Sa bawa’t buwan kami ay sumusulat ng Ulat na ito tungkol sa aming website, at sa ngayon kami ay umabot na sa Pangtatlumpung Ulat. Ang ibig sabihin nito na ang website ay naipublika na sa loob ng dalawa at kalahating taon. Sa panahong ito, mahigit sa isang milyong mga tao na ang nakakita nito. Ang iba ay pinanunuod ito sa mahabang panahon at ang iba ay sa maikling panahon. Natural, ang mundo ay may halos 8 bilyong tao, kung kaya ang isang milyon ay nagrerepresenta ng napakaliit na bahagdan. Subali’t kami ay nakapagtanim ng isang milyong mga butil, na hindi sumibol nang pare-pareho: ang iba ay mas matagal ang panahon kaysa sa iba para mamulaklak. Pag may magandang ulan sila ay mabilis na lumalaki, ibig sabihin, mas maraming panalangin ang mga tao ay lumalago sa pananampalataya at birtud o kabutihan. Ang mga bagyo ay sumisira kung ano ang itinanim at hindi ito hinahayaang lumago; ibig sabihin, ang mga kasalanan ay nakasasagabal sa paglago ng mga butil. Limitadong dami lamang ng mga butil na ito na ipinunla ng website ang namulaklak agad nguni’t maraming mga unos. Maraming mga kaluluwa na nakatanggap ng liwanag para maniwala sa Palmaryanong Simbahan ang agad na nawawala ang mga ito dahil sa mga panlilinlang na sulsol ng prinsipe ng karimlan, si Satanas, ama ng mga kasinungalingan. Siya, kasama ang napakaraming bilang ng mga katulong, ang nagkakalat ng mga kasinungalingan sa lahat ng dako nang napakadali.
Si Satanas ay ang ama ng kasinungalingan at, tulad ng sinasabi sa Palmarian Creed, siya ang imbentor at tagasulsol ng lahat ng kasamaan. Ang demonyo ay inuudyukan ang tao para magsinungaling. Alalahaning ang pagsisinungaling ay may pagkaalam sa pagsasabi kung ano ang nalalaman ng isa nang hindi totoo. Ito ay ang pagsasabi ng kabaliktaran kung ano ang nararamdaman at iniisip ng isa. Gaano karaming mga mapaglinlang na mga lathalain mayroon tungkol sa Tunay na Simbahan ni Kristo! Gaano karaming mga paninirang puri ang ikinakalat sa media tungkol sa Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan! Malungkot para roon sa mga maling nagpepresenta sa kung ano ang itinatangi o “apple of the eye” ng Eternal na Ama! Para roon sa mga nais na malaman ang katotohanan sinasabi namin maging maingat. Sa labas ng website na ito, na labis na pinukaw ng Langit, ay matatagpuan ang maraming mga lathalaing pinukaw ni Satanas. Gayunman, ang mga anak ng Liwanag ay magpapatuloy sa kanilang apostolado at ang mga lagusan ng impiyerno ay hindi magtatagumpay laban sa kanilang mga puwersa.
Sa milyong mga taong nakakita na ng aming website, marami ay kumbinsido na natagpuan ang Tunay na Simbahan ni Kristo; subali’t, malaking parte sa kanila, dahil sa kanilang kakulangan ng panalangin at maingat na pagbabantay, ay tumalikod. Hinayaan nila ang kanilang mga sarili na matalo ni Satanas at ng kanyang mga kampon.
Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansang may pinakamataas na bilang ng mga bumisita sa aming website:
1. | Argentina | 11. | Dominican Republic | 21. | Kenya |
2. | Brazil | 12. | Ecuador | 22. | Cameroon |
3. | Mehiko | 13. | Venezuela | 23. | Poland |
4. | Espanya | 14. | Nicaragua | 24. | Pakistan |
5. | India | 15. | Alemanya | 25. | Guatemala |
6. | Colombia | 16. | Congo-Kinshasa | 26. | Italya |
7. | Pilipinas | 17. | Honduras | 27. | Pransya |
8. | Peru | 18. | Ukraine | 28. | Ivory Coast |
9. | Estados Unidos | 19. | Chile | 29. | Bolivia |
10. | Nigeria | 20. | Bangladesh | 30. | United Kingdom |
Ang aming Facebook page sa Español ay nakatatanggap ng mas maraming pagbisita mula sa Venezuela kaysa sa ibang mga bansa. Ito ay sinusundan ng Mehiko sa pangalawang puwesto, Colombia sa pangatlo, Argentina sa pang-apat at Nicaragua sa panlima. Sa aming Facebook page sa Ingles, ang India ang bansang may pinakamaraming mga pagbisita, sinusundan ng Nigeria, Pilipinas, Kenya at Irlanda.
