Ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan, ang Tunay na Simbahan ni Kristo, ay may misyong palawakin ang Kaharian ng Langit sa Mundo. Ang Langit ay isang lugar ng perpektong kaligayahan kung saan ang mga Anghel at mga Santo ay nakatira, ang lahat ay nagpupuri at nagluluwalhati sa Diyos. Ang Tunay na Simbahan, at hindi ang ibang mga simbahan, gaanong buti man sila sa tingin, ay may banal na misyon ng pagturo at paggawa ng Banal na Pagsamba upang palawakin ang kaluwalhatian ng Diyos dito sa Mundo. Sa dahilang ito, ang Simbahan ay hindi maaaring manatiling walang ginagawa sa harap ng napakaraming ispiritwal na kasamaan na ngayon ay naghahari sa mga kaluluwa. Ang Simbahan ni Kristo ay kinakailangang magturo kung ano ang mga tungkulin ng mga tao sa Diyos.
Marahil maraming tao ang magsasabi na ang Simbahan ay napakalabis dahil sa mga pamantayan sa pananamit na aming hinihingi, subalit kung ang Simbahan ay kumakatawan ng Langit sa Mundo, paano namin mapahihintulutang ang Diyos ay masaktan ng napakasama at satanikong mga kalakaran? Ang modernong musiko ay kumakatawan kay Satanas at sa kanyang pagkamuhi sa Diyos, inuudyukan ang mga tao na magkasala sa ating Lumikha. Sa kabaliktaran, ang mga himno ng Simbahan ay dumudurog sa ulo ni Satanas at nagpupuri sa Diyos. Ang mga himno ng Simbahan ay pumupuri kay Maria, Ina ng Diyos at ating Ina. Inaawitan natin Siya para pagalakin Siya at ipakita ang ating pagmamahal sa Kanya. Bilang kapalit, ang Ating Ina sa Langit ay namamagitan para sa atin sa harap ng Trono ng Diyos at tinutulungan tayo para makamit ang awa at kaligtasan. Gayunman, ang malawak na karamihan ng mga kaluluwa ay nasa panig ni Satanas. Gaano kakaunti ang nais na tumalima sa Kristiyanong disenteng pananamit at ayawan ang modernong musiko, udyok ni Satanas! Magiging marami ang itatanggi pa ang pananatili ni Satanas upang ipagpatuloy ang kanilang masamang mga gawi.
Mas mabuting huwag nang patagalin pa ang kumbersiyon. Panahon na para talikuran ninyo ang demonyo at ang inyong mga kaibigang humihimok sainyo para magkasala. Panahon na para bumaling sa Birheng Maria at hingin ang kanyang awa at kapayapaan. Ang kapayapaan ng Pinakabanal na Maria ay nakahihigit sa kapayapaan ng mundo, na huwad na kapayapaan at naglalaho sa ilalim na anumang pagsubok. Ang kapayapaan ni Maria ay nagpapanatili sainyo na maging matatag at taimtim sa harap ng anumang bagyo. Pakinggan ang ilang mga himno sa aming website at makikita ninyo kung paano ang mga ito ay makatutulong sainyo sa ispiritwal. Nagpapasaya ang mga ito ng kaluluwa at nagdadala ng magandang mga hangarin sa puso. Hindi tayo magbabago mula sa pagiging makasalanan sa pagiging santo sa isang araw, ngunit kapag kayo ay gumawa ng isang unang hakbang, makikita ninyo kung gaano kayo mabilis magka-isa sa Diyos. Laging isaisip na ang higit na kailangan ay mabinyagan sa Tunay na Simbahan ni Kristo, ang Palmaryanong Simbahan. Sa labas ng Tunay na Banal na Simbahang ito, ang mga sakramentong inyong matatanggap ay walang bisa at sa kasawiang palad ay walang halaga.
