IKA-43 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN – Iglesia Catolica Palmariana

IKA-43 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Nais naming iulat na may napakalaking debosyon at pagmamahal sa Banal na Mukha ni Hesus sa mundo.  Maraming mga tao ang nakatanggap ng maliliit na tarhetang may panalangin mula sa Aksyon Katoliko Palmaryano na may malaking sigla at pasasalamat.  Hindi lamang kaunti, nguni’t maraming mga tao ang nabighani sa Banal na Mukha nang sila ay mabigyan ng tarhetang may panalangin.  Lohikal ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay ipinamimigay ang banal na mga tarhetang ito ng Banal na Mukha ni Hesus nang walang bayad.  Ang apostolado ng Banal na Mukha ay ginagawa dahil sa pagmamahal sa Ating Banal na Tagapagligtas at hindi sa pinansiyal na kita.  Napakaraming mga tao ang nagkagusto sa mga tarhetang ito ng Banal na Mukha kaya kinailangan naming mag-imprinta pa nang marami sa iba’t-ibang mga bansa.  Kami ay may video sa YouTube na nagpapakita ng debosyon sa Banal na Mukha sa Banal na Pagsamba sa El Palmar de Troya.  Ito ay nakita na ng halos kalahating milyong mga tao.  Narito ang link sa video na ito para roon sa mga hindi pa nakakita nito:  https://youtu.be/Exgr4s0PNyw 

    Ang kasaysayan ay inuulit sa maraming pagkakataon sa Katolikong Simbahan.  Maraming mga tao ang nag-iisip na ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay puno ng sira-ulong mga tao.  At bakit ganito? Dahil ang kaisipan ng Palmaryanong Simbahan ay iba sa kaisipan ng mundo.  Natural lamang na ang lahat ay nag-iisip na sila ay sumusunod sa pinakamagaling sa lahat.  Halimbawa, walang intensiyon na makasakit sa sinuman, ang ibang mga tao ay may mga tattoo, kung minsan ay kitang-kita nakalagay kahit na sa kanilang mga mukha.  May malaking grupo ng mga tao ang magsasabi na iyong mga gumagawa nito ay sira ang ulo.  May mga taong nagsusuot ng singsing sa ilong, at marami ring mga tao ang nag-iisip na sila ay sira ang ulo.  May mga lalaking nagsusuot ng hikaw sa kanilang mga tainga, at maraming tao rin ang nag-iisip na sila ay sira ang ulo.  Ang mga lalaking nagsusuot ng damit tulad ng sa babae at mga babaing nagsusuot ng damit na panlalaki ay makukonsidera ring mga sira ang ulo ng malaking bilang ng mga tao.  Sa pagkakasabi ng lahat ng mga ito, sino ang pinakasira ang ulo?  Iyon ba na iniaalay ang kanilang mga sarili sa pagmamahal kay Hesus at sa Pinagpalang Birhen, o ang iba sa mga taong nabanggit sa itaas?  Ang Palmaryanong Simbahan ay sumusunod sa Ebanghelyo ni Kristo, sa halimbawa ni Kristo, sa mga turo ni Kristo.  Dahil diyan, kami ay kinokonsiderang mga sira ang ulo.  Pagpalain ang Diyos na ganoon.  Si San Francisco ng Assisi at ang kanyang mga kasama ay kinonsiderang mga baliw sa kanilang panahon.  At maliban sa kanya, ay maraming iba pang mga santo.  Ang bawa’t isa ay dapat na tumingin sa salamin at isaalang-alang ang kaisipang ito:  Ilang tao ba ang nag-iisip na ako ay sira ang ulo?  May pakialam ka ba?  Buweno, wala rin kaming pakialam.

    Ayon sa mga bumisita sa aming website, ang mga audio na aming ipinopost ay nakatulong na mas madaling malaman ang tungkol sa Tunay na Simbahan ni Kristo.  Patuloy kaming magpopost ng mga ganoon nang mas mabilis kung maaari.  Kami ay nakapagpost na ng marami sa Ingles at Espanyol.  At kami ay nagpopost din sa ibang mga wika, lalo na sa Portugues.  Maraming mga taga Brasil ang sumusunod sa aming website.

    Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website:

1.Argentina11.Venezuela21.Uganda
2.Brasil12.Estados Unidos22.Paraguay
3.Mehiko13.Ecuador23.Guatemala
4.India14.Ukraine24.Congo Kinshasa
5.Colombia15.Bolivia25.Iraq
6.Espanya16.Nicaragua26.Italya
7.Dominican Republic17.Bangladesh27.Chile
8.Peru18.Honduras28.El Salvador
9.Nigeria19. Alemanya29.Indonesia
10.Pilipinas20.Kenya30.Poland

    Narito ang talaan ng labindalawang mga bansa na may pinakamataas na bilang ng views sa aming YouTube channel sa nakaraang 28 araw.  Ang pagkakasunod-sunod ng mga bansa sa talaang ito ay patuloy na nagbabago.

