Viva la Santa Faz!
Ayon sa Katekismo Palmaryano, ang pangunahing debosyon ng Banal na Palmaryano Katolikong Simbahan ay para sa Banal na Mukha ng Ating Panginoong Hesukristo. Sa dahilang ito, sa aming Relihiyosong Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, ang sagot na ibinibigay sa mga utos ng Papa ay laging: Viva la Santa Faz! (Mabuhay ang Banal na Mukha!). Sa sagot na ito, ang pagtalima sa Diyos ay pinoproklama sa pamamagitan ng mga utos ng Banal na Papa na kumakatawan kay Kristo sa mundo. Ang Palmaryanong Moral ay inaatasan ang mga Pari na espesyal na ituro ang tungkol kay Kristong Nakapako. Sa pamamagitan ng pagturo tungkol kay Kristong Nakapako, tinuturuan namin ang mananampalataya na mahalin at gumawa ng reparasyon sa Banal na Mukha ni Hesus, na labis na nalapastangan sa araw ng Kanyang Pasyon at Kamatayan. Para mas maintindihan ang debosyon sa Banal na Mukha at ang malaki nitong kahalagahan, ay basahin ang mga Mensahe Mula sa Langit na ibinigay sa El Palmar tungkol sa Banal na Mukha sa aming website. Doon ay matutuklasan ninyo ang napakahalaga at babasahing inihanda nang napakaganda.
Kami ay nagdagdag na ng maraming bilang ng mga audio recording na mayroon sa aming website, lalo na sa Espanyol. Sa ganitong paraan, iyong mga hindi nakababasa gayundin iyong mga bulag ay maaaring samantalahin ang pagkakataon para malaman ang Tunay na Simbahan ni Kristo. Gayundin, maraming mga tao ang nadadalian sa pakikinig sa mga recording kaysa magbasa. Sa sunod na buwan, sa tulong ng Diyos, ay dadagdagan namin ang bilang ng mga audio recording na nakapublika sa ibang mga wika.
Nitong nakaraang ika-15 ng Mayo, ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III, kaisa ang lahat ng Palmaryanong mga Obispo, ay kinonsagra ang mundo sa Banal na Ispiritu. Ang seremonyang ito ay naganap sa Banal na Palmaryanong Pamunuan, sa presensiya ng maraming bilang ng mga mananampalataya na bumiyahe mula sa ibang mga bansa para sa ganoon kadakilang kaganapan. May isang Santa, si Concepción Cabrera Arias na nagpropesiya tungkol dito sa Konsagrasyon sa Banal na Ispiritu. “Isang araw na hindi masyadong malayo, sa gitna ng aking Simbahan, ang Papa ay gagawin ang konsagrasyon ng mundo sa Banal na Ispiritu, at ang espesyal na mga grasya ng Banal na Ispiritu ay padadaluyin sa masayang Papa na gumawa nito. Sa matagal na panahon ay hinangad ko na ang Uniberso ay makonsagra sa Banal na Ispiritu upang ang Pangalawang Pentekostes ay mapadaloy sa mundo”. Kami ay nagpalabas ng isang video sa You Tube channel ng Palmaryanong Simbahan tungkol sa kaganapan ng konsagrasyong ito: https://youtu.be/GzDENUKA5Do
Sa bandang katapusan ng Mayo hanggang sa unang bahagi ng Hunyo ng taon na ito, ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III ay gumawa ng apostolikong paglalakbay sa Alemanya, Switzerland at Austria. Ang paglalakbay na ito ay isang malaking ispiritwal na pag-angat para sa mga mananampalataya ng mga bansang ito at para sa mga mananampalataya ng ibang mga bansa na naglakbay para makita ang Kanyang Kabanalan sa napakaespesyal na okasyong ito. Sa kanyang pagbisita sa Switzerland, ang Banal na Papa ay pinasinayaan ang isang bagong Palmaryanong Kapilya.
Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website. Sa panahong ito ay walang pagbabago sa ranggo ng mga bansa kumpara sa nakaraang buwan.
1. | Argentina | 11. | Estados Unidos | 21. | Paraguay |
2. | Brasil | 12. | Venezuela | 22. | Guatemala |
3. | Mehiko | 13. | Ecuador | 23. | Congo Kinshasa |
4. | India | 14. | Ukraine | 24. | Iraq |
5. | Colombia | 15. | Bolivia | 25. | Uganda |
6. | Espanya | 16. | Bangladesh | 26. | Italya |
7. | Dominican Republic | 17. | Nicaragua | 27. | Chile |
8. | Peru | 18. | Honduras | 28. | El Salvador |
9. | Pilipinas | 19. | Alemanya | 29. | Cameroon |
10. | Nigeria | 20. | Kenya | 30. | Poland |
Narito ang talaan ng labindalawang mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming You Tube channel sa nakaraang 28 araw. Ang pagkakasunod-sunod ng mga bansa sa talaang ito ay patuloy na nagbabago.
