Ang mga bansang pinakamadalas bumisita ng aming website ay patuloy na higit sa lahat ay ang Espanya, ang Estados Unidos at ang Brazil. Ang Espanya ay binawi ang pangunguna bago ang Estados Unidos.
Salamat sa Diyos at sa Banal na Birheng Maria, may mahigit isandaan dalawampung mga bansa na ang bumisita sa aming website. Umaasa kaming ang mga bansang hindi pa bumibisita nito, ay gagawin ito sa lalong madaling panahon at magkaroon ng biyayang ito na malaman ang Palmaryanong Simbahan.
Ang katotohanan na sa pangatlong ulat ay lumitaw na ang Estados Unidos ang nakakamit ng unang posisyon sa mga bumisita sa aming website, ay ang isang Amerikanong website ay gumawa ng isang ulat tungkol sa Palmaryanong Simbahan. Ang artikulo ay nagsimula sa isang nakasisirang pamagat sa Bikaryo ni Kristo, Ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III. Nguni’t sa matalinong pamamaraan, ang Diyos ay nagdadala ng mabuti mula sa masama. Marami, ang nais na malaman ang katotohanan tungkol sa Palmaryanong Simbahan at sa Espiritwal na Lider nito ay pumasok sa aming website upang usisain, para sa kanilang mga sarili, ang katotohanan o kasinungalingan kung ano ang pinag-uusapan. Umaasa kami na ang maraming mga taong ito ay napagtanto na ang Amerikanong website na iyon ay gawa ng isang napakasamang tao, na ginamit ng demonyo sa kanyang teribleng pakikibaka kontra sa Tunay na Simbahan. Magsilbi tayo sa Diyos o kay Satanas. Dapat tayong maging napakaingat. Ang mga taong sumusulat tungkol sa relihiyon at, sa pamamagitan ng kamangmangan ay nakagagawa ng mga pagkakamali , ay nagsisilbi kay Satanas mismo, at sa gayon ang mga kasinungalingan ay lumalabas. Kung kaya kayo ay dapat ding maging maingat sa kung ano ang inyong binabasa upang hindi mahulog sa pagkakamali.
Ang Espanya ay nakuhang muli ang unang puwesto dahil nagkaroon ng mas maraming publisidad sa Espanya tungkol sa Palmaryanong Simbahan. Ang isa sa mga anunsyong ito ay ang isang video na may mga kasinungalingan, na nagsasabi pa ng walang kwentang tumutukoy tungkol sa mga mamamahayag na pinili naming manahimik na lamang. Kinausap nila ang isang matandang babae sa bayan ng El Palmar de Troya, at siya ay nagsabi na ang isang mamamahayag ay pumasok sa aming Banal na Orden at siya ay aming pinatay. Paano sila nakapagpahayag ng ganoong komentaryo? Isang bagay na eksaherasyon o kamangmangan, subali’t ang maglathala ng ganoong komentaryo ang mga mamamahayag na iyon ay nararapat na patalsikin o sibakin dahil ginagawa nilang katatawanan ang Espanyol na pamamahayag. Kahit na papaano, ang mga mamamahayag na iyon ay dapat na humingi ng despensa sa amin. Sa mga panahong ito, sa kasawiang palad, ang negosyo ng mga pamamahayag ay, sa malawak na mayorya, ay gumagamit ng mga kasinungalingan at mga eksaherasyon para maparami ang kanilang mga kliyente, hindi alintana ang teribleng pagkasirang nagagawa nila sa iba!
Kahit ang mga bumisita mula sa China ay hindi gaanong marami ang bilang, kami ay lubos na nagagalak sa pagkakaroon ng patuloy na daloy ng mga pagbisita mula sa isang bansang lubos na nangangailangan ng pagdalaw ng Palmaryanong mga Misyonero. Ang pagdaraos ng Banal na Misa sa bansang iyon na napakalaki ang populasyon, ay magreresulta sa pagdagsa ng mga Grasya at mga Biyaya mula sa Langit para sa bansang iyon. Sa mundo ng pangkalahatang pag-apostata, kung may grupo ng mga tao sa isang lungsod sa China na sabik na dumalo sa tanging balido at awtentikong Misa, may kagalakan ang Papa ay siguradong magpapadala ng isa sa aming mga misyonero para magdaos para sa kanila. Ganoon din sa Rusya, at sa iba pang mga bansa na kahi’t kailan ay hindi pa nakatanggap ng isang Palmaryanong Misyonero, nais naming ipakilala ang Tunay na Simbahan sa mga bansang iyon, kahit na para sa maliit na grupo lamang. Ang Diyos ay gumagawa ng mga kababalaghan sa pinakamahirap na mga kalagayan. Kalooban ng Diyos, Isa at may Tatlong Pagkakaisa, na malaman ng mundo ang matayog na Reyna ng Langit, ang Pinakabanal na Birheng Maria, sa ilalim ng titulo ng Ating Ina ng Palmar Koronada.
Mula sa mga email na aming natanggap, ay matapat naming masasabi na maraming mga tao ang nagustuhan ang Banal na Pagsambang idinaraos sa Palmaryanong Simbahan na may napakadakilang dignidad at solemnedad; ang lahat ay idinaraos ayon sa tradisyonal na rekisitos ng Simbahan.
Makikita natin dito ang listahan ng mga bansa at mga lungsod na pinakamadalas bumisita sa aming website:
Bansa | Lungsod |
---|---|
1. Espanya | 1. Sevilla |
2. Estados Unidos | 2. Madrid |
3. Brazil | 3. Natal |
4. Alemanya | 4. Ashburn |
5. United Kingdom | 5. Chicago |
6. Ireland | 6. Dublin |
7. Canada | 7. São Paulo |
8. Pransya | 8. Barcelona |
9. Italya | 9. London |
10. Mexico | 10. Vienna |
Kapansin-pansin na maraming mga tao sa iba’t-ibang bansa ang naghahanap ng katotohanan. Makatuwiran lamang na, dahil hindi nila matagpuan ito, ay natuklasan nila sa ating website ang nakatagong kayamanan. Magagalak kaming tumanggap ng maraming mga tao sa Tunay na Simbahan ni Kristo, na ngayon ay ang Palmaryanong Simbahan, subali’t malaking bilang ang namumuhay o nais na mamuhay sa paraang hindi naaayon sa mga pamantayan ng Simbahan at hindi sila madaling magbago ng kanilang mga pamamaraan. Ang isa sa mga pamantayang ito ay ang obligasyon ng kasal na mga mag-asawa na magkaroon ng lahat ng mga anak na nais ibigay sa kanila ng Diyos, tulad ng lagi nang Banal na Tradisyon ng Katolikong Simbahan sa lahat ng panahon. Hindi kayo maaaring mamili kung ilang mga anak ang inyong nais, sapagka’t ito ay lubos na kinakailangan para sa pagkatotoo ng kasal ang magnais na magkaroon mula sa Diyos ng lahat ng mga anak na nais Niyang ibigay sa bawat pamilya. Ang “mga kahirapang pinansiyal” na argumento ay hindi balido, dahil ang Diyos ay masigasig na binabantayan ang Kanyang mga nilalang. Tayo ay may obligasyong magtiwala sa kalooban ng Diyos at sa Sagrada Pamilya; sina Hesus, Maria at Jose.