Para matuklasan ang katotohanan tungkol sa Tunay na Simbahan, ang isang mahalagang bagay ay ang maniwala sa katotohanan. Ang isang katotohanan ay ito: Si Clemente Domínguez y Gómez, ngayon Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, ay tumanggap ng Mga Mensahe mula sa Langit. Marami ang nagsasabi na ito ay maaaring hindi totoo sapagka’t siya ay isang makasalanan. Nguni’t ito ay mas lalo pang katuwiran para paniwalaan na maaaring siya ay tumanggap ng mga Mensahe mula sa Langit, sapagka’t siya mismo ang itinatama ng Langit. Ang isang santo ay hindi na kailangan pang bigyan ng napakaraming mga mensahe. Ang mga mensahe ay ibinigay para sa kumbersiyon ng mga makasalanan, at dahil ang mundo ay puno ng mga makasalanan, ang Diyos ay pumipili ng isa sa kanila at hinihipo ang kanyang puso at ang mga puso ng marami pang iba. Kapag ang Langit ay pumipili ng isang labis na makasalanan at ang makasalanang ito ay gumawa ng maraming dasal at penitensiya, siya ay isang malaking huwaran para sa lahat. Kaming mga nakakikilalang mabuti kay San Gregoryo XVII ay makapagkukumpirma, at walang sino man ang makaaalis ng titulong ito sa kanya, na siya ay taong madasalin. Gumugugol siya ng mahabang mga gabing naglalakad sa paligid na nasa kamay niya ang rosaryo. At nagdarasal siya ng marami. Siya ay bulag. Hindi siya makakita o makabasa ng kahit ano. Magtanong kayo kahit kanino na nanirahan kasama niya at lahat sila ay magsasabi na siya ay nagdarasal habang naglalakad. Walang makaaalis niyan sa kanya. Siya ay taong madasalin at nagsasakripisyo. Kung kaya siya ay naging bukod-tanging santo. Gaano kahirap para sa kanya para matamo ang titulong ito! Gaano kahirap para sa kanya para tigilan ang paninigarilyo, lalo na at bulag, dahil ang paninigarilyo ay malaking kasiyahan para sa kanya!
Iyong mga nakagawa ng malaking mga kasalanan ay dapat tingnan si San Gregoryo XVII, at hangaan kung paano inalis siya ng Diyos sa isang buhay makasalanan at hinubog siya sa paglipas ng mga taon kung kaya ang Simbahan ay kinilala ang kanyang buhay ng kabanalan at siya ay kinanonisa. Gayundin, tingnan kung paano si San Agustin nakumbert. Bilang isang binata, siya ay nagkaroon ng isang anak na lalake at isang labis na makasalanan, subali’t tinawagan siya ng Diyos na gumawa ng dakilang mga bagay para sa Kanya. Ang importanteng bagay ay tapusin ang buhay sa kabanalan; ang ating walang hanggang kaligtasan ay nakadepende rito. Si San Agustin ay isa lamang sa mga halimbawa. Tingnan din ang dakilang Apostol San Pablo, na bago ang kanyang kumbersiyon ay namuhay sa pagmamalupit sa mga Kristiyano. Si Kristo, ang Makapangyarihang Diyos, ay nagpakita sa kanya sa kalsada patungo sa Damascus at binigyan siya ng pagkakataon para sa kumbersiyon. Si San Pablo ay nagpakumbaba at hindi lamang nakumbert, subali’t tulad kay San Gregoryo XVII, inilaan niya nang lubos kanyang sarili sa paggawa ng penitensiya para sa kanyang mga kasalanan at naging isang natatanging Apostol ng Simbahan. Iyong mga nakagawa ng pinakamasamang mga kasalanan sa maraming kaso ay siyang nangunguna sa pag-akusa sa iba. Hindi ba ganoon? O kaya nagkamali kaya si Hesus sa Ebanghelyo nang sinabi Niya sa mga Hudyo na nais bumato sa babaing nakagawa ng pangangalunya: “Ang sino mang walang kasalanan sainyo ay maging unang maghagis ng bato sa kanya.”
Simula nang umpisahan ang website na ito sa nakaraang 45 buwan, ito ay nakita na sa bawa’t bansa sa mundo maliban sa Hilagang Korea. Nguni’t dakila ang Diyos at ang Kanyang Palmaryano Katolikong Simbahan ay para sa lahat ng tao at mga bansa. Kami ay walang pag-aalinlangan na isang araw sa hindi malayong hinaharap iyong mga taga Hilagang Korea ay makikita rin ang Palmaryanong mga lathala. May mga lathala na rin kami sa wikang Koreano.
Kami ay patuloy na nagbabago ng website para mapaganda ito sa maraming mga paraan. Sa ngayon ay mas marami na ang mga audio para roon sa mga nais na makinig kaysa magbasa. Nagdagdag kami ng ilang bilang ng bagong mga larawan, lalo na sa page tungkol sa Palmaryanong mga misyon sa buong mundo. May magagandang mga larawan ng aming mga Kapilya sa maraming mga bansa. Nag-upload din kami ng bagong mga video. Kami ay lubos na nagpapasalamat sa mga tumutulong na gumugugol ng mahabang oras sa pagpapaganda ng website at iyong mga gumawa ng mga video at mga audio. Salamat sa Diyos kami ay nakatatanggap ng mas maraming tulong mula sa mga may kakayahang mga tao para sa gawaing teknikal. Ang lahat ay tumutulong dahil sa pagmamahal nila sa Diyos at sa Pinakabanal na Birhen at para makita ang darating na tagumpay ng Banal na Palmaryanong Simbahan. Umaasa kaming maipakita ang mas maraming mga pag-unlad na ito sa lalong madaling panahon.
Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website. Ang mga bansang nawala o umangat ang posisyon ay nakahighlight.
1. | Argentina | 11. | Venezuela | 21. | Alemanya |
2. | Brasil | 12. | Estados Unidos | 22. | Paraguay |
3. | Mehiko | 13. | Ecuador | 23. | Guatemala |
4. | Colombia | 14. | Ukraine | 24. | Congo Kinshasa |
5. | India | 15. | Bolivia | 25. | Italya |
6. | Espanya | 16. | Nicaragua | 26. | Indonesia |
7. | Dominican Republic | 17. | Bangladesh | 27. | Chile |
8. | Peru | 18. | Kenya | 28. | Iraq |
9. | Nigeria | 19. | Honduras | 29. | El Salvador |
10. | Pilipinas | 20. | Uganda | 30. | Poland |
Ang aming mga video sa YouTube ay nagiging mas matagumpay, na laging may tumataas na mga view. Ang gawaing ito ng Diyos ay lumalawak ng malaki kaysa dati. Ito ay hindi dahil sa kami ay gumagawa ng mas malaking pagsisikap para makita, subali’t dahil nais ng Diyos na malaman ng mundo ang Kanyang Tunay na Simbahan. At dahil ang Makapangyarihang Diyos mismo ang may nais nito, wala at walang sino man ang makapipigil nito. Hindi kataka-taka na kung minsan kami ay nakatatanggap ng negatibong komento; hindi ito mahalaga. Ang mahalaga ay ang aming pananatili ay alam nang mabuti ng mundo, at saka ang Diyos ay babaliktarin ang barya at ang Kanyang Banal na Simbahan ay lilitaw na matagumpay.
Ang ibang tao, mga kaaway ng Banal na Palmaryanong Simbahan, ay laging naghihintay para siraan ang Tunay na Papa, ang Kanyang Kabanalan Pedro III. Wala silang pinalilipas na pagkakataon para magkalat ng mga kasinungalingan para masira ang kanyang mabuting mga gawain. Huwag kalimutan na ang Papa ay maraming mga Anghel ng Diyos para ipagtanggol siya! Papayagan ba ng mga Anghel ng Diyos ang malisyosong mga taong ito para talunin ang Simbahan? Natural hindi. Ang mundo ay magiging napakaibang lugar kung minahal natin ang mga Anghel, kung tayo ay nabuhay sa katotohanan na ang mga Anghel ay inilagay ng Diyos para pangalagaan ang mga tao at tulungan sila para mailigtas ang kanilang mga sarili. Araw-araw ay ipinagtatanggol tayo ng ating Tagapangalagang Anghel, tinutulungan tayo laban sa mga patibong ng masamang mga anghel. Alam natin sa Katekismo Palmaryano na ang bawa’t tao, mula nang siya ay ipinaglihi, ay may isang Tagapangalagang Anghel na ibinigay sa kanya ng Diyos. Alam din natin mula sa parehong Katikismo na ang bawa’t tao, mula nang siya ay ipinaglihi, ay may isang tuksong demonyo na ibinigay sa kanya ng impernal na mga ispiritu, na pinahintulutan ng Diyos. Ang misyon nitong masasamang mga anghel o impernal na mga ispiritu ay para makondena nang walang hanggan ang mga kaluluwa. Ang impernal na mga ispiritu ay nasusuklam sa Diyos at doon sa mga nagmamahal sa Kanya.
Sa dahilang ito, ang mga bata ay lagi nang tinuturuan ng dasal para sa Tagapangalagang Anghel, nang sa ganoon ang isang Kristiyano ay maaaring manawagan sa isang itinalaga ng Diyos sa kanya bilang kanyang kasama at tagapangalaga habang buhay: “O Anghel ng Diyos, aking Tagapangalagang mahal, na kung kanino ang pagmamahal ng Diyos ay ipinagkatiwala ako dito: Kailan man sa araw na ito lumagi sa aking tabi para ilawan at pangalagaan, para pangunahan at gabayan. Amen.”
Sa parehong paraan, ang bawa’t Kristiyano ay magkaroon ng banal na gawi na pagdasal kay San Miguel Arkanghel, na Prinsipe ng lahat ng mga hukbo sa langit. Ang dasal kay San Miguel Arkanghel ay nasa aming website, na may magandang librito ng dasal na makukuha para idownload at iimprinta. Ang buhay na walang panalangin ay isang buhay ng tiyak na kapahamakan ng kawalan at ispiritwal na kalungkutan. Sa kabilang banda, iyong mga nagbibigay ng oras sa pagdarasal ay makararanas ng mas malaking kapayapaan at ispiritwal na pag-unlad. Ang dasal ay ang solusyon sa lahat ng ating mga problema at pangangailangan.