IKA-36 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN – Iglesia Catolica Palmariana

IKA-36 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Bawa’t buwan kami ay nagpepresenta ng ulat na ito para makapagbigay ng ideya kung ano ang nangyayari sa aming website. Tatlong taon na simula nang kami ay mag-umpisa. Ang mahalaga ay nagkaroon na ng mga kumbersiyon. Hindi marami, nguni’t oo, may mga bagong mananampalataya. Sa kabila ng lahat ng masasamang inilathala laban sa Palmaryanong Simbahan, ang Banal na Simbahang ito ay nalalampasan ang lahat ng mga balakid at nakapagpapaligaya nang lubos sa Banal na Pundador nito, ang Ating Panginoong Hesukristo. Ang tagumpay ng Palmaryano Katolikong Simbahan ay malapit na. Ikonsidera natin na si Hesus, Tagapagligtas ng tao, ay nagpapatuloy sa Kanyang gawaing pagligtas sa pamamagitan ng Kanyang Simbahan, na ngayon ay ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan. Nais mong paligayahin si Hesus? Maging kasapi ng Kanyang Simbahan at huwag magkaroon ng anumang kaugnayan doon sa anumang huwad na mga simbahan sa buong mundo. Sa bawa’t sulok ng bawa’t lungsod ay may huwad na mga simbahang nag-uusbungan. At kapag ang mga tao ay pumunta roon, sila ay nagpupuri kay Satanas. Si Kristo ay nagsabi nang buong liwanag “sa akin o laban sa akin”. Hindi kayo maaaring nasa parehong bangka kung saan ang demonyo ay nangangaral tungkol kay Kristo; ito ang nagaganap sa huwad na mga simbahan.

Narito ang ilang mga komentong ibinigay ng bagong mga kasapi ng Banal na Palmaryanong Simbahan makaraang magdesisyong pumasok sa Tunay na Simbahan: Ano ang nararamdaman ng nasa Tunay na Simbahan? Simula nang ilipat ang Banal na Pamunuan mula sa Roma patungo sa El Palmar de Troya sa Espanya, ang Tunay na Simbahan ay dumaan sa walang katapusang mga hamon gawa ng masama o demonyo; subali’t, salamat sa mga penitensiya at walang humpay na panalangin ng mananampalataya nito, ito ay nagtagumpay at patuloy na magtatagumpay. Para sa akin bilang isang bagong kasapi ito ay napakalaking kagalakan para maging bahagi ng Banal na Palmaryanong Simbahan; ang mga turo na ibinigay ng Birheng Maria sa ilalim ng panalangin ng Ating Ina ng Palmar Koronada ay isang matapat na mandato upang makatamo ng kabanalan at ng Kaharian sa Langit. Ang gabay ng tunay na mga kahalili ni San Pedro ay isang insentibo para sa nabibigatan at naghihirap na sangkatauhang ito. Napakaganda ang taimtim na magdasal araw-araw at itiwala ang buong Palmaryanong Simbahan sa ilalim ng proteksiyon ng Ating Ina. Sa huli bumabati ako kasama ni Hesukristo sa lahat ng aking mga kapatid na Palmaryano mula sa Medellin, Colombia. J.D.G.R.

Isa pang bagong kasapi ng Banal na Palmaryanong Simbahan ang nagsabi ng sumusunod: Nagpapasalamat ako sa Diyos sa liwanag at lakas na ibinigay Niya sa akin para tanggapin ang Kanyang panawagan na sumapi sa Tunay na Katolikong Simbahan na ngayon ay may Pamunuan sa El Palmar de Troya. Hindi madali para sa akin na gawin ang hakbang subali’t sa pagiging nasa loob ng Simbahan ay nagbibigay sa aking kaluluwa ng kapayapaan. Wala akong duda na ako ay sumusunod sa tunay na Bikaryo ni Kristo, Ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III, at ako ay may daanan para sa grasya ng mga Sakramento at sa malinaw at dalisay na Katolikong Doktrina. Para rito ay kinailangang magbasa ng mga lathalang nakikita sa website, pagbisita sa El Palmar at, sa espesyal na paraan pagdasal ng Rosaryo Penitensiyal araw-araw. D.G.

Isa pang bagong kasapi ng Simbahan ang nagsulat: Para malaman ang Palmaryanong Simbahan ay isang pribelihiyo mula sa Langit at para makalahok sa mga Sakramento, isang Grasya ng Diyos. Sa nagiging madilim na mundo, ang Palmaryanong Moralidad ay nagtuturo sa atin kung paano maging mabuting tao; Ang Kristiyanong edukasyon ay ginagawa tayong isang parola ng liwanag sa mundong ito na pinamumunuan ng masama. Ang dedikasyon sa Diyos na isinasabuhay sa loob ng Palmaryanong Simbahan ay tunay na kahanga-hanga, dahil sa lahat ng mga panalangin at mga penitensya na tumutulong nang marami sa mundo. Ano kaya ang mangyayari sa mundong ito kung wala ang Palmaryanong Banal na mga Misa at ang mga panalangin ng lahat ng mga kasapi nito? S.R.O.

