Salamat sa Diyos at sa Banal na Birheng Maria ngayon ay may mahigit nang isang daan at tatlumpu’t limang mga bansa ang bumisita sa aming website. Umaasa kami na ang mga bansang hindi pa bumibisita sa madaling panahon ay matutuklasan ang Ispiritwal na Kayamanan na ang Palmaryano Katolikong Simbahan.
Sa nakaraang buwan ang bilang ng mga bumisita mula sa Pransya ay naging makabuluhan, at naungusan na nila ngayon ang Canada sa listahan ng mga bansang mas madalas na bumisita sa amin, na nakuha ang pampitong puwesto.
Hanggang ngayon ang mga bansang bumisita sa amin ng mas madalas sa isang araw ay ang Espanya na may 425 na katao, USA may 229, Brazil may 69, UK may 51 at Ireland may 39.
Salamat sa Diyos ngayon ay may website na tayong salin sa Polish. Nakatanggap kami ng maraming bilang ng mga bumisita mula sa Poland na ngayon ay maaari na tayong sundan sa kanilang sariling wika.
Ilang pananalita para sa ibang mga simbahang hindi masaya sa modernismo:
Ang mga kasapi ng aming Relihiyosong Orden ay may ginawang pangako para tanggihan ang modernismo. Ang modernismo ay pakana ni Satanas para sirain ang Simbahan ni Kristo; sinasamantala ang pabayang mga Pari at mga Obispo, at kung minsan kahit iyong mga pataksil na pumasok, nagawa nilang sirain ang Romanong simbahan na kung saan ang maraming mga tao ay bumaling para tumanggap ng Banal na mga Sakramento. Tagumpay para kay Satanas! Hindi! Hindi ito isang tagumpay, sapagka’t ang Banal na Birheng Maria ay naghanda ng alternatibong lugar. Isang lugar na kung saan ang debotong mananampalataya nito ay maaaring patuloy na tumanggap ng Banal na mga Sakramento mula sa mga Paring matapat sa Banal na Tradisyon. Ang lugar na ito ay ang Sagradong Lugar ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya. Ang unang Aparisyon ng Banal na Birheng Maria ay noong Marso 30, 1968.
50 taon na ngayon ang nakaraan. Ngayon ay may Katedral na kami ayon sa atas ng Langit na itayo para ipagpatuloy ang Katolikong Simbahan sa lahat ng panahon. Si Satanas ay hindi nanalo. Si Satanas ay patuloy na natatalo ng Ina ng Diyos, ang Banal na Birheng Maria at ng Kanyang Relihiyosong Orden, ang Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha.
Ang Banal na Palmaryano Katolikong Simbahan ay gawain ng Banal na Birheng Maria dahil Siya mismo ang nagsimula sa paghahanda nitong Dakilang Gawain sa pamamagitan ng Kanyang unang Aparisyon sa El Palmar de Troya. Ang Sagradong Lugar na ito ay pinili ng Ina ng Diyos para ibigay ang pagpapatuloy sa Katolikong Simbahan sa lahat ng panahon, na ipinundar ng Ating Panginoong Hesukristo sa Kalbaryo. Maliwanag na ang Diyos ay nais ang mabuting mananampalataya na nagmamahal sa Kanya nang maalab, kaysa sa maraming maligamgam o malamig na mga kaluluwa, na hindi ibinibigay nang lubos ang kanilang mga sarili para sa kaligtasan ng mga kaluluwa at sa paghanap ng kabanalan.
Marami, ang nais na maging kasapi ng Palmaryanong Simbahan, ay tumatalikod sapagka’t ang pamilya ay inilalagay sa unang puwesto at ang Diyos ay pangalawa. Sa Sampung Kautusan, ang una at nangunguna sa lahat ay ang mahalin ang Diyos higit sa lahat ng bagay. Hindi na mahalin ang pamilya higit sa lahat ng bagay. Ito ay napakaliwanag na itinuro sa atin ni Kristo sa Sagradong Kasulatan o Bibliya: “Huwag ninyong isiping dumating Ako para magdala ng kapayapaan sa mundo; Ako ay hindi dumating para magdala ng kapayapaan, subali’t digmaan. Yayamang, dahil sa Aking turo, Ako ay dumating para ihiwalay ang anak na lalake sa kanyang ama, at ang anak na babae sa kanyang ina, at ang manugang na babae sa kanyang biyenang babae. At iyong mga nananampalataya sa Akin ay magiging pinakamatinding kaaway ng mga miyembro ng kanilang buong pamilya. Ang sinumang nagmamahal sa ama o sa ina nang higit sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin; ang sinumang nagmamahal sa anak na lalake o anak na babae nang higit sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin.”
Kung kinakailangang magdusa ng persekusyon ng pamilya, dapat tayong maging matapang dahil si Hesus ay nangaral din sa Sermon sa ‘Mount of Beatitudes’: “Mapalad kayo kapag ang tao ay inuupasala at inuusig kayo at nagsasalita ng lahat ng uri ng masama na hindi totoo laban sainyo nang dahil sa Akin. Magalak kayo, kung ganoon, at magsaya, dahil ang gantimpala para sainyo sa Langit ay napakalaki; sapagka’t gayundin kung paano nila inusig ang mga propetang nauna sainyo.”
Kung sino man ang may tunay na nais na pumasok sa Banal na Palmaryanong Simbahan, dapat siyang maghanda sa laban. Ang pangunahing mga armas ay dasal at penitensiya. Higit sa lahat, ang araw-araw na pagdasal ng Banal na Rosaryo Penitensiyal ay higit na kinakailangan para matamo ang tagumpay. Ang gantimpala ay ang pagtanggap ng saganang espesyal na mga grasya mula sa Langit, higit sa lahat interyor na kapayapaan.
Ang mga kaaway ng Banal na Palmaryanong Simbahan ay itinali ni Kristo ang kanilang mga kamay. Sa lahat ng kanilang pagsisikap, sa lahat ng kanilang mga kasinungalingan at mga paninirang-puri, ay hindi nila nagawang ibagsak ang tunay na Simbahan ng Diyos. Gaano man karami ang kanilang sinasabi, gaano man karami ang kanilang sinusulat, gaano man karaming mga dokumentaryo at mga video ang kanilang gawin, sa kabila ng lahat ng nasabi sa radio at telebisyon, at lahat ng kanilang nilahad sa internet, ay wala silang magagawa para matalo ang Banal na Palmaryanong Simbahan, sapagka’t ito ay gawain ng Diyos. Lalo na doon sa dating mga kasapi ng Palmaryanong Simbahan at nilisan ito upang mabuhay nang mas komportable, at sa ibang mga kaso, para mamuhay sa buhay ng kasakiman sa lahat ng anyo nito – laman o materyal, dapat nilang alalahanin na ang Mapagprotektang Kapa ng Banal na Birheng Maria ay laging pangangalagaan ang Simbahan na pinapatnubayan Niya mismo at hinuhugis bilang kanlungan ng mabuting mga kaluluwang nakakalat sa buong mundo.