Ikalabingisang Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan – Iglesia Catolica Palmariana

Ikalabingisang Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Sa ikalabingisang ulat na ito sa Palmaryanong website, ay nais naming magpasalamat sa Diyos at sa Pinakabanal na Birheng Maria sa napakaespesyal na paraan para sa malaking tagumpay sa nakaraang buwan. Sa buwan ng Oktobre, ay may pagtaas ng mahigit sa 100% ang mga bisita sa aming opisyal na website. Hindi pa natatagalan, ang bansang pinakamadalas bumisita sa amin ay ang Argentina, na nagtatapos halos araw-araw sa unang puwesto. Ngayon ang Argentina ay nasa pang-apat na puwesto na sa pangkalahatan, kinuha ang puwesto ng Alemanya. Ang Mehiko ay patuloy na tumataas ang kanyang presensya sa aming page na kumuha ng pang-anim na puwesto. Ang isa sa mga bansang bumibisita sa amin nang pinakamadalas ngayon ay ang Nigeria, na nasa ikasiyam na puwesto na at sa malas ay hindi magtatagal ito ay aakyat pa sa ranggo. Ang Kenya ay umaabante rin at ikalawa sa bansang may pinakamaraming mga Palmaryano sa Africa.

Ang Cameroon, Uganda at Tanzania ay malaki rin ang ipinagbago, napakabilis na nadaragdagan ang tala ng mga bumisita. Mayroon na lamang tatlong mga bansa o mga rehiyon ang hindi pa bumibisita sa aming website – ang mga Isla ng Falkland, Hilagang Korea at Svalbard.

Narito ang listahan ng tatlumpung pangunahing mga bansang bumisita sa aming website nang pinakamadalas:

1.Espanya11.Poland21.Cameroon
2.Estados Unidos12.Colombia22.Kenya
3.Brazil13.Irlandia23.Chile
4.Argentina14.Canada24.Congo –Kinshasa
5.Alemanya15.Pilipinas25.Australia
6.Mehiko16.Austria26.Ang Netherlands
7.Gran Britanya17.Switzerland27.Ang Ivory Coast
8.Pransya18.India28.Belgium
9.Nigeria19.Peru29Japan
10.Italya20.Portugal30.Ecuador

Iyong mga sumuskribi sa website ay makatatanggap ng mga notipikasyon ng bagong mga publikasyon nang may kadalasan. Kapalalabas pa lamang namin ng ikasampung sulat ng Santo Papa tungkol sa buhay ng Pagpari. Ang pangunahing dahilan sa pagpublika ng importanteng sulat na ito ay dahil sa matinding interes ng ilang tao sa pagpasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, partikular sa sangay ng mga lalake.

Ang mga nanood sa amin sa YouTube ay malaki rin ang itinaas noong Oktobre. Mas maraming mga tao ang nanood sa aming magandang mga video sa buwang ito kaysa sa kabuuan ng nagdaang walong buwan. Ang Aksyon Palmaryano Katoliko ay nagbabalak ng pangmalakihang apostolado para ang mga video ay makarating sa mga bansa nang mas madali sa lalong madaling panahon.

Maikling komentaryo tungkol sa mga reporter na sinubukang linlangin kami. Ang mga misyonerong Palmaryanong nagsisilbi sa mga taong interesadong malaman ang Tunay na Simbahan, sa pamamagitan ng kanilang buhay bilang Pari, ay may tulong at inspirasyon ng Espiritu Santo. Iyong mga sumusubok na libakin ang Palmaryanong Simbahan ay laging talunan sa bandang huli. May isang reporter ang gumawa ng isang video tungkol sa Palmaryanong Simbahan na gustong palabasing ito ay masama, subali’t sa parehong pagkakataon ay nakatulong din ito sa pagbabalita ng isang napakaimportanteng bagay. Dahil ang misyonero ay naghinalang ang kausap niya ay isang reporter, ay matalino niyang sinabihan siya na ang Palmaryanong Simbahan ay kahanga-hanga. Ang reporter ay inihayag ito sa video at sinabing ang pari ay nagsabing “ang Palmaryanong Simbahan ay kahanga-hanga.” Sa pagsabi nito, ang reporter ay naging isang apostol ng Palmaryanong Simbahan. Kami ay lubos na nagpapasalamat saiyo sa paghahayag ng katotohanang ito. Ang parehong reporter ay nagsabing siya ay nakalusot sa El Palmar, subali’t ang kanyang ginawa ay bumisita siya sa El Palmar tulad ng sinuman na maaaring bumisita. Ginamit niya ang salitang “nakalusot” para magmukhang importante at maakit ang mga taong panoorin ang kanyang mga video. At para sa higit pang benepisyo ng tunay na Simbahan ni Kristo, sinabi niyang siya ay nalulungkot na napakaraming mabuting mga tao sa Palmaryanong Simbahan. Isa pang katibayan na ang Palmaryanong Simbahan ay mabuti at ito ay gawa ng Diyos sapagka’t ang mga kasapi nito ay mabuti. Hindi posible na ang masamang Simbahan ay magkaroon ng ganoon kabuting mananampalataya. Muli, nagpapasalamat kami sa reporter na ito dahil sa mga katotohanang sinabi niya.

