Salamat sa Diyos at sa Banal na Birheng Maria mahigit sa isandaan at limampung mga bansa na ang bumisita sa aming website. Kaunti na lamang na mga bansa ang naiiwan para masakop para makumpleto ang isa sa aming unang mga layunin sa aming website: ang madala ang kaalaman tungkol sa Tunay na Simbahan sa lahat ng mga bansa sa mundo.
Ang Palmaryanong Doktrina ay malinaw at maganda. Salamat sa Palmaryanong Doktrinang ipinakita sa aming website, ang mga kaluluwa ay mauunawaan na na ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay ang Tunay na Simbahan ni Kristo. Hindi mahalaga sa amin kung ang Palmaryanong doktrina ay tanggihan o pagtawanan nila ito! Inihahain namin ang katotohanan na may perpektong kaliwanagan. Ang sinumang tumanggap nito ay pagpapalain ng Diyos, ng Pinakabanal na Maria at ng Langit. Ang sinumang tumanggi sa Palmaryanong Doktrina kahit kailan ay hindi makararamdam sa kanilang kaluluwa ng kaligayahan at banal na kapayapaang ibinigay ng Diyos sa may kababaang-loob at payak na mga kaluluwa ng Kanyang Simbahan.
Ang Palmaryanong Simbahan bilang may-akda ng mga panuntunan ay gumagabay sa mga mananampalataya nito sa kabanalan, at hindi nakikitang naaayon sa sandaling ito para sa mananampalataya ng Tunay na Simbahan ang manood ng telebisyon. Ang panuntunang ito ay hindi rin matindi, dahil sila ay maaaring makapanood ng mga pelikula at mga dokumentaryong aprobado ng Simbahan sa kanilang mga computer, mga tablet, mga mobile phone, at iba pa. Ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III ay nais na ang mananampalataya ng Simbahan ay makapanood ng mga pelikulang nakapupukaw ng mga banal na gawain, tulad ng panonood ng mga pelikula ng mga buhay ng mga santo. Mula doon ang isa ay makakukuha ng malaking lakas at pag-asa para tularan ang mga santo sa pagsasabuhay ng mga katangian at makaragdag ng ganda sa kanilang sariling buhay ispiritwal. Ang pagbabawal sa panonood ng komersiyal na mga video ay nananatili, subali’t nililinaw namin na ang mga taong may balak na pumasok sa Palmaryanong Simbahan ay dapat malaman na maaari silang gumawa ng kanilang sarili o personal na video at ipamahagi ang mga ito sa ibang Palmaryanong mananampalataya, mga video na maaari din nilang itabi. Sa paraang ito ay makapanonood sila ng desenteng mga video, makaiiwas sa mga iskandalo at panganib.
Maaari kayong makinig sa radyo, subali’t hindi sa mga isyung pangrelihiyon na hindi dapat bigyang- pansin iyong mga nagpapalaganap ng mali. Ang mabuting Katoliko ay hindi nakikinig sa ibang relihiyon na nagtuturo ng mali. Lalo na sa mga panahong ito, na kung saan ay napakaraming mga tao ang pumapasok sa iba’t-ibang mga sekta na ang lakas ng loob na gamitin ang pangalang ‘Kristiyano’. Ang salitang Kristiyano, ay nangangahulugang tagasunod ni Kristo, ang pamagat na nauukol lamang doon sa mga kasapi ng Tunay na Simbahan.
Ang dahilan kung bakit ang Simbahan ay nagpapatupad ng mga panuntunan para sa mananampalataya nito ay tulad ng sa isang mabuting ina na nagbibigay ng mga panuntunan para sa kanyang mga anak para sila ay magpatuloy sa matuwid na landas. Ang mabuting ina ay kinakailangang hingin sa kanyang mga anak ang pagsasakatuparan sa batas ng Diyos. Ang Simbahan ay hinihingi ang pagsasakatuparang ito at maliban dito, ay nagbibigay ng mga panuntunan at payong naaangkop sa mga panahon kung saan tayo ay nabubuhay. Si Kristo ay hindi nangaral tungkol sa panganib sa mga kabataan sa pamamagitan ng malayang paggamit ng internet. Ang misyong ito ay nauukol sa Simbahan sa panahong ito. Ang Simbahan, bilang Ina, ay nararapat magbigay ng mga alituntunin para makontrol ang tamang paggamit ng internet, sa paraang ito ay maiiwasan ang pagkasira ng mga kaluluwa. Ang nagbabasa ng sulating ito ay alam na alam kung ano ang aking sinasabi, na hindi na kailangan pa ang malawak na pagpapaliwanag.