Ang aming website ay laging pinagmumulan at mananatiling pagmumulan ng tunay na Katolikong ispiritwalidad, kung kaya napakakapaki-pakinabang na laging up-to-date sa bagong mga lathalang nakikita. Kung kaya hinihimok namin iyong mga bumibisita sa aming website na abangan din ang mga email na aming pinadadala sa bawa’t buwan na may mga impormasyon tungkol sa bagong mga lathala. Kung hindi pa kayo sumuskribe, gawin na ninyo para manatiling pangkasalukuyan at nalalaman itong makatotohanan at nakahihikayat na impormasyon.
Iginigiit namin na importante ang panalangin para malaman kung nasaan ang Tunay na Simbahan ni Kristo. Kami ay naglathala ng bagong edisyon ng Palmarian Devotionary, na ginawa espesyalmente para sa website na ito. Sa sandaling ito, ito ay mayroon lamang sa Español. Sa darating na panahon ito ay magkakaroon din sa maraming mga wika. Ang bagong edisyon na ito ng Palmarian Devotionary ay isang magandang gawain na ginawa ng isang Palmaryanong mananampalataya na napakadedikado sa gawaing ito ng Diyos. Siya at ang maraming iba pang mga kasapi ng Simbahan ay nagtatrabaho ng mahabang mga oras para sa pagtatagumpay ng Simbahan ni Kristo. Sila ay lubos na nagsasakripisyo para ang milyong iba pa ay magtamasa sa napakagandang Palmaryanong doktrina sa paglathala ng gawain ng Birheng Maria, Reyna ng Langit at aming Ina, sa Sagradong Lugar ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya. Ganito kung paano ang mga Palmaryano ay nabubuhay, sa paanan ng Banal na Birheng Maria para pasayahin Siya nang lubos sa kaya nila. Ang iba sa isang paraan, ang iba sa ibang paraan. And dakilang Palmaryanong pamilya ay may Hesukristo bilang kanilang ama at ang Banal na Birheng Maria bilang kanilang ina. Mayroon din silang San Jose bilang kanilang protektor. Samakatuwid, iyong mga nais na makarating sa kabanalan ay walang matatagpuang ibang angkop na lugar kundi sa loob ng Banal na Palmaryanong Simbahan.
Ang Tunay na Simbahan ni Kristo ay ipinagbabawal ang telebisyon dahil sa nakasisira sa moralidad na nagagawa nito sa napakaraming mga kaluluwa. Gayunman, kami ay nagsisikap na magkaroon ng maraming mabuti, ispiritwal at nakahihimok na mga pelikula para sa aming mga mananampalataya para masiyahan. Hindi sa ipinagbabawal namin ang lahat, subali’t nais naming ipagbawal ang masama at ginagawang makarating sa mga mananampalataya iyong makatutulong sa ispiritwal na kapakanan ng kanilang mga kaluluwa. Wala kaming Palmaryanong telebisyon, subali’t sa napakaraming magagandang mga pelikula at mga video na mayroon kami, ay wala nang pangangailangan para sa mga masasamang pelikula ng mundo.
Ang apostolikong mga sulat ng Santo Papa, Ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III, ay madalas manawagan sa mga kabataan na pasanin sa kanilang mga balikat ang krus ng pagpari. Ang krus ng pagpari ay mabigat subali’t dahil binibigyan kami ng Diyos ng napakaraming lakas para pasanin ito, ito ay kayang-kaya. Maaaring mas magaan pa nga ito kaysa sa krus ng walang asawa at ng mga may asawang tao. Ang krus ng isang pari ay maaaring maging isang krus na may magandang namumukadkad na mga rosas saan mang panig. Kung titingnan ninyo ang relihiyisong buhay sa panlabas, ang tanging nakikita ninyo ay sakripisyo at pagkakait sa sarili. Ang mga pari at mga madre ay nakikitang nabubuhay na nakabukod sa mundo, madalas nasa mga kumbento. “Sayang kung ano ang hindi naranasan ng mga taong ito!” ang maaaring sabihin ng mga tao sa mundo. Gayunman, hindi sa kung anong kaligayahan ang hindi naranasan ng mga relihiyoso sa mundo — sila ay nakarating sa pagkakamit ng ispiritwal na kaligayahan sa buhay na ito at nakapag-ipon ng mga yaman para sa Langit. Ang pamumuhay ng isang relihiyoso sa isang banal na paraan ay isang pamumuhay na umaasa ng Langit.