IKA-27 NA ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN – Iglesia Catolica Palmariana

IKA-27 NA ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Lagi nang isang malaking kagalakan para sa amin ang makita ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong nakaaalam ng Tunay na Simbahan ni Kristo sa pamamagitan ng website na ito. Ang malaking misteryo ng paglipat ng Simbahan ni Kristo mula sa Roma patungo sa El Palmar de Troya ay nananatiling hindi alam ng malawak na karamihan sa mundo. Sa kabila ng aming mga pagsisikap upang ipalaganap ang tunay na Pananampalataya kay Kristo, kami ay nananatiling nasa umpisa pa lamang ng apostolado. Hindi pa namin napaglalagablab ang malaking mga makina para magdala ng isang malaking apostolado sa buong mundo. Masasabing kami ay gumagawa pa lamang ng mga paghahanda para rito. Kami ay naghahanda ng daan para sa aksiyon ng Apostol ng mga Apostoles, si Hesukristo. Inihahanda Niya ang lahat nang maayos bago umaksiyon. Ipinadala Niya ang Kanyang Ina para ihanda ang paglipat ng Simbahan sa pamamagitan ng Kanyang mga Aparisyon sa maraming mga lugar, lalo na sa El Palmar de Troya. Si Kristo sa ngayon ay naghahanda ng daan para isagawa ang isang apostoladong hindi pa naisip. Ang pamamagitan ni Kristo at ni Maria ay hinihintay para ipakita sa mundo ang yaman ng Kanilang Tunay na Simbahan, na halos ay nakatago sa mundo sa Sagradong Lugar ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya.

  Sa pahina ng aming website na may pamagat na “Sino Kami?”, ay sinasabi nang napakaliwanag na “Kami ay mga tagasunod ng Banal na Birheng Maria. Ipinauubaya namin ang aming mga sarili sa Kanya ng buo naming pagkatao. Ordinaryo sa mga Palmaryano na mahalin ang Pinakabanal na Birheng Maria nang napakaalab.” Ang Pinakabanal na Birhen ang nagpakita ng Kanyang sarili sa sangkatauhan sa maraming mga okasyon para tawagan ang kanyang mga anak para sa isang banal na buhay, isa pa kaisa sa Kanyang Anak na si Hesukristo. Tiyak sa Banal na Palmaryanong Simbahan, marami ang nakarating sa pagiging malapit sa Ating Panginoong Hesukristo sa pamamagitan ng marubdub na panalangin at penitensiya at dedikasyon sa Pinakabanal na Birhen. Nagpapahiwatig ito ng isang malaking kaugnayan sa personal na pagsisikap para itakwil ang mga banidad ng mundo at sa ganoon ay matamo ang mas malaking pakikiisa kay Kristo at kay Maria. Parang magiging isang kalokohan sa mundo, nguni’t ang katotohanan ay ang kabanalan ay nakasusuklam doon sa mga makamundo at nais na mabuhay ayon sa mga hangarin ng katawan.

Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansang may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website:

1.Argentina11.Dominican Republic21.Poland
2.Brasil12.Alemanya22.Ivory Coast
3.Mexico13.Congo-Kinshasa23.Pransya
4.Espanya14.Ecuador24.United Kingdom
5.India15.Chile25.Italya
6.Pilipinas16.Nicaragua26.Rusya
7.Colombia17.Ukraine27.Guatemala
8.Peru18.Cameroon28.Paraguay
9.Estados Unidos19.Venezuela29Honduras
10.Nigeria20.Kenya30.El Salvador

  Isang bagay na nakatatawa sa amin ay ang maling impormasyong kumakalat tungkol sa mga panuntunan ng Banal na Palmaryanong Simbahan. Una sa lahat, mahirap na maunawaan kung bakit may napakalaking interes sa at mga komentaryo tungkol sa patakaran ng Palmaryanong Simbahan, gayong ang mga patakarang ito ay nakaaapekto lamang sa mga Palmaryano. Ano ba naman doon sa mga hindi Palmaryano Katoliko kung ano man ang aming ginagawa! Ang iba ay nagsasabing ang Simbahan ay ipinagbabawal ang pag-inom ng alkohol, ang iba ay na hindi puwedeng manigarilyo. Ang iba ay nagsasabing ang mga Palmaryano ay hindi puwedeng gumamit ng internet. Ang maraming mga walang kuwenta ay hindi karapat-dapat sa isang kasagutan. Gayunman, magbibigay kami ng isa. Kung kami ay may website, kung ganoon ang mga kasapi ng Simbahan ay tumutulong sa amin at gumagamit ng internet para rito. At oo, gumagamit sila ng internet para sa lahat ng bagay na kinakailangan. Ang mga kasapi ng Palmaryanong Simbahan ay naninigarilyo at umiinom ng alkohol, subali’t ang Simbahan ay laging nagpapayo na dapat ito ay moderato. Isa pang bagay na madalas na itanong ng mga tao sa amin ay kung maaari pa silang makipag-usap sa mga hindi Palmaryanong mga kamag-anak kapag sila ay pumasok sa Palmaryanong Simbahan. Natural puwede.

