IKA-49 NA ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN – Iglesia Catolica Palmariana

IKA-49 NA ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Mula sa mga komentaryo na ginawa sa ilang mga website, may mga tao, marahil marami, na nag-aakala sa atin na baliw, erehe, mapanlinlang na mga pari at isang libong iba pang katulad na mga bagay.  Bakit nga ba napakahirap makita at tanggapin ang Tunay na Simbahan? Kung tayo ay bumaling sa Kalbaryo, makikita natin doon ang Anak ng Diyos, halos hubad, na ipinako sa Krus, naghihirap sa loob ng tatlong oras sa dalawang kahoy na biga na pinagdugtong upang gawing katawa-tawa si Hesus hangga’t maaari. Ito ay isang katotohanan na tinatanggap ng lahat ng mga Kristiyano.  Tanggap na nila ngayon dahil napatunayan na ang katotohanang ito.  Ang patunay ay nabuhay si Kristo mula sa mga patay pagkatapos ng mga kalupitan na ginawa nila sa Kanya.  Ang maraming himala ni Kristo sa buhay ay hindi naging sapat upang iligtas Siya mula sa kalupitan ng mga tao; ngunit, sa muling pagkabuhay, hindi na kailangang mag-isip pa.  Napatunayan na ito ni Kristo.  Siya ay tunay na Anak ng Diyos.

     Ang Simbahang Katoliko ngayon ay nasa El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya.  Ang kanyang Espirituwal na Pinuno, na walang iba kundi ang Bikaryo ni Kristo, ay itinuturing ng mundo na medyo baliw.  Ang kanyang mga Obispo at mga mananampalataya ay itinuturing na isang grupo ng mga hindi karapat-dapat o mga manloloko.  Itinuturing nilang isang sirko ang Banal na mga Misa ng Palmaryanong Simbahan, na para bang ang lahat ay nagmula sa imahinasyon ng ilang lasing o atrasadong isip.

     Gumagawa kami ng paghahambing sa pagitan ng Arko ni Noe at ng Banal na Palmaryanong Simbahan:  Ang Banal na Patriarkang Noe, sa pagsunod sa Diyos, ay gumawa ng Arko sa isang Lambak kung saan walang tubig, na tinatawag na Lambak ni Josafat, sa Jerusalem.  Inisip ng mga tao  na siya ay isang baliw, isang nasisiraan ng bait, isang tanga.  Ngunit si Noe ay patuloy na sumunod sa utos ng Diyos at, pagkaraan ng isang daang taon ng konstruksyon, iniutos ng Diyos ang Pansansinukob na Baha.  Walang tumatawa sa Diyos.  Ngayon, sa Palmaryanong Simbahan, ang kasaysayan ay umuulit sa sarili nito:  ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan ay ang pangalawang Arko ni Noe.   Ang Palmaryanong Papa ay ang pangalawang Noe.   Ang lahat ay matutupad, ngunit  ang Diyos lamang ang nakaaalam kung paano at kailan!

     At isang araw, ang Kaluwalhatian ng Palmaryanong Simbahan ay magpapamangha sa sangkatauhan.  Ang katotohanan ng Papa sa El Palmar de Troya ay mahahayag at magkakaroon ng matinding pagsisisi para sa lahat ng maraming taon na ang mundo ay linunok ang mga kasinungalingan sa halip na yakapin ang katotohanan ng Banal na Simbahang ito.