Magkaroon ng rosaryo sa inyong mga kamay at mag-aral sa pagdasal ng Banal na Rosaryo Penitensiyal, at nakapagsimula na kayo ng inyong kumbersiyon. Sa aming website ay maaari kayong matuto kung paano magdasal ng Banal na Rosaryong ito. Dasalin ito araw-araw nang walang palya. Sa paggawa nito ay magbibigay ito sainyo ng isang ispiritwal na lakas na hindi pa ninyo naramdaman sa nakaraan.
Narito ang listahan ng tatlumpung mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website sa nakaraang taon. Ang mga bansang nawalan o nakakuha ng mga puwesto ay nakahighlight.
1. | Colombia | 11. | Estados Unidos | 21. | Tsina |
2. | Argentina | 12. | Indonesia | 22. | Ehipto |
3. | Mehiko | 13. | Ang Pilipinas | 23. | Italya |
4. | Brazil | 14. | Uganda | 24. | Bolivia |
5. | Nigeria | 15. | Kenya | 25. | Congo-Kinshasa |
6. | India | 16. | Turkey | 26. | Algeria |
7. | Peru | 17. | Ukraine | 27. | Tanzania |
8. | Dominican Republic | 18. | Ecuador | 28. | Nepal |
9. | Venezuela | 19. | Alemanya | 29. | Poland |
10. | Espanya | 20. | Vietnam | 30. | Guatemala |
Hindi pa natatagalan ang aming apostolado sa internet ay naging napakatagumpay, kung kaya parang ito ay mahimala. Ang bilang ng mga taong nakaalam na ng Palmaryano Katolikong Simbahan sa mga araw na ito ay napakataas. Subali’t marami ang nahulog sa mga patibong ng mga kaaway ng Simbahan na nagpakalat ng napakaraming mga kasinungalingan laban sa Kanya. Nguni’t ang Diyos ay dakila at makapangyarihan at lilinawin Niya ang maraming mga usapin na hanggang sa ngayon ay hindi pa kami dumedepensa o nagsasalita nang hayagan. Isang Obispo ng Palmaryanong Simbahan ang magbubukas ng isang YouTube channel upang makita ng publiko mismo kung ano ang itinuturo ng aming Simbahan at, higit sa lahat, para ipakita ang daan para sa eternal na kaligtasan. Ang channel na ito ay magsisimula bago matapos ang Mayo, ang buwan ni Maria.
Ang Mayo ay buwan ng mga bulaklak at ang bulaklak sa Langit ay ang Pinakabanal na Birheng Maria. Ang mga deboto ng Birheng Maria ay alam na ang Mayo ay ang Kanyang buwan. Kapag dumating ang buwan na ito, kami ay napupuno ng malaking kagalakan. Ito ang buwan para magpanibago ng aming mga debosyon sa Ina ng Diyos, ang Reyna ng Langit at patatagin ang aming pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan Niya. Dapat naming tularan ang mga halimbawa ni Maria sa kababaang loob, pagmamahal at pagpapaubaya sa Diyos. Ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay gawain ng Pinakabanal na Maria, dahil sa kanyang Aparisyon noong ika-30 ng Marso 1968 sa El Palmar de Troya, ang kasaysayan ng mga kaganapang mula sa langit ay nagsimula sa El Palmar de Troya. Sa Palmaryanong Simbahan si Birheng Maria ay minamahal nang labis. Ang bawa’t Palmaryano ay katapat ng libong pagmamahal para sa kanyang pagmamahal sa Ina ng Diyos. Kami ay Kanyang mga alipin. Kami ay nabubuhay kaisa Niya sa aming pang-araw-araw na pamumuhay. Isinasabuhay namin ang lubos na pagtiwala sa Kanya, dahil ang aming Ina sa Langit ay pinakikingan ang Kanyang mga anak ng Palmar at ginagawang magkatotoo ang kanilang mga kahilingan. Ang debosyon na ito sa Ina ng Diyos ay hindi nauunawaan para roon sa mga nabubuhay na nakatalikod sa Diyos, ngunit lagi namin itong ipangangaral upang sila ay magbago at sumuko sa Kanya. Sa kabila ng lahat na mga kasinungalingan na mayroon laban sa Banal na Palmaryanong Simbahan, walang maaaring umalis sa aming moto bilang isang Simbahan ni Maria, isang Simbahang nagpupuri sa Ina ng Diyos na nararapat sa Kanya.
