Ang ulat na ito ay nagsisikap upang matinag ang mga puso noong mga nais na maging matapat kay Kristo para makilala ang tunay na Papa, ang Kanyang Kabanalan Pedro III. Milyong mga Romano Katoliko ang sumusunod nang may katapatan sa antipapa na ang pamunuan ay nasa Roma. Sinasabing napakaraming mga tao, marahil daang milyon, ang nagtatanggol sa antipapa, samantalang ang tunay na Papa ay kinikilala bilang Bikaryo ni Kristo ng isang maliit na grupo lamang ng mga mananampalataya. Ito ay napakaseryosong bagay dahil ang Diyos, Isa at May Tatlong Pagkakaisa, ay binigyan ang Papa ng kapangyarihan para mamuno sa ngalan Niya. Ang Papa ay Bikaryo ni Kristo. Pinili ni Kristo si Pedro para pamunuan ang Simbahan, at tayong lahat ay nararapat na sumunod sa mga kahalili ni San Pedro, na parang tayo ay sumusunod mismo kay Kristo. Ang hindi pagtanggap sa tunay na Papa at ang pagsunod sa isang impostor na papa ay pumupukaw sa Banal na Galit ng Diyos. Ang mga parusang dumating sa sangkatauhan simula nang mamatay ang huling tunay na Papa sa Roma, San Pablo VI, ay terible. Sa mismong kamatayan ni San Pablo VI, ay pinili at kinoronahan ni Kristo si San Gregoryo XVII ang Napakadakila bilang Papa. Sa koronasyon kay San Gregoryo XVII bilang Papa at ang paglipat ng Katolikong Simbahan sa El Palmar de Troya sa Espanya, ang Romanong simbahan ay naging isang apostatang simbahan.
Ang awtentikong Katolikong Pananampalataya ay matatagpuan lamang sa Banal na Palmaryano Katolikong Simbahan. Sa labas Niya, ang apostata at karimlan ay naghahari. Ang ika-30 ng Hulyo 2022 ay nagmarka sa 40 taon simula nang binawi ni Papa San Gregoryo XVII ang kapangyarihan para maggawad o maglapat ng anumang sakramento mula sa mga obispo at mga pari na nasa labas ng Palmaryanong Simbahan. Hinihingi ni Kristo na kilalanin ang tunay na Papa. Hinihingi Niya na ang lahat ay ilagay ang kanilang mga sarili sa pagpapasailalim sa pagtalima sa Kanyang Kinatawan. Dahil ang Banal na Pamunuan ng Simbahan ngayon ay nasa El Palmar de Troya at ang tunay na Papa ay pinamumunuan ito mula sa Sagradong Lugar na ito, dapat tayong makumbert, magpakumbaba at manikluhod sa paanan ng tunay na Papa. Kapag ito ay hindi ginawa, ang malaking mga parusa ay magpapatuloy na darating sa mundo at ang mga iyon ay mas matindi at higit na matindi. Ang Diyos ay hindi maaaring gantimpalaan ang mga naninirahan sa mundo kung hindi sila magpapasailalim sa isang kumakatawan sa Kanya. Binabalaan kayo, ang mga parusa ng Diyos ay madaragdagan. Maaaring may mga taong pagtatawanan ito at ang iba ay tatawagin itong kabaliwan, nguni’t iyong mga sumapi sa Palmaryano Katolikong Simbahan sa madaling panahon ay makatatanggap ng kanilang mga gantimpala sa kanilang tapang.
Pag-aralan ang mga sulat ng tunay na Papa sa aming website. Basahin ang mga iyon nang may tiyaga at kababaang loob. Ang Banal na Ispiritu ay nagsasalita sa mga sulat na ito; ang Kanyang Karunungan ay nakikita. Iyon ang mga oportunidad para marating ang konklusyon na ang tunay na Papa ay si Papa Pedro III. Ang katotohanan ay malinaw na nakikita sa mga sulat ng Papa.
Ang aming website ay gawa ng Banal na Ispiritu. Ito ang pagkakataon para matutuhan ang doktrina ng Tunay na Simbahan. Isang malaking pagpapala mula sa Diyos na ang website na ito ay nasa napakaraming mga wika at abot-kamay ng karamihan. Lasapin ang dalisay na doktrina ng Simbahan at tanggapin ang kapayapaan ni Kristo habang binabasa ninyo ito.
Sa wakas kami ay nagtagumpay na makakuha ng isandaang libong mga pagbisita ng mga Espanyol sa aming webpage. Kinailangan ang mahabang 44 buwan para sa isandaang libong mga tao sa Espanya para pakinggan ang ibang kampana. Milyones ang lumulunok sa basura ng mga galamay ni Satanas na nagpapakalat kontra sa Palmaryanong Simbahan. Kahit papaano isandaang libong mga tao ang nagkaroon ng karunungan para pag-aralan nila mismo, ang pagbisita sa opisyal na website ng Simbahan. Importante ring sabihin na ang mga Espanyol ay gumugugol ng mas maraming panahon sa pagbasa ng mga lathala sa aming website kaysa sa malaking karamihan doon sa mga pumapasok mula sa ibang mga bansa. Mahigit na sa ikaapat na bahagi ng isang milyon ang pumasok mula sa Argentina, subali’t kakaunting panahon lamang ang kanilang ginugugol sa pag-aral sa aming website.
Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website. Ang mga bansang nawalan o nakakuha ng mga posisyon ay nakahighlight.
1. | Argentina | 11. | Venezuela | 21. | Uganda |
2. | Brasil | 12. | Estados Unidos | 22. | Paraguay |
3. | Mehiko | 13. | Ecuador | 23. | Guatemala |
4. | Colombia | 14. | Ukraine | 24. | Congo Kinshasa |
5. | India | 15. | Bolivia | 25. | Italya |
6. | Espanya | 16. | Nicaragua | 26. | Iraq |
7. | Dominican Republic | 17. | Bangladesh | 27. | Indonesia |
8. | Peru | 18. | Honduras | 28. | El Salvador |
9. | Nigeria | 19. | Kenya | 29. | Chile |
10. | Pilipinas | 20. | Alemanya | 30. | Poland |
Alalahanin natin na ang Eternal na Ama ay ipinagkatiwala sa Pinakabanal na Jose ang pangangalaga sa Batang Hesus at sa Pinagpalang Birheng Maria. Si San Jose umaasa sa tulong ng Diyos ay alam ang malaking panganib na naghihintay mula sa mga nais na pumatay sa Batang Hesus, ay dinala ang Bata kasama si Maria ay umalis patungo sa Ehipto. Doon ay pinangalagaan niya sila hanggang sa panahon na dapat nang bumalik sa lupain ng Israel. Tulad ng pangangalaga ni San Jose sa Sagrada Pamilya, siya ay Protektor din ng Banal na Simbahan at patuloy na pinangangalagaan niya Ito ngayon sa isang misteryosong paraan. Ang misyon ng Palmaryanong Simbahan ay lagi nang upang bigyang puri ang katauhan ni San Jose sa pamamagitan ng doktrina, at bilang kapalit ay pinangangalagaan niya ang Simbahan at ang mga kasapi nito sa natatanging paraan. Sa dahilang ito, ang Palmaryanong mananampalataya ay nagpopropesa ng malaking sampalataya at tiwala kay San Jose. Ito ay hindi lamang isang debosyon, sa halip nalalaman nila na sa ilalim ng proteksiyon ng dakilang Santo na ito sila ay mabubuhay sa kapayapaan at umaasa sa kanyang pamamagitan. Sa labas ng Palmaryanong Simbahan ang malaking kinasanayang debosyon na ito sa Pinakabanal na Jose ay hindi matatagpuan, dahil iyong mga nasa labas ng Palmaryanong Simbahan ay hindi alam ang dakilang doktrinang inihayag ng Banal na Ispiritu sa pamamagitan ng Banal na Palmaryanong mga Konseho. Halimbawa, si San Jose ay inilalabas ang lahat ng kanyang kinain o ininom sa pamamagitan ng isang mahalinang bango. Si San Jose ay kahalintulad ng walang bahid ng kasalanan at nakatataas sa lahat ng pinagsamang mga Anghel at mga Santo. Ang malalim na doktrinang ito tungkol kay San Jose ay mayroon sa mga lathalaing Palmaryano sa aming website:
Pontifical Documents of Pope Saint Gregory XVII the Very Great
Kahi’t na hindi kayo nakararamdam ng lakas para sumunod sa Palmaryanong Simbahan, huwag kaligtaang ilagay ang inyong mga sarili sa mapagmahal na mga bisig ni San Jose, hilingin na nawa ang Kalooban ng Diyos ay matupad sa inyong mga buhay. Hingin ninyo sa kanya na bigyan kayo ng mga palatandaan para malaman ninyo nang maliwanag kung nasaan ang tunay na Simbahan. Ituturo niya sainyo ang Palmaryanong Simbahan. Ipakikita niya sainyo na ang Pamunuan ng Tunay na Simbahan ay nasa Sagradong Lugar ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya.
Kami ay nagpapasalamat sa Diyos na nitong nakaraang ika-16 ng Hulyo ang Banal na Pagsamba ay naganap sa El Palmar na may malaking tagumpay. Ipinublika na namin ang mga video ng Misa Pontipikal at ng prusisyon ng mga imahen ng Ating Ina ng Palmar Koronada at ni Santa Teresa ni Hesus Koronada: https://youtu.be/w3zjVDhUbU0 Nang mga araw na iyon ang Banal na Palmaryanong Pamunuan ay animo’y isang piraso ng Langit. Ang Banal na Pagsamba ay nagbigay ng malaking kasiyahan doon sa mga may grasyang maging presente. Sa kabila ng lahat, ang iba ay nagreklamo tungkol sa malaking kariktan ng Banal na Palmaryanong Pagsamba, sila ay nagrereklamo tungkol sa magagandang mga karosa at kahit na tungkol sa kapa na napakagandang binurdahan ng aming mga madre. Kailangan nilang pagtiisan ang kanilang sariling inggit sapagka’t ang Simbahan ni Kristo ay lagi nang gagawin ang pinakamalaking posibleng pagsisikap para mapaganda ang lahat na ginagamit sa Banal na Pagsamba at sa gayon ay mapasaya ang Diyos at ang Kanyang Banal na Ina hangga’t maaari.