Dapat tayong magpasalamat sa Diyos at sa Kanyang Pinagpalang Ina para sa patuloy na tagumpay ng ating website sa buong mundo. May mahigit na sa isandaan at pitumpung mga bansa ang nagkaroon ng kaligayahang malaman ang Tunay na Simbahan ni Kristo. Ang paraang ito ng apostolado ay nangangahulugan ng dalawang hindi maiiwasang kinahinatnan: sa positibong panig, nakagagalak na maipahayag sa publiko ang tunay na Katolikong Pananampalataya at ipaabot ang Salita ng Diyos sa mga lugar na kung saan ay hindi maaaring maabot sa ibang paraan, nagbibigay sa lahat ng oportunidad para malaman ang Palmaryanong Simbahan nang may sapat na impormasyon, mga larawan at mga video. Ang negatibong panig ay alam namin na maraming mga propaganda sa internet na maaaring makasira sa kaluluwa kung ang isa ay hindi gaanong maingat.
Gayunman, dahil ang positibong panig ay napakalaking tulong, ay pwede na ring tiisin ang lahat ng negatibo. Pinakilos ng Espiritu Santo, ang Palmaryanong Apostolado ay epektibong sumusulong. Hindi pa natatagalan, ang mga bansa tulad ng Poland, Pilipinas, Argentina, Colombia at Portugal ay mas nagiging interesado. Ang Alemanya ay umabot na sa ikatlo o ikaapat na puwesto halos araw-araw sa listahan ng mga bumisita. Ang China ay patuloy na sinosorpresa kami sa katamtamang interes na ipinapakita nito.
Nakatakda na ang Tunay na Simbahan ay ang Esposa ni Kristo, kinakailangan bang ang Kanyang Simbahan ay lagi na lamang maliit ang bilang? Ang Simbahang Kanyang itinatag at ipinag-utos na ipalaganap sa iba’t-ibang dako ng mundo? Ang pinakamaliwanag na palatandaan sa nalalapit na pagtatagumpay ng Simbahan ni Kristo ay kung ito ay tila mawawala sa paningin ng tao. Sa Kalbaryo ang mga kaaway ni Kristo ay naniwalang natamo na nila ang malaking tagumpay. Si Kristo patay sa Krus. Ang katapusan ni Kristo ay nangangahulugang katapusan ng Kanyang mga Apostoles at mga alagad. Subali’t hindi nila isinaalang-alang na si Kristo ay muling mabubuhay. At nang Siya ay nabuhay muli sa ikatlong araw, ay binuhay Niya muli ang Kanyang Simbahan kasama Niya. Mula sa sandaling iyon ang Simbahan ay nagsimulang magtagumpay at hindi nagtagal ay lumaganap sa iba’t-ibang dako ng mundo.
Ngayon ang mga alagad ni Kristo, na mga kasapi ng Palmaryanong Simbahan, ay masigasig na nagsisikap na ang Simbahan ay manatiling nakalutang sa tubig. Si Hesus ay ipinangako kay Pedro ang pinakamataas na Primado ng Simbahan at ang kapangyarihan ng mga susi sa mga salitang ito: “At sinasabi Ko saiyo na ikaw ay si Pedro, at sa Batong ito ay itatayo Ko ang Aking Simbahan, at ang mga lagusan ng Impiyerno ay hindi magtatagumpay laban sa Kanya.” Sa bandang huli, sa pagdating ng Espiritu Santo sa Kalipunan ng mga Apostoles, ang mga Apostoles ay tumanggap ng napakaimportanteng mga kaloob para turuan ng Ebanghelyo ang mundo. “Ang maraming mga tao ay namangha sapagka’t nakita nila ang Dila ng Apoy sa ulo ng bawa’t isa at narinig nila silang nagsalita sa iba’t-ibang mga wika; dahil ang mga Apostoles ay nagsalita sa Aramaic; at himalang iyong mga hindi nakakaunawa ng wikang ito ay naunawaan ito sa wika sa kanilang sariling bayan. Pero ang nagbunsod ng pinakamalalim na impresyon sa karamihang iyon ay ang supernatural na karunungang umaagos mula sa mga labi ng mga Apostoles.“
Ang Ating Panginoong Hesukristo ay nangako sa mga Palmaryanong Apostoles ng ekstraordinaryong tulong para sa apostolado sa mga panahong ito ng pangkalahatang pag-apostata. Noong Ika-3 ng Pebrero, 1977, sa Mother House sa Sevilla, ang Panginoon ay nagpakita sa Obispo Primado Padre Fernando, at ibinigay sa kanya ang sumusunod na Mensahe:
“Aking mahal na anak: Narito ang iyong Tagapagligtas, ang iyong Maestro na patuloy na nagtuturo saiyo. Ipapasailalim Kita sa panahon ng mga pagsubok, para bigyan ka ng kasanayan para sa malaking mga gawain pagdating ng panahon. At maliban diyan, para ikaw ay makapaghanda para sa Pagdating ng Espritu Santo.“
Ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay naghihintay sa Ikalawang Pentekostes, sa sandaling iyon ay marami sa mga kasapi nito ay Makukumpirma sa Grasya, ibig sabihin, makatatanggap sila ng grasya ng hindi na maaaring magkasala pa sa Diyos. Maliban dito sila ay makatatanggap ng ekstraordinaryong tulong ng Espiritu Santo para magturo ng Ebanghelyp sa maraming tao.
Ang ika-20 ng Hulyo ay importanteng araw para sa bilang ng mga bumisita sa aming website: 911 na mga indibidwal. Maliwanag sa amin na para makumbert ang mga taong ito sa Tunay na Simbahan ni Kristo, ay maraming mga himala ang kinakailangan. Mas madali ang magkumbert ng isang pagano kaysa sa isang hindi seryosong Katoliko na nanlamig sa pagsabuhay ng kanyang relihiyon at naghahanap ng kaginhawan kaysa sa sakripisyo.
Umaasa kami na iyong nakatanggap ng liwanag para maniwala sa Palmaryano Katolikong Simbahan ay magkaroon ng karunungan para huwag mag-browse at magbasa sa mga kasinungalingang inilathala ng mga sensationalists para sirain ang Palmaryanong Simbahan.
Iyong mga nais na maging kasapi ng aming relihiyosong orden ay dapat na sundin ang sumusunod na mga hakbang:
1) Magdasal ng Banal na Rosaryo Penitensiyal araw-araw walang eksepsyon.
2) Manamit ayon sa pamantayan ng pagiging desenteng Kristiyano, na malinaw na ipinaliwanag sa aming website.
3) Sirain ang lahat ng mga aklat, magasin, at iba pa, na pinamumugaran ng imoralidad at kontra sa Palmaryano Katolikong Doktrina.
4) Sa pangkalahatan, baguhin o repormahin ang tahanan para maging awtentikong Kristiyano.
Kung walang pagsisikap na gagawin para sundin ang mga hakbang na ito, ay hindi magiging posible para pasanin ang krus ng pagiging pari, na isang malaking krus para pasanin samantalang sa parehong pagkakataon ito ay malambot at magaan kapag tinanggap nang may kababaang-loob at pagpapakasakit sa sarili. “Lumapit kayo sa Akin kayong lahat ng napapagod at nabibigatan at tutulungan Ko kayo. Tanggapin ninyo ang Aking kapangyarihan at matuto kayo sa Akin, Ako na maamo at mapagpakumbaba ang puso, at kayo ay makatatagpo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa. Dahil ang Aking kapangyarihan ay matamis at ang Aking pasan ay magaan.“