Ikalabintatlong Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan – Iglesia Catolica Palmariana

Ikalabintatlong Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Sa ikalabintatlong ulat na ito ng Palmaryanong website, ay nais naming magpasalamat sa Diyos, sa Birheng Maria at San Jose sa pag-akit ng napakaraming mga tao sa pamamagitan ng website na ito tungo sa liwanag ng Tunay na Simbahan. Maliwanag na ang interes sa Palmaryanong Simbahan ay lumalakas. Sa pamamagitan ng aming apostolado, ang liwanag ay nagpakita sa loob ng kadiliman na sa kasalukuyan ay naghahari sa mundo. Sa madaling panahon ay makikita ninyo kung paano ang Palmaryanong apostolado ay magiging isang nag-aalab na apoy ng Pananampalataya, Pag-asa at Pagmamahal, na yumayakap sa mga bansa, nagdadala ng maraming mga kaluluwa sa paanan ng Mabuting Pastol, si Hesukristo. Marami na ang kumilala na ang daan patungo sa Diyos ay sa pamamagitan ng Banal na Palmaryano Katolikong Simbahan. Nakikita namin nang may optimismo ang tagumpay ng Banal na Palmaryanong Simbahan sa ilalim ng epektibong pamamatnubay ng Bikaryo ni Kristo, Ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III, maluwalhating naghahari. Kahi’t na ang Impiyerno ay sinusubukang sirain ang Tunay na Simbahan ni Kristo, ito ay hindi magtatagumpay. Ang Palmaryanong Simbahan ay magiging maluwalhati at matagumpay, tulad ng utos ng Diyos sa Banal na Kasulatan.

Sa huling buwan na ito ng Disyembre, ay nagkaroon ng interesanteng mga pagbabago sa bilang noong mga sumusunod sa aming website. Kailan lamang, ang Argentina ay ang bansang bumibisita sa aming site nang pinakamadalas at sa ngayon ay umuukupa ng unang puwesto. Ang Espanya ay nasa pangalawang puwesto at ang Brazil ay naungusan na ang Estados Unidos at umakyat sa pangatlong puwesto.

Narito ang listahan ng pangunahing tatlumpung mga bansang bumisita sa aming website nang pinakamadalas:

1.Argentina11.Poland21.The Ivory Coast
2.Espanya12.Pilipinas22.Cameroon
3.Brazil13.United Kingdom23.Chile
4.Estados Unidos14.Italya24.Austria
5.Mehiko15.Kenya25.Portugal
6.Nigeria16.Irlanda26.Switzerland
7.India17.Congo – Kinshasa27.Ecuador
8.Alemanya18.Canada28.Malta
9.Columbia19.Peru29Uganda
10.Pransya20.Rusya30.Dominican Republic

Ipaliliwanag namin nang eksakto kung ano ang balak ng Palmaryanong apostolado at ang gawain ng Aksyon Palmaryano Katoliko. Ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan ay isang maliit na Simbahan kumpara sa maraming iba. Magiging mali kung iisiping kami ay naghahanap ng mga tao para mas yumaman o ipagpatuloy ang Banal na Pagsambang puno ng mga tao at sa gayon ay ipakita sa mundo ang aming kahalagahan. Una, nais naming isakatuparan ang Kalooban ng Diyos. Kalooban Niyang ang lahat ng mga kaluluwa ay magkaroon ng oportunidad para iligtas ang kanilang mga sarili, at para matamo ito, nais ng Diyos na ang lahat ay malaman eksakto kung nasaan ang tunay na daan sa layuning iyon. Ang Ispiritu Santo ay laging nagtuturo ng Katotohanan. At para kanino ang Ispiritu Santo ay nagpupukaw ng tunay na doktrina, ng matuwid na landas? Buweno, sa Kanyang Simbahan. Ang Simbahan ay ang Mistikal na Katawan ni Kristo. Sa kaluluwa ng mga kasapi ng Tunay na Simbahan, ang Ispiritu Santo, Banal na Pag-ibig, ay presente. Sa pamamagitan ng Bikaryo ni Kristo, ang Ispiritu Santo ay inaakay ang Simbahan para sundin ang pinakaangkop na daan sa mga panahong ito. Ang aming apostolado ay para sa lahat ng mga tao. Inihahain namin sa lahat ang oportunidad para pumasok sa Tunay na Simbahan, sa kondisyong aalisan nila ang kanilang mga sarili ng lahat ng mga bagay na hindi tinatanggap ng Diyos sa loob nito. Ipinaaalala namin sa lahat ang pangungusap sa Banal na Palmaryanong Bibliya na mababasa: “Mas madali para sa isang kamelyo ang dumaan sa ‘Butas ng karayom’, kaysa sa isang taong labis na nakadikit sa mga bagay sa mundong ito para makapasok sa Kaharian sa Langit.”

