IKA-26 NA ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN – Iglesia Catolica Palmariana

IKA-26 NA ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Ang website na ito ay may espesyal na importanteng misyon. Isa sa parte ng layunin nito ay para bigyan ang mga tao ng oportunidad upang makabasa ng impormasyong maaasahan. Kahi’t na ang radyo at telebisyon at iba pa ay nag-uulat ng mga balitang makatutulong para maunawaan ang isang sitwasyon, gayon pa man kung pagdating sa pagbigay ng impormasyon tungkol sa Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan, ay lagi nang parang ginugulo nila ang impormasyon. Ang ibang bahagi ay totoo, subali’t maraming ibang mga bahagi ng impormasyon ay malayong malayo sa katotohanan.

Dahil sa kailan lang na pagsiklab ng COVID-19 sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, maraming mga publisidad ang muling ibinigay sa Palmaryanong Simbahan. Nagkaroon ng maraming mga programa sa telebisyon, mga pagbabalita sa radyo, sa internet at iba pa. Ang lahat ng mga publisidad na ito ay lumilikha ng interes sa Palmaryanong Simbahan, at nakakita kami ng katakut-takot na dami ng mga tao ang pinag-aaralan ang aming website kailan lamang, lalo na sa Espanya. Sana ang lahat ng mga bumisitang ito ay may natutuhang importanteng bagay tungkol sa Tunay na Katolikong Simbahan sa oras na ginugol nila sa pagbrowse sa website. Ang Diyos sa Kanyang walang hanggang karunungan ay alam kung paano gawin ang pinakamagaling mula sa pinakamasamang mga sitwasyon . Kalooban ng Diyos na ang mga tao ay bumisita sa aming website at basahin ang mga Mensahe mula sa Langit sa mga Aparisyon sa El Palmar de Troya. Nais ng Diyos na ang mga tao ay magbasa ng Palmaryanong Doktrina na napakayaman at mahalaga para sa kaluluwa.

Ang mga kaaway ng Palmaryanong Simbahan ay magagalak sa aming hindi pa natatagalang sitwasyon, subali’t ang matibay na Kamay ng Diyos ay sisiguruhin na ang Kanyang Banal na Simbahan ay makikinabang ng malaki buhat sa kamakailan lamang na mga paghihirap nito. Ang mga paghihirap ng Ating Panginoon, kaisa roon sa Kanyang Pinakabanal na Ina ang Banal na Birheng Maria, ay binuksan ang Langit para sa amin. Ngayon ang mga paghihirap ng mga kasapi ng Palmaryanong Simbahan, lalo na ng mga Obispo, ay magbubunga ng masaganang bunga. Maaaring magdala pa ito ng importanteng mga kaganapan bilang resulta ng mga paghihirap na ito.

Nais naming gamitin ang ulat na ito bilang isang oportunidad para pasalamatan higit sa lahat ang lahat ng mga tumulong sa amin sa anumang paraan sa panahon ng krisis na nagkaroon kami tungkol sa COVID-19, lalo na ang pangkat ng mga doktor at mga narses na itinalaga sa amin ng Social Security of Spain. Kami ay lubos na nagpapasalamat din sa mga ospital na nangalaga sa mga may sakit. Isang Obispo na nasa intensive care sa Virgen del Rocio Hospital ay nagsabi tungkol sa napakalaking dedikasyon at perpeksiyon noong mga nagtatrabaho sa parteng iyon ng ospital.

Sa malaking bilang ng mga Espanyol na mga bumista sa website kamakailan lang, ang Espanyol ay nagsasara sa puwang sa pagitan nito at ng Mexico na nasa pangatlong puwesto. Ang bukod-tanging interes mula sa Dominican Republic ay nagsulong ng bansang iyon sa ikalabingisang puwesto. Patuloy naming titingnan ang mga lungsod na mas madalas sa aming Website: Una ay ang Buenos Aires, pangalawa ay Lagos, pangatlo ay Mexico City, ang Madrid ay umakyat sa pangapat na puwesto, panlima ay Cordoba (Argentina), panganim ay San Pablo, pampito ay Bogota, pangwalo ay Quezon City, pansiyam ay Sevilla at pansampu ay Rio de Janeiro.

Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansang may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website:

1.Argentina11.Dominican Republic21.Pransya
2.Brasil12.Alemanya22.Ivory Coast
3.Mexico13.Congo-Kinshasa23.United Kingdom
4.Espanya14.Chile24.Italya
5.India15.Cameroon25.Venezuela
6.Pilipinas16.Nicaragua26.Rusya
7.Colombia17.Kenya27.Paraguay
8.Peru18.Ecuador28.Guatemala
9.USA19.Poland29El Salvador
10.Nigeria20.Ukraine30.Honduras