  Para roon sa mga interesado sa Banal na Palmaryanong Simbahan, magiging napakakapaki-pakinabang na magsuskribe sa aming website. Sinusubukan naming magpadala ng mga notipikasyon sa emails nang medyo madalas tungkol sa bagong mga dokumento at mga videong idinagdag sa site. Lagi kaming may bagong mga publikasyon, tulad ng buwanang ulat sa website. Kailan lamang ay nagdagdag kami ng isang sulat mula sa Santo Papa na may mahalagang payo sa mga kabataan. Mayroon ding isang magandang bagong video ng mga Altar sa Basilika ng Ating Ina ng Palmar Koronada. Patuloy kaming nagsasalin ng isang malaking bilang ng mga dokumento sa ibang siyam na mga wika sa website na ito, na nakakapagalak nang labis sa Diyos. Salamat sa kahanga-hangang mga tagasalin na mayroon kami, napapabuti namin ang aming website nang mas magaling. Ang pagsalin sa Italyan ay sumusulong nang napakabilis salamat sa isang mapagbigay na Italyanong kaluluwa na nais makatulong sa pagpalaganap ng kaalaman tungkol sa Tunay na Simbahan sa buong Italya. Labis namin itong pinapahalagahan. Ang aming tagasalin sa Rusyan ay hindi nahuhuli, sa kanyang gawain na may ganoong dedikasyon at kalidad. Ganoon din ang tagasalin sa Pranses ay nararapat ng isang espesyal na pagkilala para sa kanyang malaking pagsisikap sa pagsulong ng mga pagsalin. Umaasa kami na magsimulang magsalin sa dagdag pang mga wika sa hindi malayong hinaharap.

  Naaalaala namin ang mga salita ng dakilang propetang San Elias: “Nag-aalab ako nang may sigasig para sa Panginoong Diyos ng mga Hukbo…”. Ang propetang San Elias ay ang Pundador ng Orden ng Carmelita. Sa mga araw na ito ay maliwanag naming masasabi na ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay nag-aalab nang may sigasig para ipagpatuloy ang gawain ng Banal na Propeta, na ang pagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos sa anumang halaga sa gitna ng kuraptong mundo. Kahit na ang demonyo o ang lahat ng masasamang mga tao sa mundo magkasama ay hindi mapipigilan ang banal na sigla ng Palmaryanong Simbahan na ipagpatuloy ang pagluwalhati sa Diyos, lalo na sa Banal na Pagsamba. Ito ang dakilang misyon ng Banal na Palmaryanong Simbahan: ang pagbigay ng pagpapatuloy sa Banal na Eukaristikong Tradisyon na lagi nang umiiral sa Tunay na Simbahan ni Kristo, na, bago ang 1978, ay ang Romano Katolikong Simbahan at simula sa petsang iyon ay naging ang Palmaryano Katolikong Simbahan. Panoorin ang mga video ng mga Banal na Pagsamba sa Palmaryanong Simbahan at obserbahan ang solemnidad at kabanalan na kung saan ang Eukaristikong Pagsambang ito ay ipinagdiriwang. Kahit sa ngayon ay hindi kami makapagsagawa ng lahat ng Eukaristikong Pagsamba tulad ng dati dahil sa global na pandemic at ang mga regulasyon ng pampublikong kalusugan, ang prinsipal na parte ay patuloy at iyon ay ang pagdaos ng Banal na Sakripisyo ng Misa.

  Kahit na ang Banal na Palmaryanong Misa ay maikli lamang ang itinatagal, sa makasaysayang sandaling ito sa panahon ito ang pinakaperpekto. Ngayon kami ay nagdadaos ng maraming Banal na mga Misa sa bawa’t turno. Dahil kaunti lamang ang mga Pari na maaaring balidong makapagdaos ng Banal na Sakripisyo ng Misa dahil sa pag-apostata ng romanong simbahan, higit na kinakailangang isang malaking bilang ng Banal na mga Misa ang maidaos. Ang Palmaryanong Misa ay naglalaman ng lahat ng esensiyal, at ang Misa na pinakapareho doon sa idinaos ng Ating Panginoong Hesukristo sa Huling Hapunan. Ang mga hangal ay pinupuna ang Banal na Palmaryanong Misa dahil ayaw nilang ibaba ang kanilang mga sarili at makita na, dahil sa pag-apostata ng romanong simbahan, pinili ng Diyos ang Sagradong Lugar ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya bilang Pamunuan ng Katolikong Simbahan.