IKA-40 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN – Iglesia Catolica Palmariana

IKA-40 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Kung ang Langit ay mabuksan at pagnilayan ng lahat ng mga naninirahan sa lupa, isang hindi maisip na bilang ng mga Santo ang makikita.  Kabilang sa mga ito, sa kilalang mga lugar ay ang mga kasapi ng Banal na Palmaryanong Simbahan na namatay pagkatapos na mag-apostata ang Romanong Simbahan noong 1978.  Alam natin mula sa doktrina ng Banal na Apostolikong Simbahan ni Kristo, na ang Palmaryanong Simbahan, na ang Langit ay hindi isang lugar nguni’t estado.  Sa ganitong estado, ang kaluluwa ay nagtatamasa ng makalangit na kaligayahan na hindi maihahambing sa anumang iba pang kaligayahan na alam natin.  Ang Langit ang gantimpala para sa mga kaluluwang tapat sa Diyos na naglingkod  sa Kanya at nagsakripisyo para sa Kanya rito sa lupa.  Sa kabila ng kakila-kilabot na diyabolikong pag-uusig laban dito, hindi nagawang wasakin ni Satanas ang Banal na Palmaryanong Simbahan, na araw-araw ay nag-aalay ng masaganang Banal na mga Misa kaisa ng maraming mga panalangin ng mga mananampalataya upang mabayaran ang napakaraming pagkakasala na ginawa laban sa ating Lumikha.

   Ilalantad natin ngayon ang isa sa pinakamabigat na kasalanang nagagawa laban sa ating Banal na Lumikha.  Ito ay  binubuo sa katotohanan na napakaraming tao ang nagkakait ng buhay sa ibang mga tao.  Gaanong kakulangan ng pag-ibig sa kapwa upang ipagkait ang mabuhay, na ipagkait ang buhay, sa ibang mga nilalang na balang araw ay maaaring magtamasa ng Langit!  At sino ang mga ubod ng samang mga ito?  Sila iyong mga gumagamit ng kontrasepsiyon.  Samantalang kaya naman nilang magkaroon ng malaking pamilya, nililimitahan nila ang kanilang mga sarili sa isa o dalawang anak para sa kanilang kagaanan.  Hindi nakapagtataka, kung ganoon, kung bakit bilyong mga tao ang napupunta sa Impiyerno.  Ang Doktrina ng Simbahan ay nagtuturo ng ganito:  kahi’t na ang karamihan sa mga kaluluwa ang naliligtas, iyong mga napupunta sa Impiyerno ay bilyones ang bilang.  Marami sa kanila ay sakim na mga tao na nagpakasal upang tamasahin ang lehitimong kasiyahan ng pagiging may asawa, subali’t nakalilimot na ang Diyos ay pinahihintulutan ang lehitimong mga kasiyahang ito bilang gantimpala sa pagbibigay sa Kanya ng maraming mga kaluluwa para mahalin Siya.  Inatas ng Diyos ang magparami ng anak at kapag ito ay iniwasan, ang pagiging buhay may asawa ay nagiging estado ng permanenteng mortal na kasalanan na maaaring magdala ng maraming mga kaluluwa sa Impiyerno.  Ang ibang mga may asawa ay pinupuna ang iba sa imoral na pamumuhay, kung samantalang sila mismo ay nabubuhay sa imoralidad, pinapalitan ng maruming kasiyahan ng makasalanang pamumuhay para sa pagtalima sa kalooban ng Diyos, na magkaroon ng mga anak na nais Niyang ibigay sa kanila.

   Sa nakaraang Ulat, ibinahagi naming sa simula ng pagpasok ng Rusya sa Ukraine kami ay tumanggap ng mas maraming mga pagbisita mula sa Ukraine kaysa sa alinmang ibang bansa.  Samantalang hindi kami nagkaroon ng parehong bilang ng mga pagbisita ngayon, mayroon pa rin ilang mga tao ang dumarating araw-araw.  Kami ay tumanggap kailan lamang ng mga interes mula sa Alemanya.  Ang dahilan nito ay may pumuna sa amin sa Facebook, na nagbunsod sa maraming mga tao sa bansang iyon para bisitahin ang aming website.  Anong sayang makita kung paano ginagamit ng Diyos ang mga kaaway ng Simbahan upang makalikha ng mas malaking apostolado para sa Kanyang Banal na Simbahan!

   Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansang may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website.  Ang mga bansang nawalan o nakatamo ng mga lugar ay nakahighlight.

1.Argentina11.Estados Unidos21.Congo Kinshasa
2.Brasil12.Venezuela22.Guatemala
3.Mehiko13.Ecuador23.Kenya
4.India14.Ukraine24.Iraq
5.Colombia15.Bangladesh25.Chile
6.Espanya16.Nicaragua26.Italya
7.Dominican Republic17.Bolivia27.El Salvador
8.Peru18.Honduras28.Cameroon
9.Pilipinas19.Alemanya29.Poland
10.Nigeria20.Paraguay30.Pakistan

   Sa nakaraang dalawang taon, kami ay nagpost ng isang video sa You Tube na ipinakikita ang ganda ng imahen ng Ating Ina ng Palmar Koronada at ang magandang burda na nagpaparikit ng magandang istatuwang ito.  Sa tulong ng Aksyon Katoliko Palmaryano, ang video na ito ay umabot nang isang milyong views.  Ang apostolado ng pagpapalaganap ng imahen ng Ating Ina ng Palmar Koronada ay malaking kahalagahan.  Ito ang Kanyang paboritong titulo, at Siya ay magpapakita nang maluwalhati sa ilalim ng titulo ng Ating Ina ng Palmar Koronada sa ibabaw ng Banal na Pamunuan ng Palmar upang ipakita na Ito ang Tunay na Simbahan ni Kristo.  Ano ang magaganap sa araw na iyon?  Buweno, iyong mga dating kasapi ng Banal na Simbahang ito ay makararamdam ng malaking pagsisisi sa ginawa nilang pagtalikod dito at marami ang magbabalik.  Iyong mga naging instrumento ni Satanas upang siraan ang Simbahan ay makadarama ng kahila-hilakbot na pagkalito, kahit desperasyon, kung sila ay hindi magpapakumbaba sa harap ng Kanyang marilag na Pagpapakita.  At iyong mga hindi pa nakaaalam ng Palmaryanong Simbahan, o mga nalinlang ng huwad at nakakalinlang na impormasyon, ay magkakaroon ng maluwalhating oportunidad para tanggapin ang Palmaryanong Simbahan at ilagay ang kanilang mga sarilli sa paanan ng Pinakabanal na Ina ng Diyos.

   Ang Palmaryanong Semana Santa, na naganap tulad ng dati sa pagitan ng ika-20 at ika-27 ng Marso, ay isang malaking tagumpay.  Sa taong ito sa mabuting pagpapasiya, tanging ang mga mananampalataya ng Simbahan ang presente para makaiwas sa malaking pagtitipon ng mga tao. Umaasa kami na sa isang taon ay hindi na kami mahahadlangan ng problema sa pandemic sa pag-anyaya sa publiko na nais dumalo. Bumubuo kami ng isang video ng loob ng Katedral na inihahanda para sa Semana Santa para ipamalas ang hindi maisalarawang ganda ng mga karosa ng prusisyon ng Simbahan.  Dahil ang mga tagahanga ng sining ng mga karosa ay hindi nakarating, kahi’t na paano ay makita nila ito sa kahanga-hangang video.  Ang Palmaryanong Semana Santa ay espesyal higit sa lahat para sa sigasig ng mga kasali at para sa ispiritwal na rangya na may napakaraming mga panalangin at penitensiya.  Sa linggong ito, maraming mga kaluluwa ang naliligtas at ang mga Banal na Kaluluwa sa Purgatoryo ay natutulungan nang lubos.  Maraming bilang ng mga kaluluwa ang nakaaalis sa Purgatoryo dahil sa mga sakripisyong ginagawa ng Simbahan tuwing Semana Santa.

Kahi’t na ito ay nabanggit na nang maraming ulit, kinakailangang ipaalaala sa mga tao ng ibang relihiyon na, simula noong ika-30 ng Hulyo, 1982, ang Banal na Palmaryanong Simbahan ay hindi na kinikilala ang anumang sakramentong inilapat ng ibang mga simbahan sa labas ng Palmaryanong Simbahan.  Inuulit namin ito dahil maraming mga pari at mga relihiyoso ng ibang mga simbahan ay nais pumasok sa Palmaryanong Simbahan bilang relihiyoso.  Makatuwirang ito ay hindi posible sapagka’t ang kanilang mga ordinasyon ay hindi balido.  Kinakailangan muna nilang pumasok sa Simbahan bilang isang mananampalataya at saka hingiin na sila ay tanggapin sa aming Orden.  Dagdag pa, ang mga kasapi ng Banal na Palmaryanong Simbahan ay may napakaibang ispiritu roon sa mga nais na pumasok mula sa ibang mga relihiyon.  Ang mga Palmaryano ay may malaking ispiritu ng panalangin at penitensiya na hindi matatagpuan sa ibang mga relihiyon.  Ito ay tinatawag na ispiritu ni Elias, na matatagpuan sa napakalaking antas sa iba at kaunting antas sa iba.  Ang ispiritung ito ay panloob na grasyang resulta ng Banal na Ispiritu na nagbubunsod sa mananampalataya kay Kristo upang ibigay ang kanilang sarili nang buo nilang pagkatao upang pagsilbihan Siya nang walang takot sa anuman, dahil ang Diyos ay Makapangyarihan.  Ang lahat ng mga Palmaryano ay mayroon ng ispiritung ito na nagpapahiwatig din ng isang kabuoang pagsuko sa Banal na Birheng Maria at sa Kanyang Birhinal na Esposo, ang Maluwalhating San Jose.