Si Kristo, ang ating Tagapagligtas, ay ipinagkatiwala sa Mabuting mga Pastol ang misyon ng pagtuturo sa mabuting paraan, na sa mga sandaling ito ay ang mga Obispo ng Banal na Palmaryanong Simbahan, na sa ilalim ng kapangyarihan ng Papa, ay itinuturo ang daan ng eternal na kaligtasan sa sangkatauhan. Kahit hindi sila direktang nagtuturo sa marami tulad ng nais nila, ang mabuting halimbawa ng mga Palmaryanong sumusunod sa Tunay na Simbahan ay isang importanteng pagtuturo sa karamihan. Hindi rin namin pinapakahulugan o sinasabing ang lahat ng mga Palmaryano ay mga Santo. Ang ilan ay nakahihigit kaysa iba, ang ilan ay nagkukulang kaysa iba. Tanging ang Diyos ang nakaaalam sa kaibuturan ng kanilang mga puso. May malaking kasiyahan ay hinihimok namin iyong mga nakapagdesisyon nang pumasok sa Palmaryanong Simbahan dahil sa kanilang tapang at tatag. Subali’t hindi posible sa tao ang gumawa ng desisyong ito sa kanyang sarili lamang , sapagka’t ito ay isang napakaespesyal na Grasya mula sa Espiritu Santo.
Sa tuwirang pananalita, iyong mga umabandona sa lahat ng “pakikisama o konsiderasyon sa tao” para maging mga kasapi ng Palmaryanong Simbahan ay lalong minamahal ni Kristo. Si Kristo, tulad ng napakalinaw na itinuturo ng Palmaryanong Doktrina, ay minamahal ang sinumang minamahal Siya higit sa lahat. Si Kristo ay ating Ama, ating Tagapaglikha. Si Kristo ang Pinuno ng Sansinukob. Siya ay isang kaibigan ng mga kaluluwang nasa Estado ng Grasya, ibig sabihin, Kaibigan, higit sa lahat, ng mga kasapi ng Kanyang Mistikal na Katawan. Ang Simbahan ay ang Mistikal na Katawan ni Kristo. Kung kaya, ang mga kaluluwang nabubuhay nang walang seryosong mga kasalanan ay mga kaibigan ni Kristo. Ang mortal na kasalanan ay lubos na nakasasakit sa ating Tagapagligtas, kung kaya, kapag nakagagawa ng isang mortal na kasalanan, ay hindi ka na kaibigan ni Kristo. Si Kristo ay agad na magpapatawad ng kasalanan, kapag may tunay na pagsisisi, subalit ang kasalanang ito para permanenteng mapatawad ay kailangang maipresenta sa Kumpisalan. Ang Sakramento ng Kumpisal ay lubos na kinakailangan para mabuhay sa Estado ng Grasya. Si Kristo ay nagpapatawad, subalit sa kondisyong ang kasalanan ay ipresenta sa mga Pari sa Kumpisalan. Ang awa ng Diyos ay ikinakalat nang mali. Ang Diyos ay maawain, walang hanggan ang pagkamaawain, nguni’t dapat ay dumaan tayo sa Sakramento ng Kumpisal para matanggap nang permanente ang kapatawaran ng mortal na mga kasalanan.
Sa okasyon ng pagkakalimbag ng ating website sa wikang Polish, ang bilang ng Polish na mga bumisita ay tumaas. Wala tayo ng lahat ng mga dokumentong salin sa Polsh, subali’t sapat para maiparating ang tungkol sa katotohanan ng Banal na Palmaryanong Simbahan. Ang Poland ay nakuha ang panglabimpito sa mga bumisita sa aming website, ngayon sila ay tumaas sa bilang na labintatlo.
Kahit na ang mga Apostoles ni Kristo at ni Maria, ang Palmaryanong mga Apostoles, ay tumutulong sa pagtaas ng bilang ng mga bumisita sa aming website, gayunman, iyon ay hindi lahat nakadepende sa kanila, datapwa’t, iyon ay lalo pang nakadepende sa malisyosong mga taong pinukaw ng demonyo. Si Satanas sa kanyang teribleng pagkasuklam sa Simbahan ni Kristo, ay pinukaw ang mga may akda ng mga sulating nalimbag sa peryodiko at sa internet, upang magparatang ng hindi totoo sa mga mahal sa Mata ng Eternal na Ama, na ang Simbahang ipinundar ni Kristo sa Kalbaryo. Ang Palmaryanong Simbahan sa El Palmar de Troya, ay nagpapatuloy sa tradisyon ng Katolikong Simbahan sa lahat ng panahon. Ilang mga sulatin na at mga video ang nagawa tungkol sa Palmaryanong Simbahan na puno ng mga kasinungalingan at mga paninira! Gayunman, ang Diyos ay nagdadala ng mabuti galing sa masama. Salamat sa mga sulating iyon na nakabase sa mali, kami ay nakakuha ng malaking bilang ng mga bumisita sa aming website. Ang Diyos ay hinding-hindi matatalo. Inilalagay Niya pa nga ang masasamang tao sa pagsilbi sa Kanyang Banal na Simbahan.
Sa huli, ay hinihingi namin sa lahat na tigilan na ang pagtingin at pagbasa sa mga nilimbag ng mga kaaway ng Tunay na Simbahan ni Kristo, dahil iyon ay pagsuporta sa gawain ni Satanas. Mas mabuting pag-aralan kung ano ang nakalathala sa website na ito, sapagkat ang nakasulat dito ay may awtorisasyon ng Palmaryanong Papa, Pedro III, at hindi naglalaman ng mga kasinungalingan o anumang hindi totoo.