Ika-20 ng Marso – Ika-27 ng Marso
Muli ang Walang Hanggang Awa at Probidensya ng Diyos ay naramdaman sa Masayang Palmaryanong Semana Santa 2019. Mukhang ang Panginoon ay inilihis ang ulan mula sa lupaing ito dahil sa may tiwalang pagsamo ng Kanyang Bikaryo, ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III. Anong gandang patunay ng Kanyang pagmamahal para sa kanyang mga anak! Dapat tayong muling magpasalamat sa Ating Panginoon at sa kanyang Pinakabanal na Ina para sa kahanga-hangang kinalabasan ng Banal na Pagsambang ginawa para sa kanilang karangalan at kaluwalhatian. Kapag tayo ay nagdarasal nang may tiwala at kababaang-loob ay nakatatanggap tayo mula sa Diyos ng hindi mabilang na mga grasya.
Benerasyon sa Sagradong Imahen ng Ating Ina ng El Palmar Koronada
Noong ika-30 ng Marso ay naganap ang seremonya ng paghalik sa Sagradong Imahen ng Ating Ina ng El Palmar Koronada. Habang ang lahat ng mananampalataya ay nakapila para magpugay sa Sagradong Imahen, ay inaawit ang magagandang mga himno para kay Maria. Malaking bilang ng mga mananampalataya ay presente sa masaya at solemneng akto ng pagmamahal at pagpugay sa Reyna ng Langit, ang Ating Banal na Ina, ang Banal na Birheng Maria na ito. Sa pagpapatibay, masasabi natin na ang pangalang Palmaryanong Simbahan ay napakaangkop para sa Katolikong Simbahan sa mga panahong ito: Palmaryano, dahil ito ang Sagradong Lugar ng mga Aparisyon ng El Palmar de Troya, at Maryano para sa natatanging debosyon na natatanggap ng Ina ng Diyos mula sa Kanyang matapat na mga deboto ng Banal na Palmaryanong Simbahan.
Internasyonal na Perigrinasyon sa Hulyo 16
Inilalagay ang lahat ng tiwala sa mga kamay ng Ating mapagmahal na Ina, ang Banal na Birheng Maria, ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan ay naghahanda kasama ang Bikaryo ni Kristo na masayang naghahari, para sa susunod na Internasyonal na Perigrinasyon sa ika-16 ng Hulyo, ang Ating Ina ng Palmar Koronada, Reyna ng Carmel at Unibersal na Patrona, ay bibigyan ng karangalan sa napakaespesyal na paraan dahil ito ang kanyang mayor na araw ng Kapistahan.