IKA-39 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN – Iglesia Catolica Palmariana

IKA-39 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Para roon sa mga hindi pa gaanong alam ang kasaysayan ng Banal na Palmaryanong Simbahan, kinakailangang gunitain ang katauhan ni San Pablo VI, Martir ng Batikano. Bago namatay ang Dakilang Papa na ito ng Romano Katolikong Simbahan, siya ay minanipula at dinruga ng mga kaaway ng Simbahan. Nakapanghihinayang, siya ay hindi nagkaroon ng sapat na suporta mula sa mga Kardinal at mga Obispo upang mapanatiling matatag ang Katolikong Simbahan sa daang tinatahak nito simula nang inilipat ni San Pedro ang Simbahan sa Roma. Kahit na si San Pablo VI (Naging Papa simula 6-19-1963 hanggang 8-6-1978) ay tunay na Papa, napakarami sa kanyang mga Kardinal at mga Obispo ay hindi naging matapat sa Simbahan. Lahat ng uri ng mga erehya, mga Freemason, mga Komunista, at iba pa, ay naipasok sa Romanong pamunuan ng simbahan. Kung kaya, nang mamatay si San Pablo VI, ang Roma ay labis na ang pagkabulok kaya si Kristo ay hindi na makakilos sa pagpili ng Tunay na Papa. Ito ay hindi naging posible sapagka’t ang pilian ay mas marami ang mga traydor kaysa mga tapat na mga kandidato. Ang isang traydor na Papa ay lumabas na nanalo. Subali’t dahil hindi maaaring gawing balido ni Kristo ang isang traydor na Papa, Siya ay mayroon nang nakahandang ibang solusyon.

  Ang solusyong iyon ay nagsimula sa mga Aparisyon ng Pinakabanal na Birheng Maria sa El Palmar de Troya noong Marso 30, 1968. kinailangang palitan ang Pamunuan ng Banal na Simbahan. Ang lugar na pinili ng Langit ay nasa Timog ng Espanya, sa isang lugar na kilala sa debosyon nito sa Ina ng Diyos. Ang Pinakabanal na Birheng Maria ay sinimulan ang paglipat sa hinaharap ng Simbahan sa pagpapakita sa Sagradong Lugar ng El Palmar de Troya sampung taon bago ang kamatayan ni San Pablo VI. Sa loob ng walong taon ay inihanda Niya ang Sagradong Lugar na ito hanggang sa maestablisa ang Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha. At makaraan ang dalawang taon, ang Pamunuan ng Katolikong Simbahan ay inilipat doon, para ipagpatuloy ang Tunay na Simbahan.

  Ang aming website sa ngayon ay nakalimbag na sa tatlumpung mga wika, na ang Indonesian ang pinakahuling dagdag. Kami ay nagpapatuloy na may tapang at dedikasyon para walang ni isa man ang nagkukulang sa kaalaman sa Tunay na Simbahan. Kami ay nagdadagdag din ng bilang ng mga dokumentong mayroon sa bawa’t wika. Ang Colombia sa ngayon ay panglimang bansa na nagkaroon ng higit sa daan libong mga pagbisita sa aming website.

  Interesanteng bigyang diin na simula nang panghihimasok ng Rusya sa Ukraine, kami ay nakatanggap ng mas maraming mga pagbisita mula sa Ukraine kaysa alinmang ibang bansa. Maraming mga araw na nagtatapos sila sa unang posisyon. At sa ibang mga araw, pangalawa o pangatlo. Walang duda na ang Banal na Mukha ng Ating Panginoong Hesukristo at ang pinakamagandang Imahen ng Ating Ina ng Palmar ay magdadala ng malaking aliw sa mga taong ito na labis na naghihirap.

  Narito ang talaan tatlumpung mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website. Ang mga bansang nawalan o nakakuha ng mataas na mga posisyon ay nakahighlight.

