Ang buwan ng Mayo, buwan na dedikado sa Banal na Ispiritu at sa Banal na Birheng Maria, ay isang buwan na malaking tagumpay para sa Palmaryanong apostolado. Ang pangunahing layunin ng Aksyon Katoliko Palmaryanong mga gawain ay upang ipresenta ang malaking bilang ng mga tao sa Ina ng Diyos, sa ilalim ng Kanyang Matamis na Titulo ng Ating Ina ng Palmar Koronada. Ang bilang ng mga bumisita sa aming website ay dumagdag ng mahigit 35 porsyento noong Mayo kumpara sa Abril. Para sa buwan ng Hunyo, buwan na dedikado sa Sagradong Puso ni Hesus, umaasa kaming magpapatuloy na may napakalaking mga bilang. Daang libong mga tao ang makakikita sa mga video at mga larawan ng magandang imahen ng Ating Ina ng Palmar Koronada ang makikintal sa isip ang Kanyang ganda na labis na nakapagbibigay ng inspirasyon sa mga kaluluwa tungo sa kabanalan. Ang mga video Niya sinasaliwan ng Marianong mga himno ay nagdadala ng malaking kapayapaan sa kaluluwa. Dagdag pa, ang kasiyahang nararanasan kapag pinagmamasdan ang Reyna ng Langit, bihis bilang Unibersal na Emperatris ay hindi maipaliwanag.
Ang Argentina ay patuloy sa unang puwesto na may pinakamataas na bilang ng mga bumisita sa website. Ang Brasil ay nasa ikalawang puwesto, naungusan ang Espanya sa ikatlong puwesto. Maraming tao ang patuloy na pumapasok mula sa Brasil kaysa mula sa ibang bansa. Ang bilang ng mga bumisita mula sa Pilipinas ay napakataas kailan lamang, at may sorpresa ay natuklasan din namin na may ilang tao mula sa China ang bumisita sa Palmaryanong website.
Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansang may pinakamataas na bilang ng mga bumisita:
1. | Argentina | 11. | Alemanya | 21. | Ivory Coast |
2. | Brasil | 12. | Pransya | 22. | Dominican Republic |
3. | Espanya | 13. | Poland | 23. | Canada |
4. | Mehiko | 14. | Cameroon | 24. | Irlanda |
5. | Estados Unidos | 15. | Congo | 25. | El Salvador |
6. | Colombia | 16. | Kenya | 26. | Rusya |
7. | Pilipinas | 17. | United Kingdom | 27. | Nicaragua |
8. | India | 18. | Italya | 28. | Portugal |
9. | Nigeria | 19. | Ecuador | 29 | Guatemala |
10. | Peru | 20. | Chile | 30. | Paraguay |
Ang bilang ng mga taong sumusunod sa amin sa Facebook ay tumataas. Halos 60,000 mga tao ang aktibong sumusunod. Sa ngayon, mahigit na 10,000 katao na ang nagshare ng aming Facebook posts sa paglalagay ng mga iyon sa kanilang sariling pahina. Ang bawa’t taong naglalagay ng mga limbag ng Banal na Palmaryanong Simbahan sa kanilang page ay tunay na isang apostol. Kahit ang iba ay ginagawa ito na may masamang intensiyon, magkagayunman ang Diyos ay sinasamantala iyong “nakasisirang mga publisidad” tungkol sa Banal na Palmaryanong Simbahan upang palaganapin ang balita ng Tunay na Pananampalataya sa mas maraming tao. Kahanga-hangang pagnilayan kung paano ang Diyos ay nagtatrabaho, nagdadala ng mabuti mula sa masama. Halimbawa, iyong mga gumagawa ng mga video upang sirain ang Palmaryano Katolikong Simbahan ang kanilang mga video ay makararating sa isang malaking bilang ng mga tao. Kunyari makarating sila sa 100,000 mga tao at sa bilang na ito, 40,000 ay hindi pa narinig kailanman ang Palmaryanong Simbahan, kung kaya mayroon na ngayong 40,000 na taong maaakit sa Simbahan. Sa rason na ito, ang may gawa ng video ay nakagawa sa amin ng malaking pabor sa pagpapabatid doon sa 40,000 na mga tao na ang Palmaryanong Simbahan ay umiiral. Matalinong sinasabi na walang publisidad ay masamang publisidad. Isang tip mula sa mga dalubhasa ng publisidad para sa mga naninira sa amin: “ Kung ayaw ninyo sa isang tao, huwag mo siyang babanggitin. Balewalain mo siya. Alalahaning ang masamang publisidad ay publisidad din”, at huwag nating kalilimutan ang bantog na kasabihan ni Oscar Wilde na nagsabing: “May isang bagay lamang sa mundo na mas masama kaysa sa pinag-uusapan, at iyan ay ang hindi pinag-uusapan.” Ang importanteng bagay ay alam ng tao ang pagkakaroon ng Tunay na Simbahan, at buhat doon, ang bawat isa sa kanyang malayang kaisipan ay mapalalawak pa ang pag-imbestiga sa internet upang masagot ang kanilang kuryusidad o hangaring malaman pa nang mas higit ang tungkol sa Palmaryanong website, ang Liwanag ng Mundo.
Ang mga komentaryong nakasulat sa Facebook ay bumibilang ng ilang libo. Sa mga komentaryong ito, kapansin-pansing may labis na pagmamahal para sa Banal na Birheng Maria at maraming tao ang nananawagan sa Kanyang proteksiyon, lalo na laban sa corona virus. Narito ang tatlong mga halimbawa:
1) Pinagpalang Ina, ipamagitan mo po kami upang ang Aming Panginoong Hesukristo ay patigilin na itong pandemic na umaatake sa buong mundo. Tulungan mo po sila, Banal na Ina.
2) Birhen, nagpapasalamat ako saiyo sa araw na ito. Nagmamakaawa ako sainyo para sa pandemic na ito na tapusin na at para kami ay makalabas para magtrabaho para sa aming pangaraw-araw na pagkain.
3) Birhen, kayo ay mapaghimala at banal. Hinihingi ko sainyo na ipamagitan sa harap ng Panginoon upang patigilin na ang pandemic na ito sa bansang ito at sa lahat ng mga bansa. Amen.
Sa kasamaang palad, hindi lahat ng mga sumulat ay nagmamahal sa Reyna ng Langit – ang iba ay may katapangang sumulat laban sa Banal na Birhen. Ipagdarasal namin ang kaawa-awang ignoranteng mga taong ito. Nakapanghihinayang na hindi malaman kung paano pahalagahan ang ganoon kaekselenteng Ina tulad ni Maria na Pinakabanal!
Tungkol sa Twitter: Sa taong ito, mahigit sa 250,000 mga tao ang nakakita ng aming mga tweets o posts. Ang aming mga video sa Twitter ay pinanood ng35,000 na ulit. Sa sandaling ito, may Twitter kami sa Espanyol at Ingles lamang.
Tungkol sa Instagram: Sa Espanyol ito na ang pinakapopular sa Espanya, tapos sa Venezuela, Mehiko, Argentina at Colombia. Sa Ingles, ito ay pinakapopular sa Espanya, India, Estados Unidos, Brasil at Italya. Sa Aleman: Cameroon, Espanya, Brasil, Alemanya at India. Mahigit 2,000 katao ang sumusunod sa amin sa Instagram, nakatatanggap ng mga notisya ng lahat ng bagong mga posts. Ngayon ay mayroon na kaming mahigit sa 200 video at mga larawang nakalathala sa social network na ito. Kahit na ang bilang ay hindi gaanong malaki, kami ay nakatatanggap ng magagandang mga mensahe sa pamamagitan nito. Nakatanggap din kami ng mapanirang mga mensahe, subali’t kung minsan ang mga tao ay pinapalitan ng ilang mabuting mga pananalita ng pagpapaliwanag, kung minsan naman sila ay mas nagagalit. Ang may kababaang-loob ay mas kayanng tumanggap ng pagtatama o payo, samantalang ang mapagmataas ay nababalisa at ang kanilang galit ay nakikita sa mga salitang kanilang sinusulat.
Sa ngayon, ang Tunay na Simbahan ni Kristo ay tulad sa isang brilyanteng nababalot ng putik na nagtatago ng kinang nito sa ilalim. Ang nakikita sa unang tingin ay ang putik. Walang may gusto sa brilyante dahil hindi nila nakikita ang kinang nito, ang tanging nakikita nila ay ang kalabuan at gaspang ng nakaririmarim na balot nito. Tanging sa pag-alis ng nakapandidiring putik mapapahalagahan ang kadalisayan ng brilyante. Ang putik na ito ay nagtatakip sa kinang ng brilyante ay inirerepresenta ang media at ang lahat ng mga naglalathala ng mga video, mga dokumentaryo, at iba pa laban sa Palmaryano Katolikong Simbahan. Ang brilyante ay ang Simbahan ni Kristo, ang Banal na Palmaryanong Simbahan. Anong pagkakaiba mayroon sa pagitan ng Palmaryanong Simbahan at sa ibang mga simbahan? Buweno, ang pagkakaiba ay malinaw, at hindi ka na kinakailangang napakatalino para makilala na ang Palmaryanog Simbahan ay sumusunod sa banal na mga panuntunan ng mahigpit na buhay relihiyoso, na sa kasamaang-palad ay nawala na ng romanong simbahan sa matagal nang panahon sa pamamagitan ng progresibong mga repormang ginawa sa Roma pagkatapos ng Vatican Council II sa mga panuntunan ng lahat ng mga relihiyosong orden ng panahong iyon. Ang Palmaryanong Simbahan ay ang Simbahan ni Kristo, na pareho ng pagsasabing ang Palmaryanong Simbahan ay ang Mistikal na Katawan ni Kristo. Kung kaya, ang lahat ng mga kasapi nito ay bahagi ng isang ispiritwal na pamilya, at sa bawa’t isa sa kanila, si Kristo ay totoo at tunay na nananahan sa kanilang mga kaluluwa habang sila ay nasa Estado ng Grasya. At dahil si Kristo ay nananahan sa mga kaluluwa ng kanyang Mistikal na Katawan, ganoon din ang Ama at ang Banal na Ispiritu. Naroroon din ang presensya ng Reyna ng Langit, ang Banal na Birheng Maria. Kung kaya tinatawag namin ang Simbahan bilang isang brilyante, dahil ito ay isang bagay na itinatangi na ang lahat ay dapat umasam upang makasama. Ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay tumatamasa ng kapayapaan at ispiritwal na kaligayahan na mas superior sa kaligayahang idinudulot ng mundo. Ito ang dapat na asamin ng bawa’t nilalang, sa halip na mga banidad sa mundo. Kung kaya matalinong sinabi ni Solomon: “Banidad ng mga banidad, ang lahat banidad: Kung ang tao ay hindi gagamitin ang kanyang buhay sa pagsilbi sa Diyos, anong pangmatagalang benepisyo ang kanyang matatamo mula sa lahat ng mga gawaing pinagpaguran niya sa Mundo?”
