IKA-31 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN – Iglesia Catolica Palmariana

IKA-31 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Dapat tayong magpasalamat nang labis na pasasalamat sa Diyos at sa Banal na Birheng Maria para sa mabuting ginagawa sa website na ito. Kahit na tayo ay nabubuhay sa isang kuraptong mundo, ay may ilang bilang ng mga kaluluwang naghuhumiyaw sa Langit para sa Liwanag para malaman kung nasaan ang Tunay na Simbahan. Sa karaniwan ay ayaw naming pag-usapan pa ang tungkol sa apostatang simbahan sa Roma, subalit maliwanag na ang mga tao ay nakapagtanto na ang simbahang ito ay hindi na mapagkakatiwalaan. Ang romanong simbahan ay hindi na nagrerepresenta ng relihiyosong mga ideal ng napakaraming mga pari, mga relihiyoso at mga taong banal sa pangkalahatan, na nakakalat sa iba’t-ibang panig ng mundo.

  Ang kalituhang ito ng pananampalataya ay hindi lamang nararanasan noong mga nasa romanong simbahan: maraming mga tao ang nais na magsilbi sa Diyos at sa Birheng Maria ang naghahanap ng bagong mapagpipilian kung saan sila maaaring magsilbi sa Taglalang nang may tiwala. Araw-araw ang mga kaluluwang sabik na makatagpo ng daan para sundin ang kanilang mga mithiin na makasapi sa Tunay na Simbahan ni Kristo ay nagpapakita sa atin ng ispiritwal na pagkabalisang iyon. Alam natin lahat na si Kristo ay nagpundar ng isang Banal na Simbahan at na inilagay Niya iyon sa mga kamay ng hindi napakaperpektong mga tao. Ang Simbahan ay nagpapatuloy sa kanyang kabanalan na nakatago sa karamihan, dahil ang karamihan ay sumusunod sa masamang mga opinyon ng mga “eksperto” na nagsasabing alam nila ang nagaganap sa Palmaryano Katolikong Simbahan.

  Napakarami nang mga kasinungalingan na masasabing ang mga “ekspertong” ito ay lasing sa labis na kasinungalingan. Sila ay may napakaraming kalituhan sa kanilang mga ulo, at ipinupunla nila ito kahit saan. Sa ilalim ng pang-uudyok ni Satanas sila ay nagkakaisa para gumawa ng huwad na mga pananalita. Isang halimbawa:. sinabi nila na ang perang ginamit para itayo ang gawain ng Palmar ay resulta galing sa benta ng mga xeroxed na kopya ng mga Mensaheng ibinigay sa Sagradong Lugar ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya. Itinatama namin ito:. ang mga kopya ng mga Mensahe ay kahit kailan ay hindi ipinagbili. Iyon ay laging ipinamimigay nang libre. Ang kaparehong mga tampalasan ay publikong nagsabi sa mga video na kami ay nagbebenta ng Mahimalang Tubig mula sa Poso ng Birhen sa El Palmar. Ang Banal na Tubig na iyon kahit kailan ay hindi ipinagbili. Kahit minsan.

  Iyong mga bumibisita sa El Palmar ay makapagpapatunay na walang nakitang ipinagbili kailan man, ni magpabayad para sa Banal na Pagsamba. Sa kabilang banda, kung sa ibang mga lugar ng mga Aparisyon ay binibisita, ang mga iyon ay nagiging animo’y isang palengke kaysa sa isang banal na lugar.

  Ang India ay naungusan na ang Mehiko at ngayon ay nasa pangatlong bansa na may lumampas 100,000 mga pagbisita sa website.

  Narito, lagi na, ang tatlumpung mga bansang may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website:

1.Argentina11.Dominican R.21.Kenya
2.Brazil12.Venezuela22.Bolivia
3.India13.Ecuador23.Pakistan
4.Mehiko14.Nicaragua24.Cameroon
5.Espanya15.Alemanya25.Guatemala
6.Colombia16.Congo Kinshasa26.Poland
7.Pilipinas17.Honduras27.Italya
8.Peru18.Ukraine28.Ivory Coast
9.Estados Unidos19.Bangladesh29.Pransya
10.Nigeria20.Chile30.El Salvador

  Maraming magagandang mga larawan ng Banal na Palmaryanong Simbahan sa Pinterest para roon sa mga nais na makita ang mga iyon. Sa link na ito ay direkta kayong makapupunta sa marami at magagandang mga larawan ng dakilang gawain ng Diyos sa Sagradong Lugar na ito.  https://www.pinterest.com/iglesiapalmariana/

