Ngayong tayo ay nasa ikalabingapat na buwan ng mga ulat, ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan ay natamo ang isa sa kanyang pinakaimportanteng layunin, ang ihain ang isang alternatibo sa gitna ng napakaraming huwad na mga relihiyong umiiral sa buong mundo. Kahit na kami ay nakasasagupa ng maraming mga kahirapan sa daang ito, ang apoy ng Banal na Ispiritu ay patuloy na nagtutulak sa Aksiyon Palmaryano Katoliko upang ituro sa sangkatauhan kung saan ang Tunay na Simbahan ni Kristo at ang Kanyang lehitimong Bikaryo, Ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III, ay matatagpuan. Ang Banal na Ispiritu ay ginagabayan ang Kanyang Simbahan para magpatuloy nang ligtas at matatag, kahit na sa gitna ng pinakamalaking kahirapan, tulad ng pagtawid ng mga Israelitas sa Red Sea nang ang tubig ay nahati. Buweno, ito ay magaganap sa Palmaryano Katolikong Simbahan. Siya ay patuloy na susulong, malakas at matibay, dahil sa ibabaw niya ay may isang misteryosong Kapang sumusuklob sa kanya, na nangangalaga sa kanya, na ginagawa siyang walang talo. Ang kapang ito ay Kapa sa Langit na laging pinananatili itong mapayapa, pinananatili ito sa estado ng hindi maipaliwanag na kasiyahan. Ang Kapang ito sa Langit may lubos na katiyakan ay ang Persona ng Banal na Birheng Maria, Reyna ng Langit at Lupa.
Nitong huling buwan ng Enero, ay nagkaroon ng interesanteng mga pagbabago sa bilang noong mga sumusunod sa aming website. Kailan lamang ang Brazil ay tinapos ang araw sa unang puwesto. Ang Argentina ay nananatiling ang bansang pinakamadalas bumisita sa amin, patuloy sa unang puwesto at lumalayo ng maraming libong mga bumisita. Sa pagitan ng 10% at 18% doon sa mga bumisita sa aming website ay muling bumisita. Ang Espanya sa ikalawang puwesto ay bumalik sa paglikha ng napakaimportanteng bilang salamat sa Diyos. Salamat sa mabuting loob na kaluluwa, dedikado sa pagtulong sa Palmaryaong Simbahan, kami ay nakapaglathala ng aming website sa Italian. Ngayon ay nakalathala na kami sa siyam na mga wika.
Narito ang listahan ng pangunahing tatlumpung mga bansang pinakamadalas bumisita sa aming website:
1. | Argentina | 11. | Poland | 21. | Rusya |
2. | Espanya | 12. | Pransya | 22. | Cameroon |
3. | Brazil | 13. | United Kingdom | 23. | Chile |
4. | Estados Unidos | 14. | Kenya | 24. | Ecuador |
5. | Mehiko | 15. | Congo – Kinshasa | 25. | Dominican Republic |
6. | India | 16. | Italya | 26. | Portugal |
7. | Nigeria | 17. | Peru | 27. | Austria |
8. | Colombia | 18. | Irlanda | 28. | Switzerland |
9. | Alemanya | 19. | Ivory Coast | 29 | Malta |
10. | Pilipinas | 20. | Canada | 30. | Guatemala |
Ilang pananalita tungkol sa Banal na Birheng Maria:
Ang Banal na Birheng Maria ay kahanga-hangang Ina na dapat nating laging sundan, tulad ng tupa na sumusunod sa pastol. Tiyak na dadalhin Niya tayo kay Hesus. Ang galing! Anong kasiyahan ang nararamdaman ng kaluluwang nagmamahal sa ating Ina sa Langit! Kapag ang ating mga isipan ay nagsisikap na makilala nang kilalang-kilala ang ating Birhen, ay makatatagpo tayo ng masaganang kaligayahan. Ang kaligayahan ay matatamo sa maayos na pagsasakatuparan sa ating mga obligasyon, tulad ng matalinong itinuro ni Haring Solomon. At ano ang mas mahalagang obligasyon mayroon kaysa sa paghahanap ng kabanalan? Ang pinakamaikling daan tungo sa kabanalan ay nasa total o ganap na pagsuko sa Ating Birhen. Hanapin natin ang Ating Birhen upang ang kapayapaan ni Kristo ay manatii sa ating mga kaluluwa. Ang kaligayahang nagmumula sa pagsilbi sa ating Birhen ay nagbubunga ng interior na epekto ng matinding pagmamahal sa Diyos. Kung kaya, Siya ang daan para matagpuan si Kristo, at ang daan para makilala nang lubos ang Diyos. Ang kasiyahang nararamdaman natin sa buhay na ito ay depende sa antas ng pagmamahal para sa Banal na Maria. Siya ang nagmamahal sa Diyos nang mas higit pa sa lahat ng ibang nilalang na pinagsama-sama. Siya ang Maestra sa Langit na nagtuturo sa kanyang mga anak na mahalin at bukas-palad na pagsilbihan ang Banal na Manunubos.
Nais niyang tayo ay magdasal ng madalas, nguni’t higit sa lahat ay nais niya ang dasal ng Banal na Rosaryo Penitensiyal. Dapat nating seryosohin ang tungkuling pagdasal ng Banal na Rosaryo Penitensiyal araw-araw, at huwag tumigil sa pagdarasal nito kahit pa tayo ay maraming ginagawa. Dapat nating arukin ang misteryo ng kanyang Ispiritwal na Pasyon na kanyang pinagdusahan kaisa sa kanyang Anak na si Kristo sa Kalbaryo. Bilang isang deboto ni Maria ay nangangahulugang pagbibigay sa kanya ng inyong pagtitiwala. Kapag dumating ang mga problema, ipagkatiwala ang mga iyon sa Kanya. Ang inyong ispiritwal at materyal na mga pangangailangan ay reresolbahin ng inyong Ina sa Langit. Ang lahat ay nakasalalay sa antas ng pagtitiwalang ibinibigay ninyo sa kanya.
Si San Jose ang isa sa nakaaalam kung paano itrato ang Ating Birhen nang may lahat ng karangalan at debosyong nararapat sa kanya. Si San Jose ang ating Maestro sa pagmamahal sa Ating Birhen. Kung kaya kinakailangan nating bumaling sa kanya upang turuan tayong magmahal sa Kanya tulad ng pagmamahal niya sa Kanya. Kinakailangan natin si San Jose dahil siya ang dakilang Tagapamagitan sa pagitan ng Birheng Ina ng Diyos at natin. Huwag nang gumawa pa ng ibang paraan, tanging ang Josepinong paraan. Magdasal nang madalas kay San Jose. Dapat ninyong malaman na nakikiusap kayo sa Pinuno ng Banal na Pamilya. Hindi natin dapat ipagwalang-bahala ang Josepinong debosyon. Kung makikita lamang ninyo ang kapangyarihan nitong Maluwalhating Santo, ay hindi na kayo mag-aatubiling ilagay ang inyong sarili sa ilalim ng kanyang proteksyon.
Ang Palmaryanong Simbahan ay gawain ng Diyos, isang napakaespesyal na gawain ng Banal na Birheng Maria, ating Ina at Protektor. Ang Palmaryanong Simbahan ay par ekselans na “Tagapagtanggol ng mga kaukulang karapatan ng Banal na Ina ng Diyos”. Ang mga kasapi ng Palmaryano Katolikong Simbahan ay mga alipin ng Banal na Birheng Maria. Sila ay nag-aawit ng mga Marianong himno nang ganoon na lamang ang kabanalang ipinahihiwatig, na kahit na iyong mga hindi nagmumula sa Palmaryanong Simbahan ay kumikilala sa ganda ng mga iyon. Kami ay kay Birheng Maria. Kami ang Marianong mga Apostoles ng Huling mga Panahon. Nasusulat sa mga propesiya na ang dakilang mga deboto ng Ina ng Diyos ay mabubuhay sa Huling mga Panahon, kapag ang malaking karamihan ng sangkatauhan ay teribleng nagkakasala sa Diyos. Ang pag-apostata ng romanong simbahan ay direktang responsable sa pagbagsak ng sangkatauhan.
Malugod naming tinatanggap ang Palmaryanong mananampalataya na bumalik sa Simbahan at iyong mga naghahandang bumalik. Kami ay labis na nagagalak sa bagong kawan. Umaasa kami na ang pagtatagumpay ng Banal na Palmaryanong Simbahan ay lalo pang magiging kahanga-hanga sa malapit na hinaharap. Higit sa lahat, dahil sa taong ito ay ipinagdiriwang namin ang Boda de Oro o Gintong Anibersaryo ng pagsasatrono ng Banal na Mukha ni Kristo sa Sagradong Lugar ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya noong 1970. Si Kristo, na patuloy na sumusuporta sa Kanyang Banal na Simbahan, ay maraming mga sorpresa para bigyan ng kasiyahan ang Kanyang pinakamamahal na mananampalataya sa Maluwalhating Palmaryanong Banal na Taon ng Banal na Mukha.