Impormasyon para doon sa bumibisita
sa Katedral
ika-20 ng Disyembre 2023
Para makaiwas sa akumulasyon ng mga tao, tanging pinapahintulutan na bumisita sa Basilika ng Ating Ina ng Palmar Koronada, mula Lunes hanggang Sabado sa mga hindi panahon ng bakasyon, mula alas 10:00 – 12:30. Dapat kayo ay laging nakadamit ng desente at ipaalam sa Official Page ng Simbahan nang maaga, ocsficp@gmail.com, para may isang Pari na maaaring mag-asikaso roon sa mga interesado, sa araw ng pagbisita.
Hindi dapat kalimutan na manamit ayon sa pamantayan na napakalinaw na ipinaliwanag namin sa aming webpage. Tingnan ang mga Pamantayan ng Kristiyano Palmaryanong pananamit. Kapag kayo ay isang relihiyoso o isang pari, dapat na kayo ay pumunta nang nakasutana ayon sa inyong orden at, kung kayo ay isang madre, dapat kayong pumunta na nakaabito ng inyong orden.
Ang Palmaryanong Simbahan ay hindi humihingi ng bayad para makapasok sa Sagradong Paligid o sa pagpasok sa Katedral. Ang sino man ay maaaring humingi ng mga polyeto, banal na mga larawan at munting aklat sa pagdasal ng Banal na Rosaryo Penitensiyal na ibibigay nang libre.
Ang mga kasapi ng Banal na Palmaryanong Simbahan ay nakadamit ng abito ng Tersiyaryong Carmelita kapag sila ay pumupunta sa Palmaryanong Banal na Pamunuan, dahil ito ay isang espesyal na petisyon mula sa Langit sa mga Aparisyon mula sa Langit sa El Palmar de Troya. Ang pamantayang ito ay tanging sa Palmaryanong Mananampalataya lamang, at nalalapat lamang kapag sila ay dumadalo sa Sagradong Lugar na ito.