  May bagong video sa You Tube kung saan ay makikita ninyo si Clemente Domínguez y Gómez na nasa ecstasy. Alam na ninyo na si Clemente ay inordenang isang Pari at kinonsagrang Obispo ni Arsobispo San Pedro Martin Ngô-dinh Thuc, na dumating mula sa Roma upang isakatuparan ang napakadakilang misyon na ito noong 1976. Sa videong ito, si Clemente ay nakikitang puno ng kaligayahan sa pagkatanggap sa Batang Hesus sa kanyang mga bisig. Subalit hindi lamang si Clemente ang nagkaroon ng grasyang mailagay ang Batang Diyos sa kanyang mga bisig: ang Arsobispo na mag-oorden sa kanya bilang isang Pari ay.nakatanggap din ng parehong grasya bilang isang malinaw na palatandaan na kalooban ng Diyos para sa kanya na gawin ang mga pag-orden at pagkonsagra sa El Palmar de Troya. Mababasa natin sa aklat na “Heavenly Messages” ng Banal na Lugar na ito ang sumusunod: “’Ngayon ay ilalagay ko ang Banal na Bata sa mga bisig ng Obispo’. (Ang Banal na Birhen, sa pamamagitan ni Clemente, ay inilagay ang Batang Hesus sa mga bisig ni Arsobispo Pedro Martin Ngô-dinh Thuc, na naramdaman ang bigat ng Banal na Bata sa kanyang mga bisig, at labis na humanga.)” Ang pangyayaring ito ay natapat sa ika-25 ng Disyembre, ang kapistahan ng kapanganakan ng Batang Hesus. Narito ang link ng video ‘Glory of the Church’: https://youtu.be/W9HcgaYb6SE

  Ang malaking pananampalatayang isinasabuhay ng maraming mananampalataya ng Banal na Palmaryanong Simbahan ay hindi lamang nagmumula sa supernatural na mga kaganapan na naranasan ni Clemente at ng ibang mga seer sa El Palmar de Troya, ngunit dahil sa pang-araw-araw na pamumuhay ng Palmaryanong mga Katoliko ang himala ay nagpapatuloy araw-araw. Kung kaya, ngayon sa kabila ng malaking mga pagsisikap ni Satanas at ng kanyang mga tagasunod para sirain ang Tunay na Simbahan ni Kristo, ang kanyang layunin ay napunta sa wala. Ang bawat kasapi ng Palmaryanong Simbahan ay isang haligi ng buhay na pananampalataya at walang dudang kabutihan. Ang kabuuan ng isang gusali ay labis na nakadepende sa mga haligi at ang kanilang tibay ay sumusuporta rito. Kaya sa Simbahan ni Kristo, ang mga kasapi nito ay ang mga haliging pinili Niya upang ang Kanyang pangako sa Simbahan ay hindi mabigo: “Ang mga lagusan ng impiyerno ay hindi magtatagumpay laban sa kanya.” Kung kaya nang si Clemente ay namatay, noon Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, ang Simbahan ay patuloy sa maraming ibang mga haligi Nito na nanatili sa Banal na Palmaryanong Simbahan. Inisip ng marami na ang kamatayan ng Dakilang Papa na ito ay magiging katapusan ng Palmaryanong Simbahan, subalit hindi nila naisip na ang Diyos ay maraming mga haligi. Kapag nawala ang isang haligi, libong mga haligi ay lumilitaw, para panatilihin ang Simbahan na matatag at nasa daang itinuro ng Diyos.

  Sa pagtatapos, doon sa mga sumusunod sa Palmaryanong Simbahan nang patagong paraan, walang problema sa pagpapatuloy sa ganito, ngunit mas magiging mabuti kung ipakita ang kanilang pananampalataya tulad ng ginawa ng Centurion sa Kalbaryo nang siya ay nagsabi: “Tunay na ang Taong ito ay mabuti, tunay na ang Taong ito ay ang Anak ng Diyos“. Nariyan din ang mga halimbawa ng napakaraming banal na mga martir na ibinigay ang kanilang mga buhay para sa kanilang pananampalataya kay Kristo,dumanas ng teribling mga tormento sa pagmamahal sa Panginoon. Kahit na ang mga nagdadala ng tunay na pananampalataya ay patuloy na hindi napapansin, halos nakatago sa malaking ulap ng mga tao na nagpapahirap at kinasusuklaman sila, huwag mabahala tungkol dito, dahil ang Banal na Ina ng Diyos ay tutulungan ang Kanyang mananampalataya para magtagumpay. Tulad sa tatlong mga kaibigan ng Banal na Propetang Daniel na inilagay sa nagliliyab na apoy at walang nangyari sa kanila, ang Palmaryanong Simbahan ay lilitaw ring matagumpay, sa kabila ng hindi mabilang na mga dagok na gawa ng impiyerno at iyong mga kumukontra sa Banal na layunin na ang Pamunuan ng Banal na Simbahan ni Kristo ay dapat nasa Sagradong Lugar ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya.