Sa simula ng ulat na ito, nais naming ipahayag ang aming pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa Palmaryanong apostolado. Sa buwan na ito ng Mayo, buwan na dedikado sa Ispiritu Santo at sa Banal na Maria, ang aming apostolikong mga aktibidades ay malaki ang itinaas. Ang isa sa mga dahilan nito ay ang malaking pagmamahal mayroon ang Palmaryano Katolikong Simbahan para sa Pinakabanal na Birheng Maria— isang pagmamahal na niyayakap ng mananampalataya sinusunod ang ehemplo ng Simbahan. Dito, sa Banal na Palmaryanong Simbahan, ay maalab naming minamahal si Maria, Ina ng Diyos at aming Ina. May mga mangmang na mga tao na inaakalang minamahal namin ang Aming Birhen nang higit sa Diyos. Gaano sila nalilito! Minamahal namin ang Diyos higit sa lahat ng bagay, at sunod sa Kanya, ang Pinakabanal na Maria sa Kanyang pagiging Ina ng Diyos, Reyna ng Langit at Reyna ng mabuting mga kaluluwa.
Ang puso ng bawa’t Palmaryano ay isang kastilyo kung saan ang Reyna ng Langit ay nakatira kasama ang buong Korte ng Langit. Ang banal na kasiyahan ay naghahari sa mga kastilyong ito, at ang mga puso ng mga nabubuhay nang matapat sa Diyos at sa Pinakabanal na Birheng Maria ay lubos na nakapagpapagalak sa Pinakabanal na Trinidad. Ganoon na lamang ang kagalakang ito kung kaya ang Kanilang Awa ay ibinubuhos sa mga kaluluwa, gumagawa ng tunay na mga grasya na nagdadala sa kanila lahat sa walang hanggang kaligtasan at sa sariling Bayan sa Kalangitan.
Nais naming ibahagi ang magandang balita na ang Colombia sa ngayon ay nasa listahan na ng mga bansang madalas na makatatanggap ng pagbisita ng isang Palmaryanong misyonero upang tulungan ang mananampalataya sa pamamagitan ng Banal na mga Sakramento ng Simbahan. Umaasa kami na iyong mga interesado sa Mehiko at iba pang mga bansa ay hindi magtatagal na sumunod sa halimbawa ng Colombia, at gagawa ng kinakailangang mga hakbang upang sumapi sa Tunay na Simbahan ni Kristo.
Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansang may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website:
1. | Argentina | 11. | Dominican Republic | 21. | Kenya |
2. | Brazil | 12. | Ecuador | 22. | Poland |
3. | Mehiko | 13. | Alemanya | 23. | Bangladesh |
4. | Espanya | 14. | Nicaragua | 24. | Italya |
5. | India | 15. | Congo-Kinshasa | 25. | Pransya |
6. | Colombia | 16. | Venezuela | 26. | Guatemala |
7. | Pilipinas | 17. | Ukraine | 27. | Ivory Coast |
8. | Peru | 18. | Chile | 28. | Pakistan |
9. | Estados Unidos | 19. | Cameroon | 29. | United Kingdom |
10. | Nigeria | 20. | Honduras | 30. | Rusya |
Maraming mga kaluluwa sa labas ng Banal na Palmaryanong Simbahan ay naninindigang sila ay napakasaya sa pagsilbi sa Diyos sa kanilang mga simbahan, nagkakawanggawa at iniaalay ang kanilang mga sarili sa ibang kapaki-pakinabang na mga misyon sa sosyedad. Ang kanilang kaligayahan ay natatamo sa pamamagitan ng kanilang mabuting konsensiya at sa gantimpalang ibinibigay sa kanila ng Diyos upang sila ay magpatuloy sa paggawa ng mabuting mga gawain. Gayunman, ang kaligayahan sa labas ng Banal at Tunay na Simbahan, na ngayon ay ang Palmaryanong Simbahan, ay wala kung ikukumpara sa kaligayahang ibinibigay ng Ispiritu Santo doon sa mananampalatayang mga kaluluwa sa loob ng Tunay na Simbahan. Ang kaligayahan ng Ispiritu Santo na natatanggap ng mananampalataya na nasa Estado ng Grasya ay higit na mas malaki kaysa sa kaligayahang resulta ng isang mabuting konsensiya at mabuting mga gawain lamang.
