IKA-32 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN – Iglesia Catolica Palmariana

IKA-32 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Sa paglipas ng panahon, ay nagiging malinaw na ang Diyos ay maingat na pinangangalagaan ang Kanyang Banal na Simbahan, na ngayon ay ang Palmaryano Katolikong Simbahan. Kahit na ang Palmaryanong Simbahan ay maliit pa lamang ang bilang, ito ay nakakukuha ng atensiyon ng maraming tao na hindi pa alam nang mabuti ang tungkol sa Banal na Simbahang to. Ang iba ay kinikilala ito bilag ang Tunay na Simbahan, subalit ang takot ay nagbubunsod sa kanila para umurong. Walang sinuman ang nais na pagtawanan ng iba, at ganito ang nagaganap doon sa pumapabor sa Palmaryanong Simbahan. Nakahihiyang mawala ang oportunidad na mapasapi sa paraisong ito sa mundo. Ito ay hindi isang eksaherasyon. Sa Palmaryanong Simbahan ang pinakamagandang mga grasyang ibinibigay ng Diyos sa isang tao ay nararanasan. Upang maunawaan ang Sagradong Gawaing ito, isang gawaing isinasagawa ng Banal na Birheng Maria, ikonsiderang pag-isipan ang kabaliktaran ng mga impormasyong nakikita sa telebisyon, internet, at iba pa. Bisitahin ang aming website at may kababaang loob na basahin ang maraming matalino at banal na mga lathalaing matatagpuan doon. Huwag hayaang ang inyong magiging tagapayo ay isang kapamilya, kaibigan, o kakilala, kundi ang Diyos mismo. Humingi ng payo kay Kristo at sa Kanyang Banal na Ina upang magabayan sa daan ng katotohanan. Kung nagdududa, huwag bumaling sa isang bulag sa ispiritwal na tao para sa mabuting payo. Ang ispiritwal na pagkabulag sa ngayon ay naghahari kahit saan. Ang liwanag ay nasa mga kaluluwang nasa Estado ng Grasya, at ang mga kasapi ng Banal na Palmaryanong Simbahan ang mayroon ng liwanag na iyon.

  May isang kabataan ang umibig sa Palmaryanong Simbahan at nagsimulang magdasal ng Banal na Rosaryo Penitensyal. Ikinuwento niya sa iba ang tungkol sa Banal na Simbahang ito, at sinira nila ang kanyang layuning ispiritwal at sa bandang huli ay tinalikuran niya ang lahat. Ganito ang nangyayari sa marami. Kung kaya, doon sa mga may tunay na interes na malaman pa ang Palmaryanong Simbahan at nararamdaman ang udyok ng Diyos para higit pang lumalim ang kanyang kaalaman, hayaang gawin nila iyon nang tahimik. Huwag magsabi ng kahit ano kaninuman. Kahit na sa iyong ama o ina, o kapatid, lalo na sa mga pari sa labas ng Palmaryaong Simbahan. Ang Palmaryanong Pananampalataya ay nakatagong kayamanan na tinuran ni Hesus sa Ebanghelyo. Pangalagaan ang inyong kayamanan at huwag hayaan ang ibang nakawin ito sainyo. Kapag nagdadalawang isip, may kabaang-loob na hingin sa Ina ng Simbahan, ang Banal na Birheng Maria, na bigyan Niya kayo ng mga palatandaan na ang Palmaryanong Simbahan ay ang Tunay na Simbahan ni Kristo. Humingi kayo sa Kanya ng isang malinaw na katibayan, hingin ninyo iyon nang kayo ay nakaluhod, taimtim na magdasal at ang palatandaan ay darating nang sunod-sunod. At kapag natanggap na ninyo ang mga palatandaan, huwag ninyong sasabihin kahit na kanino, sa halip ay lalong magdasal at dalasan pa ang pagbasa sa mga dokumento sa website. Sa araw na tiyak na kayong natagpuan na nga ninyo ang katotohanan, saka na ninyo ito ipaalam sa lahat na nais ninyo, subalit dapat na maraming panahon na ang inyong ginugol sa pagdasal sa Banal na Rosaryo Penitensiyal araw-araw. Kapag kayo ay hindi nakapagdasal ng Banal na Rosaryong ito araw-araw, kapag naipakita na ninyo ang inyong naisin na maging isang Palmaryano, iyon ay kukunin agad sainyo. Ang Banal na Rosaryo Penitensyal ay ang pinakamalakas at pinakaimportanteng armas upang magpatuloy sa tunay na Pananampalataya.

  Ang ating mga followers sa Mehiko ay matutuwang malaman na ang Mehiko ay ang pang-apat na bansa na lumampas na sa 100,000 mga pagbisita sa aming website. Ang Espanya ay nananatiling panglimang puwesto, ngunit medyo may katagalan pa rin para sila ay umabot ng 100,000 na mga pagbisita. Iyon ay kung ang aming mga kaaway ay muling umatake sa amin sa telebisyon o sa internet. Ikinagagalak namin ang gayong mga pag-atake mula roon sa mga nais na sirain ang Simbahan ni Kristo dahil ang Diyos ay tinatawanan sila! Mas madalas nilang pag-usapan ang Palmaryanong Simbahan, mas mabuti. Kahit na, siyempre, mas mabuti kung sinasabi nila ang katotohanan at ipinresenta ang mga katotohanan na kung paano ito tunay na naganap. Sa Brasil ay may isang gumawa ng isang magandang video tungkol kay Papa Pedro III at ang Palmaryanong Simbahan. Nawa ay bayaran siya ng Diyos ng libong ulit! Nawa ang iba ay gayahin siya sa daang ito ng katotohanan sa halip na mahulog sa mga patibong ng demoyo at ng mga nais na sumira sa amin.

  Kahit na kami ay nagsusumikap nang malaki para siguruhing mas maraming mga tao ang makaalam ng Banal na Palmaryanong Simbahan, kami mismo ay nakapagtanto na kami ay nagsisimula pa lamang sa paggamit ng internet bilang isang instrumento ng aming apostolado. Nais naming pasalamatan iyong mga tumulong sa amin sa pagbahagi ng aming mga publikasyon sa iba’t-ibang pahina ng Facebook at sa iba pa. Ang mabuti ay dapat ipalaganap tulad sa isang sunog na hinihipan ng hangin. Si Satanas ay may napakaraming mga website na nagpapalaganap ng maling mga relihiyon at imoralidad. Huwag palampasing magsilbi sa Diyos sa pag-alis ng hindi mo aakalaing mga posts mula sa inyong Facebook pages at iba pang mga sites, at maglagay ng magagandang mga relihiyosong mga imahen na nag-uudyok sa kaluluwa para hanapin ang Diyos. Sa halip na mag-upload ng mga balitang inulit na kahit saan, ipost ninyo ang imahen ng ating Unibersal na Emperatriz, ang Banal na Ina ng Diyos. Sa paraang ito, kapag ang isa ay mamatay, kahit papaano ay masasabi niya kay Kristo: “Ako ay naging apostol ng iyong Ina sa mundo. Ngayon ay nais kong magtrabaho bilang isang Banal na Apostol mula sa Langit”.

  Narito, tulad ng dati, ang tatlumpung mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga pagdalaw sa aming website:

1.Argentina11.Dominican Republic21.Bolivia
2.Brasil12.Venezuela22.Pakistan
3.India13.Ecuador23.Kenya
4.Mehiko14.Nicaragua24.Cameroon
5.Espanya15.Alemanya25.Guatemala
6.Colombia16.Congo Kinshasa26.Poland
7.Pilipinas17.Honduras27.Italya
8.Peru18.Bangladesh28.Ivory Coast
9.Estados Unidos19.Ukraine29.Pransya
10.Nigeria20.Chile30.El Salvador

  Ang kapitolyo ng Argentina, Santa Maria de los Buenos Aires, ay ang lungsod kung saan kami ay nakatanggap ng pinakamaraming mga pagbisita. Sunod ay ang Santa Fe de Bogotá at ang pangatlo ay ang Lagos.

  Gagamitin namin ang ulat na ito para ipaalam sa maraming mga pari na nais na maging kasapi ng aming Relihiyosong Orden na kinakailangang alisin ang lahat na hindi ayon sa mga kustombre ng Banal na Palmaryanong Simbahan bago pumasok sa aming Orden. Hindi basta lamang iwanan ang inyong relihiyosong orden at sumapi sa aming Carmelitang Orden. Alalahaning ang romanong simbahan ay nag-apostata sa mahigit nang apatnapung taong nagdaan at iyong mga dating nanggaling sa nagpabayang simbahang ito sa mahabang panahon ay hindi napagtanto kung gaano sila malayo mula sa Banal na Palmaryanong mga kustombre at paraan ng pamumuhay. Walang buwan ng bakasyon para sa mga Pari ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha tulad ng sa ibang mga simbahan. Ang mga kasapi ng aming Orden ay isinasabuhay ang relihiyosong buhay sa lahat ng panahon, bawat araw ng taon. Kung kami ay magkakaroon ng bakasyon, ang aming ispiritu ng dasal at penitensiiya ay mabilis na mababawasan. Kinakailangang panatilihin ang kaluluwa na laging nakasakripisyo upang manatiling kaisa ng Diyos at ng Banal na Birhen. Si Kristo ay hindi nagkaroon ng isang buwang bakasyon; sa halip Siya ay lumayo sa iba para magsagawa pa ng mas higit na penitensiya. Kung kaya, ang kaibahan sa pagitan ng Palmaryanong mga Pari at mga Obispo roon sa hindi Palmaryano ay ang Impiyerno. Sa sinumang nais na sumapi sa aming Relihiyosong Orden sinasabi namin na dapat munang matutuhan nila ang aming ispiritu ng dasal at penitensiya. Ito ay natatamo una sa pagiging isang mananampalatayang Palmaryano sa matagal na panahon. Kahit na ang isang Palmaryanong mananampalataya ay may mas malaking ispiritu ng dasal at penitensiya kaysa sa hindi Palmaryanong mga pari.