At sa huli, isang dating kasapi ng Franciscan order ang nagsulat: May kagalakan at kalayaan ay nais kong bahagyang ibahagi ang aking kaligayahan sa pagkakaalam ng Palmaryano Katolikong Simbahan. Dito sa maganda at napakaispiritwal na komunidad, pinili kong manatili at maging bahagi ng Palmaryanong pamilya. Isang kaligayahan ang maging isang Palmaryano sapagka’t ikaw ay nagsisikap para sa kaligtasan ng kauluwa, na siyang pinakaimportanteng bagay, isang bagay na hindi matatagpuan o matatamo maging sa mundo o sa ibang mga simbahan. Sa dahilang ito, ay nais kong imbitahan kayo na magdasal nang may kababaang loob ng Banal na Rosaryo Penitensiyal, ang Banal na Daan ng Krus at ang panalangin kay San Jose dahil ang mga iyon ang aking mga paraan upang palusugin ang aking kaluluwa. Natural, hindi lahat ay madali sa buhay na ito, nguni’t ang pagmamahal ng Diyos at ang Kanyang Grasya ang nagbibigay-lakas sa akin sa araw-araw at sinasamahan ako tulad ng Pinakabanal na Birheng Maria na nagbibigay sa akin ng lakas upang hindi mahulog sa tukso ng laman. Nakararamdam ako ng kasayahan, pagpapala, pagpapasalamat at natural may bokasyon sa tunay na pagpari ni Kristo kung iyon ang kalooban ng Diyos Ama. Ito ay kahanga-hanga, na makita at maramdaman ang kadakilaan ng Diyos na kumikilos sa Kanyang Simbahan at sa Kanyang mga anak…D.D.N.D.

Narito ang talaan ng tatlumpng mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website. Ang mga bansang nawalan o nakakuha ng mga posisyon ay nakahighlight.

1.Argentina11.Estados Unidos21.Kenya
2.Brasil12.Venezuela22.Paraguay
3.Mehiko 13.Ecuador23.Guatemala
4.India14.Bangladesh24.Chile
5.Espanya15.Nicaragua25.Pakistan
6.Colombia16.Bolivia26.Iraq
7.Pilipinas 17.Honduras27.Cameroon
8.Peru18.Ukraine28.El Salvador
9.Dominican Republic19.Alemanya29.Italya
10.Nigeria20.Kongo Kinshasa30.Poland

Narito ang sampung mga lungsod na kung saan ay nakatanggap kami ng pinakamaraming pagbisita: 1. Santa Maria de los Buenos Aires. 2. Santa Fe de Bogotá. 3. Lagos. 4. Santo Domingo. 5. Cordoba (Argentina). 6. Lungsod Mehiko. 7. Madrid. 8. São Paolo. 9. Managua. 10. Lungsod Quezon.

Dahil ang Palmaryanong Simbahan ay may misyon sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng tunay na Katolikong Pananampalataya, simula ngayon ang website na ito ay makikita na rin sa mas maliit na format para sa maraming iba pang mga wika na hindi pa namin naisasalin. Sa kasalukuyan, naisalin na namin ang aming website sa sampung mga wika. Ang bagong mas maliit na format na ito ay magiging maikling pagpapakilala lamang. Tapos, depende sa interes at mga posibilidad, ang bilang ng mga pagsalin ay madaragdagan. Ang Banal na Ispiritu ay laging itinutulak ang Banal na Palmaryano Katolikong Simbahan para magbigay ng mas maraming mga oportunidad sa iba’t-ibang mga tao at mga bansa sa mundo upang malaman at makapasok sa Tunay na Simbahan. Dahil sa kakulangan ng totoong impormasyon, maraming mga tao ang walang oportunidad na malaman at tanggapin ang Gawain ni Kristo at ni Maria sa Sagradong Lugar ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya.

Ang mas maliit na website sa ngayon ay mayroon na sa Dutch at Hungarian. Marami pang ibang mga wika ang inihahanda tulad ng Chinese, Hindi, etc. At dahil ang lahat ay makapagbabasa na ng kahit isang pagpapakilala sa Palmaryano Katolikong Simbahan sa kanilang sariling wika, ang website na ito sa madaling panahon ay magdadala ng kaalaman saan man tungkol sa Tunay na Simbahan ni Kristo.

Habang nalalapit na ang Pasko, ipinaaalaala namin sainyo ang Katolikong tradisyon ng paglalagay ng Belen o Tanawin ng Pagsilang sa bawa’t tahanan. Hindi ang Krismas tree: ito ay hindi Katolikong kasanayan. Kahi’t na ito ay nakikita saan mang dako, ito ay hindi nakapagpapagalak sa Diyos at ito ay hindi galing sa Kanyang kaisipan. Ang galing sa Kaisipan ng Diyos ay ang ilagay ang Tanawin ng Pagsilang sa alaala sa Pagsilang sa Anak ng Diyos. Ito ay nakapagbibigay ng kasiyahan sa kaluluwa. Ilagay ang Batang Hesus sa inyong mga tahanan at ang Batang Hesus ay ilalagay kayo sa Kanyang Tahanan. Ito ang aming pag-asa.