IKA-38 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN – Iglesia Catolica Palmariana

IKA-38 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay ang Tunay na Simbahan ni Kristo. Ito ay isang napakaseryosong bagay. Ito ay isang bagay na hindi dapat pagtawanan tulad ng ginagawa ng iba, na tinatawag itong isang sekta. Iyong mga tumatawag dito nang ganoon ay nagpapakita ng malaking kamangmangan. Dahil hindi nila ito nauunawaan, pinupulaan at pinagtatawanan nila ito, sa ganoong paraan ay nagpapakita ng kakulangan nila sa karunungan at edukasyong pangrelihiyon. Ang Pinakabanal na Birheng Maria ay pinili ang nayon ng El Palmar de Troya para sa Kanyang malaking Aparisyon noong 1968 sa napakamahalagang mga kadahilanan. Bago ang Aparisyong iyon sa El Palmar de Troya, ang sumusunod ay tinuran na sa pamamagitan ng propesiya sa mga Aparisyon sa Ezquioga, Espanya, nang ang Ating Panginoong Hesukristo ay nagsabi: “Magkakaroon ng mga palatandaan bago maganap ang digmaan, kalamigan sa relihiyon at korupsiyong moral, ang masama ay ituturing na kabutihan at ang kabutihan ay masama, ang mga mananampalataya ay ituturing na mga sira ang ulo at ang mga hindi mananampalataya ay napaliwanagan” (Sipi mula sa mga mensaheng ibinigay kay Benita Aguirre noong Hulyo at Agosto 1933). Sa dahilang ito, iyong mga nagtatawa at gumagawa ng mga lathala laban sa Palmaryanong Simbahan sa katunayan ay mga hindi mananampalataya at mga sira ang ulo.

  At bilang resulta ng katotohanang ito, kami ay magbubukas ng mga daan para roon sa mga matapat. Basahin ang pinakahuling Apostolikong Liham mula sa Kanyang Kabanalan Papa Pedro III at makikita ninyo na sa Banal na Palmaryanong Simbahan ang awtentikong Katolikong Pananampalataya ay sinusunod. Sinusunod namin ang mga turo ng mga Papa ng Katolikong Simbahan sa lahat ng panahon, dati ang romano Katolikong Simbahan. Ilang ulit hiningi ng Papa sa Katolikong mananampalataya na manamit sa isang Kristiyanong paraan at, gayunman, hindi nila sila pinakinggan. Sa dahilang ito, ang Ating Panginoong Hesukristo ay napagod sa Roma at pinili ang isang Espanyol, isang taga Sevilla na may matibay na ugali, para ang Simbahan ay may isang lider na may kapasidad sa pagpapatupad ng mga kautusan at pag-organisa ng Simbahan sa isang estadong nakapagpapagalak sa Diyos. Kung kaya ito ay ginawa ni Papa San Gregoryo XVII, ang Kaluwalhatian ng Oliba. Ang pamosong si San Malaquias ay nagpropesiya tungkol sa mga Papa at binigyan ang mga ito ng isang bansag na magkikilala sa kanilang pagiging Papa. Ang bansag na tumutugma kay Papa Gregoryo XVII ay ‘Ang Kaluwalhatian ng Oliba’. Ang El Palmar de Troya, itong lupa ng Sevilla, ay puno ng mga punong oliba. Ang titulong ‘Kaluwalhatian ng Oliba’ ay perpektong nababagay kay Papa Gregoryo XVII, personal na pinili at kinoronahan ng Ating Panginoong Hesukristo. Ang sinumang maglakbay sa iba’t-ibang dako ng El Palmar de Troya ay makakikita ng hindi mabilang na mga puno ng oliba. Doon ay itinuro ni Kristo kung nasaan ang kanyang Bikaryo sa pamamagitan ng mga propesiya ni San Malaquias, bantog sa mga may solidong Katolikong edukasyon.

  Ang aming website sa ngayon ay may lathala na sa 28 mga wika at kami ay nagbabalak pa ring gumawa ng mas marami. Ang mga namamahala sa pagsalin ng mga Palmaryanong lathala ay patuloy sa kanilang dakilang gawain na magkaroon ng kaalaman tungkol sa Tunay na Simbahan ang lahat ng mga tao sa buong mundo. Malinaw na sinabi ni Kristo sa kanyang Sermon Eskatolohiko: “At bago ang lahat ng mga ito, ang Ebanghelyo ay ituturo sa lahat ng dako ng mundo, para magbigay ng katunayan nito sa lahat ng mga tao, at ang katapusan ay darating, sapagka’t ang mundo ay lilinisin ng apoy.”

  Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website. Ang mga bansang nawalan o nagkaroon ng posisyon ay nakahighlight.

