Ave María Purísima!
Sa panahong ito kami ay magsisimula ng ulat sa pamamagitan ng Palmaryanong pagbati na ”Ave María Purísima, sin pecado concebida” (Ave Maria Pinakadalisay, pinaglihi nang walang kasalanan”). Ito ay hindi na bagong pasimula ng Palmaryano Katolikong Simbahan, subali’t ito ay isang tradisyonal na pagbati na maaalaala ng nakatatandang mga tao na dati nang ginagamit at naririnig sa lumipas na mga taon. Kapag ang dalawang Palmaryano ay bumati sa bawa’t isa, sila ay hindi lamang bumabati sa isa’t-isa: sila ay nagdarasal din, sapagka’t ang “Ave María Purísima, sin pecado concebida” ay isa sa aming pangunahing mga panalangin. Kapag ang dalawang Palmaryano ay nagsabi ng “Ave María Purísima, sin pecado concebida” sila ay naglulunsad ng isang makapangyarihang pagpapaalis ng demonyo laban kay Satanas at sa kanyang mga kampon. Kapag ang dalawang Palmaryano ay bumati sa isa’t-isa ng “Ave María Purísima, sin pecado concebida” ay ipinoproklama nila nang may kasiyahan at tiwala na si Maria, ang ating Ina, ay ang Imakulada, ang Babaing tinuran sa Genesis, na dumudurog sa ulo ni Satanas. Sa ganoon ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay ipinoproklama nang libu-libong ulit araw-araw ang kadakilaan ng Pinagpalang Birheng Maria. Maging sa pagtawag sa telepono o sa pagpadala ng isang mensahe, laging nagsisimula sa “Ave María Purísima”, at ang sagot ay laging “sin pecado concebida”. O maaari rin itong paikliin ng “AMP” at ang sagot “SPC”.
Magiging napakainterasante na ianalisa kung ano ag sasabihin nila tungkol sa Palmaryano Katolikong Simbahan maraming taon mula ngayon. Halimbawa, sa taong 2068, isandaang taon simula ng unang mga aparisyon sa Sagradong Lugar ng El Palmar de Troya. Pag-uusapan nila ang tungkol kay Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila at kung paano niya inilipat ang Katolikong Simbahan mula sa Roma patungo sa El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya. Pag-uusapan nila ang tungkol sa unang Palmaryanong Templo, napakaganda at puno ng pagiging banal, na may napakaraming Banal na mga Misa at magandang mga prusisyon, at iba pa. Ang kahanga-hangang mga imahen at mga karosa nito ay mananatili pa rin. Ang isang bagay na hindi na mananatili sa 2068 ay ang maraming mga kaaway na sa ngayon ay sinusubukang palubugin ang Palmaryanong Simbahan. Sila at ang kanilang mga gawain ay malilibing sa mga sementeryo. Tulad noong mga nabuhay noong kapanahunan ng Dakilang Papa, San Pedro I ang Napakadakila, ang unang Papa. Hindi na natin naririnig pa ang tungkol sa kanyang mga kaaway, subali’t ang alaala ng dakilang Papa na ito ay mananatili magpakailan pa man.
Tayo ay nasa misteryosong mga panahon. Ang mundo na nakatalikod sa katotohanan. Isang mundo na puno ng nakahihiyang mga pagkakasala laban sa Diyos. At ang pinakamasama pa, ang kasamaang ito ay pinapalakpakan ng malaking nakararami. Ang Banal na Palmaryanong Simbahan ay patuloy na matapat na isinasakatuparan ang misyong ipinagkatiwala sa Kanya ng Ating Panginoong Hesukristo. Ito ay nananatiling mahinahon sa gitna ng malakas na mga unos. Dakilang mga personahe ang lilitaw na magtatanggol sa dakilang gawaing ito. Ang mga taong ito sa kasalukuyan ay inihahanda ni Kristo sa loob ng Palmaryanong Simbahan. Sila ay mga taong may dakilang kabanalan at nalinis sa pagkahawa sa bulok na mundo sa ngayon. Mula sa loob ng Palmaryanong Simbahan ay manggagaling ang dakilang mga tagapagtanggol ng Kristiyanidad at ang bawa’t isa sa kanila ay magiging matibay na poste, mga balwarte ng Pananampalataya, ang lahat ay may dakilang pagmamahal para sa Ating Banal na Tagapagligtas na si Hesukristo, ang Banal na Birheng Maria at Pinakabanal na Jose.
Makatuwiran ang website na ito ay lubos na nakagagalak sa Diyos, dahil sa ang pangunahing layunin nito ay ang magsagawa ng apostolado para sa Diyos, ating Taglalang, at para itaguyod ang mabuti, na siyang tunay na Katolikong doktrina. Bilang gantimpala, hindi nakapagtataka na ang Langit ay gagamitin ang website na ito bilang “Tagapagsalita” nito kung may mga sandaling transendenteng pangangailangan. Dito ibabalita kung ang napakaimportanteng mga kaganapan para sa sangkatauhan ay maisasakatuparan. Sa mga nakaraang panahon, ang mga propeta ang nagbabalita kung ano ang darating, at ang lahat ay nagaganap base sa kanilang sinabi. Sa ngayon, dahil sa pangangailangan na hindi pa nakita kahit kailan, ang ating Taglalang ay pinahintulutan ang Simbahan upang samantalahin ang teknolohiya upang iparating ang mga Mensahe Mula sa Langit ng El Palmar de Troya para wala ni isa man ang magkukulang ng kaalaman sa mga iyon. At dahil sa ngayon tayo ay may impormasyon na sa iba’t-ibang wika, ito ay isang maliwanag na palatandaan na ang mga trumpeta ay tumutunog na at sa madaling panahon ang Kaluwalhatian ng Banal na Palmaryanong Simbahan ay makikita na na hindi pa nakita sa nakaraan hanggang ngayon.
Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming webpage. Ang mga bansang nawalan o umangat ang mga posisyon ay nakahighlight.
1. | Argentina | 11. | Estados Unidos | 21. | Paraguay |
2. | Brasil | 12. | Venezuela | 22. | Guatemala |
3. | Mehiko | 13. | Ecuador | 23. | Congo Kinshasa |
4. | India | 14. | Ukraine | 24. | Iraq |
5. | Colombia | 15. | Bolivia | 25. | Uganda |
6. | Espanya | 16. | Bangladesh | 26. | Italya |
7. | Dominican Republic | 17. | Nicaragua | 27. | Chile |
8. | Peru | 18. | Honduras | 28. | El Salvador |
9. | Pilipinas | 19. | Alemanya | 29. | Cameroon |
10. | Nigeria | 20. | Kenya | 30. | Poland |
Narito ang talaan ng labindalawang mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming YouTube channel sa nakaraang 30 araw:
1. | Ukraine | 5. | Colombia | 9. | Vietnam |
2. | Mehiko | 6. | Indonesia | 10. | Turkey |
3. | India | 7. | Espanya | 11. | Italya |
4. | Argentina | 8. | Peru | 12. | Pilipinas |
Hinihimok namin ang lahat ng bumabasa ng ulat na ito na gamitin ang pananampalataya at tiwala sa Ating Pinakamamahal na Ina, ang Birheng Maria. Ang buhay para sa maraming tao ay napakahirap, maraming mga krus at kahirapan para malampasan. Maraming mga unos at lahat ng uri ng kalamidad ang kinakaharap. Subali’t ang Diyos ay binigyan tayo ng isang katulong, ibinigay Niya ang Kanyang sariling Ina para sa atin para tayo ay bumaling sa Kanya upang tulungan tayo na malampasan ang ating mga paghihirap. Kailangan natin ang pananampalataya at tiwala sa Kanya sapagka’t Siya ang kanang kamay ng Makapangyarihan. Si Maria ang suplikanteng makapangyarihan. Siya ang ating dakilang tagapamagitan sa harapan ni Kristo, ang Kanyang Banal na Anak, na naging Tao sa pamamagitan ng aksiyon at grasya ng Diyos Ispiritu Santo. Sa pagdulog sa ating Ina sa Langit tayo ay makatatagpo ng kapayapaan at pag-asa. Kung ano ang imposible sa inyo, ay hindi imposible sa Kanya. Ang mga problemang hindi ninyo masolusyonan, ay kaya Niya. May mga hadlang sa atin, subali’t para sa Kanya ang salitang hadlang ay wala. Siya ang gumagawa ng malalaking mga himala, araw-araw, pabor sa maraming mga tao, kahit na doon sa mga hindi nananawagan sa Kanya o hindi nagmamahal sa Kanya. Ang Birheng Ina ng Diyos ay dumarating para tumulong sa mga kaluluwa para iligtas sila, upang mahadlangan sila sa walang hanggang kapahamakan. Tayo ay magpakumbaba sa harap ng Ina ng Diyos at humingi ng Kanyang tulong, at gagawaran Niya tayo ng malaking mga awa sa harap ng Kanyang Anak na si Hesus. Kung ang tao ay naniniwala na ang Ating Birhen ay tutulungan siya, hindi Niya hahayaang hindi dinggin ang ating mga panalangin. Mas malaking pananampalataya ang ating ginagawa, mas malaking siguridad na bibigyan ng atensiyon ng Ating Birhen kung ano man ang ating kahilingan.