Ang Simbahan ni Kristo ay Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryano. Si Kristo ang Unibersal na Hari, ang Pinakabanal na Maria ay ang Unibersal na Reyna. Bilang Reyna, ang Banal na Birheng Maria ay nararapat na igalang ng lahat ng mga tao. Tayo ay nabubuhay sa napakahirap na panahon, isang panahon na kung saan iyong mga nagmamahal at nagsisilbi sa Reyna ng Langit ay nagdurusa sa katotohanang napakaraming mga tao ang humahamak sa Kanya. Sa anumang paraan ay sinusubukan nilang paliitin ang pigura ni Maria, ang Ating Ina sa Langit. Maraming mga banal ang nagsasabing ang Imakuladang Birheng Maria ay mabuting babae. Subali’t ang salitang “mabuti” ay walang kahulugan kung sa parehong pagkakataon ay itinatanggi nila na si Maria ay ang Imakuladang Birheng Maria. Iyong mga itinatanggi ang Kanyang pagiging Birhen ay nilalapastangan ang Banal na Ina ng Diyos.
Misyon ng Banal na Palmaryanong Simbahan na ipagtanggol ang mga kaukulang karapatan ng Banal na Birheng Maria sa anumang paraan. Kapag ang isang tao ay pumasok sa isang Palmaryanong Kapilya, ay agad niyang maiisip na ang mananampalataya ng Simbahang ito ay labis na nagmamahal sa Ina ng Diyos. Ang mga imahen at mga larawan niya ay makikita kahit saan. Imposibleng pumasok sa bahay ng isang Palmaryano na hindi makakikita ng maraming mga imahen o mga larawan ng Pinakabanal na Maria. Ang pangalang Palmaryanong Simbahan ay nanggaling kay Maria. Ang salitang “palmarian” ay galing sa El Palmar de Troya, ang pinakaimportanteng lugar ng mga aparisyon ng Banal na Birheng Maria, at bilang kapalit ay kasama sa komposisyon nito ang katawagang “marian” dahil ito ang Simbahang pinakadeboto kay Maria.
Salamat sa Diyos at sa Kanyang Banal na Ina, ang aming website ay nakararating na sa mga tao sa buong mundo. Sa mga pinto ng Palmaryanong Simbahan ay may maraming bilang ng mga tao. Ang nangyayari ay ang kanilang mga paa ay nakagapos at hindi nila maihakbang ang isang paa sa unahan ng isa. Ang takot ay mahigpit na pumipigil sa kanila sa pagkakita ng isang dalisay, nangangailangan, isinasakripisyo ang sarili na Simbahan. Dagdag pa, may dala silang mga backpack na puno ng mga bagay sa mundo na hindi makaakma sa mga pinto. Alisin ang mga backpack na ito! Iwanan ang mundo, para ang mga pisi ay maalis sa pagkakatali sa inyong mga paa at sa gayon kayo ay makapasok sa mga pinto ng Simbahan. Doon sa mga hindi nakauunawa kung ano ang “mundo”… Tinutukoy nito ang lahat na maaaring magdala sa atin sa Impiyerno: bulok na mga telebisyon, malalaswang mga video, imoral at nakasusuklam na mga damit, mga disco at ang mga musiko nitong galing sa Impiyerno… mahaba ang listahan. Para magbigay ng kaunti pang mga halimbawa: mga diborsiyong laban sa batas ng Diyos, ang paggamit ng mga kontraseptibo at pagpalit ng kasarian. Ang lahat ng mga ito ay dapat iwanan para makapasok sa Mistikal na Katawan ni Kristo na ngayon ay ang Palmaryanong Simbahan, at kilala rin ng marami bilang ang Tunay na Simbahan.
Malungkot para roon sa mga tumatawag sa Banal na Palmaryanong Simbahan na isang kulto! Sila ay mangangatal sa harapan ni Kristo sa araw ng paghukom. Ang kanilang mga konsensiya ay aakusahan sila sa pagpanig kay Satanas nang sila ay nabubuhay pa. Nawa ang mga panatikong ito, na nagsasapantaha na marami silang alam tungkol sa Palmaryanong Simbahan samantalang wala silang nalalaman, ay magbago. Ang katotohanan ay kinakailangan nilang magpakumbaba sa harapan ni Kirsto, ang Kataas-taasan at Eternal na Hukom, at tanggapin ang Palmaryanong Simbahan bilang tunay na Simbahan. Dapat sila ay magbago na ngayon at iwasan ang mahabang Purgatoryo, kung mailigtas nila ang kanilang mga kaluluwa sa paglaban sa Pinakadakilang Gawain ng Banal na Birheng Maria sa Kanyang maraming mga Aparisyon sa Sagradong Lugar ng Lentisko sa El Palmar de Troya.
Simula ngayon, kami ay magkakaroon ng blog sa aming website na may pinakahuli at interesanteng mga publikasyon mula sa pangunahing page. Sa kasalukuyan ito ay mayroon sa anim na mga wika; Espanyol, English, Aleman, Portuguese, Pranses at Italyan. Kami ay nagsimula na rin ng bagong You Tube Channel sa English para roon sa mga interesado at malaman ang wikang ito.
Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website. Ang mga bansang nawala o umangat ang posisyon ay nakahighlight.
1. | Argentina | 11. | Venezuela | 21. | Alemanya |
2. | Brasil | 12. | Estados Unidos | 22. | Guatemala |
3. | Mehiko | 13. | Ecuador | 23. | Paraguay |
4. | Colombia | 14. | Ukraine | 24. | Congo Kinshasa |
5. | India | 15. | Bolivia | 25. | Indonesia |
6. | Espanya | 16. | Nicaragua | 26. | Italya |
7. | Dominican Republic | 17. | Kenya | 27. | Iraq |
8. | Peru | 18. | Bangladesh | 28. | Chile |
9. | Nigeria | 19. | Uganda | 29. | Nepal |
10. | Pilipinas | 20. | Honduras | 30. | Poland |
Nagbabalak kaming gumawa ng napakainteresante at nagpapaliwanag na mga video sa hinaharap para roon sa may sinserong interes na higit na malaman pa ang tungkol sa Palmaryanong Simbahan at turuan iyong mga walang mabuting pagkaunawa sa Tunay na Simbahan ni Kristo.
Paano natin mauunawaan na ang mga tao sa kasalukyan ay bumibili ng mga bagay na sira na? Binibili nila ang mga bagay na dapat ay itinapon na sa nagdaang mga taon. Bumibili sila ng kung ano ang hindi dapat bilhin ng isang normal na tao. Ilang mga tao sa mundo ang bumibili ng mga punit-punit na mga damit? Milyones. Paano naging posible na ang taong may normal na kaisipan, na nag-aral, na tinuruan ng mga magulang na mabuhay nang may dignidad ay bumili ng gula-gulanit na pantalon? Ginagawa niya ito para sumunod sa uso. At kapag ang uso bukas ay magsuot ng isang metrong taas na sombrero, bibilhin niya rin iyon, o sapatos na walang suwelas. Nakababaliw, subali’t ito ay kabaliwan, tulad ng pagbili ng gula-gulanit na pantalon.
Ito ang mga taong kaunti ang kaalaman na gumagawa ng mga video tungkol sa Palmaryanong Simbahan. Kahi’t na sila ay nagbabasa ng aming mga publikasyon, ay mali ang kanilang pagkakaunawa at ipinaliliwanag sa kanilang mga tagasubaybay ang mali nilang pagkakaunawa, na nagpapagulo sa lahat. Halimbawa, ang Palmaryano Katolikong Simbahan kahi’t kailan ay hindi nag-oobliga sa mga mananampalataya nito na mag-iwan ng kanilang pamana sa isang kasulatan para sa Simbahan. Subali’t, ang kasinungalingang ito ay nagkalat sa internet, kasama ng libong iba pang mga kasinungalingan. Mag-ingat sa mga taong iyon na gumagawa ng paraan para makakuha ng popolaridad at pera sa paggawa ng mga video at pagpost ng walang kabuluhan sa social networks. Kung kami ay talagang maraming pera tulad ng paniwala ng mga tao, maaaring ikonsidera namin ang pagbili ng isang social network at sipain ang aming mga kaaway palabas. Natural, ang Diyos ay Makapangyarihan. Kahit ang paglipat ng mga bundok ay madali para sa ating Lumikha kung nais Niyang gawin iyon. At kung nais Niyang bigyan ng pakinabang ang Kanyang mga anak, walang limitasyon sa kung ano ang maaari Niyang gawin.
Idagdag natin sa ulat na ito ang magandang balita na ang mga dasal ng Banal na Palmaryanong Simbahan ay tumatalab. Nang ang Papa, ang Kanyang Kabanalan Pedro III, ay hiniling sa amin na magdasal para sa ilang espesyal na intensiyon, ang mga dasal na ito ay umaangat sa Langit, tumatagos sa mga ulap hanggang ang aming mga petisyon ay makarating sa mesa ng Banal na Pamilya, Hesus, Maria at Jose. Hindi pa natatagalan ay may nakita kaming malaking mga himala na natamo ng aming mga dasal. Sa ngalan ng pag-iingat, ay hindi namin sasabihin kung ano ang mga himalang ito, subali’t alam naming nakikinig sa amin ang Langit at kami ay nagpapasalamat na pinakikinggan nila ang aming abang mga pagsamo. Ang maraming mga panalangin ng mga kasapi ng Palmaryanong Simbahan ay nagdala ng malaking mga pagbabago sa mga kaganapan sa mundo. Ang dasal na ginawa nang may pagmamahal at dedikasyon, may banal na sigasig, ay nakararating sa hindi nararating. Ang dasal na nakadirekta sa Langit ay napakabisa kapag ito ay nagmumula sa abang mga kaluluwa na nag-aalay ng kanilang mga dasal sa Lumikha.