Ngayon ay tatlumpu’t tatlong buwan na simula nang simulan namin ang website na ito. Ang tatlumpu’t tatlo ay isang napakahalagang bilang dahil ito ang edad ni Kristo nang Siya ay namatay sa Krus para iligtas ang Sangkatauhan at buksan ang Langit para sa atin. Kasama ng Kanyang Pinakabanal na Ina, inialay ni Kristo ang kanyang sarili bilang biktima para sa atin, miserableng mga makasalanan. Kung ang sino man ay hindi kinonsidera ang kanyang sarili bilang isang miserableng makasalanan, siya ay lubos na nagkakamali. Mas madalas tayo ay nagkakasala nang napakaraming beses sa isang araw nang hindi natin ito naiisip dahil sa masamang mga kinasanayan na natin. Ang masamang salita ay isang kasalanan, isang bagay na kinasusuklaman ng Diyos at ito ay nararapat lamang ng Kanyang makatarungang parusa. Gayunman, gaano karaming masamang mga salita ang ginagamit nang wala man lamang isang palatandaan ng pagsisisi. Gaano kadalas ang tao ay nagkakasala sa Diyos sa pagtingin sa masamang mga bagay sa mobile phones, tulad ng imoral na mga videos at mga larawan, na para bang wala lamang ang mga ito. Buweno, oo ito ay importante. Ang Diyos ay napagkasalahan, dahil tayo ay may tungkuling tanggihan ang lahat ng imoralidad para hindi natin mapagkasalahan ang ating Taglalang. Gaano kadalas kayo nakarinig na ang inyong kabitbahay o isang kakilala sa trabaho o sa eskwelahan ay namatay dahil sa COVID? Naalaala mo ba kung gaano siya kadalas narinig na gumamit ng masamang mga salita at nagkuwento ng masamang mga kuwento? Ngayon nasaan na sila? Tiyak wala sila sa Langit. Ang pinakamabuting maaasahan mo ay sila ay nasa purgaturyo, labis na naghihirap doon, at ang mas masama pa ay kung wala ni isa mang nagdarasal para sa kanila. Ang mga kaluluwa sa purgaturyo ay nasa tulad na kalagayan doon sa nasa intensive care sa mga ospital – wala silang magawa para matulungan ang kanilang mga sarili, sa halip sila ay totalmenteng nakadepende sa iba para mapaginhawa ang kanilang mga paghihirap. Ang Purgaturyo ay tulad niyan, ang isa ay naghihirap doon nang walang anumang paraan para mapakalma ang sakit na nararamdaman. Ang mga kaluluwang ito ay lubos na nakadepende sa mga mananampalataya ng Simbahan para mapagaan ang kanilang mga paghihirap sa pamamagitan ng kanilang mga panalangin at mga sakripisyo.
Kami ay nagbukas ng isang page sa Facebook na tinatawag na Palmarian Church USA para bigyan ng mas malaking pagpapahalaga ang malawak na bansang ito na madalas na bisitahin ng Palmaryanong misyonero. Wala kaming malaking mga katedral o mga simbahan sa bansang ito, nguni’t may mga lugar kaming napakakarapatdapat para pagdausan ng Banal na Misa at magbigay ng Banal na mga Sakramento sa aming mga mananampalataya. Alam namin na may malaking interes sa Estados Unidos sa Banal na Palmaryanong Simbahan. Hindi dumaraan ang araw nang walang malaking bilang ng mga tao mula sa bansang ito ang bumibisita sa aming website. Alam namin na maraming mga grupo ang naniniwala na sila ay mga tradisyonal o tagapagtanggol ng Katolisismo, subalit dahil sila ay hindi nagpapasailalim sa Tunay na Papa, sila lahat ay nasa labas ng Tunay na Simbahan ni Kristo. Marami ring iba’t-ibang mga grupo ang nag-aaway, tulad ng nangyayari sa impiyerno. Si Satanas ang boss doon, nguni’t walang sumusunod sa kanya. Higit sa lahat, ang mga kabataang nasa mga grupong ito ay nararapat na malaman na hindi ito ang daang dapat sundan para makarating sa kabanalan. Mas makabubuting umalis sa mga grupong ito at mapagpakumbabang ilagay ang inyong sarili sa paanan ng Bikaryo ni Kristo, ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III at gawin kung ano ng kanyang sasabihin saiyo.
Ang aming mga followers sa Colombia ay magagalak na malaman na malaking bilang ng mga pagbisita mula sa kanilang bansa ang pumapasok sa aming website araw araw. Kami ay mayroon nang Palmaryanong mananampalataya sa bansang ito na sa pagdaan ng kasaysayan ay malaki ang pabor sa Katolisismo. May mga palatandaan na ang Colombia ay magiging isang importanteng bansa para sa Tunay na Simbahan ni Kristo. Sa kasalukuyan ay wala kaming permanenteng Kapilya roon, kahit na bumibisita kami sa Medellin. Kung mayroon man sa lungsod na ito o sa ibang panig ng Colombia ang nais na maging kasapi ng Palmaryanong Simbahan, dapat nilang malaman na ang Palmaryanong misyonero ay madalas nang pumunta roon. Nais naming magkaroon ng isang permanenteng Kapilya sa Medellin, sakali mang may bukas palad na mga kaluluwa na maaaring makatulong sa amin.
Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website:
1. | Argentina | 11. | Estados Unidos | 21. | Chile |
2. | Brasil | 12. | Venezuela | 22. | Pakistan |
3. | India | 13. | Ecuador | 23. | Kenya |
4. | Mehiko | 14. | Bangladesh | 24. | Guatemala |
5. | Espanya | 15. | Nicaragua | 25. | Cameroon |
6. | Colombia | 16. | Alemanya | 26. | Paraguay |
7. | Pilipinas | 17. | Congo Kinshasa | 27. | Poland |
8. | Peru | 18. | Honduras | 28. | Italya |
9. | Nigeria | 19. | Ukraine | 29. | Ivory Coast |
10. | Dominican Republic | 20. | Bolivia | 30. | Pransya |
Narito ang tatlong mga lungsod na kung saan kami ay nakatanggap ng pinakamaraming mga pagbisita:
- Santa María de los Buenos Aires
- Santa Fe de Bogotá
- Lagos
Salamat sa Diyos at sa Pinakabanal na Birheng Maria, ang Palmaryanong mananampalataya sa Brasil ay nakatanggap ng pagdalaw ng Palmaryanong Misyonero, na hindi nagawang makadalaw sa loob ng mahabang panahon dahil sa pandemic. Maraming may mga interes sa Brasil tungkol sa Banal na Palmaryanong Simbahan at umaasa kami na ang interes na ito ay magdadala sa mga kumbersiyon sa lalong madaling panahon. Salamat sa aming masisipag na mga tagasalin, marami na ngayong mga dokumento ang naisalin sa Portuguese para mas madali para sa mga Brasilians para makaaccess sa aming mga lathalain. Matatag naming hinihikayat ang lahat na basahin nang maingat ang brochure na “Nasaan ang Tunay na Simbahan?” Ang lathalaing ito ay labis na hinangaan ng maraming mga taong nakabasa na nito. Ang kasaysayan ng pag-apostata ng romanong simbahan at kung paano ang Diyos ay pinili at dinala ang Katolikong Simbahan sa Sagradong Lugar ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya para maging Sentrong Pamunuan ng kanyang Banal na Simbahan ay ipinaliwanag nang napakasimple. Ang brochure na ito ay mayroon na sa iba’t-ibang mga wika sa Palmaryanong Aklatan sa aming website: Nasaan ang Tunay na Simbahan?
Alam naming maraming mga tao ang nanonood ng mga video at nagbabasa ng mga publikasyon laban sa Palmaryano Katolikong Simbahan. May isang video na marami na ang nakapanood at ito ay labis na hinangaan ng maraming tao, hangal na mga tao. Sa video, makikita ang isang taong nakabisekleta sa aming paligid. Ang nagsasalita sa video ay nagsabing ang mga lalake ay kinakailangang pumunta sa Katedral sa bandang kaliwa at ang mga babae ay sa bandang kanan. Ito ay walang katotohanan. Walang ganoong patakaran. Ang taong gumawa ng video, hindi alam kung ano ang kanyang sinasabi, ay ipinaliwanag ito sa ganitong paraan. Ang pangyayari mismo ay hindi importante para pag-usapan, nguni’t ipinapakita lamang namin ito bilang isang halimbawa ng nakatatawang mga bagay na sinasabi tugkol sa Banal na Palmaryanong Simbahan.
Dahil sa mga hindi tamang mga pagpapaliwanag sa maraming mga video at mga sulatin tungkol sa mga pamantayan ng aming Simbahan, marami tuloy ang naniniwala na kapag ang isa ay naging kasapi ng Palmaryanong Simbahan, ay hindi na sila maaaring makipag-usap sa ibang miyembro ng kanilang pamilya. Alam namin na ganito ang paniniwala ng tao dahil sa mga komentaryo ng iba sa Facebook, Instagram, at sa pamamagitan ng ibang media.
Para roon sa mga interesado, kami ay nagbukas ng mga channel ng impormasyon sa Telegram sa parehong sampung mga wika na mayroon kami sa website. Ito ay tinatawag na Palmaryanong Simbahan. https://t.me/palmaryanongsimbahan