Ikalabimpitong Ulat Sa Website Ng Banal Na Palmaryanong Simbahan – Iglesia Catolica Palmariana

Ikalabimpitong Ulat Sa Website Ng Banal Na Palmaryanong Simbahan

Ang Dakilang Mangingisda ng mga Kaluluwa, Ang Kanyang Kabanalan, Papa Pedro III, ay patuloy na hinihimok ang Aksyon Katoliko Palmaryano na ipagpatuloy ang importanteng apostoladong ito. Inilunsad nang nakaraang labimpitong buwan, ang website na ito ay ginawa bilang instrumento upang ituro ang Tunay na Katolikong Pananampalataya sa maraming mga tao sa iba’t-ibang dako ng mundo. Bago nagkaroon nitong Palmaryanong website, ang lahat ng sinasabi tungkol sa Banal na Palmaryanong Simbahan sa Internet ay negatibo at mapanira. Ngayon, ang bahagi ng mabuting mga paskil ay tumataas pa lalo, na may malaking mga bunga. Gayundin, marami ring pagtaas ng mga malisyosong lathalain ang napansin, nguni’t maraming mga tao na ang nakapag-isip na may network ng mga kasinungalingan laban sa Simbahan. Ang Palmaryanong Simbahan ay napakaespesyal na pinapangalagaan ng Sagrada Pamilya, Hesus, Maria at Jose. Sa dahilang si Kristo ay ang Katotohanan at ang Palmaryanong Simbahan ay ang Kanyang Simbahan, ang Katotohanan at ang Simbahan ay magtatagumpay. Higit sa lahat, sa buwan na ito ng Mayo, ang buwang dedikado sa Banal na Ispiritu at sa Banal na Birheng Maria, kami ay naghihintay ng malalaking bagay na magaganap sa aming apostolado.

Ang bilang ng mga bumisita sa aming website ay tumaas pa ng mahigit sa siyam na porsiyento noong Abril kung ikukumpara sa Marso. Sa sandaling ito, ang Argentina ay patuloy sa unang puwesto, ang Espanya sa pangalawang puwesto at ang Brazil sa pangatlong puwesto. Ang unang tatlong mga bansa ay tulad sa nakaraang buwan, subali’t ang Brazil ay humahabol para maging bansang nangunguna sa pinakamadalas na bumisita sa amin. Halos araw-araw, ay nadaragdagan ang taong bumibisita sa aming website mula sa Brazil kaysa sa alin mang bansa. Malamang sila ay pumangalawang puwesto sa lalong madaling panahon. Iyong mga pinakainteresado sa pagsulat at pagpadala sa amin ng mga mensahe ay ang mga residente ng Mehiko. Ang mga Espanyol ay tumataas din sa bilang ng mga taong interesado. Ang Peru sa ngayon ay nasa ikasampung puwesto, bawa’t araw ay nakakukuha ng maraming bilang.

Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita:

1.Argentina11.Alemanya21.Dominican Republic
2.Espanya12.Poland22.Canada
3.Brazil13.Pransya23.Irlanda
4.Mehiko14.United Kingdom24.Cameroon
5.Estados Unidos15.Congo – Kinshasa25.Rusya
6.Colombia16.Kenya26.Portugal
7.India17.Italya27.Austria
8.Nigeria18.Ecuador28.Paraguay
9.Pilipinas 19.Chile29Guatemala
10.Peru20.The Ivory Coast30.Venezuela

