Ang Ating Panginoong Hesukristo sa kanyang kahanga-hangang proteksiyon sa Kanyang Simbahan, Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryano, ay hindi kailanman napapagod sa paggawa ng malalaking mga sorpresa para tulungan ang Kanyang Simbahan sa walang humpay nitong apostolikong gawain. Kung mayroon mang parang imposible ay nagiging posible kapag Siya ay namamagitan sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Kapangyarihan. Ang ekstensiyon ng Palmaryanong apostolado sa pamamagitan ng aming website ay halos unibersal. May 209 nang mga bansa o mga teritoryo ang bumisita sa amin. Kahi’t na ang pinakamaliit at pinakamalayong mga isla sa planeta ay bumisita na sa aming website. Kahi’t na ang bilang ng mga taong bumisita sa website ay kaunti sa ibang mga bansa, gayunman, ang Tunay na Simbahan, Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryano ay nakikilala na. Kaunting mga lugar na lamang ang hindi pa nakakakita nito at umaasa kami na ang bawa’t isa ay matutuklasan ito sa madaling panahon.
Noong ika-8 ng Disyembre ng nakaraang taon, ay sinimulan namin ang website na ito sa iba’t-ibang dahilang natalakay na sa nakaraang mga ulat. Sa kasalukuyan, ika-8 ng Septyembre, siyam na buwan ang lumipas simula sa umpisa ng apostoladong ito. Si Kristo ay nasa sinapupunan ng Pinagpalang Birheng Maria sa loob ng siyam na buwan naghahanda sa paglabas sa mundo, para isagawa ang pinakaimportanteng apostolado sa kasaysayan ng sangkatauhan. Si Kristo ang Pangunahing Apostol sa lahat ng panahon, ang Apostol na ”par excellence” o pinakamataas na uri, ang Apostol ng Diyos na may tatlong pagkakaisa, na dumating sa mundo para iligtas ang sangkatauhan. Ang Kanyang paghahanda sa loob ng siyam na buwan sa Imakuladang Katawan ng Pinagpalang Birheng Maria ay nakatago sa mga tao. Si Kristo sa Maternal na Dibdib ay lubos na alam ang lahat ng nagaganap dahil Siya ay may Maluwalhating Katawan. Nang Siya ay ipinanganak, ang kasiyahan ay napakalaki sa iba’t-ibang dako ng Uniberso: Sa isang iglap ay nagpakita ang makapal na bilang ng mga naninirahan sa Langit kasama ang Arkanghel, pumupuri sa Diyos at nagsasabi: “Kaluwalhatian sa Diyos sa kaitaasan, at sa Mundo kapayapaan sa mga taong may mabuting kalooban”. Iyong mga nakaaalam sa mga kaganapan sa pamamagitan ng iba’t-ibang kahanga-hangang mga palatandaan, ang lahat ay namangha; at gayundin sa mga bagay na sinabi sa kanila ng mga pastol. (Banal na Ebanghelyo ng Ating Panginoong Hesukristo, Unang Aklat, Kapitulo 10). Sa loob ng siyam na buwan, ang mabungang ispiritwal na mga butil ng Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan na ipinunla sa lahat ng panig ng mundo, at naghihintay kami para sa pagsibol at paglago ng mga ito tulad sa mayabong na mga kahoy.
Simula ngayon kami ay magdaranas ng isang bagong kasiyahan sa Palmaryano Katolikong Simbahan. Ang unang yugto sa paglathala ng Tunay na Simbahan ni Kristo sa lahat ng sulok ng mundo ay naganap na. Sa madaling panahon kami ay magsisimulang makakita ng mga bunga ng apostoladong ito. Ang mga ito ay magiging malaki, nakikita na namin ang mga ito. Sa wakas, ang mga kaluluwa ay natagpuan ang katotohanang kanilang hinahanap nang labis. Gaano kadalas na ang mga kaluluwa sa paghahanap ng katotohanan at nakatatagpo ng mga kasinungalingan! Mga kasinungalingan sa ibabaw ng mga kasinungalingang nagtatago sa katotohanan. Ngayon na ang Palmaryanong website ay umaangat sa ibabaw ng mga kasinungalingan, nagpapalaganap sa Liwanag ng Tunay na Simbahan ni Kristo. Ang daloy ng mga kasinungalingan ay naputol na. Ang mga kaluluwang naghahanap kay Kristo ay nakita sa Palmaryanong Simbahan ang Katotohanan, ang Katotohanang lagi na nilang hinahanap. Nakita nila na ang Tunay na Papa ay nangunguna sa Simbahan ni Kristo mula sa Banal na Palmaryanong Pamunuan sa El Palmar de Troya. Ang Simbahan ay hindi nangangailangan ng maraming mananampalataya para matawag na “Tunay na Simbahan.” Para ito ay maging totoong Tunay na Simbahan, ito ay may isang pangangailangan lamang: ang pagkakaroon ng tunay na Papa.
