Salamat ng libong ulit sa Diyos at sa Banal na Ispiritu, ang Diyos ng Pagmamahal, dahil sa Kanyang matalinong mga inspirasyon na nagbukas ng daan para sa malaking bilang ng mga tao para makakuha ng kaalaman tungkol sa Tunay na Simbahan. Kailan lamang, kami ay nakagawa ng isang napakaimportanteng apostolado sa maraming mga bansa salamat sa mga liwanag na ibinibigay ng Banal na Ispiritu sa Aksiyon Katoliko Palmaryano. Makatuwirang, ang mga inspirasyong ito ay dumarating sa pamamagitan ng Banal na Birheng Maria, ang Pinakadalisay na Esposa ng Banal na Ispiritu. At paano malalaman na ang mga inspirasyong ito ay mula sa Diyos? Dahil ang tao ay inklinado sa masama, at kung wala ang Banal na Ispiritu ay hindi siya makagagawa ng anumang mabuting mga gawain. Ang lahat ng mabuting mga bagay ay nanggagaling sa Diyos at ang lahat ng masamang mga bagay ay sulsol ng demonyo. Kapag ang Banal na Ispiritu ay magsulong ng aming apostolado sa isang daan, ang resulta ay kahanga-hanga. Tanggapin man o hindi ng mga tao ang katotohanan ay ibang bagay. Ipinakilala namin ang liwanag ng Banal na Palmaryano Katolikong Simbahan sa mundo. Nasa kanila na lamang kung tanggapin or tanggihan ang liwanag na iyon. Hindi na namin ipaliliwanag kung paano namin ginagawa ang kahanga-hangang apostoladong ito sa ngayon. Ang dahilan para rito ay sapagka’t ang mga kaaway ng Simbahan ay maaaring tularan ang aming mga pagsisikap para sirain ang Simbahan ni Kristo. Mahalagang alalahanin na ang Diyos ang Taglalang at lumalalang ng mga ideya para gumawa ng mabuti para sa kaligtasan ng mga kaluluwa. Si Satanas ay hindi makagagawa ng anuman, nguni’t siya ay maraming mga karanasan sa panlilinlang sa mga tao at naglalagay ng masasamang ideya sa kanilang mga ulo.
Ang aming bagong apostolado ay nagkakaroon ng partikular na tagumpay sa wikang Ingles. Hanggan sa ngayon kami ay nagkaroon ng malawak na paglaganap sa wikang Espanyol. Ang malaking dahilan sa pagbagsak ng romanong simbahan ay dahil sa paglusot ng masamang mga gawi noong mga nakalusot sa pagpasok sa simbahan. Ngayon ay hindi na nila kailangang lumusot pa sa romanong simbahan dahil ito ay lubos nang kurapto. Ngayon ay nasa Palmaryanong Simbahan na lamang para wasakin ang lahat ng masamang mga gawi na iyon. Paano? Tanging Diyos lamang ang nakaaalam at tanging Diyos lamang ang makareremedyo sa sitwasyong ito. Alalahanin natin si David at kung paano niya tinalo si Goliath. Buweno, ang Simbahan ni Kristo ay nasa gayong sitwasyon. Ang Simbahan ay napakaliit subali’t ito ay may malaking misyon upang ibalik sa dati ang tunay na kabanalan at mabuting mga gawi sa karamihan. Si David ay pumulot ng isang bato, inihagis ito, at pumatay sa higanteng Goliath. At paanong mananalo ang Palmaryano Katolikong Simbahan? Buweno, sa pamamagitan ng paggamit sa mabuti sa kung ano ang ginagamit ng mundo sa masama sa maraming mga kaso: ang mobile phone. Ganyan, kami ay maghahagis ng napakaraming mga katotohanan sa mundo sa pamamagitan ng mobile phone at kami ay maglulunsad ng digmaan sa kasamaan. Napakadali? Oo. At paano namin gagawin ang malaking apostoladong ito? Ito ay isang malaking sekreto, nguni’t sa loob ng kaunting mga buwan ay isang nakagigilalas na presensiya ng Banal na Palmaryanong Simbahan ay mapapansin sa mundo. Totoo rin na ang aming mga kaaway ay dodoblehin ang kanilang masamang mga ulat laban sa Kanya. Gayunman, dahil ang Banal na Ispiritu ay gumagabay sa Kanyang Simbahan, kami ay laging mas nakauungos ng isang hakbang.
Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansa na may pinakamaraming pagbisita sa aming webpage:
1. | Argentina | 11. | U. S. A. | 21. | Kenya |
2. | Brazil | 12. | Venezuela | 22. | Chile |
3. | India | 13. | Ecuador | 23. | Pakistan |
4. | Mehiko | 14. | Bangladesh | 24. | Guatemala |
5. | Espanya | 15. | Nicaragua | 25. | Paraguay |
6. | Colombia | 16. | Ukraine | 26. | Cameroon |
7. | Pilipinas | 17. | Honduras | 27. | Iraq |
8. | Peru | 18. | Alemanya | 28. | Italya |
9. | Dominican Republic | 19. | Congo-Kinshasa | 29. | Poland |
10. | Nigeria | 20. | Bolivia | 30. | El Salvador |
Narito ang nangungunang tatlong mga lungsod na bumisita sa aming website:
- Santa Maria de los Buenos Aires
- Santa Fe de Bogota
- Lagos
Ang Argentina ay patuloy na ang bansang bumibisita sa aming website nang pinakamadalas. Mayroon nang mahigit 200,000 na mga tao ang pumasok sa aming website, na lubos na nakagaganyak para magsaliksik. Gayunman, sa kabila ng napakaraming pagdalaw sa pinagpalang pahinang ito, ay wala kaming gaanong nakikitang bunga. May isang bagay sa dako roon, subali’t ito ay walang kinalaman sa maraming mga pagSbisita. Marahil isang bagay na espesyal ang kinakailangan upang magbunsod sainyo sa kumbersiyon. Tulad, halimbawa, isang pagdalaw mula sa Papa, Pedro III. Sa panahong matapos na ang pandemic at alisin na ang mga pagbabawal, aanyayahan namin ang Tunay na Papa upang basbasan ang Argentina ng isang pagdalaw. Iyon ay magiging isang napakalaking reparasyon sa Diyos, sa kung ano ang nagaganap sa kasalukuyan sa romanong simbahan, na pinamumunuan ng isang antipapa. Sa Argentina, marami ang sinasabi nila sa amin tungkol sa mga iskandalo ng mga pari at mga madre sa romanong simbahan. Sa katotohanan, ang lahat ng ito ay hindi na dapat pang pagtakhan, dahil ito ay ipinaliwanag na sa mga Aparisyon ng Birhen sa El Palmar de Troya. Dahil sa napakaraming kuraptong mga pari sa romanong simbahan, ang Banal na Ispiritu ay nag-udyok sa pagtatag ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha sa El Palmar de Troya upang iligtas ang Simbahan at gumawa ng isang lugar na kanlungan para roon sa tunay na mga deboto ni Hesus, Maria at Jose. Kahi’t na inaatake ng mga tao ang Palmaryanong Simbahan sa lahat ng uri na walang katuturan, tingnan kung ano ang nangyari sa Roma, at makikita ninyo na ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay hindi nahulog sa mga iskandalong ito. At doon sa mga umiinsulto sa amin, sinasabi naming tumingin sa isang salamin at isaalang-alang ang inyong sariling nakasusuklam na mga kasalanan bago kami batuhin.