1.Argentina11.Estados Unidos21.Paraguay
2.Brasil12.Venezuela22.Kenya
3.Mehiko13.Ecuador23.Guatemala
4.India14.Bangladesh24.Iraq
5.Espanya15.Nicaragua25.Chile
6.Colombia16.Bolivia26.El Salvador
7.Pilipinas17.Ukraine27.Italya
8.Peru18.Honduras28.Cameroon
9.Dominican Republic19.Alemanya29.Pakistan
10.Nigeria20.Congo Kinshasa30.Poland

  Narito ang sampung mga lungsod na kung saan kami ay nakatanggap ng pinakamaraming mga pagbisita. 1. Buenos Aires. 2. Santa Fe de Bogotá. 3. Lagos. 4. Santo Domingo. 5. Córdoba (Argentina). 6. Lungsod Mehiko. 7. Madrid. 8. Sao Paulo. 9. Managua. 10. Lungsod Quezon.

  Sa pagbabalik sa napakaimportanteng liham buhat sa Kanyang Kabanalan Papa Pedro III tungkol sa obligasyon sa pananamit sa isang Kristiyanong pamamaraan, na ngayon ay mayroon na sa aming website: https://cdn-prod.ocsficp.org/wp-content/uploads/2022/01/22-Apostolic-Letter-PP-Peter-III-English.pdf Ang Kanyang Kabanalan ay labis na pinanghahawakan ang dakilang Santo ng huling siglo, San Pio ng Pietrelcina, na kahit kailan ay hindi nagsawang hingin sa lahat ng lumalapit sa kanya na manamit ng disente. Maraming mga tagasunod ni San Pio sa mundong ito, subali’t sila ay huwad na mga tagasunod dahil hindi nila isinasakatuparan kung ano ang kanyang itinuro. Tinuruan niya ang mga babae na magsuot ng mahabang palda at hindi pantalon. Simula sa pahina 41 ng Apostolikong Liham ni Papa Pedro III, ay ginawa nitong napakaliwanag ang posisyon ni San Pio ng Pietrelcina tungkol sa Kristiyanong pamamaraan ng pananamit. Ang sinumang hindi tumalima sa kung ano ang itinuro ni San Pio ay hindi maaaring tawaging isang ispiritwal na anak ni San Pio. Sa halip, doon sa mga lumihis sa panuntunan ng damit na masigasig na itinuro ng santong ito ay dapat na tawagin ang kanilang mga sarili na mga anak ni Satanas, sa pagkakitang dahil sinusunod nila si Satanas at hindi si San Pio. Ang mga ito ay mabigat na mga salita, subali’t iyon ang katotohanan. Sa masamang pananamit, ang iba ay nauudyukan para magkasala at mas madali para sa mga kaluluwang iyon ang makondena nang walang hanggan. Manamit nang tama, mahabang palda kung ikaw ay babae, hindi haka o mababa ang uka sa leeg, hindi nababanaag, may dignidad, upang hindi managot sa Diyos sa kasalanang pagkakakundena nang walang hanggan ng iba. Ito ay napakaseryosong bagay.

  Sa pagtatapos, ang ibang nakabasa ng aming huling ulat ay naging interesado sa darating na Malaking Himala ng Birhen sa El Palmar de Troya sa ibabaw ng Katedral Basilika. Ang propesiya ay nagbuhat kay San Juan Ebanghelista: “Ako, si Apostol Juan, ay nakakita ng isang malaking palatandaan na nakita sa kalangitan: isang Babaeng nadadamitan ng Araw, ang kanyang ulo ay nakokoronahan ng labindalawang mga bituin, at ang gasuklay na buwan sa ilalim ng kanyang mga paa.” Sa sipi na ito ay misteryosong napapaloob ang Malaking Himala sa Palmar, na sa Aparisyong pagpupuri ng Pinakabanal na Birheng Maria sa ilalim ng Matamis na Titulo ng Ating Ina ng Palmar Koronada, na may maliwanag ng mga tanda ng Kanyang karangyaang panlangit, at inaapakan ang gasuklay na buwan, tanda ng pagkakahati-hati at erehya. Sa araw na iyon ng Kanyang malaking Aparisyon, ang Ating Ina ng Palmar Koronada ay ipakikita ang ningning ng Kanyang kaluwalhatian na kahit kailan ay hindi pa nasilayan sa alin mang aparisyon hanggang sa panahong iyon. Sa pamamagitan ng Kanyang maluwalhati at matagumpay na apokaliptikong pagpapakita, ang Pinakabanal na Birheng Maria ay magbibigay sa mundo ng isang malinaw na katibayan sa pagiging totoo ng Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan. Nguni’t tanging Diyos lamang ang nakaaalam ng oras, ng araw at ng taon ng Malaking Aparisyon, upang malito ang mga mapagmataas.

  Hindi pa natatagalan kami ay naglathala ng Act of Stigmatization of March 14th, 1973 ni Papa San Gregoryo XVII, may lagda ng mga saksi. Ito ay isang dokumento na naglalarawan kung ano ang naganap ng araw na iyon, nang si San Gregoryo ay isa pang lego, ang pangunahing seer ng El Palmar de Troya. Pinagdaanan niya ang Banal na Pasyon ng Ating Panginoong Hesukristo sa paraang mistikal. Ang Stigmatization Act ay nilagdaan ng 20 mga saksi. Ito ay mababasa sa aming website.

https://www.palmaryanongsimbahan.org/ang-ilan-sa-mga-huling-tunay-na-papa/#elpapasangregorioxvii