Buweno, kapareho rin nito ang kagustuhang pumasok sa Palmaryano Katolikong Simbahan. Mas madali para sa isang kamelyo ang pumasok sa Butas ng Karayom, kaysa sa isang taong labis-labis na nakadikit sa o pinahahalagahan ang mga bagay sa mundong ito para pumasok sa Tunay na Simbahan ni Kristo, na ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan. Nililiwanag namin kung ano ang ibig sabihin ni Kristo sa pariralang ito: ang pintuan ng pader ng Jerusalem ay tinatawag na Butas ng Karayom, dahil sa hugis nito na nakaarko, napakaliit na kung kaya ang may pangargang kamelyo ay hindi makapapasok dito; nguni’t kung walang pangarga ito ay makapapasok. Sa makasaysayang panahong ito ng Simbahan ni Kristo, para makapasok ang tao sa Palmaryanong Simbahan, dapat niyang alisan ang kanyang sarili ng maraming mga bagay-bagay na may kinalaman sa mundo para maging isang kasapi nito. Ang iba ay magsasabing wala kaming maraming kombersyon, at pagtatawanan nila ito, subali’t ang katotohanan ay marami ang nais nito.

Tumanggi kami sa mga alok na pera mula sa kilalang relihiyosong grupo na nais maging bahagi ng Palmaryanong Simbahan sa ilalim ng pamumuno ng Kanyang Kabanalan Papa Pedro III. Tinanggihan din namin ang maraming mga pari at iba’t-ibang mga organisasyong nais na maging bahagi ng Palmaryanong Simbahan. At bakit kami tumanggi? Sapagka’t ayaw nilang alisin sa kanilang mga sarili kung ano ang mga esensyal para maging kasapi ng Tunay na Simbahan ni Kristo. Walang maaaring tanggapin sa Palmaryanong Simbahan kung ang mga pinaiiral na pamantayan para sa kapakanang ispiritwal ng kanyang kaluluwa at ng iba pa sa Orden ay hindi maisakatuparan.

May isang taong tinawag ang kanyang sariling “infiltrator” o nakalusot sa Palmaryanong Simbahan at ni hindi man lamang gumawa ng unang hakbang para maging kasapi ng Palmaryanong Simbahan. Iyong mga nais mag-‘infiltrate’ o lumusot sa aming Relihiyosong Orden, ay naghahanda na mag-ukol ng maraming oras nang nakaluhod. Tingnan natin kung gaano sila tatagal. Tingnan natin kung pupuwede silang walang cell phone at iba pang modernong mga gadyet, na magwalis o kaya magbalat ng bawang at sibuyas sa pamamagitan ng kutsilyo sa kusina! Tingnan natin kung hanggang kailan sila tatagal sa pagtulong sa mga may kapansanang matatanda! Ang lahat ng ito ay ginagawa araw-araw ng aming mga relihiyoso, pati na ng mga Obispo.

Ang aming apostolado ay ang pagbigay sa lahat ng mga tao ng oportunidad para malaman ang Tunay na Simbahan ni Kristo. Hindi kami magpupuyat sa paghintay sa pagdating ng bagong mga kasapi. Ang aming mithiin ay isakatuparan ang Kalooban ng Diyos, ang makilala ang Kanyang Simbahan. Kung walang pumasok, siya nawa! Kaawa-awa sila, subali’t hindi kami magdurusa dahil dito. Kami ay natural nagagalak para sa ilang mga kombersyon na nagkaroon kami kailan lamang. Kami ay matutuwa kung may mas marami pa, nguni’t kung wala, kami ay mananatiling may kapayapaan sapagka’t nagawa namin ang aming makakaya para tulungan ang mga kaluluwang makombert.

Nagsimula kaming gumamit ng pag-aanunsyo para maragdagan ang bilang ng aming mga bisita sa aming website. Ito ay dagdag pa sa gastusin, subali’t gagawin namin ito nang dahil sa pagmamahal sa Diyos at para sa kabutihan ng sangkatauhan. Kung ang sinuman ay nais na magpaanunsiyo ng Palmaryanong Simbahan sa kanilang bansa, maaari silang gumawa ng donasyon para sa layuning iyon. Maaari rin kayong sumulat sa aming website, na tumutukoy sa mga lugar kung saan ninyo nais na gawin ang apostoladong ito. Hindi kami kumikita ng anumang pera sa paraang ito. Ang donasyong pera ay mapupunta sa Google, YouTube at marahil sa iba pang social networks. Totoong mas mura para sa amin ang magbayad dito kaysa sa pagpadala ng mga imprentang mga publikasyon sa pamamagitan ng koreo o sa pamamagitan ng iba pang paraan, dahil masyadong mahal ang pagpadala ng mga publikasyon sa normal na koreo. Dagdag pa, isang malaking bahagi ng Palmaryanong aklatan ang ibinibigay sa website. Isang kahanga-hangang aklatang puno ng iba’t-ibang ispiritwal na mga sulatin na may mas pangkalahatang impormasyon tungkol sa Palmaryanong Simbahan. Pasukin ninyo ang Palmaryanong aklatan at matututo kayo kung ano ang nararapat para makilala ang Diyos nang mas mabuti. Matatagpuan ninyo ang mga sipi buhat sa Banal na Palmaryanong Bibliya, ang mga Mensaheng Buhat sa Langit ng El Palmar, ang aklat dasalan, ang Palmaryanong Katekismo, at marami pang ibang mga aklat.