga pagbisita sa Tabernakulo, na kung saan ay kinasanayan na niyang manatili nang matagal na oras. Magiging walang katapusan ang patuloy na pagkuwentuhan ang dakilang mga katangian ng banal na Palmaryanong Obispong ito, dakilang luminaryo ng Simbahan at balwarte ng Pananampalataya. Si San Sebastian Maria ay namatay sa edad na pitumpu’t walong taon sa Mother House ng mga Prayle sa Sevilla noong Martes ika-29 ng Abril 1986, makaraan ang sandaling karamdaman at paghihingalo, nag-uumapaw sa kapayapaan at lambing. Siya ay inilibing kinabukasan sa sementeryo ng San Fernando sa Sevilla, Espanya. Siya ay inilipat sa Kripta ng Katedral-Basilika ng Ating Ina ng El Palmar Koronada noong ika-30 ng Hunyo 1989. Kinanonisa ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-2 ng Marso 1987. Idineklarang Doktor ng Simbahan ng parehong Papa noong ika-19 ng Enero 2000.