Noong ika-13 ng Oktobre, 1917, ay nagkaroon ng kaganapan mula sa langit sa Fatima nang ang Pinakabanal na Birheng Maria ay isinakatuparan ang kanyang pangakong gagawa ng isang malaking himala sa araw na ito sa harap ng 100,000 mga tao. Sa ganito ring paraan, ang Imakuladang Birheng Maria ay nangako na gagawa ng isang Malaking Himala sa Sagradong Lugar ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya upang ipakita sa mundo na ang Isa, Banal Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan ay ang Tunay na Simbahan ni Kristo, na inilipat doon dahil sa pag-apostata ng romanong simbahan. Kapag ang malaking himalang ito ay maganap, ang Birheng Maria ay makikita sa itaas ng malaking Katedral ng El Palmar ng lahat ng mga nakatira sa mundo. Ang Banal na Palmaryanong Simbahan sa panahong iyon ay lubos nang nakahanda para sa Malaking Himalang ito. Ito ay magiging isa sa pinakamagandang mga Katedral na posible para sa gayong kahanga-hangang kaganapan. Ito ay magkakaroon ng mga lathalang pangrelihiyong pagtuturo na nakahanda sa lahat ng kinakailangang mga wika para walang ni isa mang magkukulang ng impormasyon para maunawaan ang mga dahilan para sa Malaking Aparisyong ito. Si Maria, ang Dakilang Apokaliptikong Palatandaan, ay magpapakita sa itaas ng Katedral sa El Palmar de Troya para rin ipakita na ang buong mundo ay may sagradong tungkulin para kilalanin ang Papa ng Palmaryanong Simbahan bilang Tunay na Bikaryo ni Kristo sa Mundo.
Kung gayon hindi nakapagtataka na ang website na ito ay nailathala na sa 23 mga wika. Ang mga nakikipagtulungan sa pagsalin ng Palmaryanong mga lathala ay masipag na nagtatrabaho para mapadali ang aming mga sulatin sa mas maraming mga wika. Kahit na sa maraming mga wika ay maikli lamang ang aming pagpapakilala, sa pagdaan ng panahon ay dadagdagan namin ang bilang ng mga lathala sa lahat ng mga wika na sa tingin namin ay kinakailangan, nang sa gayon ay wala ni isa man ang magkukulang sa posibilidad na makaunawa sa Banal na Gawain ng Palmaryano Katolikong Simbahan. Balak din naming gumawa ng sapat na mga audio files na matatagpuan sa aming website para roon sa mga hindi nakababasa at gayundin para sa mga bulag.
Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansang may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website. Ang mga bansang nawala o umangat ang posisyon ay nakahighlight.
1. | Argentina | 11. | Estados Unidos | 21. | Paraguay |
2. | Brasil | 12. | Venezuela | 22. | Kenya |
3. | Mehiko | 13. | Ecuador | 23. | Iraq |
4. | India | 14. | Bangladesh | 24. | Guatemala |
5. | Espanya | 15. | Nicaragua | 25. | Chile |
6. | Colombia | 16. | Bolivia | 26. | El Salvador |
7. | Pilipinas | 17. | Ukraine | 27. | Cameroon |
8. | Peru | 18. | Honduras | 28. | Pakistan |
9. | Dominican Republic | 19. | Alemanya | 29. | Italya |
10. | Nigeria | 20. | Congo Kinshasa | 30. | Poland |
Ang sumusunod ay ang sampung mga lungsod na kung saan kami ay nakatanggap ng mas maraming mga pagbisita: 1. Santa María de los Buenos Aires. 2. Santa Fe de Bogotá. 3. Lagos. 4. Santo Domingo. 5. Córdoba (Argentina). 6 Lungsod Mehiko 7. Madrid. 8. São Paulo. 9. Managua. 10. Lungsod Quezon.
Ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III ay naglathala ng isang napakagandang sulat tungkol sa obligasyon ng pananamt sa Kristiyanong pamamaraan. Iyon ay magkakaroon na sa susunod na ilang araw sa aming website.
