Ikalabindalawang Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan – Iglesia Catolica Palmariana

Ikalabindalawang Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Sa ikalabindalawang ulat na ito sa Palmaryanong website, muli kami ay nais na magpasalamat sa Diyos at sa Banal na Birheng Maria sa napakaespesyal na paraan para sa matagumpay na apostolado ng Banal na Palmaryanong Simbahan. Nitong huling buwan ng Nobyembre ay nagbunga ng malaking mga sorpresa. Sa muli nakamtan namin ang isang signipikanteng pagtaas sa mga bumisita sa aming website, na lumampas ng 100% mataas sa nagdaang buwan. Kailan lamang, ang Argentina ay ang bansang bumisita sa aming site nang pinakamadalas at ngayon ay nasa pangalawang puwesto, nalamangan ang Estados Unidos na humawak ng pangalawang puwesto sa halos isang taon. Kahit na ang Espanya ay may mas maraming mga pagbisita, ang Argentina ay pinakikitid ang puwang sa Espanya araw-araw. Ang India, itong napakaraming taong bansa ay nagpapakita na ng signipikanteng interes sa pagkakita ng aming mga lathala, na may kapuna-punang bilang ng bumibisita sa amin araw-araw. Ngayon sila ay umuukupa na ng pangwalong puwesto. Gayundin, ang Pilipinas ay nagbabasa ng aming mga dokumento nang may interes, umakyat na sa posisyong numero 13. Ang mga Ruso ay interesado rin sa pagkakita ng aming mga lathala, kahit na hindi gaanong malaki ang bilang, umakyat sa posisyon bilang 26.

Narito ang tala ng tatlumpung mga bansang bumisita sa aming website nang pinakamadalas:

1.Espanya11.United Kingdom21.Portugal
2.Argentina12.Poland22.Austria
3.Estados Unidos13.Pilipinas23.The Ivory Coast
4.Brazil14.Italya24.Switzerland
5.Mehiko15.Irlanda25.Chile
6.Nigeria16.Canada26.Rusya
7.Alemanya17.Kenya27.Uganda
8.India18.Congo – Kinshasa28.Ecuador
9.Pransya19.Peru29Australia
10.Colombia20.Cameroon30.Japan

Sa pagtatapos ng unang taon sa paggamit ng paraang ito sa pagpapalawak ng impormasyon tungkol sa Banal na Palmaryanong Simbahan sa buong mundo, dapat nating bigyang pansin nang may malaking kasiyahan na kami ay nakatagpo ng napakabuti at banal na mga kaluluwa. Kahi’t na ang Palmaryanong Simbahan sa kasalukuyan ay maliit lamang ang bilang ng mga mananampalataya, maliwanag na sa hindi malayong hinaharap ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay ipaaabot ang napakahusay na doktrina nito at kapuri-puring ispiritu ng pagmamahal sa pagdarasal at penitensiya. Sa maikling panahon, milyong mga kaluluwa ang makaaalam sa Tunay na Simbahan ni Kristo, ang Banal na Palmaryanong Simbahan. Ang banal na mga kaluluwa ay hindi maiiwan sa labas ng Tunay na Simbahan na manatiling hindi alam ang pananatili nito, na tulad ng kaso hanggang ngayon. Wala na kaming masasabi pa, maliban sa ang Palmaryanong apostolado ay handang isagawa ang isang tagumpay na si Kristo mismo, Anak ng Diyos, ay susuporta nang kahanga-hanga. Ang apostoladong kung saan ang Pinagpalang Birheng Maria at San Jose ay magsusulong nang may alab ng kanilang pagmamahal para sa kaligtasan ng mga kaluluwa.

Para sa Diyos at sa Kanyang Pinagpalang Ina, dapat tayong laging mag-alay ng pinakamagaling na mayroon tayo. Kung kaya hindi kami nagtitipid sa Banal na Pagsamba sa pagkakaroon ng maringal na mga Altar na may saganang mga bulaklak, magagandang mga karosa, at sa pangkalahatan sa lahat ng nakatutulong para ang liturhiya at ang Banal na Pagsamba ay maging mas napakahusay. Ito ay nakikitang tanda ng aming pasasalamat sa Lumikha. Espesyalmente naming ginugunita sa paraang ito si Kristo at ang kanyang Pinagpalang Ina, ang Birheng Maria sa teribleng mga pagdurusang pinagdaanan nila sa Kalbaryo para matamo ang ating pagtubos, iligtas ang ating mga kaluluwa at buksan ang mga pintuan ng Langit.

