Ang Hunyo ay mas mapayapang buwan sa bilang ng mga bumisita sa aming website kumpara sa Mayo. Noong Mayo, maraming mga tao ang nakakita sa mga publikasyon tungkol sa Banal na Birheng Maria, ang ating maluwalhating Ina sa Langit, na nangangalaga sa atin nang labis mula sa Langit. Upang mapasaya ang ating Banal na Ina, sa darating na buwan ng Agosto kami ay patuloy na magpapakita sa Kanya ng aming walang kondisyong pagmamahal, nagpapasalamat sa Kanya para sa kanyang banal na pamamagitan sa harap ng Kanyang Anak para sa mga banepisyong nakuha Niya para sa amin. Ang Agosto ay isang napakaespesyal na buwan. Kami ay nag-oorganisa ng isang napakalaking apostolado sa internet upang ipalaganap ang debosyon sa Banal na Mukha ng Kanyang Banal na Anak na si Hesukristo, Tagapagligtas ng Sangkatauhan. Ang misyon ng Birheng Maria, Ina ni Hesus, ay upang dalhin tayo sa Kanyang Banal na Anak upang mahalin Siya nang maalab. Walang makapipigil sa amin sa pagsakatuparan ng apostoladong ito, na aming gagawin para sa lalo pang kaluwalhatian ng Diyos. Umaasa kaming malaking bilang ng mga tao ang makakikita ng Banal na Mukha ni Kristo at na sila ay sasamba at mamahalin Siya nang may malaking pagmamahal. Ang pagsamba sa Banal na Mukha ni Kristo ay magiging isang epektibong paraan upang makamtan ang awa ng Diyos at maging ligtas ang ating mga sarili sa COVID-19.
Ang mga Mensahe buhat sa Langit sa El Palmar de Troya na ibinigay kay Clemente Dominguez ay tumutukoy madalas tungkol sa Banal na Mukha ni Hesus. Sa isa sa mga iyon, ang Banal na Birheng Maria sa ilalim ng titulo ng Carmen ay nagsabi:
“Aking mga anak, kung hindi ninyo nauunawaan kung gaano kahalaga ang pagsamba sa Banal na Mukha ng Aking Banal na Anak, ganito ang isipin ninyo: Ako ay sasamba sa Banal na Mukha ng Ating Panginoong Hesukristo upang pasayahin ang Imakulado at Mapighating Puso ng Aking Ina, ang Pinakabanal na Birhen. Sa paraang ito ay mauunawaan ninyo na Ako ang daluyan kung saan patungo kay Hesus , ang iyong Tagapagligtas at Hari ng Sansinukob, sa kalooban ng Ama sa Langit.”
Ang Argentina ay patuloy sa pangunguna na may pinakamalaking bilang ng mga bumisita sa aming website. Ang Brazil ay palapit nang palapit sa pangalawang puwesto. Ang Espanya ay malapit nang mawala sa pangatlong puwesto dahil kami ay tumatanggap ng mas maraming mga bisita mula sa Mehiko. Ang Pilipinas ay nakuha na ang panlimang puwesto at ang isang bansang mabilis na umaakyat sa talaan kailan lamang ay ang Nicaragua.
Sa mahigit isang taon at kalahati, ang Simbahan ni Kristo ay nagkaroon ng sarili nitong website. Paunti-unti, ang Palmaryanong Simbahan ay nakikilala na sa mga bansa na hindi man lamang kami nagkaroon ng komunikasyon sa nakaraan, tulad halimbawa ng Congo-Kinshasa, Rwanda at Madagascar, kasama ang iba pa.
Ang Palmaryanong website sa katotohanan ay ang webpage ni Kristo sapagka’t ang lahat ng mga lathala dito ay pinukaw ng Ispiritu Santo. Kung ganoon, masasabi sa katotohanan na ito ay website ng Langit. Ito ay kung saan ang karunungan upang marating ang eternal na kaligtasan ay matatagpuan. Maaari ninyong mabasa ang Palmaryanong Katekismo upang maturuan ang inyong sarili sa Doktrina ng Simbahan at matuto kung paano ang bawa’t Kristiyano ay kumilos nang wasto. Ang kaligtasan ng iyong kaluluwa ay ang pangunahing bagay sa bawa’t nilalang na tao. Dapat nating hanapin at gawin ang ispiritwal na buhay na magdadala sa ating kaluluwa sa eternal na kaligtasan. Ang materyal na mga bagay sa mundong ito ay makapagsisilbi lamang sa atin sa napakalimitadong paraan. Ang lahat sa tamang sukat lamang. Alalahanin ang tinuran ni San Agustin nang sinabi niya: “Alagaan ang iyong katawan na para bang ikaw ay mabubuhay nang walang hanggan. Alagaan ang iyong kaluluwa na para bang ikaw ay mamamatay na bukas.”
Sa kabilang banda, totoong may mga taong may mabuting pananampalataya na naglalathala ng relihiyosong mga artikulo sa internet at social media na nagsisikap na tulungan ang mga kaluluwa sa ispiritwal na paraan. Nguni’t sa pagkakaalam na ang romano batikanong simbahan ay tinalikuran ang Katolisismo sa nakaraang mga taon, tanging sa loob ng Palmaryano Katolikong Simbahan ang makapagtuturo ng daan patungo sa Langit ay matatagpuan. Ang lahat ng iba pang mga daan, gaano man kabuti at katalino kung titingnan, ay magdadala ng mga kaluluwa sa Purgatoryo – ibig sabihin, natural, kung ang kaluluwa sa kanyang partikular na paghukom ay tinanggap ang diskurso ng Banal na Maria. Ang Palmaryanong Simbahan ay ang tanging Simbahan na maaaring maggawad ng Banal na mga Sakramento, at kung ganoon ang pagiging kasapi sa Simbahang ito ay nagiging madali upang makapunta direkta sa Langit na hindi na kailangang dumaan sa Purgatoryo. Ang Diyos, walang hanggan ang kapatawaran at awa, ay ibinigay sa Kanyang Simbahan ang kapangyarihan ng mga indulhensiya, upang ang mananampalataya na nais makinabang sa mga ito ay malinis ang kanilang mga sarili dito sa mundo at maligtas sila sa teribleng parusa sa Purgatoryo.
Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga bisita:
1. | Argentina | 11. | Alemanya | 21. | Nicaragua |
2. | Brazil | 12. | Pransya | 22. | Ivory Coast |
3. | Espanya | 13. | Poland | 23. | Paraguay |
4. | Mehiko | 14. | Cameroon | 24. | Dominican Republic |
5. | Pilipinas | 15. | Congo – Kinshasa | 25. | Canada |
6. | Estados Unidos | 16. | United Kingdom | 26. | Irlanda |
7. | Colombia | 17. | Kenya | 27. | El Salvador |
8. | India | 18. | Chile | 28. | Venezuela |
9. | Peru | 19. | Italya | 29. | Rusya |
10. | Nigeria | 20. | Ecuador | 30. | Guatemala |
Ang Palmaryano Katolikong Simbahan, ipinakikita ang Kanyang pagmamahal para sa kaluwalhatian ng mga bagay tungkol sa Diyos, ay tumatawag ng atensiyon ng maraming taong interesado sa relihiyon. Sa pangkalahatan, sila ang mga taong nagpopropeso ng Katolisismo, subali’t kung minsan sila ay ang mga taong iba ang relihiyon. Sa kasalukuyan, walang malaking grupo ng mga tao ang gumawa ng desisyon na pumasok sa Tunay na Simbahan ni Kristo. May isang malaking grupong napakainteresadong maging parte ng Palmaryanong mananampalataya at kami ay umaasang sasamantalahin nila ang oportunidad na ito at hindi umatras sa huling sandali. Ipinagkakatiwala namin ang misyong ito sa Ina ng Diyos, ang Birheng Maria, upang, sa hindi malayong araw, ay maisusulat namin sa darating na mga ulat ang tungkol sa pakikiisa ng bagong mananampalataya sa Palmaryanong Simbahan. Maraming mga pari ang sumulat para makipag-ugnayan sa amin. Gayunman, mahirap pa para sa kanila na iwanan ang lahat at sundan ang Tunay na Bikaryo ni Kristo, ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III.
Doon sa lahat ng interesadong sumunod sa Palmaryanong Pananampalataya, na naniniwala na posibleng maging mananampalataya sa Palmaryanong Simbahan habang sumusumunod sa madali at komportableng daang ibinibigay ng kuraptong mundong ito, ipinapaalaala namin sainyo ang kuwento tungkol sa isang mayamang kabataang lalake mula sa Bagong Tipan. Isang malungkot na katotohanan na nauulit sa mga kaluluwang pabaya, na sa mga panahong ito ng ispiritwal na paghina ay hindi nagpasiyang baguhin ang kanilang mga buhay:
“Si Hesus ay naghanap sa paligid at nakitang umalis na ang kabataang lalake, ay nagsabi sa Kanyang mga Apostoles at mga disipulos: ‘Tunay na sinasabi Ko sainyo: O, Gaano kahirap para roon sa mga may kayamanan ang pumasok sa Kaharian ng Diyos!’ At habang ang mga Apostoles at mga disipulos ay namangha sa mga salita ng kanilang Maestro, Sinabihan Niya silang muli: ‘Maliit na mga anak, gaano kahirap para roon sa nagtitiwala lamang sa kayamanan, at nabubuhay na nakakapit doon, ang pumasok sa Kaharian ng Diyos! Mas madali pa para sa isang kamelyo ang dumaan sa ‘Butas ng Karayom’, kaysa isang tao na labis na nakakapit sa mga bagay sa mundong ito ang pumasok sa Kaharian ng Langit.’ Tinutukoy ni Hesus ang lagusan sa pader ng Herusalem na tinatawag na ‘Mata ng Karayom’ dahil sa hugis ng arko nito. Ang lagusan ay napakakipot kung kaya ang kamelyo na may pangarga ay hindi maaaring makadaan, nguni’t kung walang pangarga ay makakadaan.”
Hindi lamang ang pagiging nakakapit sa materyal na mga bagay ang sagabal sa mga pari sa labas ng Palmaryanong Simbahan sa pagpasok sa aming Relihiyosong Orden, subali’t ang pagiging kapit o dikit sa komportableng buhay rin. Ang Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha ay isang Relihyosong Orden ng maraming dalangin at penitensiya. Isang Relihiyosong Orden na malaki ang pagtalima at dedikasyon sa Diyos at sa Banal na Birhen. Masasabi nang may katiyakan na ito ay isang mahirap na buhay. Sa kabilang banda, ito ay isang buhay ng malaking kapayapaan at ispiritwal na konsolasyon para roon sa inilaan ang kanilang mga sarili sa pagsakatuparan sa Banal na Patakaran ng pinagpalang Orden na ito. Ang Banal na Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha na ito ay nagpapabanal sa mga kaluluwa. Sa dahilang ito, malaking bilang ng mga relihiyosong mga pari at mga madreng namatay sa loob ng aming Carmelite Order ang nakanonisa pagkaraan ng kanilag kamatayan at umaasa kami na marami pa ang makatatamo ng grasyang ito.
Ang aming website sa ngayon ay nakalathala na rin sa Russian, sa gayon ay pagtaas sa bilang ng pagsalin sa ibang mga wika. Dahil sa marami na kaming bilang ng mga dokumentong naisalin sa Russian, ang Aksiyon Palmaryano Katoliko ay maglulunsad ng isang mahalagang apostolado sa Russia. Sa buwan ng Agosto, ay umaasa kami na ang mga Russo, higit sa lahat, ay malalaman ang pagkakaroon ng Tunay na Simbahan ni Kristo. Sa pamamagitan ng Banal na Mukha ni Hesus at ng magandang Imahen ng Ating Ina ng Palmar Koronada, ay maipaaalam namin sa maraming mga Russians ang pagkakaroon ng Tunay na Katoliko Tradisyonal na Simbahan sa lahat ng panahon. Magtitiwala kami sa Pinakabanal na San Jose ng Palmar Koronado na bibigyan ang apostoladong ito ng malaking tagumpay.