IKA-28 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN – Iglesia Catolica Palmariana

IKA-28 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Maligayang muling pagbabalik sa website ng Banal na Palmaryanong Simbahan. Upang ang aming website ay maging mas malaki ang pakinabang sa iyong kaluluwa, maingat na pag-aralan ang mga limbag na Palmaryano, na magdadala sa iyo para makakuha ng kapayapaan at karunungan. Ang Ispiritu Santo, Diyos ng pagmamahal, ay humihimok sa mga kaluluwa para magbasa ng aming mga limbag upang matagpuan ang Katotohanan – ang walang pagkakamaling Katotohanan na ang Palmaryanong Simbahan ay ang tunay na Simbahan ni Kristo. Ang pinakamalaking palatandaan na ang website na ito ay galing sa Diyos ay ang interiyor na kapayapaan na iyong mararamdaman sa pagbasa ng mga publikasyon nito.

  Sa ngayon ay may magagandang mga video ng Palmaryanong Simbahan na nakapublika sa You Tube. Ang mga tao ay maaaring mag-iwan ng mga komentaryo kung nais nila, at kami ay labis na nagpapasalamat doon sa regular na nagpapadala ng magandang mga komentaryo tungkol sa aming mga video. Nawa ay gantihan ng Diyos sila lahat. Nagagalak kaming tumanggap ng lahat ng positibong mga komentaryo, subali’t iyong mga nais na insultuhin kami ay huwag nang magsayang ng kanilang oras, dahil walang ipupublika na nakasasakit kay Hesus, ang ating Ama at Manunubos. Ang pagkakasala sa Tunay na Simbahan ay pagkakasala kay Hesus.

Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansa na may pinakamalaking bilang ng mga pagbisita sa aming website:

1.Argentina11.Dominican Republic21.Poland
2.Brazil12.Alemanya22.Pransya
3.Mexico13.Congo-Kinshasa23.Ivory Coast
4.Espanya14.Ecuador24.Italya
5.India15.Nicaragua25.United Kingdom
6.Pilipinas16.Chile26.Guatemala
7.Colombia17.Ukraine27.Honduras
8.Peru18.Venezuela28.Rusya
9.Estados Unidos19.Cameroon29.El Salvador
10.Nigeria20.Kenya30.Paraguay

  Sa mga panahong ito ng pangkalahatang pag-apostata, magiging parang wala nang mabisang paraan para muling ibalik ang Tunay na Pananampalataya. Ang Simbahan ni Kristo ay bumaba sa maliit na bilang ng mga mananampalataya. Parang imposible nang isipin na ang Simbahan ay maaari pang makabangon at magkaroon ng malaking bilang ng mananampalataya muli. Ito ay wala sa mga kamay ng Simbahan, subali’t sa halip ay nasa mga kamay ng Taglalang, nasa mga kamay ng Pinakamakapangyarihan. Ang araw ay darating na kung saan ang Ina ng Diyos ay ipakikita sa mundo kung nasaan ang Simbahan ng kaligtasan. Ano ang layunin ng pagpunta sa mga simbahan kung saan ay pinagkakasalahan nila ang Taglalang sa halip na bigyang-puri Siya, kung saan ang mga tao ay pumapasok na nakadamit sa paraang iskandaloso? Sa Palmaryanong mga Kapilya, ang ganoong mga tao ay hindi pinapayagang pumasok. Ang mga Palmaryano ay kinakailangang manamit sa isang Kristiyano, may dignidad na paraan para ipresenta ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos. Ang Diyos, natural, ay tunay na presente sa mga Tabernakulo ng Palmaryanong mga Kapilya.

  Patuloy kami na may krus sa aming mga balikat, nguni’t ang krus na pinapasan ng Simbahan ay isang magaang krus, isang hindi gaanong nagpapagupo ang bigat, dahil ang pinakamabigat na bahagi ay pinapasan ng Pinakabanal na Birheng Maria. Siya ang sumusuporta sa aming krus sa pamamagitan ng Kanyang makapangyarihang mga bisig, at ang Kanyang mga anak, na lahat ay mga kasapi ng Simbahan, ay pumapasan ng bahaging kulang ang bigat. Ang mga kasapi ng Banal na Palmaryanong Simbahan ay may magandang kapalaran bilang tagapasan ng mga krus na magaan, mga krus na nagbibigay ng kasiyahan sa kaluluwa. Sa Tunay na Simbahan, ang krus, na ang ibig sabihin ay ang kahirapan, ay nawawala ang kanyang lupit at nagiging malambot sa pamamagitan ng pagpapala ng Diyos. Ang Diyos ay patuloy nagbabasbas sa kanyang Simbahan sa pamamagitan ng mga Pari. Sa bawa’t pagkakataon na ang Pari ay nagbibigay ng basbas sa Banal na Misa, siya ay nagbabasbas sa lahat ng mga kasapi ng Mistikal na Katawan ni Kristo. Ang bawa’t Palmaryanong mananampalataya ay nagbebenepisyo mula sa bawa’t isa sa mga basbas na ito at, samantalang nasa Estado ng Grasya, sila ay lumalago nang hindi mapag-aalinlanganang antas ng grasya at kabanalan. Iyong may mabuting kapalarang mabasa ang ulat na ito ay dapat matamang ikonsidera na ang pagiging nasa labas ng Simbahan ni Kristo ay isang malaking takot. Hindi basta lamang dahil hindi sila maaaring tumanggap ng Langit sa kanilang mga kaluluwa. Para riyan, kinakailangan na dapat nasa Estado ng Grasya at tanging iyong mga nakatanggap ng Sakramento ng Binyag na pinangasiwaan ng isang Palmaryanong Pari ang maaaring makatamo ng pagiging nasa Estado ng Grasya.