Subali’t ang Palmaryanong Simbahan, sa kabilang banda, ay ang ina rin ng mga dukha. Espesyal Niyang pinangangalagaan ang Kanyang salat at may karamdamang mga mananampalataya. Tinutulungan Niya ang mga nangangailangan ng pagkalinga doon sa mga naninirahan sa mapanganib na mga pook para mabuhay. Ang aming mga misyonero ay hindi nag-aalinlangan sa pagiging bukas-palad sa mga mahirap. Ang iba sa kanila ay nangangalap ng pera buhat sa ibang mga mananampalataya na may mas kaya sa buhay para ibigay sa mga mahirap. Ito ay nagbibigay ng malaking kasiyahan sa misyonero. Subali’t alam niya ring ang paghingi ay hindi madali, sapagka’t hindi niya alam kung anong kasagutan ang kanyang matatanggap. Kung kaya, iyong mayroong mas marami at nais na magbigay bilang Kristiyano doon sa mas higit na nangangailangan at “sa paraang iyon ay nag-iimbak ng kayamanan sa Langit,” sa katotohanan ay hindi na dapat pang maghintay sa misyonero para humingi. Dapat silang maghandog sa misyonero kung ano ang kanilang nais para ang misyonero ay makapamigay nito sa mga mas nangangailangang mananampalataya. Ang Palmaryanong Simbahan ay maliit pa, at sa karamihang parte, ito ay mas marami ang mananampalatayang may maliit na kabuhayan. Kung kaya, para sa ngayon, ay kinakailangang tulungan namin ang aming mananampalataya. Imposible, dahil sa kakulangan sa pera, ang magsagawa ng isang bagay para mamigay sa mga kawanggawa sa buong mundo. Subali’t kung ang Panginoon sa hinaharap ay bigyan kami ng paraan para gawin ito, ay hindi kami mag-aalangan para gawin ito.

Kung minsan ang mga tao ay pinadadalhan kami ng nakaiinsultong mga mensahe, nguni’t nakatatanggap din kami ng mga mensaheng nakapagbibigay-kasiyahan na nagpapakitang ang Diyos ay binibigyan ang mga tao sa lahat ng dako ng inspirasyon para bigyang halaga ang mga bagay na ispiritwal. Sa Banal na Palmaryanong Simbahan, ay isinasabuhay namin ang Kristiyanong ispiritwalidad sa napakataos-pusong paraan. Nais naming isabuhay ang aming pananampalataya sa pagtulad sa maraming mga bantog na mga santo sa kasaysayan ng Simbahan. Kami ay may malaking debosyon kay San Pio ng Pietrelcina para sa kanyang dakilang pagmamahal sa Banal na Misa at sa Pasyon ni Kristo. Si San Gregoryo XVII ang Napakadakila ay ang matayog na mistiko ng Ispiritwal na Pasyon ng Banal na Birheng Maria. Ang marami sa aming Marianong Doktrina ay nagmumula sa dakilang mga mistiko ng Simbahan, tulad sa kaso ni Santa Maria ni Jesus ng Agreda, na nagsulat ng importanteng mga aklat tungkol sa mistikal na paghahayag. Gayundin si Santa Ana Catalina Emmerick, dakilang mistiko ng Pasyon ng Paginoon. Gayunman, si Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila ang nagsama-sama sa mga katotohanan ng mga mistikong ito at inilagay ang mga ito sa Banal na Palmaryanong Bibliya. Ang Palmaryanong Bibliya ay ang salita ng Diyos, at hindi magkakamaling doktrina sa bawa’t salita. Sa Banal na Palmaryanong Bibliya, ay walang pagkakasalungat. Ito ay magandang babasahing nagdadala sa mga kaluluwa para makilala ang Diyos. Ang mga maling nasa ibang mga bibliya ay nagbigay sa mga Protestante ng abilidad para ipalaganap ang kanilang mga mali sa napakaraming mga tao. Hindi mo sila maaaring kausapin tungkol sa tunay na Bibliya sapagka’t akala nila ay nalalaman nila ang lahat ng bagay, at ang katotohanan ay tanging kung paano nila ito ipakahulugan. Kung kaya si San Gregoryo XVII ang Napakadakila ay ipinasunog ang lahat ng hindi Palmaryanong mga Bibliya nang sa gayon ay tanging ang Palmaryanong Bibliya lamang ang maiwan para sa mga mananampalataya ng Tunay na Simbahan, ang kinalabasan ng dakilang gawain ng Banal na Palmaryanong mga Konseho.

Kami ay magpapasalamat doon sa mga deboto ng Banal na Birheng Maria kung sila ay manonood ng videong ito ng Ating Ina ng Palmar Koronada at ipadala ito sa lahat ng kakilala nila.

https://youtu.be/3YwJ883OW2g

Ang Ating Ina ng Palmar Koronada ay ang manggagawa ng malaking mga himala. Iyong mga dumaranas sa mahigpit na pangangailangan, gaano man nakatatakot ang kanilang mga karamdaman at mga pagdurusa, huwag kayong mag-alinlangang bumaling sa Dakilang Babaeng ito sa ilalim ng matamis na titulo ng Ating Ina ng Palmar Koronada, dahil ito ang titulong lubos na nakalulugod sa kanya. Nakalulugod ito sa kanya nang lubos dahil sa pagmamahal, karangalan at pamimitagang natatanggap niya mula sa Kanyang matapat na mga anak ng Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan.