Sa Ulat na ito ay nais naming magpasalamat doon sa mga tumulong sa amin nang marami sa pamamagitan ng kanilang nakasisiglang mga komentaryo sa iba’t-ibang mga website. Tinutukoy namin iyong mga hindi kasapi ng Banal na Palmaryanong Simbahan, subali’t malinaw na nakikita ang mabuting gawain na aming ginagawa. Halimbawa, ang aming videong “The Glory of the Church” ay nakatanggap ng ilang magandang mga komentaryo, tulad nitong isa, halimbawa: “Kapapanood ko pa lamang ng video. Pantastiko! Kahanga-hanga! Kaakit-akit! Imposibleng pagkatapos mapanood ito ay hindi mag-alab ng pagmamahal at debosyon! Nasaan ako sa napakaraming mga taong malayo sa ganoon kadakilang ganda at kariktan! Salamat sa inyong lahat sa pagshare nito!”
Naniniwala kaming ang bilang ng mga masamang komentaryo ay higit na mas mataas kaysa sa mabuti. Binura namin ang mga komentaryong ito dahil hindi nararapat na ipublika. Kung kaya iyong mga nagsusulat ng pangit na mga komentaryong mga iyon ay dapat na malaman nila na nagsasayang lamang sila ng oras. Tinutukoy namin, partikular ang tungkol sa You Tube, na kung saan kami ay may mahigit isandaang mga video na naipalabas sa sampung magkakaibang mga wika. Ang aming You Tube channels ay may mataas na kalidad na mga video na kung saan kami ay nagtuturo ng ispiritwal na mga katangian ng Tunay na Simbahan ni Kristo. Kung ganoon kinakailangang bisitahin ang aming website para malaman ang awtentikong Katolikong Doktrina at malaman din ang mga Mensaheng Mula sa Langit sa El Palmar de Troya.
Narito ang iba pang mga komento na sinulat ng matapat na mga tao: “Nakatutuwa! Kahanga-hanga! Ipinaaabot ko sainyo ang aking lubos na pasasalamat sa pagbahagi ng audiovisual na yaman na ito. Mabuhay si Papa Gregoryo XVII, mabuhay si Papa Pedro II, mabuhay si Papa Pedro III! Mabuhay ang Banal na Palmaryanong Simbahan!”
Kapag tinutukoy namin kung minsan ang mga kaaway ng Simbahan ito ay upang tulungan ang bawa’t isa na makapag-isip na may mga malisyosong mga taong nagtatrabaho laban sa Tunay na Simbahan. Gayunman, ang Papa, ang Kanyang Kabanalan Pedro III, ay lubos na nais patawarin iyong lahat na tunay na nagsisisi at nais na makipagkasundo sa Diyos at matamo ang kaligtasang walang hanggan. Ang mga turo ni Kristo ay balido hanggan man. Mahalin ang inyong kapwa at patawarin ang inyong mga kaaway. Hindi namin ninais na talunin iyong mga nagpapahirap sa amin, subali’t sa halip nais namin ang kanilang kumbersiyon at nang sila ay maligtas upang matamo ang Langit nang walang hanggan kasama si Kristo at si Maria. Hindi pa huli upang makipag-ayos sa Diyos.
May isa pang sumulat ng isang komentaryo sa isa sa aming mga video sa You Tube ang nagsabi ng sumusunod: “Ang mabuting ginagawa ng Banal na Palmaryanong Simbahan sa mundo ay hindi mataya. Isang prebilihiyo ang humanga sa mga video, puno ng solemnidad, respeto sa Tradisyon at Pagmamahal sa Diyos.”
At may isa pang nagkomento: “Gaano kaakit-akit na likha ng sining! Napakaganda! At ang saling musika ay napakaemosyonal at solemne tulad ng mga larawan sa oleo.”
Ang mga taong ito ay hindi nagsisinungaling. Alam nila kung ano ang kanilang sinusulat at alam nila na ang kanilang mga sinabi ay makikita ng maraming mga tao. Inaanyayahan namin iyong mga nais pang higit na malaman ang tungkol sa Palmaryano Katolikong Simbahan upang mapagmunihan ang magagandang mga komentaryong ito at hindi magpadala sa napakaraming negatibong mga tao na nagsasalita nang hindi gumagawa ng kanilang sariling pag-aaral sa transendeng mga kaganapang nangyari sa Sagradong Lugar ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya.