Iyong mga may tunay na interes sa Banal na Palmaryanong Simbahan ay kinakailangang tumigil na sa pakikiisa sa pagsamba sa ibang mga relihiyon. Tulad ng alam na natin, noong ika-30 ng Hulyo 1982, si Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, sa pamamagitan ng Apostolic Decree, ay inalis ang kapangyarihan bilang mga pari mula sa lahat ng mga pari sa labas ng Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan. Kung ganoon, kahi’t na kayo ay nakakikita ng mga paring nakabihis upang magdaos ng Misa at inihahanda ang lahat sa kanilang mga simbahan upang magdaos, sila ay wala nang kapangyarihan upang magdaos ng Banal na Misa, at ang inyong nakikita ay isang akto ng idolatrya. Ang idolatrya ay ang pagsamba sa isang bagay maliban sa Diyos. Ang tinapay na ginagamit upang ikonsagra ng isang pari sa labas ng Palmaryanong Simbahan, ay nananatiling tinapay dahil sa labas ng Palmaryanong Simbahan ay ay wala nang balidong kapangyarihan upang magkonsagra at bigyan ng epekto ang pagiging Katawan ni Kristo ng tinapay. Ang mga Paring kasapi ng Banal na Palmaryanong Simbahan ay may kapangyarihang balidong magdaos ng Banal na Sakripisyo ng Misa at magsagawa ng ibang Banal na mga Sakramento. Iyong lahat ng nasa labas ng Palmaryanong Simbahan ay walang kapangyarihan upang magsagawa ng mga Sakramento. Malungkot, subali’t totoo. Ito ay isang parusang ipinataw ng Diyos para sa malakihang pag-apostata ng romanong simbahan.
Upang maremedyuhan itong malungkot na sitwasyon, ay may posibilidad para sa mga pari sa labas ng Palmaryanong Simbahan na matanggap ng Banal na Apostolikong Pamunuan dito sa El Palmar de Troya at pumasok sa Banal na Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha. Dito kayo ay balidong makatatanggap ng Banal na Orden at magdaos ng Banal na Misa, tunay na pagsamba sa Diyos. Ang matuwid na mga pari ay dapat magpakita ng halimbawa para sa kanilang mananampalataya. Kapag sila ay pumasok sa Palmaryanong Simbahan nang may matibay na paniniwala at tapang, marami sa kanilang mga legong mananampalataya ay susunod sa kanila. Naturalmente, sa karamihan sa mga napariwarang mga paring ito, mas magiging komportable para sa kanila ang manatili kung nasaan sila, namumuhay nang madali at natural na hindi gaanong mahalagang pamumuhay, kaysa pumasok sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha: isang Carmelitas na Relihiyosong Orden na maraming panalangin at penitensiya, na sinusunod ang kaparehong mga hakbang ni Santa Teresa ni Hesus, Repormadora ng Carmel. Gayunman, sa kabila ng banayad na mga kahirapan sa banal na buhay Carmelita na ito, malaking ispiritwal na kasiyahan ang natatagpuan sa pagiging kasapi sa prebilihiyosong Banal na Orden ng Carmel at paggawa ng malaking kabutihan sa mga kaluluwa. Magiging hindi mapapantayang oportunidad para sa lahat ng mga paring iyon na isapi ang kanilang mga sarili sa Diyos at sa Banal na Birhen sa mundong ito , at siguruhin, higit sa lahat, ang eternal na kaligtasan ng kanilang mga kaluluwa sa Langit. Si Papa Pedro III ay ang Mabuting Pastol na nagbubukas ng mga pinto sa lahat ng mga pari at mga relihiyosong lalake at babae na maamo at mapagpakumbabang puso, upang makiisa dito sa lubhang hindi mapag-aalinlanganang yugto ng Simbahan.