Kapag sinasabi natin na ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay ang Tunay na Simbahan ni Kristo, pintutunayan namin ang katotohanang ito na may malinaw na mga katunayan. Sa kaibahan, ang huwad na mga simbahan ay nagsisikap na patunayan na may katibayan sila base sa ilang mga prase mula sa bibliya at ilang mga gawain ng pagkakawang-gawa. Isang katibayan na ang Tunay na Simbahan ay ang Palmaryanong Simbahan ay ang Banal na Diyos ay pinangangalagaan ito, isinusulong ito, pinananatili ito at pinoprotektahan ito. Tingnan kung paano ito inuusig, iniinsulto at sinisiraan. Buweno, ganoon ang naganap kay Hesukristo. Si Hesus ay ipinangaral ang Kaharian ng Langit. Ang Palmaryanong Simbahan ay ipinangangaral din ang Kaharian ng Langit, na hindi isang materyal na kaharian o isang kahariang puno ng mga kaginhawahan at huwad na pagkakaibigan sa mundo. Ang Palmaryanong Simbahan ay nagtuturo sa mga mananampalataya nito na lumayo sa huwad na mga relihiyon, at huwag makinig sa kanilang mga kasinungalingan at mga panlilinlang. Ang huwad na mga simbahan ay nagpetisyon nang hindi mabilang na ulit na umanib sa amin, ang Tunay na Simbahan. Hindi rin mabilang na ulit na maraming mga bansa ang sumulat sa amin na may naising magpasailalim sa Pagkapapa ng Kanyang Kabanalan Papa Pedro III. Kami ay lubos na magagalak na magkaroon ng mga mananampalataya sa lahat ng mga bansang ito, subali’t paninindigan namin ang tunay na Katolikong Doktrina na hindi papalitan ang kahi’t isang salita. Kailangang isuko nila ang kanilang maling mga paniniwala at lubos na yakapin ang Doktrinang itinuturo ng Banal na Palmaryanong Simbahan, na Banal ang pinanggalingan.
Sa ulat na ito kami ay gumagawa ng isang espesyal na panawagan sa lahat ng mga pari ng ibang mga simbahan na iwanan na nang tuluyan ang kanilang imbalidong mga Misa at mga seremonya. Maraming bilang ng mga pari sa mundo ang naniniwala sa Palmaryanong Simbahan, subali’t patuloy na ginagawa ang imbalidong mga ritwal. Tinatanggap nila si Papa Pedro III bilang Bikaryo ni Kristo, subali’t ayaw nilang sumunod sa kanya. Iyong mga nakaaalam na na ang Palmaryanong Simbahan ay ang Tunay na Simbahan dapat ay hanapin ang daan para makapasok sa aming Simbahan at sundan ang daan na ipinakikita sa kanila ng Santo Papa. Magiging maganda kung magkakaroon ng mas maraming tunay na mga pari, nguni’t para riyan dapat ay magkaroon ng ganap na pagpapasailalim sa Papa. Ang kulang sa karamihan ay ang pagsunod sa halimbawa ng unang mga Heswita na pumunta sa Roma at inilagay ang kanilang mga sarili sa paanan ng Papa na gawin kung ano ang kanyang sugo.
Doon sa mga sumusunod sa Banal na Palmaryanong Simbahan ay hindi dapat matakot na ipalaganap ang Simbahan ni Kristo, dahil sa bawa’t pagkakataon na gumawa ng pagsisikap para sa apostolado, ang Diyos at ang Banal na Birhen ay lubos na nagagalak. Ang Langit ay nagbibigay ng gantimpala sa mga pagsisikap na ito ng napakaraming mga pagpapala, na labis na kailangan ng maraming mga tao.