1.Mehiko5.Peru9.Turkey
2.Argentina6.Espanya10.Chile
3.India7.Indonesia11.Vietnam
4.Colombia8.Ecuador12.Pilipinas

    May tatlong mga mamamahayag ang gumawa ng negatibong mga komentaryo tungkol sa Palmaryanong Simbahan sa isang video, at sa hulihan ng videong ito ay ipinakita nila ang kanilang hangad na alisin ang Banal na Simbahang ito.  Tatlong mga baliw.  Sa halip na magsalita at magbigay ng maliwanag na impormasyon, inilagay nila ang kanilang mga sarili bilang mga huwes, ang lahat kasama ng kanilang huwad na mga ngiti sinisikap na ipresenta ang kanilang mga sarili bilang importanteng mga tao.  Sa maikli, sila ay mga instrumento ng demonyo mismo upang subukang sirain ang Simbahan ni Kristo.  Lubos na kinakailangan na magsalita at sabihan ang mga mamamahayag na panahon na para magsalita ng mga katotohanan at hindi mga kasinungalingan.  Ang pagsisinungaling ay napakalantad na bagay kapag iyong mga nakaaalam ng katotohanan ay nakikinig.  Natural, iyong mga hindi nakaaalam ng katotohanan ay siyang mga nahuhulog sa patibong ng demonyo.  Kung kaya, napakaimportanteng malaman ang katotohanan.  Para marating ang isang katotohanan, kinakailangang pag-aralan ang lahat ng nakapaligid sa isang isyu.  Huwag tayong maging mga sira ang ulo at mga tanga sa paniniwala roon sa mga nagpupublika para kumita o magkaroon ng pera.  Ang katotohanan ay lalabas sa mga lugar kung saan ay walang kikitaing pera.  May iba ring uri ng kita, halimbawa, pag-atake sa Simbahan dahil sa paghihiganti.   Ang kanilang desperadong pagsisikap para sirain ang Simbahan ay nakatatakip sa kanilang mga mata na humahantong sa kung saan ang kanilang tanging natatanggap ay isang kasinungalingan at hindi katotohanan tungkol sa Simbahan.  Kung ganoon, basahin ang lahat ng nakapublika sa aming website para kayo ay makainom mula sa isang singlinaw ng kristal na pinanggagalingan, isang bukal na malinis at kung saan ay walang basura o kasinungalingan.

    Ang bawa’t isa ay nais isipin na ang kanilang buhay ay magiging mas maganda sa hinaharap.  Buweno, ang iyong buhay ay magiging mas maganda kung kayo ay mamuhay tulad ng nararapat, nagmamahal at nagpapagalak sa Diyos.  Tayo ay nabubuhay sa isang bundok ng luha, sa mundo kung saan ay laging may paghihirap.  Subali’t ang matalinong tao ay alam na kinakailangan niyang maghanda para sa isang mas magandang buhay, isang maligayang buhay.  Ang kaligayahang ito ay hindi matatagpuan sa mga bagay sa mundo, nguni’t sa ispiritwal na mga bagay.  Ang kaligayahang matatamo sa buhay na ito ay matatagpuan sa perpektong pagsakatuparan sa batas ng Diyos.  Ang kaligayahan ay hindi matatagpuan sa mga bar, nguni’t sa mga Kapilya.  Ang kaligayahan ay hindi matatagpuan sa modernong musika, nguni’t sa magagandang mga himno ng Simbahan.  Ang kaligayahan ng kaluluwa ay hindi mararamdaman sa mga baybaying dagat subalit sa paggawa ng mga birtud o kabanalan, sa sakripisyo at dedikasyon sa paggawa ng mabuti.  Ang lahat ng ginagawa para sa kaligtasan ng mga kaluluwa ay isang bukal ng kaligayahan sa buhay na ito at magiging ating kaligayahan sa Langit.  Ang lahat ng pagkasirang nagawa sa mga kaluluwa sa pamamagitan ng masamang halimbawa ay nagreresulta ng kalungkutan sa kaluluwa, at maaari pang humantong sa pagdurusa sa impiyerno nang kawalang hanggan.  Ang kaligayahan ay hindi sa kung ano ang iniisip mo, kundi kung ano ang pinakasusuklaman mo at kung ano ang inaayawan mo ay sakripisyo.  Habang hindi mo tinatanggap ang sakripisyo bilang iyong minamahal na kapatid, ay hinding hindi mo mauunawaan kung ano ang panloob na kaligayahan.  Ang pinakamalaki at pinakamatapang na sakripisyong maiaalay ng isang tao ay ang pagkaitan ang sarili at sundan si Hesus sa Kanyang Tunay na Simbahan, ngayon ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan.  Huwag nang magpabukas pa, dahil sa bandang huli ay hindi natin alam kung ikaw ay buhay pa para magkaroon ng oportunidad upang makapasok sa Simbahan.  At kapag ikaw ay magpabukas pa, ang sitwasyon ng mundo ay maaaring magbago na dumating sa punto na ikaw ay hindi na maaari pang pumasok.