Kami ay nasa ikatlong taon na ngayon ng espesyal na website na ito. Tinawag namin itong espesyal dahil ito ay nagbubukas sa mata sa napakaraming mga kaluluwang nag-akalang ang tradisyonal na mga debosyon ng Katolikong Simbahan ay nawala na sa mukha ng mundo. Ang solidong Katolikong Doktrinang ipinakita sa aming website ay nakapagpapagalak doon sa may mababang loob at nadismaya sa lahat ng mga teoryang ipinakita ng romanong simbahan, na sa pangkalahatan ay mga modernong progresistang mga ideya – ang lahat ay malayo sa tradisyonal na Katolikong Doktrina. Umaasa kami na ang bagong taon na ito ay magdadala ng milyong mga pagbisita sa “website ng Langit”. Isang milyon man lamang ang makakikita ng Doktrina ng Tunay na Simbahan ni Hesukristo. Isang milyon man lamang ang makapagsasabi sa iba pang milyones na natagpuan nila ang Yaman ng Banal na Grasya, ang Tunay na Katolikong Pananampalataya sa lahat ng panahon. Ang pagpapatuloy ng Katolikong Simbahan na ipinundar ni Hesukristo sa Kalbaryo.
Kailan lamang kami ay nakatatanggap ng maraming mga pagbisita sa website buhat sa Dominican Republic. Ang bansang ito ay umabot na sa bilang na 20 sa talaan ng mga bansang may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa website. Ang Peru at Chile ay gumagawa rin ng magandang pag-angat. Sa panahong ito ay magkakaroon kami ng sandaling pagtingin sa mga lungsod na may pinakamataas na mga bilang: Una ang Buenos Aires, pangalawa ay Lagos, pangatlo ay Mexico City, pang-apat ay Cordoba, panglima ay San Pablo, pang-anim ay Madrid, pampito ay Bogota, pangwalo ay Quezon City, pangsiyam ay Seville at pangsampu ay Rio de Janeiro.
Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansang may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website:
1. | Argentina | 11. | Alemanya | 21. | United Kingdom |
2. | Brazil | 12. | Congo – Kinshasa | 22. | Italya |
3. | Mehiko | 13. | Chile | 23. | Ecuador |
4. | Espanya | 14. | Cameroon | 24. | Ukraine |
5. | India | 15. | Kenya | 25. | Rusya |
6. | Pilipinas | 16. | Poland | 26. | Paraguay |
7. | Colombia | 17. | Nicaragua | 27. | Venezuela |
8. | Peru | 18. | Ivory Coast | 28. | Guatemala |
9. | USA | 19. | Pransya | 29 | El Salvador |
10. | Nigeria | 20. | Dominican Republic | 30. | Irlanda |
Araw-araw ay sumusulat sa amin ang mga tao buhat sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Ang iba ay makaraang sundan kami sa ilang taon, subali’t higit sa lahat iyong mga nanonood ng aming mga video sa You Tube at bumibisita sa aming website sa loob ng nakalipas na dalawang taon. Matagal na panahon para sa iba para makipag-ugnayan sa amin. Ang iba ay mabagal bago makipag-ugnayan sa amin dahil hindi nila natagpuan ang aming kontak email o ang aming Facebook pages. Naobserbahan namin ang malaking bilang ng mga bumalik na pagbisita sa website araw-araw. Sa ngayon halos 16% sa aming mga bisita araw-araw ay mga taong dati nang bumisita. Ang Eukaristikong mga solemnedad at Marianong mga debosyon na labis na nangunguna sa Palmaryano Katolikong Simbahan ay nakakukuha ng maraming bilang. Ang prinsipal na Palmaryanong debosyon na para sa Banal na Mukha ng Ating Banal na Panginoong Hesukristo ay nakaaakit din ng malaking bilang. Kahit na ang mga tao sa pangkalahatan ay mabagal sa pagpapahayag sa publiko ng kanilang Pananampalataya sa Banal na Palmaryanong Simbahan, gayunman ang Pinakabanal na Birheng Maria ay labis ang pagnais na tulungan iyong mga bumabaling sa Kanya para mawala ang kanilang mga takot. Ang Ating Mabining Ina ay Tulong ng mga Kristiyano. Siya ang Ina ng Simbahan. Pinangangalagaan Niya ito at ginagabayan ang Kanyang matapat na mga anak para matagpuan ang Palmaryano Katolikong Simbahan. Wala Siyang interes sa ibang mga simbahan. Tanging ang Isang patuloy na nagtuturo kung ano ang laging tradisyonal na itinuturo ng Simbahan. Maliban sa tradisyonal na mga turo na napakaimportante sa Banal na Ina ng Diyos, ang Palmaryanong Simbahan ay dati nang lubos na pinagyaman ng Katolikong Doktrina mula sa Banal na Palmaryanong mga Konseho.