Ngayon ay nasa mga Relihiyosong Orden na lamang para makilala ang Tunay na Papa, para maorganisa ang Simbahan sa lahat ng mga bansa. Sa panahong ito ang Palmaryanong Simbahan ay napakaliit at may kaunting mga Pari. Hindi pa namin naaabot ang 200 mga Pari, at hindi rin kami makapagpapadala ng isa sa bawa’t bansa. Umaasa kami ng isang malaking bilang ng mga Pari ay papasok sa aming Carmelite Order para maisakatuparan ang Katolikong mga turo, na napakagandang nalinang sa Palmarian Holy Councils. Ang kumbersiyon ay hindi nakadepende sa atin, sa halip ito ay nakadepende roon sa mga nais na pumasok sa Tunay na Simbahan, para yakapin ang Katotohanan at hayaan ang kanilang mga sariling akayin ni Kristo, ang Mabuting Pastol. Siya ang Liwanag ng Mundo, kasama ng Kanyang Ina, ang Pinagpalang Birheng Maria na siyang nagpapatakbo sa Palmaryanong apostolado. Kung kaya kami ay nakagawa ng malaki sa maikling panahon. Ang Liwanag ni Kristo ay nagsisilbing ilaw sa Marianong mga Apostoles sa Huling mga Panahon. Walang nais na kumilala na tayo ay nasa Huling mga Panahon na, subali’t ang mga propesiya ay nagpapakita na tayo ay namumuhay na rito. Hindi natin alam kung ilang taon ito magtatagal. Sa unang mga panahon ng Kristiyanidad, ay masasabing, ang unang tatlong siglo hanggang sa pagtagumpay ni San Constantino laban sa mga pagano.
Dahil ang apostolado ay gawain ni Kristo, Liwanag ng Mundo at ng Pinagpalang Birhen, Reyna ng Palmaryanong mga Apostoles, maliwanag na ang tagumpay ay darating. Totoo rin na si Satanas, hari ng mundong ito, ay matatag na makikipaglaban sa Palmaryano Katolikong Simbahan. Kahi’t na si Satanas ay maraming mga masasamang tao na magagamit niya para gawin ang mundo na kumpletong imoral at pagano, ang tagumpay ay nasisiguro para sa Simbahan. Ito ay nasisiguro sapagka’t ang mga propesiya tungkol sa Birheng Maria na dinudurog ang ulo ni Satanas ay dapat na maisakatuparan. Kung pag-uusapan ang tagumpay, dapat na maunawaan na kahi’t na ano pa ang gawin ng mga kaaway ng Simbahan kontra dito, ang Simbahan ay laging magtatagumpay. Lagi nang may mga banal na mga kaluluwang sumusunod sa banal na doktrina ng Simbahan. Siya na matagumpay ay hindi natatalo. Ito ang Palmaryano Katolikong Simbahan. Sa kabila ng lahat ng mga pagsisikap noong mga naninira at mga kasinungalingan tungkol sa Kanya, ang Simbahan ay nagpapatuloy nang may kagalakan, ipinaglalaban ang Katotohanan sa pamamagitan ng mga kasapi nito na matapat sa Diyos at sa Pinagpalang Birhen.
Napansin namin na malaking bilang ng mga bumisita sa aming website ang pumasok mula sa Lungsod ng Batikano. Sa nakaraan ang Mehico ay nakamtan ang pangsiyam na puwesto na mas maraming pagbisita, naiwan ang Italya sa pangsampung puwesto. Ang mga pagbisita ng Espanya ,Estados Unidos, Brazil at Alemanya ay marami araw-araw. Ang Gran Britanya ay bumibisita sa atin nang madalas kasama ang Pransya at Ireland na laging tumataas ang kanilang mga bilang. Ang mga Canadians ay napakainteresado rin. Ang Poland, Colombia at Argentina ay may mataas na bilang ng mga pagbisita. Ang Austria, ang Pilipinas at Switzerland ay bumubuo rin ng isa pang grupo ng may magandang bilang ng mga pagbisita.
Ang magandang balita para roon sa mga nasa Romania ay kami ay naghahanda na sa website sa Romanian. Sa kalooban ng Diyos, hindi na ito magtatagal para mailathala.