Sa susunod na taon, ang hula sa mga bibisita sa aming website ay sa pagitan ng kalahating milyon at isang milyong tao. Sa mga taong ito, isang maliit na porsiyento, sa kalooban ng Diyos, ang makukumbert sa Banal na Palmaryanong Simbahan. Ang Palmaryanong Simbahan ay para sa mga banal na tao, para sa mga taong nais mabuhay kaisa ni Hesus at ni Maria. Samantalang ang aming mga patakaran ay maaaring mahirap sa simula para sa isang nais na pumasok sa Tunay na Simbahan, ang krus na iyon ay magiging magaan sa pamamagitan ng pagkaramdam sa kaligayahang mabuhay sa Grasya ng Diyos. Ang kaligayahan ng nasa Estado ng Grasya ay hindi matutumbasan ang halaga. Ang maihahandog ng Simbahan sa mga kaluluwang nais na gawing banal ang kanilang mga sarili ay ang Mistikal na Kasunduang Pagpapakasal kay Kristo at kay Maria. Ang Mistikal na Kasunduang Pagpapakasal kay Kristo at kay Maria ay ang pakikiisa sa Kanila na nakakamit sa pamamagitan ng Grasyang Nagpapabanal na natatanggap sa Binyag.

Noong 1982, ay inalis ni Papa San Gregoryo XVII ang kapangyarihan para magsagawa ng mga Sakramento mula sa mga pari sa labas ng Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan. Kung ganoon, ang lahat ng mga binyag na ginawa sa labas ng Palmaryanong Simbahan makaraan ang petsang ito ay hindi balido. Ang lahat ng ordinasyon sa pagpari na ginawa makaraan ang 1982 sa labas ng Palmaryanong Simbahan ay hindi rin balido. Kung kaya, kapag kayo ay pumunta sa inyong mga simbahan para dumalo sa Misa at tumanggap ng Banal na Komunyon, ay wala kayong natatanggap na anuman. Walang Misa sapagka’t iyong mga umaakto bilang mga pari ay hindi pari, dahil, alin sa sila ay hindi balidong inordinahan, o kung sila man ay naordinahan bago ang taong 1982, ang kanilang kapangyarihan ay binawi na sapagka’t sila ay nasa labas ng Tunay na Simbahan. Ang Tinapay na kanilang ibinibigay sa panahon ng komunyon ay hindi ang Katawan ni Kristo sapagka’t ito ay hindi balidong kinonsagra. Maraming mga dahilan para pumasok sa Palmaryanong Simbahan at sa gayon ay totoo at balidong makatanggap ng Banal na mga Sakramento. Lubos na mahalagang ipaliwanag na, sa pagpasok sa Palmaryano Katolikong Simbahan at sa pagtanggap ng Banal na Sakramento ng Binyag, siya ay nakatatanggap ng kapatawaran sa lahat ng kanyang mga kasalanan at ang lubos na pag-alis ng temporal na kaparusahang nararapat para sa mga kasalanang ito. Ibig sabihin, kung ang tao ay pumasok sa Palmaryanong Simbahan at tumanggap ng Banal na Sakramento ng Binyag, siya ay nasa posisyon nang direktang makapupunta sa Langit. Kung siya ay agad na mamatay makaraang mabinyagan, siya ay direktang makapupunta sa Langit na hindi na kailangang dumaan sa purgaturyo.

Ang Santo Papa ay nagsulat ng isang napakainteresanteng sulat tungkol sa Purgaturyo, na napakaimportanteng basahin nang maingat at may sigasig at ito ay nailathala na sa webpage na ito sa seksyon tungkol sa Kanyang Kabanalan Papa Pedro III, masayang naghahari. Marami ang ayaw maniwala sa purgaturyo, subali’t sila, dahil sa ayaw nilang maniwala, sila ay mapupunta roon nang matagal na panahon. Iyon ay, natural, kung nais nilang maligtas. Ang Purgaturyo ay umiiral, ang Impiyerno ay umiiral. Iyon ay tradisyonal na Katolikong doktrina, marahil sa maling mga turo ay nawala ang inyong kaalaman sa mga katotohanang ito.

Gaano kalaking grasya para maging unang kasapi ng tunay na Simbahan ni Kristo sa isang bansa! Kaunting mga tao lamang ang may interes sa mga lugar kung saan walang iba pa ang interesado, o sa mga lugar na kung saan sa kasalukuyan ay walang mga Palmaryano. Kahit na walang iba pa ang interesado, maaaring ikaw ang magiging unang Palmaryano sa iyong bansa. Iyon ay napakalaking pribilehiyo. Maraming mga tao ang nagbabasa sa mga ulat na ito na nakatira sa mga bansang kung saan ay walang mga Palmaryano.

Bawa’t isa sainyo , may pribilehiyong mga kaluluwa, ay may tungkuling sumagot sa panawagang ito ni Kristo at ni Maria at maging una sa inyong bansa, ang unang tumanggap sa kaluluwa ng presensya ni Kristo at ni Maria sa pamamagitan ng Banal na Sakramento ng Binyag. Ang isang binyag na kaluluwa ay tagapagdala ng kaluwalhatian at kasapi ng Mistikal na Katawan ni Kristo. Dapat nating pahalagahan ang panawagang ito na ginagawa ng Diyos saiyo at maghanap ng paraan para pumasok sa Kanyang Banal na Simbahan.

Kami ay nagbukas ng Twitter account sa English. Ang account ng Simbahan sa Instagram ay mayroon na sa Espanyol, English at Aleman. Kami ay patuloy na naglalagay ng maikling mga video at mga larawan para sa mga gumagamit ng mga social networks na ito. Sa pamamagitan nito ay hindi nangangahulugang inaakit namin ang mga tao na gumamit ng social networks, nguni’t, kung sila ay gumagamit na ng mga ito, hayaan silang makita rin ang mabuting mga bagay na aming inilalathala. Ganoon din, sa Pinterest. Mayroon na kaming maraming napakagagandang mga larawang nailathala na roon.

Ang Reyna ng Langit, ang Pinakabanal na Birheng Maria, ay nakatatanggap ng pinakamataas na posibleng benerasyon mula sa Banal na Palmaryanong Simbahan. Ang aming pagmamahal sa Kanya ay nakahihigit sa pagmamahal na natanggap niya sa alinmang panahon sa kasaysayan ng Simbahan, lalo na sa Holy Palmarian Councils, magagandang Marianong mga dogma ang nadepini. May mga pumupuna sa perang ginagasta namin sa Banal na Pagsamba, subali’t para sa aming Reyna sa Langit, ang lahat ng aming ginagasta ay kaunti lamang. Patuloy naming gagawin kung ano ang nakapagpapasaya sa Ina ng Diyos. Ang aming pagiging bukas-palad ay walang limitasyon sa pagsilbi sa Kanya bilang mga alipin sa buhay na ito para sa walang hanggang gantimpala. Sa loob ng Palmaryanong Simbahan, kami ay tumatamasa sa aming mga puso ng patuloy na pag-ulan ng mga biyaya na ibinubuhos Niya sa amin. Umaasa kaming ang iba ay magkaroon din nitong parehong kaligayahan. Kung kaya kami ay masigasig para ipalaganap ang partikular na debosyong ito na ngayon ay nais Niya, na nasa ilalim ng titulo ng Ating Ina ng El Palmar Koronada.

Sa mga social networks, sinasabi ng iba na nais naming manglansi ng tao. Ito ay hindi totoo. Nais naming ibahagi sa mga taong may mabuting kalooban, ang kaalaman tungkol sa mayamang doktrinang nagmula sa Banal na Palmaryanong mga Konseho tungkol sa Banal na Trinidad, tungkol sa kahalagahan ng paglayo sa lahat ng nakasasakit sa damdamin ng Diyos nang walang kinokonsiderang respeto sa tao. Nilalang ng Diyos ang tao na may malayang kaisipan, subali’t marami, sa halip na mahalin ang Diyos, ay minamahal ang nakasasakit sa damdamin Niya. Ipinatutupad namin ang pamantayan sa Kristiyanong pananamit sa Palmaryanong Simbahan at marami ang pinagtatawanan ito. Pagtawanan nila, subali’t hindi sila makababahagi sa panloob na kapayapaan at kaligayahang natatamasa noong mga nagtitiis sa mga sakripisyong ito para sa pagmamahal sa Diyos.

Nagpapasalamat kami roon sa lahat ng mga taong hinihikayat kami para magpatuloy sa mga serye ng mga video ng mga Palmaryanong Misyon sa buong mundo. Ang unang parte ng mga serye – Palmaryanong mga Misyon sa Africa – ay nakalathala na sa YouTube.