Partikular na mahalaga na sagutin ang panawagan ng Banal na Maria upang maging bahagi ng Palmaryano Katolikong Simbahan. Napakalaking prebilihiyo ang malaman ang paglipat ng Pamunuan ni San Pedro mula sa Roma tungo sa El Palmar de Troya. Ang espesyal na grasya upang maunawaan ito ay kinakailangang bigyan ng katugunan. Para maging isang tunay na tagasunod ni Hesukristo ay kinakailangan mong sumunod sa tunay na Papa, ngayon ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III. Kung sa anumang dahilan ang tao ay napakabatugan o labis na natatakot na sundin ang kanyang pagkaunawa, kung gayon ang Reyna ng mga Anghel sa halip ay pipili ng iba at gagawin silang Kanyang mga Apostol.
Kung ating susulyapang muli ang malaking mga paghahanda na ginawa ng Langit upang dalhin ang Pamunuan ng Tunay na Simbahan sa El Palmar de Troya, malinaw na ang Langit sa ngayon ay ginagamit ang website na ito upang ihanda ang isang malaki at mahalaga sa hinaharap. Sa kasalukyang sandali ang Langit ay ipinakikita sa mundo na ang Apostolikong Pamunuan ng El Palmar de Troya ay ang Pamunuan ng Tunay na Simbahan ni Hesukristo. Kahit na hindi gaanong malaking apostolado ang nagagawa ngayon ng Simbahan sa internet, ay sapat na ito sa malaking bilang ng mga tao na malaman ang tungkol sa Tunay na Simbahan ni Hesus na ngayon ay nasa desyerto. Mahalagang alalahanin kung ano ang nakasulat sa Apokalipsis: “Ang dragon ay nagpasiyang usigin nang labis ang Babae na dinadala ang batang lalake. Subali’t dalawang mga pakpak ng isang malaking agila ang ibinigay sa Babae upang siya ay makalipad patungo sa desyerto, sa lugar na inihanda ng Diyos para sa kanya na kung saan siya ay itinago pansamantala, dalawang panahon at kalahati ng isang panahon, buhat sa presensiya ng infernal na demonyo.” Sa sipi na ito ay malalim na inilalarawan ang paglipat ng Katedra ng Simbahan mula sa Roma patungo sa El Palmar de Troya ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila. Ang paglipat na ito ay naganap sa paglalakbay na kanyang ginawa sa pamamagitan ng eroplano noong ika-9 ng Agosto 1978 mula sa Santa Fe de Bogota patungo sa El Palmar de Troya, Sevilla, Espanya.
May mga pagkakataon na kami ay hinihingian ng mga komentaryo sa mga video na gawa ng mga baliw at ignoranteng mga tao laban sa Palmaryanong Simbahan. Dahil sa katotohanang ang mga gumawa ng mga iyon ay mga baliw at ignorante, makatuwiran lamang na hindi nararapat bigyan ng anumang importansiya ang mga video na ito. Kung paniniwalaan mo ang kabaliktaran ng mga sinasabi nila, ay nakasisiguro kang malapit ka na sa katotohanan. Alalahaning ang demonyo ay ang ama ng mga kasinungalingan at inuudyukan niya ang marami para maghangad ng katanyagan at pera sa pagsira sa Simbahan. Si Satanas ay nasusuklam sa Simbahan, at partikular ay nasusuklam siya sa Pinakabanal na Birheng Maria at sa lahat ng mga nagsisilbi sa Kanya nang matapat. Iyong mga pinili na ialay ang kanilang mga buhay sa Banal na Maria ay laging nakatatanggap ng isang malaking gantimpala sa buhay na ito at sa susunod.