Kami ay muling nag-uulat na ang aming Web Page ay patuloy na umaakit ng interes mula sa napakaraming bansa sa mundo. Kaunting mga lugar na lamang sa kasalukuyan ang nananatiling hindi nakaaalam ng Palmaryanong Simbahan. Ang bilang ng mga bumisita ay lalong tumataas. Sa malaking bilang, ang mga Mehikano at Poles sa partikular ay patuloy na tumataas sa kanilang interes na malaman ang Tunay na Simbahan ni Kristo nang mas mabuti. Sa 218 mga bansa o mga teritoryong bumibisita sa amin, ang Tsina ang humahawak ng pang-23 na puwesto, ang Rusya pang-30. Ang Argentina ay bumabawi: nakita namin ang pagtaas ng 30% sa mga pagbisita sa aming Web Page sa buwan ng Septyembre kung ihahambing sa buwan ng Agosto.
Narito ang talaan ng sampung pangunahing mga bansang bumisita sa aming Web Page: 1, Espanya; 2, Estados Unidos; 3, Brazil; 4, Alemanya; 5, Gran Britanya; 6, Pransya; 7, Mehiko; 8, Irlanda; 9, Italya; 10, Poland.
Nais naming ipaalam sainyo na ang aming Web Page sa kasalukuyan ay nagbibigay ng opsyon para makatanggap ng mga balita tungkol sa bagong mga lathala, sapagkat maaari na kayo ngayong sumuskribi sa serbisyong ito. Ang opsyon ay matatagpuan sa itaas kanang bahagi sa unang pahina.
Sa mga email na aming natanggap, ay maraming bilang buhat sa mga relihiyoso na may nais na katawanin ang Banal na Palmaryanong Simbahan sa kanilang sariling mga bansa, halimbawa, Pilipinas, Portugal, Poland at Brazil, ay ilan lamang. Ito ay hindi posible, sapagkat iyong mga nais na maging Palmaryanong mga Misyonero at katawaniin ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay kinakailangan munang pumasok sa aming Carmelite Order upang matutuhan ang doktrinang pinagyaman ng Palmaryanong mga Konseho. Dagdag pa kinakailangan nilang tumira sa aming mga kumbento para matutuhan ang ispiritu ng panalangin at penitensiya na isinasabuhay namin sa Relihiyosong Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, isang ispiritu ng panalangin at penitensiya na higit na nakatataas kaysa sa relihiyosong mga orden ng apostatang Roma. Pagkaraan sila ay tatanggap ng Banal na mga Orden sa Banal na Palmaryanong Pamunuan. Dapat nilang isaalang-alang na ang Simbahan ay binago na sa lahat ng aspeto.
May malaking kagalakan ang Banal na Palmaryanong Simbahan ay lumalaganap sa Cameroon sa Kontinente ng Africa. Siya sa kasalukuyan ay may una nang Palmaryanong Kapilya roon, kahit pansamantala.
Sa nakitang magandang mga bungang ibinigay ng Diyos sa Kanyang Simbahan kailan lamang, hindi nakapagtataka na iyong mga lumalaban sa Palmaryanong Simbahan ay lalong dinagdagan pa ang kanilang mga aktibidad; nguni’t huwag nating kalimutan na ang Diyos ay mismong Karunungan. Pinahihintulutan Niya ang masamang publisidad upang ang mga tao ay tumingin sa Palmaryanong Simbahan, mag-imbestiga, at makita na ang lahat ay awtentiko: Ang Doktrina, ang Pagsamba, ang mga Sakramento, ang mga Misa, at iba pa. Hayaan na lamang silang maglahad ng lahat ng nais nila laban sa Palmaryanong Simbahan, alam ng Diyos kung paano gumawa ng mabuti mula sa lahat ng ito pabor sa mga kaluluwa!
Gaano nakagagalak ang maging kasapi ng Tunay na Simbahan, kasama sina Hesus, Maria at Jose, at makita silang umaakto bilang ating mga Kapitan sa Langit, patuloy na ginagabayan tayo at gumagawa ng mabuti mula sa masama, at pinagpapasampaltaya pa iyong dating mga umuusig sa atin!
Basahin ninyo ang ‘Pontifical Documents of Saint Gregory XVII the Very Great’ na nakalathala sa aming Web Page, at makatatagpo kayo ng magagandang mga turo tungkol sa Banal na Eukaristiya, sa Pinakabanal na Birheng Maria, sa Pinakabanal na Jose, at iba pang napakaimportanteng mga bagay. Si Kristo sa Mount of Beatitudes ay nagturo: “Ang isang mabuting punungkahoy ay hindi maaaring magbunga ng masamang bunga, gayundin ang isang masamang punungkahoy ay hindi maaaring magbunga ng mabuting bunga. Ang lahat ng punungkahoy na hindi mamunga ng mabuting bunga ay puputulin at ihahagis sa apoy. Kung kaya, sa pamamagitan ng bunga nila ay makikilala ninyo sila.”
Ang Pamunuan ng Tunay na Simbahan ni Kristo, ngayon ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan, ay matatagpuan sa Sevilliang bayan ng El Palmar de Troya. Isang pobreng nayon kung ikukumpara sa malaking mga lungsod ng Espanya. Napakaaba kung ikukumpara sa lungsod ng pitong burol, ang dakilang lungsod ng Roma. At sasabihin nila na kakatuwa na ang Simbahan ni Kristo ay nasa lugar na ito napakalayo at hindi sa Roma, isang lungsod na napaliligiran ng malaki, magandang mga simbahan, na malaki ang importansiya sa sining at ng arkitektura. Paanong pinili ng Diyos ang El Palmar de Troya bilang Pamunuan ng Kanyang Simbahan? Imposible! Ngunit alalahanin natin na si Hesus, tunay na Diyos at tunay na Tao, ay pinili ang Belen bilang Kanyang sinilangang-lugar at hindi alinman sa mga importanteng lungsod sa Israel. Ang Banal na Ebanghelyo ng Ating Panginoong Hesukristo, Aklat I, Kabanata XII, ay sinabi ang sumusunod na pangyayari: «…ang masamang hari ay ipinatawag ang lahat ng punong mga pari at mga eskriba ng mga tao, para tanungin sila kung saan isisilang ang Kristo. Kung kaya sinabi nila sa kanya: “Sa Belen ng Judah, dahil ganoon ang isinulat ni Propetang Micheas: ‘At ikaw, O bayan ng Belen, na tinatawag ding Ephrata, ay maliit lamang kung ihahambing sa marami sa Judah: subali’t sa iyo ay isisilang ang Mesiyas na Makapangyarihan, ang Caudillo na maghahari sa Aking mga Tao –Israel.’”». Kung kaya hindi dapat magtaka ang sino man na pinili ni Kristo ang El Palmar de Troya bilang Lugar para sa pinakaimportanteng mga Aparisyon Mula sa Langit sa lahat ng panahon, para maging Banal na Apostolikong Pamunuan ng Kanyang Simbahan.
Umaasa kaming mas higit pang pagyamanin ang Web Page na ito nang may mahalagang impormasyon para tulungan ang mga kaluluwang makilala ang Palmaryanong Simbahan bilang Tunay na Simbahan ni Kristo. Bisitahin ang aming Web Page nang mas madalas at makikita ninyong patuloy kaming maglalathala ng napakainteresante at mahalagang mga ulat. Sa malapit na hinaharap ay ilalathala namin ang ‘Apostolic Letter’ ng Kanyang Kabanalan Papa Pedro III tungkol sa Relihiyosong Bokasyon, ang kanyang ikasampung Sulat, na mahabang tinalakay ang buhay ng pagpari.
Nais naming linawin na ang kasalukuyang ulat ay hindi sinulat ng Kanyang Kabanalan Papa Pedro III, gayundin ang maraming iba pang mga sulatin sa aming Web Page. Kung ano ang sinulat ng Papa ay laging nagtataglay ng kanyang lagda at selyo. Kung kaya iyong mga pumupuna sa Papa sa mga bagay na nakasulat sa nakaraan at ibang mga dokumentong inilathala rito na walang Selyo ng Papa ay inihanda ng ‘Palmarian Catholic Action’.
Iyong mga pumupuna ay dapat na isaalang-alang ang ilang mga pananalita mula sa ‘Palmarian Holy Bible’ tungkol sa dila: “Kung kaya, ang sinumang nais mabuhay sa buhay na ito nang may kapayapaan ni Kristo, at sa huli ay magtamasa ng buhay na walang hanggan, hayaang ang kanyang dila ay pigilin sa masama at ang kanyang labi sa katusuhan. Lumayo, kung ganoon, sa masama at gumawa ng mabuti, masigasig sa paghanap ng kapayapaan ni Kristo, at lumabas at sundan ito, dahil ang Panginoon ay maamong nakatitig ang Kanyang mga mata sa matuwid, at pinakikinggan nang may pabor ang kanilang mga petisyon, samantalang ang Kanyang Mukha ay tinitingnan nang may galit iyong mga gumagawa ng masama.” (Unang Sulat ni San Pedro (Taong 47), Kabanata VI)
Interesanteng makita kung paanong ang komunikasyong media, at ang ibang nagsusulat laban sa Palmaryanong Simbahan, sa maraming pagkakataon ay nagsasabing kami ay lumabas para sa pera. Subali’t ang misyon ng Tunay na Simbahan ni Kristo ay ispiritwal. Nang ang Dakilang Pundador ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, San Gregoryo XVII, ay namatay, siya ay namatay na mahirap. Kung siya ay naging mayaman, ay may naiwan sana siyang malaki maraming mga bagay sa kanyang pangalan, nguni’t hindi iyon ang kaso. Wala siyang naiwan. Ang bulag na Papa ay ginawa ang kanyang dakilang misyon bilang Mensahero ng Diyos para makamtan ang Langit at hindi ang mga kayamanan sa mundo. Gayundin, ang kanyang kahalili na si Papa Pedro II ay namatay na mahirap. Wala siyang naiwan. Walang maiiwan.
Ang Palmaryanong Simbahan ay naghahanda para sa mga kaganapan sa hinaharap na may malaking tiwala sa Banal na Pamilya, Hesus, Maria at Jose. Ang mga paghihirap ay hindi nagkukulang, dahil sa pamamagitan ng mga kahirapan ay malaking mga merito ang natatamo. Sa pamamagitan ng Kanilang mga Paghihirap, si Kristo at si Maria ay binuksan ang Langit para sa sangkatauhan. Sa pamamagitan ng mga paghihirap noong mga bumubuo ng Banal na Palmaryanong Simbahan, ang daan ay nagbubukas para sa Mistikal na Katawan ni Kristo para higit pang mapagyaman ng payak na mga kaluluwa na nais na maligtas ang kanilang mga sarili at sa pagtulong sa iba upang matagpuan ang kaligtasan.