1. | Mehiko | 5. | India | 9. | Bolivia |
2. | Argentina | 6. | Perú | 10. | Espanya |
3. | Indonesia | 7. | Ukraine | 11. | Guatemala |
4. | Colombia | 8. | Ecuador | 12. | Dominican Republic |
Nakatatawag pansin na ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay pinananatili ang tradisyonal na debosyon sa Banal na Eukaristiya. Sa Irlanda sa taong 1932 isang milyong mga tao ang nagtipon para sa Kongreso Eukaristiko. Kahit na ang transportasyon noon ay hindi kasing progresibo tulad ngayon, malaking bilang ng mga tao ang nagsakripisyong maglakbay ng mahabang distansiya para makadalo sa Kongresong ito. Gaano karaming mga tao ang naglakbay sa pamamagitan ng bangka para makarating sa Irlanda! Gaano karami ang naglakbay sa napaka-hindi komportableng mga paraan! Gayunman, sila ay nakarating sa Dublin para magbigay ng kaluwalhatian sa Diyos at sa Banal na Eukaristiya. Para roon sa mga dumalo sa Banal na Pagsamba sa Banal na Palmaryanong Simbahan, ang panunood ng mga video tungkol sa Kongresong ito ay nagbibigay sa kanila ng liwanag na ang Palmaryanong Simbahan ay sumusunod sa Banal na Tradisyon. Makatutulong nang lubos na maghanap ng mga video ng Kongreso Eukaristiko ng huling siglo at makita ang debosyon ng mga mananampalatayang dumalo. Makikita rin ninyo kung paano sila manamit ayon sa mga batas ng pagiging desenteng Kristiyano sa mga panahong iyon. Ang mga himnong inawit sa mga Kongresong ito ay inaawit pa rin ngayon sa Palmaryano Katolikong Simbahan. Ang Eukaristiya ay Diyos na buhay sa mundo, kung kaya dapat kayong manamit nang napakadesente sa mga simbahan. Ang Romanong simbahan ay hindi na ang tunay na Simbahan ni Kristo. Sa pagtingin nang maingat sa mga pumapasok doon, maiisip na ang pananampalataya ng ating mga ninuno ay hindi na nananatili sa mga lugar na iyon. Ang taong haharap sa Diyos na presente sa Eukaristiya ay mananamit nang mabuti hangga’t maaari, nang posibleng pinakadesente at hindi sa pumupukaw at iskandalusong pananamit.
Panahon na para magising, oras na para pag-aralan kung ano ang nagaganap sa mga simbahan sa labas ng Palmaryanong Simbahan. Hindi ninyo ito napagtatanto, nguni’t kayo ay sumusunod sa mali, panlilinlang, isang maganda sa paningin subali’t puno ng lason. Ang lason ng huwad na mga doktrina, mga doktrinang mas madaling sundin at isagawa kaysa sa doktrina ng tunay na Simbahan ni Kristo. Si Kristo ay hindi pinapayagan ang diborsiyo o kontrasepsiyon, at ang mga kalaswaan na nakapaligid sa mundo ay nagpapagalit sa kanya nang terible. Mangangailangang magsulat ng isang aklat at kahit pa ay hindi magiging posibleng ngalanan ang lahat ng napakaraming mga kasalanang nakagagalit nang labis sa Diyos at pinapayagan ng huwad na mga simbahan. Sa pagsunod sa kung ano ang madali ay nagiging komportable ang buhay na ito sa mundo, subali’t ito ay pagbabayaran sa Purgatoryo o, kung walang pagsisisi para sa mga kasalanang iyon, sa Impiyerno. Ang tanging paraan para matamo ang eternal na kaligayahan sa Langit ay yakapin ang krus na ibinigay sa bawa’t isa sa atin at sundin Siya. At para makasiguro para makarating sa Langit, ay binigyan tayo ni Kristo ng gabay, at ang gabay na ito ay si Maria, ang Kanyang Pinakabanal na Ina. Yakapin ang matamis na daang ito tungo sa eternal na kaligtasan, na mahalin nang maalab ang Banal na Birheng Maria.