Kami ay nakatanggap ng mga sulat sa email na napakaganda at napakaespiritwal, nagbibigay-diin sa malaking pagmamahal para sa ating titular na imahen, ang Ating Ina ng Palmar Koronada.
Ang katotohanang napakaraming interes na nanggagaling sa Canada ay nakapagpapaligaya sa atin ng lubos, dahil sa mga sandaling ito ay wala kahit isang kaluluwa sa Canada ang nagpopropeso ng tunay na pananampalataya, ang Palmaryano Katoliko. Inaasahan namin na sila ay susulat sa atin mula sa Canada para ituwid ang malungkot na sitwasyong ito. Sa nakalipas na mga taon, sa bansang iyon ay maraming mga deboto ng Ating Ina ng Palmar Koronada, subali’t iniwanan nila Siya para sumunod sa isang mapagmataas na pari na inilagay ang kanyang sarili ng mas mataas sa Papa, kinumbinsi ang Palmaryanong mananampalataya na iwanan ang Simbahan na kanilang minahal nang lubos. Magiging napakalaking kasiyahan sa amin na magkaroon muli ng mananampalataya sa Canada.
Doon sa lahat na nagustuhan ang aming mga imahen, mga relihiyosong seremonya, sagradong musika, at iba pa, masasabi namin na ang lahat ng ito ay bunga ng pagdarasal at penitensya, mahigpit na isinasabuhay ng mga kasapi ng Palmaryanong Simbahan. Kung mayroon mang nais na maging kasapi sa tunay na kulungan ng tupa ng Ating Panginoong Hesukristo, dapat nilang malaman na ang Palmaryanong Simbahan ay inoobliga ang lahat ng mananampalataya nito na laging manamit ayon sa pamantayan ng Palmaryano sa pagiging desenteng Kristiyano, na maliwanag na inilarawan sa aming website. Gayundin, para sa aming mananampalataya, ay may obligasyong magdasal lagi, araw-araw, ng Banal na Rosaryo Penitensyal. Ang dalawang puntong ito ay pinakamahalagang mga punto para doon sa mga nais na maging kasapi ng Palmaryanong Simbahan. Ang Banal na Rosaryo Penitensyal, na tinatawag ding Rosaryo ni Padre Pio, ay isang pinanggagalingan ng liwanag para maunawaaan ang gawaing ito ng Diyos.
Nais naming madagdagan pa ng marami ang bilang ng mga lenguwahe sa web page na ito. Sa lalong madaling panahon ang aming mga limbag ay magkakaroon na sa Polish at, sa kalooban ng Diyos, ay maililimbag na rin ito sa Italyan. Nais naming lubos na kung may mga taong maaaring magsalin sa Portuguese na makatutulong sa amin, dahil napakarami ang nais na magbasa ng aming mga publikasyon sa Portuguese.
Sa wakas, kami ay lubos na nagpapasalamat sa mga tagapagsalin sa Polish na tumutulong sa atin.