Malaking bilang ng mga tao ang sumusunod sa amin sa Facebook. Sa ngayon, ay hindi pa milyones ang bilang nila, subali’t may mahigit na kaming 32,000 followers na nagugustuhan ang aming mga paskil sa Facebook. Sisikapin naming patuloy na mag-upload ng bagong mga video at mga dokumento para ipakita ang kahanga-hanga at ganda ng Banal na Palmaryanong Simbahan. Ito ang tanging Simbahan na may hininga ng Banal na Ispiritu. Ito ang Simbahan kung saan si Kristo ay nananahan sa mga kaluluwang nasa Estado ng Grasya. Ito ang Simbahan ng Pinakabanal na Maria, na naghahari rin sa espesyal na mga kaluluwang ito, pinapatnubayan sila at matalik na iniaanib ang Kanyang Sarili sa kanila. Sa Palmaryanong Simbahan ay may pagkakaisa sa pagmamahal at kaligayahan sa mga kaluluwang iniaalay ang kanilang mga sarili na mabuhay sa isang pinakaperpektong ispiritwal na buhay. Bakit napakatagal mo pang ipahayag ang iyong pananampalataya sa Tunay na Simbahan ni Kristo? Malinaw na ang Tunay na Papa ay nasa El Palmar de Troya. Hindi na namin kailangan pang magpakita ng ebidensiya. Makikita ninyo ito. Tingnan lamang ang mga video ng Banal na Palmaryanong Simbahan! Kung hindi ninyo makita na ito ang Tunay na Simbahan, ito ay dahil maaaring ayaw ninyong maniwala dito, o kayo ay nagwawalang-bahala sa pag-imbestiga sa Katotohanan at hindi seryoso para baguhin ang inyong buhay. Dahil alam na alam ninyo na, sa pagkaalam ng Katotohanan, kayo ay magkakaroon ng mga tungkulin at nais ninyong iwasan ang mga iyon. Ang Roma ay tinalikdan ang Diyos nang siya ay makipagkaibigan sa mga hari ng mundo, kinurapto ang dating sagrado at sinira ang mga Karapatan ng Diyos. Isang teribleng katotohanan na inabandona ng Diyos ang Romanong simbahan dahil sa kasamaan nito, pinadala ang Birheng Maria bilang Mensahera buhat sa Langit sa El Palmar de Troya upang ihanda roon ang paglipat sa hinaharap ng Pamunuan ng Katolikong Simbahan, ang parehong Simbahan na itinatag ng Ating Panginoon halos dalawang libong taon na ang nakaraan.

Napakaraming mga patunay sa katotohanan ng mga ecstasy ni Clemente Domínguez y Gόmez, ngayon Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila. Si Manuel Alonso Corral, ngayon Papa San Pedro II ang Dakila, ay nagkuwento ng sumusunod na kaganapan: Isang grupo ng mga tao mula sa La Ladeira do Pinheiro, Portugal upang makita kung ang mga nagaganap sa El Palmar ay totoo. Humingi sila ng patotoo mula sa Diyos. Ang patotoo ay kapag dumating sila sa El Palmar, ay madaratnan nila si Clemente na nasa ecstasy, at makikita niya ang Panginoon, at babaling si Clemente sa kanila at kukunin sa kanila ang lupang dala nila mula sa La Ladeira, at iaalay ni Clemente ang lupa sa Panginoon. Ang lahat ay naganap tulad ng sa hinihingi ng mga tao mula sa La Ladeira. Ang iba sa kanila ay napaiyak sa ganoon kalaking kababalaghan.

Kami ay nagdesisyong isalin ang mga limbag sa aming website sa wikang Russo, dahil may interes buhat sa mga nagsasalita sa wikang ito. Narito ang sipi mula sa Palmaryanong publikasyong “Nasaan ang Tunay na Simbahan?” na nalathala sa aming website: “Sa ibang mga Mensaheng ibinigay sa Fatima, ang Pinakabanal na Birheng Maria ay madalamhating nanawagan para sa panalangin at penitensiya, sa harap ng magulong kalagayan ng mundo, nalublob sa imoralidad at sa gitna ng kataklismo ng Unang Digmaang Pandaigdig; hiningi Niya ang konsagrasyon ng Rusya sa Kanyang Imakuladong Puso, at reparasyon sa Kanyang Imakuladong Puso sa unang mga Sabado ng buwan; nagbabala Siya na hangga’t ang Kanyang nais bilang Ina ay hindi maisagawa, ang Rusya ay magpapalaganap ng kanyang mga mali, at ang Rusya sa gayon ay magiging pahirap sa mundo, na kung saan ay gagamitin ng Diyos upang parusahan ang mundo; maliban pa, ipinahayag Niya na pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ay mayroon pang susunod na mas terible. Ipinahayag din ng Pinakabanal na Birheng Maria na, sa bandang huli, ang Rusya ay makukumbert.” Sa pagkakaalam ng mahalagang mensaheng ito ng Birheng Maria, ay naramdaman namin ang tungkuling isalin ang Palmaryanong mga limbag sa wikang Russo upang mabigyang oportunidad ang mga Russo na malaman ang tungkol sa Palmaryano Katolikong Simbahan.

Matagal bago maisalin sa ibang wika ang aming mga dokumento. Sa kasalukuyan, ang aming website ay naisalin na sa siyam na mga wika. Ang wikang Russo ay pangsampu. Hindi lahat ng mga dokumento ay maisasalin sa ngayon, subali’t may sapat para makilala ang Tunay na Palmaryano Katolikong Simbahan sa Rusya at sa iba pang mga kalapit na mga bansang nagsasalita rin ng Russo.

Ang mabuhay kasama ang Diyos at ang Banal na Birhen ang dapat na naisin ng bawa’t tao. Ibig sabihin nito na kalimutan ang iyong sariling nais upang gawin lamang ang Kalooban ng Diyos sa lahat ng panahon. Upang maisakatuparan ang Kalooban ng Diyos, kinakailangang malaman at isabuhay ang mga Batas ng Simbahan, tulad ng Sampung Kautusan ng Batas ng Diyos, at isakatuparan ang mga ito nang perpekto. Malinaw na ipinaliwanag ng Katekismo Palmaryano kung paano dapat na mabuhay para mabigyang kagalakan ang Diyos at lumayo sa kasalanan. Ang kasalanan ay bagay na napakalaki sa mga Mata ng Diyos. Dahil sa Kanyang Walang Hanggang Kabanalan, ang kasalanan, mortal at venial, ay kasuklam-suklam sa Diyos, lalo na ang mortal na mga kasalanan na napakaseryosong mga pagkakasala laban sa ating Mabait na Taglalang. Tayong lahat ay mapagtatagumpayan ang mga kasalanan sa pamamagitan ng panalangin at sakripisyo, paghingi ng tulong sa Banal na Pamilya, Hesus, Maria at Jose. Ang pinakaepektibong panalangin ay ang Banal na Rosaryo Penitesiyal at ang isa sa pinakamahalagang sakripisyo ay ang pagpapakasakit o disiplina sa mga mata. Huwag tingnan kung ano ang hindi dapat tingnan. Maraming ulit, sa pamamagitan ng mga mata ay pumapasok ang mga masasama na nakasisira ng kaluluwa. “Ang iyong mga mata ay ang ilaw ng iyong katawan. Kung ang iyong mata ay payak at malinis, ang iyong buong katawan ay magniningning ng liwanang.” Aklat IV, Kapitulo 10, 22.

Gayundin, ang pagpapakasakit o disiplina sa dila ay napakahalaga para maging matuwid sa Diyos. Tulad ng sinasabi sa Apostolikong mga Sulat ni San Pedro na napapaloob sa Banal na Palmaryanong Bibliya kapitulo VI: “Kung kaya, ang sinumang nais na mabuhay sa buhay na ito sa kapayapaan ni Kristo, at sa huli ay matamo ang eternal na buhay, hayaang ang kanyang dila ay magtimpi sa masama at ang kanyang mga labi sa katusuhan.” Ang tsismis, mga kasinungalingan at ang pinakamasama paninirang-puri ay nakagagawa ng napakalaking pagkasira. Alalahaning ang paninirang-puri ay ang pagbintang sa iyong kapwa ng mga kasalanang hindi niya nagawa o mga depektong wala sa kanya. Sa kasalukuyan ang ibang tao ay walang alinlangang nagkakalat ng paninira sa media para makagawa ng pagkasira sa Tunay na Simbahan ni Kristo. Ang paninirang-puri ay nagdadala ng teribleng parusa mula sa Diyos, at iyong mga gumagawa ng ganitong tipo ng kasalanan ay obligadong itama ang nasira na kanilang nagawa, ibalik sa dati ang mabuting reputasyon doon sa mga taong nagawan nila ng mali.

,