Dumaan ang mga araw at libong mga tao ang nakatutuklas sa pagkakaroon ng Banal na Palmaryanong Simbahan. Libo rin ang mga hindi tumanggap, ang iba ay naniwala at ang ilan ay yumakap ng Tunay na Katolikong Pananampalataya sa lahat ng panahon. At ano ang matatamo ng kaunting mga taong ito? Buweno, ang lahat ng kanilang mga kasalanan ay patatawarin. At ang parusang temporal na nararapat sa mga kasalanang ito ay mabubura magpahanggan man kapag sila ay tumanggap ng Banal na Sakramento ng Binyag. Alalahanin natin na noong 1982, noong Hulyo 30, para maging eksakto, ang Dakilang Papa Gregoryo XVII, ay inalis ang mga kapangyarihan mula sa mga obispo at mga pari sa labas ng Palmaryano Katolikong Simbahan para maglapat ng anumang Sakramento. Ibig sabihin nito na, simula sa araw na ito noong 1982, ay wala nang Sakramento ang nailapat sa labas ng Banal na Palmaryanong Simbahan. Wala nang binyag ang naging balido simula noon. Para mabinyagan, obligadong maging kasapi sa Banal na Palmaryanong Simbahan at tumanggap ng Banal na mga Sakramento mula sa Palmaryanong mga Obispo.
Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website. Ang mga bansang nawalan o umangat ang posisyon ay nakahighlight.
1. | Argentina | 11. | Estados Unidos | 21. | Kenya |
2. | Brasil | 12. | Venezuela | 22. | Paraguay |
3. | India | 13. | Ecuador | 23. | Guatemala |
4. | Mehiko | 14. | Bangladesh | 24. | Chile |
5. | Espanya | 15. | Nicaragua | 25. | Pakistan |
6. | Colombia | 16. | Ukraine | 26. | Iraq |
7. | Pilipinas | 17. | Honduras | 27. | Cameroon |
8. | Peru | 18. | Bolivia | 28. | Italya |
9. | Dominican Republic | 19. | Alemanya | 29. | El Salvador |
10. | Nigeria | 20. | Congo Kinshasa | 30. | Poland |
Narito ang sampung mga lungsod na kung saan kami ay nakatanggap ng pinakamaraming mga pagbisita: 1. Santa Maria de los Buenos Aires. 2. Santa Fe de Bogota. 3. Lagos. 4. Santo Domingo. 5. Cordoba. 6. Lungsod Mehiko. 7. Madrid. 8. São Paulo. 9. Lungsod Quezon. 10. Managua.
Doon sa mga lubos na interesado sa Palmaryano Katolikong Simbahan at lalo na para roon sa mga may pananampalataya rito, kami ay gumawa ng isang Facebook group na tinatawag na “Hijos de Nuestra Madre del Palmar Coronada” (“Mga Anak ng Ating Ina ng Palmar Koronada”). Magkakaroon ng mga lathala sa grupong ito sa Espanyol, English at Portuguese. Ang grupong ito ay may misyong magtaguyod ng debosyon sa Pinakabanal na Birheng Maria sa ilalim ng matamis na titulo ng Ating Ina ng Palmar Koronada. Nawa ang grupong ito ay magsilbi upang makatamo ng maraming mga kaluluwa para kay Kristo at Kay Maria, at akayin sila sa Tunay na Simbahan, ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryano! Nawa ito ay magsilbi rin upang makakamit ng maramihang pagkilala sa Kanyang Kabanalan Papa Pedro III, bilang Tunay na Bikaryo ni Kristo sa Mundo!
https://www.facebook.com/groups/3117633868473233
Sa ika-8 ng Disyembre, ay magiging 3 taon na simula nang ang opisyal na website ng Palmaryano Katolikong Simbahan ay inilunsad. Ang Langit ay bukas para sa lahat subali’t upang makapasok, kinakailangang magkaroon ng isang magpapakita sa iba ng pinakamabuting paraan para makarating doon. Ito ang misyon ng Palmaryanong Simbahan: ang buksan ang mga mata ng napakaraming mga taong nalinlang ng demonyo at ng mundo, at para magturo ng Kristiyanong mga katotohanan. Ang sinumang nakatagpo ng aming website ay nakatagpo ng kayamanan. Ngayon ay dapat nating ilublob ang ating mga sarili sa magandang doktrinang ito para ang kaluluwa ay makatamo ng banal na kapayapaan sa pag-aaral nito. Nawa ito ay maging palatandaan na ito ay Gawain ng Diyos. Ang kapayapaang ito na naisasalin sa pagbabasa ng mga publikasyon nito.