Gaano kaliit na kaalaman mayroon ang mga mamamahayag at mga youtuber! Paano kaya na hindi nila naisip na sila ay ginagamit sa masamang mga layunin ng mga anti-Palmaryanong mafia. Siyempre, ang anti-Palmaryanong mafia ay grupo ng mga dating kasapi ng Palmaryano Katolikong Simbahan, na nahulog sa napakasamang gawi at pinatalsik mula sa Tunay na Simbahan ni Kristo. At dahil alam nilang mabuti sa kanilang mga sarili na ang Palmaryanong Simbahan ay isang malaking katotohanan, sila ay teribleng naghihirap sa kanilang mga konsensiya sa paraan ng pamumuhay na mayroon sila ngayon. Ito ay isang maliit na mafia na sinasamantala ng demonyo para sirain ang Simbahan ni Kristo. Kunyari sila ay kaawaawa, minaltrato ng aming Simbahan at sa gayon ay nakakukuha ng awa sa mga taong nakikinig sa kanila. Masasabing sila ay napakatalino, at ang sino mang mamamahayag o youtuber na naghahanap ng impormasyon tungkol sa Palmaryanong Simbahan ay agad na makatatagpo nito sa kanila. Kahanga-hangang mga tao, ang wika ng mga mamamahayag! Gaano kagandang magkaroon ng mga taong ito para tulungan kami. Subali’t mag-ingat, hindi ninyo nakikita na kayo ay minamanipula niyang anti-Palmaryanong mafia. Ang isa sa pangunahing boss ay isang Peruvian na nakatira sa Irlanda, sa Wexford para maging mas eksakto. Hindi namin sasabihin ang kanyang pangalan sa ngayon, o kaya pangalanan ang iba pang pangunahing mga boss ng mafiang iyon, nguni’t ipinaaalam namin sa kanila na ang Diyos ay dakila, makapangyarihan at tatapusin sila lahat sa malao’t madali. Mangatal sila sa harap ng Diyos, Makapangyarihan at matuwid na Diyos! Muli, sinasabi namin doon sa mga naghahanap ng impormasyon tungkol sa Banal na Palmaryanong Simbahan huwag magtanong ng imporasyon mula roon sa mga napatalsik sa Simbahan dahil sa iskandalosong ugali. Basahin ang mga sulat ng Papa, ang Kanyang Kabanalan Pedro III sa aming website, www.palmaryanongsimbahan.org at makikita ninyo ang kabanalan ng Palmaryano Katolikong Simbahan.
Sa lahat ng mapakikinabangang mga impormasyon sa aming website, ay sapat na para marating ang malinaw at tunay na konklusyon na ang Palmaryanong Simbahan ay ang Tunay na Simbahan ni Kristo. Ang Diyos, Dakila at Matalino bilang Siya, ay hindi hinihingi saiyo na tanggapin ang katotohanang ito nang hindi muna nakatatanggap ng katibayan na ito ang Tunay na Simbahan. Itinalaga Niya na iyong nais na mabuhay at mamatay sa loob ng Kanyang Simbahan ay dapat na may kababaang-loob na humingi sa Banal na Birheng Maria ng mga palatandaan at liwanag upang matanggap nang may kapayapaan na natagpuan na nila ang Simbahan ni Kristo. Hindi kinakailangang makipag-usap sa iba, pumunta lamang sa Ina ng Diyos, humingi ng liwanag at matatanggap ninyo ito nang sagana. Hindi ito magiging mas madali. Walang makapagsasabi na imposibleng malaman kung nasaan ang katotohanan. Kailangan lamang na kumunsulta sa Ina ng Katotohanan, ang ating Ina sa Langit, ang Banal na Birhen. Siya ang nagpakita sa El Palmar de Troya upang ibigay ang pagpapatuloy ng Katolikong Simbahan. Dahil nabulok na ang Roma, walang ibang pagpipilian kundi dalhin ang Simbahan sa ibang lugar.
Ang isa sa pinakamalaking katibayan na ang Palmaryanong Simbahan ay tunay ay ang kapayapaang natatanggap sa pagbasa ng mga limbag nito. Kung babasahin ninyo ito nang may masamang layunin, makatuwiran lamang na hindi kayo makatatagpo ng kapayapaan kundi pangamba sa kalooban. Subali’t, kung kayo ay may mabuting disposisyon para malaman ang katotohanan, ang Palmaryanong mga limbag ay ipararating ang kapayapaang iyon na nagkukumpirma na ang binabasa ay galing sa Diyos.