Kami ay nagkaroon ng isang magandang Semana Santa. Ang lahat ng mga ito ay makikita sa aming mga video na nasa YouTube. Marami ang naipalabas na. Ang video ng Prusisyon Eukaristiko na nagkaroon kami noong prinsipal na pista ni San Jose noong ika-19 ng Marso ay naipalabas na rin. Ang Palmaryanong Semana Santa ay laging nagsisimula sa ika-20 ng Marso at nagtatapos sa ika-27 ng Marso bawa’t taon.
Para matanggap ang Banal na Palmaryanong Simbahan ay kinakailangan ang kababaang-loob at pag-aralan ang lahat na nakikita ninyo sa mga video. Ang perpeksiyon sa paraan ng pagdiwang sa Banal na Pagsamba ay isang malinaw na patunay na kami ay nabubuhay para pagalakin ang Diyos. Ang mga kadena ng Banal na mga Misa na idinaraos ng mga Palmaryanong obispo ay kabayanihan. Maraming Banal na mga Misa at ito ay isang malaking penitensiya para idaos ang mga iyon. Maraming mga oras araw-araw ang mga obispong Palmaryano ay nasa Altar at nagdaraos ng Banal na Sakripisyo ng Misa. Sa kabila ng pagod at kung minsan mga karamdaman, ang Palmaryanong mga obispo ay patuloy na nagdaraos ng Banal na mga Misa. Sa labas ng Palmaryanong Simbahan ay hindi ninyo matatagpuan iyon. Ni ang mga Misang idinaraos sa labas ng Simbahan ay balido. At kahit na ang mga iyon ay balido, ang hindi Palmaryanong mga Pari ay hindi magdaraos ng napakaraming mga Misa, subali’t tanging kaunting bahagi lamang. Sa Palmaryanong mga obispo ay nananatili ang ispiritu ng sakripisyo na nawala sa ibang mga simbahan.
Hindi kami magtatapos na hindi pag-usapan ang mga madre ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, ang mga babaeng iyon na ibinigay ang kanilang mga buhay para maging esposo ni Kristo. Sa kabila ng kanilang buhay ng malaking sakripisyo at panalangin, ay hindi sila nagkukulang noong hindi maisaysay na kaligayahan na nararamdaman sa pagsilbi sa Diyos. Gaano karaming mga kaluluwa ang naliligtas sa pamamagitan ng buhay ng dedikasyon ng mga madre! Kahanga-hanga na makita ang maraming kabataang Palmaryanong mga babae na tinalikdan ang mundo para mabuhay lamang para sa Diyos. Anong hindi maisip na Langit ang naghihintay sa kanila! Kung ang mga madre lamang na inilaan ang kanilang mga sarili sa Diyos na nasa labas ng Palmaryanong Simbahan ay pumasok sa aming banal na Orden at makatamo ng kabanalan na libong ulit na mas madali rito. Nalulungkot kami na napakaraming mga kaluluwa ang hindi matanto ang pagbagsak at pag-apostata ng Roma, dahil sa labas ng Palmaryanong Simbahan ay hindi posible ang mabuhay sa estado ng Grasya. Sa madaling salita, ang buhay ng isang madre ay isang buhay na nakalaan sa panalangin, kontemplasyon, at ang pagsilbi sa Diyos at sa komunidad ng relihiyoso. Ito ay isang buhay ng pagsuko at pagtatakwil, kung saan ang pagiging malapit sa Diyos at sa Kanyang Pinakabanal na Ina at San Jose ay hinahangad.