Ang malaswang pananamit ay nagsimula hindi pa natatagalan matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig. Nagbigay na ng babala ang Ating Birhen ng Fatima noong 1917: “May mga uso ang ipakikilala na labis na makasasakit sa Ating Panginoon.”
Ang Kanyang Kabanalan, Papa Pedro III, sa kanyang Apostolikong Sulat XXII, ay kahanga-hangang nagpaliwanag na ang kalaswaan sa pananamit makaraan ang Unang Digmaang Pandaigdig ay hindi isang bagay na pagpapalit ng panlasa, ng tunay na pag-aasam para sa mas magaang uso, subali’t ito ay nagtutugma sa isang Masonikong plano, at ang Santo Papa ay nagbigay ng ilang nakahihilakbot na nilalaman. Narito ang isa:
“Kinakailangang sirain o mapasama, na ang ating batang mga lalake at batang mga babae ay sanayin sa pagiging hubad sa pananamit. Upang makaiwas sa maraming mga reaksiyon, kinakailangang isulong ito nang may sistema: una hubaran ang siko; sunod ang mga tuhod; sunod lubusang hubaran ang mga bisig at mga binti; sunod ang taas ng dibdib, balikat, at iba pa.” (International Journal of Freemasonry, 1928).
Kaya, sa pagsalungat sa kautusan ng Diyos tungkol sa Kagandahang-asal ng Kristiyano, hindi nagtagal ay dumating ang pagsalungat sa ibang mga kautusan: diborsiyo, aborsiyon, euthanasia, at iba pa. At hindi lamang sa larangan ng moralidad, nguni’t ng Pananampalataya rin. Ang babae sa pamamagitan ng pagsusuot ng malaswa, ay umaakit sa lalake para magkaroon ng masamang pagnanasa, at pareho ang lalake at ang babae ay nagiging adik, sila ay lumalayo sa Simbahan at sa buhay Kristiyano, at sila ay napaririwara. At sa ngayon ang Pananampalataya ay hindi na natatagpuan sa mundo, sa labas ng kuta ng El Palmar.
Sa kanyang ekstraordinaryong Sulat, ang Santo Papa ay nagpaliwanag na ang kautusang manamit nang maayos ay ibinigay sa ating unang mga magulang sa unang araw ng Paglalang, at ito ay sumasakop sa lahat ng panahon at sa lahat ng mga lalake at mga babae. Ang pamantayan sa pananamit ng Simbahan ay pampalagiang tuntunin at hindi maaaring baguhin. Kung ganoon, dapat tayong manamit nang maayos sa lahat ng panahon – hindi sapat ang manamit tayo nang maayos sa publiko, at sa ating pribadong buhay ay malaswa ang pananamit.
Dito ay magbibigay kami ng ilang mga paglilinaw na lubos na kinakailangang iparating sa ulat na ito:
Ano ang nangyari kay Hitler? Ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay nagtuturo nang walang pasubali na si Hitler ay nasa Impiyerno.
Ano ang nangyari kay Truman na nagbigay ng utos na ibagsak ang bombang atomiko sa Japan? Siya ay nasa Impiyerno tulad ni Hitler.
Ganoon din, si Papa San Pedro II ang Dakila ay walang pasubaling denipine na sina Stalin, Churchill at Mao Tse Tung ay kinondena rin ang kanilang mga sarili nang walang hanggan.
Bakit ang titulong “ang Napakadakila” ay ibinigay kay San Gregoryo XVII, na ang dakilang seer na si Clemente Domínguez y Gómez? Iyon ay dahil sa malaking mga paglilinaw na ginawa niya tungkol sa Katolikong Doktrina, na nahigitan ang ibang dakilang mga teologo, tulad nina Santo Tomas Aquino, San Ambrose, at marami pang iba. Nararapat lamang sa kanya ang titulo ng Santo dahil siya ay namuhay nang banal na pamumuhay, na ibig sabihin ay dedikado sa buhay ng panalangin at penitensiya at ng perpektong pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos.