Muli, kami ay magbibigay ng pinakahuling balita mula sa opisyal na Palmaryanong website: direktang Inspirasyon mula sa Banal na Ispiritu upang ipalaganap ang Tunay na Pananampalataya kay Kristo sa buong mundo. Kami ay lubos na nasisiyahan sa bilang ng mga taong bumisita sa amin sa buwan na ito at walang dudang ang aming apostolado ay magreresulta sa milyong mga pagbisita sa hindi malayong hinaharap. May ibang mga bansang bumisita sa amin nang mas madalas kaysa iba, subali’t umaasa kaming masolusyonan namin ang sitwasyong ito sa pag-aaral ng mga bagong paraan sa pagsasagawa ng apostolado. Sa kabila ng masamang publisidad na umiiral laban sa Palmaryanong Simbahan, kami ay umaasang mapagtatagumpayan namin ito sa tulong ng Diyos, pinili naming magkaroon ng kontak sa mga taong masunurin kay Kristo at kay Maria.
Kailan lamang, maraming bilang ng mga Espanyol ang bumisita sa aming website at sila ay nangunguna na sa talaan ng mga bumisita. Ang Brazil, Argentina at Mehiko ay ang sumunod na mga bansang bumisita sa amin nang mas madalas. Mula sa Colombia, maraming bilang na rin ang pumapasok araw-araw. Kailan lamang, isang Palmaryanong misyonero ang dumalaw sa bansang ito, naghasik ng mga butil para sa isang dakilang apostolado sa hinaharap. Ang Colombia ay ang bansa kung saan si Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila ay kinoronahan bilang Kahalili sa Upuan ni San Pedro, direktamente ng Ating Panginoong Hesukristo, noong Agosto 6, 1978. Ang pangunahing misyong isinagawa ng Palmaryanong misyonerong iyon sa Colombia ay ang pagdaos ng Banal na Sakripisyo ng Misa. Hindi magtatagal, sa tulong ng Ina ng Diyos, ay magkakaroon ng mga kumbersiyon sa Colombia at magtatayo kami ng magagandang Palmaryanong mga Kapilya.
Sa kabila ng katotohanang ang Mehiko ay hindi pa nagbubunga ng kumbersiyong nais namin, kami ay umaasang makakita ng radikal na pagbabago sa bansang iyon sa madaling panahon. Doon, tulad ng sa ibang mga bansa, kami ay nakipag-ugnayan sa maraming mga taong nagmamahal sa Palmaryanong Simbahan. Lohikal, dahil sila ay mga nilalang na mas masunurin sa Diyos, ang kanilang mga kaluluwa ay may nag-aalab na naisin para makaanib sa sa Tunay na Simbahan, kung saan ang kagandahan ng Banal na Pagsamba ay nagniningning. Iyon na: Ang Maluwalhating Palmaryanong Simbahan, pinamumunuan ng Kanyang Kabanalan Papa Pedro III, patuloy na hindi nasasaktan sa gitna ng nagngangalit na bagyo ng mga atake mula sa kanyang mga kaaway at dinadala ang Simbahan ni Kristo sa isang magandang daungan, dumaraan sa pagitan ng dalawang haligi: ang Banal na Eukaristiya at ang Pinagpalang Birheng Maria, tulad ng propesiya ni San Juan Bosco sa kanyang mga panaginip. Ang Palmaryanong Simbahan ay inilaan ng Diyos para sa apokaliptikong mga panahong ito; ito ang ganda ng magaganda. Ang mabuhay sa Palmaryanong Kabanalan ay nararamdamang kaligayahan sa kaluluwa. Ito ay ang pagiging mapayapa sa Diyos at sa Pinagpalang Birheng Maria.
Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansang bumisita sa amin nang pinakamadalas:
1. | Espanya | 11. | Poland | 21. | Rusya |
2. | Argentina | 12. | Pransya | 22. | Chile |
3. | Brazil | 13. | United Kingdom | 23. | Cameroon |
4. | Mehiko | 14. | Congo – Kinshasa | 24. | Ecuador |
5. | Estados Unidos | 15. | Kenya | 25. | Dominican Republic |
6. | India | 16. | Italya | 26. | Portugal |
7. | Nigeria | 17. | Peru | 27. | Austria |
8. | Colombia | 18. | Cote d’Ivoire | 28. | Switzerland |
9. | Pilipinas | 19. | Irlanda | 29 | Guatemala |
10. | Alemanya | 20. | Canada | 30. | Malta |
Hindi kami dapat mag-angkin ng tagumpay dahil sa bilang ng mga taong bumibisita sa aming website araw-araw. Gayunman, isang napakamakapangyarihang sandata na ipagtanggol ang Palmaryano Katolikong Simbahan laban sa napakaraming mga pag-atakeng natatanggap nito buhat sa mga taong may masamang hangarin. Ang Palmaryanong Simbahan ay dumaan na sa mahirap na mga sandali, nguni’t nitong nakaraan para bang ang impiyerno ay nagkaisa higit kailanman para wasakin ang Simbahan. Ang impiyerno ay umiiral at alam din namin na maraming mga tao ang inudyukan ng demoyo para manggulo, na may layuning siraan ang Palmaryano Katolikong Simbahan. Sa nakaraan, ang Sentro ng Katolikong Simbahan ay sa Roma, at nang ang Roma ay hindi tumupad sa halos dalawang libong taong tradisyon na ipinagtanggol ng mga Papa na matalinong gumabay dito, ang Katolikong Simbahan, sa pamamagitan ng direktang pamamagitan ng Ating Panginoong Hesukristo, ay inilipat ito sa Palmar de Troya, Sevilla, Espanya. Bakit ang impiyerno ay labis na nasusuklam sa Palmaryanong Simbahan?
Buweno, ang kasagutan ay napakaliwanag para roon sa nais na makakita: Kung ang Palmaryanong Simbahan ay magmapuri sa kasalukuyang mundo, ito ay hindi uusigin kailanman. Ito ay magiging isa sa maraming huwad na mga simbahang mayroon ngayon. Ang Palmaryanong Simbahan ay ang tanging balwarte ng Katolikong Pananampalataya na nagpapatuloy sa dalawang libong taon ng Katolikong tradisyon nang walang paglagay sa kompromiso, at sa galit ng demonyo ay nais itong sirain. Kinakailangang pagtibayin na, sa loob ng Palmaryano Katolikong Simbahan, ang pagdarasal at penitensiya ay patuloy na isinasagawa na may layuning magligtas ng maraming mga kaluluwa. Ang pangunahing misyon ng Palmaryano Katolikong Simbahan ay ang magligtas ng mga kaluluwa. Ito ang dahilan kung bakit si Satanas ay nasusuklam sa Palmaryanong Simbahan, sapagka’t alam niyang ang Palmaryanong Simbahan ay nag-aalis ng mga kaluluwa buhat sa kanyang malupit na kapangyarihan. Hindi namin kinokonsidera ang aming mga sarili bilang mga Santo, wala kaming sinag sa ulo, kami ay laman at dugo. Naghahanap kami ng kabanalan, nguni’t ang daan ay napakahaba at napakaraming mga bato. Walang banal hanggang sila ay hindi makarating sa Langit pagkaraang mamatay.
Ang Palmaryanong Simbahan ay may mga relihiyoso, mga madre at mananampalatayang labis na dedikado sa panalangin at penitensiya. Ang mga kaluluwang ito ay labis na nakalulugod sa mga mata ng Diyos. Ang kanilang mga sakripisyo ay tumutulong sa pagligtas ng mga kaluluwa para makamit nila ang Langit nang walang hanggan. Ito ang pagmamahal sa lahat ng pagmamahal: ang paghahanap sa eternal na kaligtasan ng ibang mga kaluluwa. Kung ang isa sa mga relihiyoso, mga madre o mananampalatayang ito ay nakagagawa ng mga pagkakamali o kapabayaan na ipinagbabawal ng Diyos, ito ay hindi nakababawas sa halaga ng kanilang pakikipagtulungan kay Kristo at Maria sa gawain ng pagligtas sa mga kaluluwa. Ang paghahanap ng mga depekto sa mga kasapi ng Simbahan upang magtaguyod ng video at sa paraang ito ay libakin ang mga kasapi ng Palmaryanong Simbahan ay isang gawaing nagmula sa impiyerno upang muling makagawa ng kasuklam-suklam na kapaligiran laban sa Mistikal na Katawan ni Kristo, na ang Simbahan. Sinabi ni Kristo: “Hayaang ang sinumang hindi nagkasala, ang magpukol ng unang bato.” Ang lahat ng sinabi ng media laban sa amin ay napapalooban ng maraming mga kasinungalingan, paninira, eksaherasyon at inggit. Sa malao’t madali, ang Diyos mismo ang bahalang magparusa nang may Banal na Hustisya sa mga sinungaling, inggiterong maninirang-puring mga ito, na nabubuhay lamang para sirain ang Banal na Simbahan sapagka’t sila ay walang kapayapaan sa kanilang mga konsiyensya at hindi magkakaroon kailanman.