  Ang mga araw ay nagdaraan, at araw-araw ay nakababasa ka ng tungkol sa mga namatay sa corona virus o ng isang namatay sa isang aksidente o sa ibang hindi inaasahang paraan. Hindi mo alam na baka bukas ang mga kapit-bahay mo ay ang pinag-uusapan ay ang sarili mong hindi inaasahang kamatayan. Ngayon ay ang araw para makumbert. Iyong mga nakaaalam na ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay ang Tunay na Simbahan ay hindi na dapat pang mag-aksaya ng panahon kundi sa halip ay umakto nang mabilis sa lalong madaling panahon para maging isang mananampalatayang anak ng Simbahan ni Kristo. Ang iba ay magsasabi: “Paano iyong magbebenepisyo sa akin samantalang ako ay mas komportable sa kalagayan ko ngayon?” Mas malaking kaginhawahan ang marahil ay mayroon ka sa labas ng Simbahan subali’t iyon ay kung ang pag-uusapan ay ang natural na kaginhawahan. Sa Simbahan ikaw ay makakakamit ng supernatural na kaginhawahan. Sa pagiging kaisa ng Diyos at ng Pinakabanal na Birhen ay nangangahulugang ang Probidensiya ng Diyos ay pinangangalagaan tayo sa isang espesyal na paraan sa lahat ng bagay. Huwag hayaang maligalig ka ng anumang bagay; huwag hayaang matakot ka ng anuman; ang sinumang mayroong Diyos ay walang kakulangan.

  Ang Simbahan ay may napakaimportanteng misyon para magturo ng daan para mahalin si Hesus para roon sa mga nakahandang makinig. Si Hesus ay Diyos na naging tao. Pumunta Siya sa mundo para gumawa ng isang napakadakilang gawain, isang hindi makalkulang pangangailangan. Dumating Siya para baguhin ang ating landas. Walang paraan para makapasok sa Langit bago Siya dumating sa mundo. Sa halip, ay mayroon noong isang silid antayan o ang Limbo ng Matuwid. Ganoon man, ito ay isang silid antayan, isang lugar na walang bintana para makibahagi sa kaligayahan sa Langit. Sa pagitan ng Limbo ng Matuwid at Langit ay may isang pader na hiindi maaaring daanan. Maraming mga tao roon, kasama ang Pinakabanal na Jose, Abraham at ibang dakilang mga Santo at mga personahe mula sa Lumang Tipan ay naroon din sa silid antayan na iyon, naghihintay sa ipinangakong Mesiyas na darating isang araw at sisirain ang pader, sa paraang iyon ay bubuksan ang daanan papasok sa Langit.

  Para matapos ang Limbo ng Matuwid, ang silid antayan na iyon na naglalaman ng hindi maisip na bilang ng mga kaluluwa, kinakailangan ang walang hanggang reparasyon ay gawin sa Diyos. Subali’t sino ang maaaring makagawa nitong walang hanggang reparasyon? Ang Ama sa Langit ay nag-utos na ang makapagpapalaya sa mga kaluluwang ito ay kinakailangang si Kristo, ang Anak ng Diyos. Para sa Ama sa Langit, ay hindi lamang kahit anong biktima ang maaari, kahit na ang sakripisyo ng napakaraming biktimang mga kaluluwa. Hindi. Ang biktima ay dapat ang Kanyang sariling Anak. Ang kasalanan ni Adan at ni Eba ay sadyang napakabigat. Hindi kayang masimulang kalkulahin ng pang-unawa ng tao kung gaano kaseryoso ang orihinal na kasalanan. Ang kasalanang iyon ay labis na kasuklam-suklam sa harapan ng Diyos kaya iyon ay nakasira sa buong sansinukob. Isang dalisay na tao lamang ang kinakailangan, isang napakabanal na tao na ang kabanalan ay makagagawa ng reparasyon para sa kasalanang iyon. Ito ay nakatalaga kay Kristo para gawin ang reparasyong iyon. Ang reparasyong kinakailangan ay nasa isang proporsyon na magdudulot ng takot sa isang tao. Ang Diyos ay naging Tao at ginawa Niya ang reparasyon para sa kasalanan ni Adan at ni Eba. Sino ang makauunawa sa pagmamahal mayroon ang Diyos para sa kanyang mga nilalang? Sa pagpapasalamat sa Kanya, dapat nating ialay ang ating mga sarili sa isang buhay ng panalangin at sakripisyo at sa ganoon ay makatulong kay Hesus at Maria sa eternal na kaligtasan ng mga kaluluwa.