1.Argentina11.Estados Unidos21.Congo Kinshasa
2.Brasil12.Venezuela22.Kenya
3.Mehiko13.Ecuador23.Guatemala
4.India14.Ukraine24.Iraq
5.Colombia15.Bangladesh25.Chile
6.Espanya16.Nicaragua26.El Salvador
7.Peru17.Bolivia27.Italya
8.Pilipinas18.Honduras28.Cameroon
9.Dominican Republic19.Alemanya29.Pakistan
10.Nigeria20.Paraguay30.Poland

  Para roon sa mga tumanggap ng Banal na Palmaryanong Simbahan bilang Tunay na Simbahan ni Kristo, mahalagang sila ay tumugon sa panawagan ng Pinakabanal na Birheng Maria na makipagtulungan sa Kanya sa napakahirap na sandaling ito ng Kanyang Simbahan. Hindi kailangan ang maging malungkot dahil ang Palmaryanong Simbahan ay napakaliit. Sa halip, dapat maging masaya na tayo ay tinawagan para maging kasapi ng Simbahan ni Kristo. Ang Diyos ay hindi nangangailangan ng maraming mga tao para matamo ang tagumpay. Ang Kanyang hinihingi ay iyong mga tinawagan Niya sa napakaespesyal na paraan, ay ilaan ang kanilang mga sarili kasama ang buo nilang pagkatao at sa ganoon ay makatamo ng isang malaking pagiging malapit sa ating Taglalang. At kapag si Hesus ay nakatagpo ng isang kaluluwa na nakahandang ibigay ang kanyang sarili nang buong puso sa Kanyang Malaking Misteryosong Gawain, na ang Palmaryanong Simbahan, ay ipinakikilala Niya ang Kanyang Sarili sa kaluluwang ito. Sa dahilang ito, ang mga kaluluwa, sa kabila ng mga persekusyon at paghihirap, ay nagpapatuloy sa Palmaryano Katolikong Simbahan sapagka’t kilala nila si Hesus at alam nila na nasa kanila ang Katotohanan. Ang mga kaluluwang ito ay isinasabuhay ang mga salita ng Banal na Ebanghelyo: “Ako ang Mabuting Pastol. Kilala Ko ang Aking mga tupa, at ang Aking mga tupa ay kilala Ako. Libro V, Kapitolo XLIV.

  At hindi lamang si Hesus ang naghahayag ng Kanyang Sarili sa mga matapat na mga kaluluwa ng Simbahan, nguni’t pati ang Eternal na Ama at ang Banal na Ispiritu, dahil kung saan si Hesus ay gumagawa, ganoon din ang Ama at ang Banal na Ispiritu.

  Tayo ay malapit na sa Semana Santa, ang panahong laging napakaluwalhati para sa Palmaryano Katolikong Simbahan, sapagka’t napakaespesyal naming ginugunita ang mga pangyayari sa Kalbaryo nang may dakilang alab at kabanalan. Ang Sagradong mga Imahen ay nagpapaalaala sa atin ng teribleng mga sandaling pinagdaanan ni Hesus at ni Maria sa panahon ng kanilang sariling napakabanal na mga pasyon. Ang imahen ni Kristo, pasan ang Kanyang Krus at nakokoronahan ng mga tinik, ay dapat na tumagos sa kaluluwa nang may pagsisi para sa mga kasalanang nagawa ng bawa’t isa. Ang Semana Santa ay isang panawagan para humingi sa Diyos ng kapatawaran sa sariling mga kasalanan at para gumawa ng mga akto ng reparasyon para sa mga iyon. Malungkot, marami ang gugugulin ang Semana Santa sa pagkutya sa iba, pagsisi sa iba sa libong mga bagay, nilalait ang iba, naghahasik ng mga kasinungalingan, nagkakalat ng mga paninira, nagkakasala kay Kristo sa pamamagitan ng masamang mga pagnanais at mga gawain, nawawala kung ano ang kinakailangan. Ang kinakailangan ay tingnan ang sarili at pakumbabain ang sarili sa harap ng Diyos at akusahan ang sarili sa sariling mga kasalanan. Ang Semana Santa ay isang panawagan para sa bawa’t isa na tingnan ang loob ng kanilang sariling kaluluwa at makita kung gaanong paghihirap ang naroon. Ito ang panahon para magpatawad sa isa’t-isa, tularan si Kristo na nagpatawad sa kanyang mga kaaway sa Krus. Ang Kanyang matamis na mga salita: “Ama, patawarin Mo sila, sapagka’t hindi nila alam ang kanilang ginagawa” ay isang halimbawa na dapat nating tularan. Sa Krus, si Kristo ay Hari, isang Hari na hinahayaan ang mga nagpapahirap sa Kanya na maltratuhin at patayin Siya. Kapag hindi ka naluha sa pagmuni tungkol kay Kristong Nakapako, ay hindi mo pa rin Siya minamahal. Huwag mong lokohin ang iyong sarili. Pagnilayan mo ang Kalbaryo at ikaw ay makatatamo ng malaking pagmamahal para sa Banal na Manunubos na si Hesukristo at gayundin sa ating Katuwang na Manunubos, ang Banal na Birheng Maria.