     At kailan mangyayari ang lahat ng ito? Kailan mananaig ang Palmaryanong Simbahan sa kanyang mga maninirang-puri at mga sinungaling? Malapit na ba? Sino ang nakaaalam? Maaari bang sabihin ng sinuman kung anong sandali ang Palmaryanong Simbahan ay magtatagumpay? Anong senyales ang magkakaroon? Gusto  ba ninyong malaman ang totoo?  Makakaya ba ninyong magtiis kapag alam na ninyo ang katotohanan na mag-oobliga sa inyo na gumawa ng isang radikal na pagbabago sa inyong mga buhay? Ang kinabukasan ng Palmaryanong Simbahan ay hindi masasabi sa ngayon, dahil kayo ay masisindak na mawalan ng pag-asa. Kailangan ninyong itapon ang lahat ng bulok sa inyong buhay upang matanggap sa Banal na Palmaryanong Simbahan, ang Tunay na Simbahan ni Kristo.  Darating ang sandali na tuturuan kayo ng Espiritu Santo nang buong kalinawan kung nasaan ang Tunay na Simbahan at gugustuhin ninyong maging bahagi Niya, ngunit napakaraming tao ang namumuhay nang  iskandaloso, bulok na pamumuhay, o sa halip ang kanilang mga kaluluwa ay bulok at nahawahan ni Satanas at ng kanyang mga ahente. Ang katotohanan ay ang katotohanan ay napakahirap yakapin dahil ito ay mangangahulugan ng pagbaligtad ng inyong buhay. Halimbawa, isang bagay na tila normal sa kasalukuyan para sa maraming kabataan:  mga social media network, na higit na nakapipinsala sa mga kaluluwa, hanggang sa punto na hindi na sila matatawag na mga social network, sa halip ay  satanikong mga network.  Ang ilan sa mga network na ito ay mas malala kaysa sa iba.  Para bang isinuko ng mga kabataan ang kanilang mga kaluluwa kay Satanas upang makiisa sa kanya sa pagpukaw ng kasalanan sa lahat ng kanilang makakaya.  At para makapasok sa Palmaryanong Simbahan, kailangan nilang isuko iyon.  Ang Simbahan ay hindi kailanman magbibigay-daan sa mga bagay na may kinalaman sa kahalayan, dahil ang paggawa ng kahalayang mga gawain ay ipinagbabawal ng Diyos sa ikaanim na Utos.  Kaya’t hindi lamang ang gumawa ng mga iyon ang nagkakasala, ngunit iyong mga pumupukaw din, at ang mga kasalanan ng mga pumupukaw ay hindi mabilang.  Ginawa nilang impiyerno ang mundo para sa mga kaluluwang nagnanais na mamuhay ng marangal.  Mas mainam na simulan ang pagbabago ngayon, at ihinto ang pagpukaw sa iba sa pamamagitan ng iskandalosong pananamit at mga mapanuksong video at larawan. Ang mga Anghel ay magpapatunog ng kanilang mga trumpeta at ang mga pagkastigo ay babagsak mula sa Langit upang dalisayin ang marami upang mailigtas nila ang kanilang sarili at makamit ang Kaluwalhatian.

     Narito ang listahan ng tatlumpung mga bansa na may pinakamaraming bilang ng mga pagbisita sa aming Website. Ang mga bansang nakakuha o nawalan ng mga lugar ay naka-highlight:

1.Argentina11.Venezuela21.Honduras
2.Brazil12.Estados Unidos22.Indonesia
3.Mexico13.Ecuador23.Guatemala
4.Colombia14.Ukraine24.Congo Kinshasa
5.India15.Bolivia25.Paraguay
6.Espanya16.Kenya26.Italya
7.Dominican Republic17.Nicaragua27.Iraq
8.Peru18.Bangladesh28.Nepal
9.Nigeria19.Alemanya29.Poland
10.Ang Pilipinas20.Uganda30.Chile

     Upang suportahan ang aming apostolado sa Congo Kinshasa, mayroon na kaming Website sa Lingala, ang katutubong wika ng bansang ito sa Africa.  Gayundin, para matulungan ang mga tao na mas makilala ang Banal na Palmaryanong Simbahan, ngayon ay mayroon na kaming mga channel sa YouTube sa Italian, French, Portuguese at Polish. Sa aming Spanish, English at German na channel, mayroon na ngayong pitong channel sa kabuuan. Unti-unti ay maglalagay kami ng mga video sa lahat ng mga channel.

     Ginugol namin ang isang napakaganda at kawili-wiling Pasko sa El Palmar de Troya kasama ang maraming bilang ng mga peregrino mula sa iba’t ibang mga bansa sa Europa. Ang Tanawin ng Paskong Pagsilang sa Banal na Pamunuan, gaya ng dati, ay iba sa ibang mga taon at ang  lahat ng aming mga bisita ay humanga.

     Isang napakahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Banal na Palmaryanong Simbahan ay ang unang mga Ordinasyon at Konsagrasyon sa El Palmar de Troya noong panahong itinatag ang Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha.  Ang mga kaganapang ito ay naganap sa pagtatapos ng Disyembre 1975 at simula ng Bagong Taon 1976.

     Mga Salita ng Kabanal-banalang Birheng Maria sa Kanyang Pagpapakita kay Clemente Domínguez y Gómez noong ika-25 ng Disyembre 1975, na tinutukoy ang Arsobispo Pedro Martin Ngô-dinh Thuc, na kamakailan lamang ay dumating sa Sagradong Lugar: “Gayunpaman, hinihiling ko sa iyo ang isang espesyal na biyayang kinakailangan sa Sagradong Lugar na ito: ANG KONSAGRASYON NG BAGONG MGA OBISPO AY KINAKAILANGAN. HIGIT NA KAILANGAN! HIGIT NA KAILANGAN! MADALIAN!… Ito ang gawaing tumutugma sa iyo sa iyong katandaan:  kagalang-galang na nakatatanda, Doktor ng Simbahan.  Isang dakilang araw para sa El Palmar de Troya at para sa kanya, kung tatanggapin niya ang Kalooban ng Diyos…  At ang kanyang kabanalan ay dapat sumikat bilang halimbawa at kabutihan para sa buong Komunidad.”  Humingi si San Pedro Martin ng palatandaan ng katotohanan ng Mensahe. Inilagay ng seer ang Batang Hesus sa mga bisig ng Arsobispo, na naramdaman ang buong bigat ng Banal na Bata at labis na humanga.

     Kaya pagkatapos, lubos na kumbinsido na ang kanyang misyon sa Palmar ay upang isagawa ang mga ordinasyon at mga konsagrasyon, noong ika-1 ng Enero 1976, si San Pedro Martin, sa Lentisko ng El Palmar de Troya, ay inordenan bilang mga Pari ang limang miyembro ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, kasama si Clemente Domínguez y Gómez, ngayon si Papa San  Gregoryo XVII ang Napakadakila; Manuel Alonso Corral, ngayon ay Papa San Pedro II ang Dakila; at Paul Fox, sa kasalukuyan ang Kalihim ng Estado.

     Ang banal na Arsobispo na ito, sa gabi sa Lentisko ng El Palmar de Troya, nang ang ika-11 ng Enero 1976, ang Kapistahan ng Banal na Pamilya, ay nagsimula, at sa kurso ng Adorasyon Nokturnal, kinonsagra bilang mga Obispo sina Padre Clemente Domínguez y Gómez, Padre Manuel Alonso Corral, at tatlong iba pang mga Pari.

     Pagkatapos ay kinailangan niyang harapin ang pagsalungat ng mga prelado ng Simbahang Romano, at ipinagtanggol ang legalidad ng kanyang mga aksyon nang napakahusay, dahil siya ay isang Doktor sa Canon Law. Si San Pedro Martin Ngô-dinh Thuc ay gumawa ng isang opisyal na Dokumento sa Latin na may petsang ika-12 ng Enero 1976, na nilagdaan at tinatakan, na nagtala sa lahat ng nararapat na epekto sa ipinagkaloob na mga Ordinasyon sa Pagpari at mga Pagkonsagra bilang Obispo.

     Noong ika-15 ng Marso sa taong 1938, si San Pedro Martin ay hinirang na Papal Legate ni Papa San Pio XI ang Dakila, na may lubos na mga kapangyarihan, na nagbibigay sa kanya ng awtoridad na mag-orden ng mga Pari at magkonsagra ng mga Obispo nang walang karagdagang pahintulot, ayon sa mga pangangailangan ng Simbahan, sa alinmang bahagi ng mundo.