Sa Banal na Palmaryanong Simbahan, ang buwan ng Pebrero ay dedikado sa Banal na Mukha ng Ating Banal na Panginoong Hesukristo. Ang ika-2 ng Pebrero ay isang Banal na Araw at ang Prinsipal na Pista ng Banal na Mukha. Sa mga Aparisyon buhat sa Langit ng El Palmar de Troya, malaking importansiya ang ibinigay sa pagpapalaganap ng debosyon sa Banal na Mukha ni Hesus. Noong ika-23 ng Setyembre 1970, sa Sagradong Lugar ng Lentisko sa El Palmar de Troya, si San Pio ng Pietrelcina ay nagpakita kay Clemente Domínguez, at ibinigay sa kanya ang sumusunod na Mensahe: “Aking anak Ako ay tunay na nagmamahal sa Banal na Mukha ng Ating Panginoong Hesukristo. Ang dakilang mga deboto ng Banal na Mukha ay may hindi mapantayang kaluwalhatian. Sila ay mas malapit kay Hesus sa pagmasid sa Kanyang Maluwalhating Mukha. Ang lahat ng tunay na mga deboto ng Banal na Mukha ay makatatanggap ng sobra-sobrang mga grasya para makatamo ng kabanalan; na kanilang makukuha na laging kaisa sa Krus ng Banal na Maestro; walang kabanalan na walang Krus. Dapat silang ipako kasama ni Kristo, at sumamo sa Ina ng Diyos na ipagdasal nang walang humpay ang lahat.

Iyong mga nagpapalaganap ng debosyon sa Banal na Mukha ay babayaran sa Inang-bayan sa Langit, at gayundin sa tinubuang bayan sa lupa, sa natatanging paraan. Aking anak: gayahin ang dakilang mga nagsasamba sa Banal na Mukha, at higit sa lahat, si Teresa ng Batang Hesus at ng Banal na Mukha, siya na nagmahal sa Banal na Mukha higit sa lahat. Kung kaya siya ay umuukupa ng isang nakatataas na lugar sa tabi ni Hesus.”

Ang buwan ng Marso na malapit na, ang buwan na napakaespesyal na itinalaga ng Simbahan kay San Jose. Ang mga Mensahe ng El Palmar ay tumutukoy sa pagmamahal at debosyon sa mga Santo at benerasyon sa kanilang mga Imahen, lalo na sa Maluwalhating Patriarka San Jose. Si San Jose ay hinding-hindi nagkakait sa sinumang nagtitiwala sa kanya. Sa pagtitiwala kay San Jose, tayo ay nakatatamo ng malaking kapayapaan dahil alam natin na ang mga alalahanin ay nakasisira sa ating kaligayahan sa buhay. Ang mga alalahanin ay nagiging sanhi ng mga karamdaman, tayo ay nakararamdam ng masama at nawawalan tayo ng interes sa pangangalaga sa ating mga tungkulin. Ang mga alalahanin ay ginagawa tayong abandonahin ang mga gawaing ispiritwal. Ang mga alalahanin ay nakapagdadala ng takot at ginagawang nerbiyoso ang mga tao. Alam nating ang kinabukasan ay wala sa ating mga kamay, at hindi natin alam kung ano ang kalalabasan ng mga bagay-bagay. Ang mga alalahanin, anuman ang mga iyon, ay nawawala kapag inilagay natin ang mga iyon sa mga kamay ni San Jose. Sa pagtitiwala nang lubos sa kanya, ang ating mga alalahanin ay natatapos, ang pagkalmante ay bumabalik at mananatili habang ang kaluluwa ay nagtitiwala sa dakilag protektor na ito.

Ang Diyos Ispiritu Santo ay ginagabayan ang mga kaluluwa na lumapit nang may tiwala kay San Jose. Pinag-aalab Niya sila nang may tiwala at ipinararamdam sa kanila ang panloob na siguridad na sa paglapit kay San Jose ang kanilang mga problema ay masosolusyunan. Ang misyon ni San Jose ay napakahalaga na kung hindi natin bibigyang pansin ang kanyang tulong o ipagwalang- bahala ang debosyon sa kanya, ay hindi magiging posible ang umakyat sa ispiritwal na hagdan at matamo ang mas malapt na pakikiisa sa Diyos. Kung wala ang Maluwalhating Santong ito, ang ating debosyon sa Banal na Birheng Maria ay laging hindi kumpleto. Hinding hindi tayo magkakaroon ng parehong pagmamahal para sa Banal na Ina ng Diyos tulad ng pagmamahal at pagtitiwala sa Kanyang Birhinal na Esposa. Alalahanin natin na si San Jose ang dakilang protektor ng Simbahan at ating protektor. Malalaman ninyo na, sa mga Palmaryanong mananampalataya, malaking mayoriya sa kanila ay napakadeboto kay San Jose. Sa Palmaryanong Aklatan sa aming website, ang Palmaryanong Aklat Dasalan ay naglalaman ng Holy Josephine Rosary, isang Rosaryo na dedikado espesyalmente kay San Jose. Ang pagdarasal kay San Jose ay ang unang hakbang sa pag-aral para makilala at mahalin siya, na magreresulta sa kaalaman na magtiwala nang lubos sa dakilang Santo na ito.