Kami ay hindi magsasawang banggitin na sa opisyal na website ng Palmaryanong Simbahan ay may isang seksyon na malinaw na nagpapaliwanag kung “Sino Kami?” Kami ay espesyalmenteng nagmamahal sa Pinagpalang Birheng Maria. Tulad ng nakaraan sa buong kasaysayan ng Simbahan ni Kristo, ang mga kaaway ay susubuking sirain kami. Marahil sila ay magtatagumpay sa ilang pagkakataon sa kapahintulutan ng Diyos, subali’t magkagayon man, ang Birheng Maria, Ina ng Diyos, ay lagi nang nasa aming panig, ginagabayan kami at pinatatatag kami, bilang siya nga ay aming Ina, at pinangangalagaan ang Palmaryanong Simbahan sa lahat ng panahon. Kung kaya hindi kami nagpupuyat sa mga atake buhat sa aming mga kaaway. Maria! Mula sa Iyong Pinakamalinis na mga Kamay kami ay makatatanggap ng mga grasyang kinakailangan upang patatagin ang aming mga sarili sa Pananampalataya at sa gayon ay patuloy na ipagdasal ang aming mga tagausig. Subali’t mag-ingat: Ang Diyos ay nagpapanatili ng malaking pasensiya sa kanyang mga kaaway, nguni’t pag ito ay naubos na, si Kristo ay paparusahan nang mahigpit iyong mga naghahangad na sirain ang Kanyang pinakamamahal na Simbahan. Sa bandang huli, ang Palmaryanong Simbahan ay magtatagumpay sapagka’t ang Banal na Birheng Maria ay umaasa sa Banal na Kamay ni Kristo, na gumagabay at ipinagtatanggol kami sa lahat ng panahon.
Sa pagtulong sa pagtanggol sa Banal na Simbahan laban sa mga kaaway, ang Diyos ay ginagamit ang Siyam na Koro ng mga Anghel sa Langit para sa kanyang Simbahan. Napakagandang proteksiyon. Ang rebelasyong ito ay pumupuno sa amin ng kapayapaan. Ang mga Anghel sa Langit, bumaba sa mundo at tinatakpan ang Palmaryanong Simbahan sa ilalim ng kanilang pangangalaga, bumuo ng isang maharlikang hukbo na epektibong inaalisan ng kakayanan iyong mga nais na sumira sa Simbahan.
Sa pagtatapos, ang aming Facebook page ay nagbunga ng inaasahang mga resulta at ilang libo na ang bumisita sa amin at nagustuhan ang aming mga paskil. Hindi natin dapat kalimutan na ang hinaharap ng Palmaryanong Simbahan ay tanging nasa mga kamay ng Diyos at ng Banal na Birhen. Sa Maluwalhating Taon na ito ng Banal Na Mukha, ang Palmaryanong Simbahan ay lalo pang makikilala.
Sa malas, para bang ang mga kaaway ng Simbahan ni Kristo ay umaabante sa social media sa kanilang mga paskil na nakagigilalas. Hayaang magpakilala sila nang malaya at magsaya. Sa eksaktong sandali kapag si Kristo, Makapangyarihan, ay mamagitan at ipahayag sa mundo na ang Palmaryanong Simbahan ay ang Kanyang Tunay na Simbahan. Hayaang ang Banal na Mukha ng Ating Panginoong Hesukristo ay Sambahin! Si Kristo ang may huling salita.